Chapter 7

Lisa
"Tara na Lisa gamutin na natin iyang sugat mo. Tignan mo nga at nag dugo na yang gilid ng labi mo sa lakas ng sampal niya sayo."nag aalalang sabi sa akin ni Jisso habang inaalalayan akong makatayo.Tulala lang akong  nagpahila nalang sa kanya.
Hanggang ngayon paulit ulit na nag pa play sa utak ko ang nangyari kanina.
Punong puno na ako. At pag nagsalita pa ako eh baka sumabog na itong nasa dibdib ko. Gusto ko muna mapag isa ngayon. Gusto kong sumigaw at ng kahit paano ay mabawasan ang bigat at sakit na dinadala ng dibdib ko ngayon.
"Jisso pwede bang iwan mo na muna ako. Gusto ko muna mapag isa." Pakiusap ko sa kanya.
May pag tatanggi man sa mukha nito na iwan ako ay wala naman itong magawa.
"Paki excuse nalang ako sa mga Prof natin. Need ko muna huminga, please lang wag mo na akong sundan pa." At sumakay na ako sa kotse ko, at nag drive na lang. Di ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
Wala akong ibang gusto kung hindi ang maka alis na agad sa lugar na ito. Kung saan makakalayo ako kay Jennie.
Basta nag drive lang ako ng nag drive. Buti na lang at walang masyadong sasakyan ngayon. Namalayan ko nalang na andito na ako sa tagaytay.
Agad akong bumaba ng aking kotse at tinanaw ang kagandahan ng kalikasan.
Gusto kong isigaw ang lahat ng hinanakit na kinikimkim ko sa kanya.
Gusto ko ng sumuko, pakawalan siya. Sobrang pagod na ako, tao din naman kasi ako na nakakaramdam din ng pagod at sakit.
Pangako Jennie mula sa araw na ito pinapakawalan na kita. Susundin ko ang gusto mo na huwag ka ng guluhin pa. Di na kita lalapitan pa, mula sa araw na ito isang kakilala nalang ang tingin ko sayo. 
At tuluyan ng pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang luha. Napa subsob na lang ako sa manubila ng aking kotse at doon ay umiyak na lang ng umiyak.
Ang tanga tanga ko. Dapat noon pa talaga ako tumigil eh. Sinabi na ngang wala ng pag asa ito pa rin naman kasi ako na umaasa pa sa kanya.
Pero siguro nga eh di talaga kami para sa isat-isa. Kaya mas maganda na tumigil na habang kahit kunti ay may natitira pa sa akin.
Jennie
Andito na kami ni Kai ngayon sa clinic. Di ko maiwasan na makaramdam ng guilt sa ginawa ko kay Lisa. Alam ko naman na mali din ako sa pag sampal sa kanya. Pero di ko kasi napigilan ang sarili ko eh.
Sumusobra na kasi siya. Lahat nalang gusto paki alaman. Tapos sinuntok niya pa si Kai, Kaya lalo nag init ang ulo ko.
Siguro naman madadala na yun ngayon at titigil na mangulit. Oh baka naman mag sumbong pa yon kila Dad.
Masyado kasing ma papel iyon eh. Kaya tuloy mas naiinis ako sa kanya. Sobra kung sumipsip kila Dad. Akala niya naman eh makukuha niya ako sa paganon ganon niya. Manigas siya.
Matapos magamot si Kai ay agad na akong nagpaalam sa kanya, may class pa kasi ako. Maaga lang kasi kami pinalabas kanina ng Prof namin.
Malapit na ako sa classroom ng makasalubong ko si Jisso.
Masama ang tingin niya sa akin. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Feeling naman niya matatakot ako sa kanya. Asan na kaya si asungot at bakit di nito kasama?
Hindi naman dahil sa may paki alam ako kay Lisa. Nag tataka lang ako at di sila mag kasama.
"Siguro naman magtatanda na yung kaibigan mo at titigilan niya na ang pang bwe bwesit sa akin." Ang sabi ko sa kanya.
"Yun nga ang matagal ko ng pinag darasal eh. Yung mauntog siya para matauhan na at malaman niya na wala namang kaibig ibig sayo para magustuhan ka niya." Nangaasar na sabi naman nito sa akin.
"Pero wag ka mag alala tingin ko naman eh napuno mo na ang salop." Galit na sabi nito sa akin.
"Pakisabihan nalang yang kaibigan mo na wag ng magpakita pa sa akin." Ang nasabi ko nalang sa kanya.
Agad na akong tumalikod at baka pati siya mapagbalingan ko ng inis ko.
Pagkaupo ko ay agad na akong dinaldal ni Rose.
"Ano yong nabalitaan ko na may suntukan at sampalan daw na naganap? Nag paalam lang ako mag si cr pag balik ko wala na kayo doon at may ganung pangyayari na nga raw na naganap."
Kweninto ko naman na sa kanya kung anong nangyari.
"Grabi ka naman doon sa tao. Syempre magagalit yon kahit paano. Ikaw ba naman itulak buti sana kung pareho kayong lalaki. Tapos sinampal mo pa. At di lang isang beses ha dalawa pa."
"Para naman di lalaki si Kai at pati babae pinapatulan." Nadidismayang sabi ni Rose sa akin.
"Tapos yung lalaki pa na yon ang dinala mo sa clinic. Tsaka pinag salitaan mo pa ng masasakit na salita. Walastik ka talaga bes."
Hanggang sa mag uwian eh yung mga sinabi ni Rose ang iniisip ko. Napa sobra na ba talaga ako kay Lisa?
Pero kasi ang kulit niya eh. Tama lang sa kanya yon para tumigil na siya ng tuluyan. Para matahimik na rin ako sa wakas. Sana nga mapuno na siya.
Pag dating sa bahay ay agad na akong humiga. Gusto ko ng mag pahinga muna at parang na drain ako sa mga nangyari kanina.
Mag si six na ng ako ay magising. Naka idlip pala ako ng mahigit isang oras.
Nag basa basa muna ako ng aking mga notes at alam nyo naman na. Ilang araw nalang exam na.
After makapag basa. Bumaba na ako para kumain. Wala pa rin sila Mom nag overtime nanaman siguro mga yon.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    if you want a unique story then it is the best story for you.

    12/07/2022

      0
  • avatar
    c******0@gmail.com

    This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️

    12/07/2022

      0
  • avatar
    Jamaica Crisostomo Lavina

    ang ganda

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata