Homepage/The Unexpected Love/
Chapter 21
BRITTANY POV
Naisapan ko na ipasyal ngayong araw si Gerly, saka utos din yun ni Tita sa akin, para ma experience naman niya yung mga nangyayari sa US sa araw-araw.
Meron din pinasama na bodyguard sa amin si Tita, syempre for our safety.
"Ate punta tayo doon, mukhang masarap ang mga pagkain nila hehe," ang cute talaga ng batang ito.
"Tara," at binigyan din pala kami ni Tita ng pang-shopping, kaya tuwang-tuwa si Gerly, wala daw kasi siyang pera na dala.
Pero kahit hindi naman nagbigay si Tita ay e lilibre ko parin si Gerly.
Na aaliw talaga ako sa batang ito, laging tiklop ang pagiging madaldal ko kapag kausap ko siya eh.
"Punta na agad tayo sa Mall after this, para makapag shopping na tayo agad, madami din akong gustong bilhin dito na i-uuwi sa Pilipinas."
"Sige po Ate."
Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami ng Mall, in every shop na nadadaanan namin ay hinihila ko siya para pumasok at bumili.
Pinapasukat ko din sa kanya yung mga gusto kong suotin niya.
"Ate Bri, andami na po itong binibili niyo sa akin, sobra-sobra na po ito, saka baka magalit si Kuya sa akin nito," ginulo ko naman yung buhok niya.
"Don't worry, ako ang bahala sayo, at sasabihan ko si Doc. na wag kang papagalitan, saka si Tita naman ang may idea nito, sumusunod lang tayo sa utos diba?" At sabay pa kaming natawa na dalawa.
"Love na kita Ate hahaha," natuwa naman ako sa sinabi niya. "Ate magkwento ka nga po ng tungkol kay Ate Annie," napangiti naman ako ng maalala ko yung mga pinaggagawa ko sa pinsan ko.
"Alam mo ba na sobrang asar yun sa akin noon pa? Bakit? Kasi naiinis yun sa maiingay at madaldal, gusto kasi non tahimik lang, mahilig din yun magbasa, at ako naman, bilang isang napakabait na pinsan, lagi ko siyang sinusundan kahit saan siya magpunta kapag nagbabakasyon kami dito sa kanila."
"Buti nalang pala hindi siya naiinis sa akin dati, nakikinig lang siya sa mga kwento ko sa kanya."
"At yun nga yung ipinagbago niya pagbalik niya, saka alam mo ba na ayaw non makihalubilo sa ibang tao? At hindi rin yun kumikibo kapag hindi mo kinakausap," patuloy na kwento ko.
"Kaya pala po noong unang mga araw na gumaling na po si Ate, ayaw niya po talaga lumabas ng bahay, pero ako naman ay dakilang mapilit, kaya ayon lahat ng tao sa aming barangay ay kilala na niya at ka-close nadin po."
"Pero tignan nalang natin kong ano yung magiging reaction niya kapag nagising na siya."
"Oo nga Ate, sana po hindi po siya mainis sa akin," inakbayan ko siya.
"Hindi yan Sissy, tara na, uwi na tayo, maggagabi nadin kasi."
"Tinawagan ko yung driver nila Tita na gusto na namin umuwi, saka mag-aantay nalang kami sa may entrance ng Mall.
"Napagod ako sa kakalakad natin Ate, ganito pala kasaya magshopping dito sa US."
"Mas maganda din mag shopping sa Hongkong at Paris, Thailand at Korea, soon kapag meron ulit akong pagkakata-on, isasama kita doon."
"Talaga po Ate?"
"Oo naman no, kahit si Sam nga siguro ay isasama ka pa non sa kahit saang sulok ng Mundo."
Pagkarating namin sa bahay nila Sam ay dumiritso na kami sa kwarto nito, hindi rin kasi namin nakita si Tita sa baba, ang iingay pa naming dalawa habang naglalakad, nagkukulitan kami hanggang sa loob ng kwarto ni Sam, panay tawa naming dalawa.
"Ang ingay," napatigil kami sa kakatawa ng marinig ko yung boses na yun, napalingon kami ni Gerly sa kama ni Sam, at nanlaki ang mga mata namin ni Gerly ng makita namin siya na nakadilat na, nabitawan nalang namin yung mga hawak namin sabay takbo sa kama.
"Coz.../ Ate Annie....." sabay na sigaw namin ni Gerly.
"I said maingay," sabi ulit nito, pero dinamba na namin siya ng yakap.
Sabay din kaming naiyak ni Gerly.
"Ate Annie, namiss po kita, salamat po at gumising kana huhuhu."
"Oo nga Sam, hindi ka ba nagsasawa kakahiga diyan? Hindi ka si sleeping beauty para matulog ng matagal, wala pang Prinsepi na hahalik sa'iyo huhuhu."
Napakamot ako sa ulo ko ng binatukan niya ako.
"OA kana masyado Brittany."
"Totoo naman kasi huhuhu mashakit yun ugh."
"Tumigil na kayo, nagugutom na ako, nasan si Mommy?" Tanong nito.
"Teka at tatawagan ko.
GERLY POV
Natutuwa ako na nagising na si Ate Annie, sobrang natutuwa ang puso ko ngayon.
"Gerly, ikaw lang ba mag-isa ang pumunta dito?" Tanong sa akin ni Ate.
"Kasama ko po si Kuya Greg," sagot ko dito habang nakayakap padin sa kanya, sinusuklay naman niya yung buhok ko gamit yung daliri nito.
