Homepage/The Unexpected Love/
Chapter 27
SAMANTHA POV
We are packing our things right now, sapat lang sa ilang araw na pananatili namin sa Hongkong.
Hindi na ako nagdala ng madami kasi magsho-shopping din daw naman kami doon.
At binigay pala ni Mommy yung black at gold card na gagamitin namin sa Hongkong, in-short ay we can buy all we want.
At yun pa ang mas ikinatuwa ng pinsan ko na adik sa shopping.
I'm planning to buy pasalubong to Mama Grace, Papa Franco and Grayson, pati nadin pala sa girlfriend ni Gray na si Amelia.
Mamayang gabi pa naman yung alis namin sabi ni Daddy.
Siya kasi yung nagprepare ng private plane na sasakyan namin, pati nadin yung tutuloyan namin na Hotel doon.
"I'm so excited," tili ni Bri.
"Ako din po Ate Bri, sa wakas makakapunta nadin po ako sa Disneyland, yung dating pangarap ko lang, pero ngayon matutupad ko na," Gerly said, napangiti naman ako.
"Next time sa ibang county naman tayo, kapag meron ulit tayong free time," I said.
"Talaga po Ate?"
"Yes Gerly, ipapasundo nalang ulit kita sa inyo kapag okay na ang lahat, Basta mag-aral kalang ng mabuti doon."
"Oo naman po Ate, ako pa ba? Aral lang naman talaga ang ginagawa ko dati pa, saka focus naman po ako lagi sa goal na yun."
"I know, that's why kapag naka-graduate kana, I will give you a gift."
"2 year's pa naman yun Ate, pero excited parin po ako."
"Ako din Gerly, iriregalo ko sayo si Bobby sa graduation mo hehehe, babalotin ko siya ng gift wrapper"
I'm holding my laugh sa kalukohan ni Bri. Sobrang pula nanaman kasi ng mukha ni Gerly.
"Ate Bri naman."
"Sus! wag kana mahiya sa amin Gerly, kami lang naman to, saka kong ikaw lang naman yung magiging future sister in law ko, botong-boto na ako sayo."
Binatokan ko bigla si Bri.
"Si Bobby ka ba?"
Nag peace sign naman ito sa akin.
"Hindi nga, pero boto ako sa kanya hahaha," napa-iling nalang ako.
Maya-maya ay meron kumatok sa pinto, binuksan naman agad yun ni Gerly kasi siya yung malapit doon.
And it was Bobby, panangiti pa ito ng makita si Gerly na siyang nagbukas ng pinto sa kanya.
Nagpaghahalataan talaga.
Meron itong bitbit na pagkain, kuminang naman agad yung mata ko.
"Hi brother, namiss mo ba agad ang pinakamaganda mong Ate?" Bri said, pinitik ko naman ito sa noo.
"Wag feeling Ate, hindi ka po maganda," Bobby said, kaya natawa ako.
"Kong panget ako, edi panget ka din, Gerly kapag nanligaw yan sayo, wag na wag mong sasagotin agad," I saw Gerly agree to what Bri's said, nanlaki naman yung mata ni Bobby.
"Wag ka maniwala sa sinabi ni Ate tsk," sabi nito kay Gerly.
"Bobby pakilagay naman ng pagkain na dala mo dito sa table," I said, agad naman itong sumunod sa utos ko.
"Meron pa po doon kay Kuya Greg, papunta nadin po siya dito," Bobby said.
Ow em geee! I love foods talaga.
Nauna na akong kumain sa kanila, sumunod nadin si Bri at Gerly.
Maya-maya ay pumasok nadin si Greg na mas madami pang dala na pagkain.
"Alam kong matakaw ka, kaya dinamihan ko na yung dinala ko dito," he said to me.
"Thank's, I love food more than anything else," I said.
"But soon you will love me more than that foods you eat," he confidently said.
"In your dreams Doc."
"You bet?"
"Whatever."
Naupo ito sa tabi ko, at nilagyan din niya ng pagkain na dala niya yung plato ko.
Nagiging sweet nanaman ito sa akin.
"Sasama pala sa atin si Melvin, nag leave siya sa trabaho for 3 day's, at na approved naman daw agad, thanks to your Mom," Greg said.
Yes! Major share holder kasi si Mommy sa hospital kong saan nagta-trabaho si Melvin, kaya isang tawag lang niya sa opisina ay ma a-approved agad yung request niya.
"That's good to hear Kuya, atleast hindi na magiging loner si Ate sa trip natin hahaha," Bobby said.
"Shut up Bobby."
"Knock knock, pwede pumasok?" it's Melvin voice.
"Paki-bukas nga Ate Bri hahaha," I think Bobby is teasing her sister.
"You do it, I'm busy."
"Dali na Ate, wag mo na pag-antayin si Kuya Melvin sa labas," Bobby said.
I saw Bri is glaring to Bobby, at padabog itong tumayo para pagbuksan si Melvin.
Natawa nalang ako, she's funny though.
"Hello guys, makikitambay nadin ako dito, and I bought pizza and donuts," Melvin said.
Ow! More foods.
"Yung laway mo tutulo na," Greg tease me.
"Kumain ka din kaya," sabi ko, sabay subo sa kanya nong pasta, na hindi rin niya tinanggihan.
"Your so sweet Baby," I rolled my eyes on him.
Ang feeling talaga niya kahit kailan.
"Tss."
VANCE POV
Kakatapos lang ng meeting namin dito sa Italy, papalabas na kami ng restaurant when I saw Alex.
He looked problematic and stress. I tap his arm.
"Is there anything wrong?"
"Bro. I have a problem," like what I thought.
"Spell it."
"Sa Hotel room nalang natin Bro. I want to drink too."
"Okay, I will order foods and liquor then."
"Thanks Bro."
While we are walking to the lobby, ilang beses ko siyang narinig na napapabuntong hininga, mukhang malaki nga talaga yung problema niya.
Pagdating namin sa Hotel room, agad na akong nagbihis.
Pagdating ng inorder ko ay tinungga agad ni Alex yung alak.
"Bro. I made a big mistake," he said.
Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"At pinagsisihan ko yun," he is sobbing right now.
"Who called you last night?" I asked.
Simula kasi ng maka-usap niya yung tumawag sa kanya kagabi, he started acting strange.
"I.... naka-buntis ako Bro," muntik ko ng mahulog yung basong hawak ko sa sobrang gulat.
"With who?"
"Remember Shane? The girl I saw in the club, may nangyari sa amin ng gabing din yun, masyado akong nadala Bro."
"How about Bri? You didn't think twice before you bed those girl? Hindi mo naisip na meron kanang girlfriend."
"I know Bro, I know, and that's the stupidest thing I ever made, I really regret it."
"Pati ibang girl's magagalit sayo kapag nalaman nila ito Bro, that's for sure."
"I know, what should I do then?" Napabuntong hininga nalang ako.
"I won't tolerate this but you need to tell Bri about this sooner, before someone else will do it for you, at aminin mo din yun sa buong barkada," napasabunot ito sa ulo niya.
"Ayoko siyang saktan Bro, I will break her heart for good, and..and I don't want to see her in that state."
"But you need to tell her, alam kong mahirap Bro, pero wala ka nang magagawa, karapatan niyang malaman yun."
"I know."
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang umiiyak.
Kahit kaibigan ko siya, parang gusto ko din siyang bugbogin sa ginawa niya kay Brittany.
For sure yong ibang kaibigan namin na lalaki ay makakatikim siya ng bugbog.
Sa sobrang tagal na nila pero nakuha padin niyang mag cheat.
"I won't punch you right now Alex, pero paghandaan mo nalang yung iba kapag nalaman nila ito."
"I will accept it cause I deserve it."
"Pati sila Tito at Tita, at yung kapatid mo na babae, paghandaan mo din ang galit nila."
"I know, I'm planning to talk to Shane na ipalaglag nalang yung bata," nagpipigil ako na suntokin siya sa sinabi niya.
"That is not a solution Bro. do you think magugustohan ni Bri yung gagawin mo sa sarili mong anak? Isang kasalan lang ang ginawa mo Bro. bakit dadagdagan mo pa? Masasapak na kita kapag ginawa mo yun sa sariling anak mo."
"I'm sorry, I'm really sorry, I can't think right this time."
He continue sobbing while drinking, at mukhang lasing na nga ito, wala na kasi sa tamang pag-iisip.
"Bukas na bukas uuwi na tayo sa Pilipinas, sabihan mo na agad sila Tito at Tita, aminin mo na sa kanila."
"Mapapatay ako ni Dad, sinabihan ko pa naman sila na pagbalik ni Bri ng Pinas, I will propose to her, but it won't happen anymore."
Bigla akong napahilot sa ulo ko, sumakit nalang kasi ito bigla.
I can't imagine kong ano ang gagawin ni Sam kapag nalaman niya ito.
Pati tuloy ako na mo-mroblema sa ginawa ng isang to.
Maya-maya ay nakita ko na umiilaw ang phone nito sa taas ng mesa, and I saw Brittany's name.
Sinagot naman niya ito.
"H-hello babe?"
"Hi Babe, how are you? I'm worried, you haven't replied ti my chat last night, so I called you, I hope I didn't disturb you right now," nakita ko na mas lalo pa itong naiyak.
"I'm fine babe, don't worry about me, we are a little busy, kaya hindi ko napansin yung tawag mo, I'm sorry babe, I'm really sorry, I hope someday you will understand and forgive me," napakamot nalang ako sa kilay ko, lasing na talaga ito.
"What are you talking about babe? Of course I understand you, you're busy, and you have a lot of things you need to do first," Bri said.
"I'm sorry Babe, I'm sorry," paulit-ulit niyang sinasabi kay Bri, kaya kinuha ko nalang yung phone niya.
"Hi Bri, it's me Vance."
"Oh hi Vance, may problema ba si Alex?" Napatingin nalang ako.
"We are drinking, and his drunk, pero andito lang naman kami sa Hotel room namin, tomorrow we will fly back to Philippines."
"Ah kaya pala, paki-asikaso nalang sa kanya Vance, sorry at wala ako ngayon diyan sa tabi niya."
"It's okay Bri, I can handle him, by the way, naka-alis na ba kayo?" Iniba ko nalang yung usapan, baka kasi magtanong pa ito ng kong ano-ano.
"Mamayang gabi pa naman."
"How is she?"
"Si Coz ba? Ito kumakain padin Mula kanina hahaha, takaw nga eh."
"Shut up Bri," rinig ko na sigaw nito kaya napangiti nalang ako.
Namiss ko tuloy siyang makita.
"Sige tatawag nalang ako ulit Vance salamat."
"You're welcome, take care."
Binaba ko na yung phone niya sa tabi niya, tulog na pala ito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow ang ganda nang story nakakakilig
30/08/2022
3sobra ganda
14/05/2025
0Juan
06/01/2025
1Tingnan Lahat