Biglang bumukas yung pinto at nakita ko na nagmamadaling pumasok sila Kuya Greg, Tita at Bobby.
"Anak, thank God that your awake now," sabi ni Tita habang umiiyak.
"Ang ingay po kasi ng dalawang ito kaya nagising po ako bigla," sagot ni Ate, natawa lang si Tita sa sinagot ni Ate.
"Kaya nga pinapunta ko din sila dito, para magising kana Anak ko, at salamat naman sa kanilang dalawa."
"By the way Gerly, narinig ko na inubos niyo ni Brittany yung mangga na pinadala sa akin ni Papa Franco! Tama ba?"
Nagtinginan kami ni Ate Bri na dalawa at sabay tawa ng malakas.
"Hindi po Ate, si Kuya po yun nagsabi hehe," sabi ko.
Tinignan naman ng masama ni Ate Annie si Kuya Greg.
"It's just a joke, para magising kana," reason ni Kuya.
"Mom I'm starving," at napa pout pa si Ate Annie, hala ang cute ni Ate.
"Okay okay, ipagluluto kita ng mga favorite foods mo, I will call your Dad too, I will tell him the good news, just rest for a while my Princess."
Lumabas na agad si Tita sa kwarto ni Ate Sam na nakangiti na at maaliwalas na yung mukha.
"I want to take a bath," sabi ni Ate Annie.
"Oo tama! Maligo kana at nag-aamoy panis na laway kana," sabi ni Kuya, nagpipigil naman kami ng tawa ni Ate Bri.
"Ah talaga ba Doc? Halika nga dito, at ipapaamoy ko sa'iyo ang sinasabi mo na amoy ng panis na laway," tumayo bigla si Ate Annie, pero muntik na itong matumba, pero dahil maagap si Kuya ay nasalo niya agad si Ate Annie at inalalayan maka-upo.
"Be careful tsk."
"Pwede na ba tanggalin to? I badly need to take a bath, please," Hala sobrang cute talaga ni Ate habang nag pa-puppy eyes kay Kuya Greg.
"I will, just stop doing that."
"Why? What am I doing?"
"Tsk."
Tinanggal na nga ni Kuya yung nakakabit na dextrose kay Ate Annie.
"Bri help me clean myself please."
Inalalayan namin ni Ate Bri si Ate Annie papunta ng banyo, saka na ako lumabas ng mai-ayos na namin si Ate sa loob.
"Gerly, andami niyo naman yatang pinamili ng Ate Brittany mo? Baka naman puro request mo yan?"
Ito na nga ang sinasabi ko, mapagalitan ako ni Kuya.
"I think it's my Ate's idea to bought those stuff Kuya, she's a shopping adik you know," kumabog naman bigla yung puso ko sa sinabi ni Bobby, pinagtanggol ba niya ako sa Kuya ko?
"At isa pa Kuya, sinabihan ko na si Ate kanina na wag na akong bilhan ng madami kasi magagalit ka po, pero siya po yung mapilit," reason ko naman.
"And she invite you to shop in another country if she have spare time again right?" Tanong ni Bobby sa akin, bakit alam niya yun?
Tumango ako sa tanong ni Bobby sa akin.
"Pupunta daw kami sa Hongkong, Paris, Korea at Thailand po para mag shopping."
"That's my Ate, nothing's new, buti nga at natatagalan siya ni Kuya Alex, she's the most annoying Ate ever, even Ate Sam is annoyed at her."
"Narinig ko yun Bobby, I'm still your Ate, and all you have to do is accept that this is me," kakalabas lang ni Ate Bri sa banyo, tapos na siguro maligo si Ate Annie.
"Why? Did I say anything about I will not accept you as my Ate? Even if you're the most annoying Ate in the world!" sagot ni Bobby kay Ate Bri.
"Aba't Ikaw na bata ka talaga."
"Wag mo ng patulan ang Ate mo Bobby, your just waisting your time, matagal ng annoying yan, kong pwede nga lang ipatapon yan sa ibang planeta, matagal ko na sanang ginawa," ay pak, looking fresh na ulit si Ate Annie, nakabihis nadin ito ng pantulog.
"Bumalik na ba yung alala mo Coz? You're starting to bully me."
"Yeah, I remember everything na," nanlaki naman yung mata ko, hala! Baka awayin din ako ni Ate, kasi maingay ako, huhu wag naman po sana.
"May problema ba Gerly? Namumutla ka yata?"
"Ate Bri?" Tawag ko kay Ate Bri.
"It's okay, kapag inaway ka ng Ate Annie mo, ipagtatanggol kita sa kanya," sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Ate Bri at niyakap siya.
"Bakit naman kita aawayin Gerly?" Takang tanong ni Ate Annie sa akin.
"K-kasi po maingay po ako?"
"And so? Bakit naman kita aawayin ng dahil doon?"
"Katulad po kay Ate Bri?"
"Of course I won't do that to you? You're my little sister right? And being a big sister, hindi kita papagalitan kong wala ka namang ginagawang masama, you're exception."
Napabuntong hininga naman ako. Salamat naman kong ganun.
"Ang unfair mo naman Coz hmmpp," nagtatampo yata si Ate Bri, nakasimangot na kasi ito ngayon.
"Let's go downstairs, nagugutom na talaga ako, mamaya kana mag drama Brittany," aya ni Ate Annie sa amin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow ang ganda nang story nakakakilig
30/08/2022
3sobra ganda
14/05/2025
0Juan
06/01/2025
1Tingnan Lahat