Chapter 30

Lisa
After so many years ay nakarating na rin kami sa unit ko.
Agad niya akong hinila papasok sa loob at sinandal sa pader habang nanlilisik pa rin sa galit ang mga mata nito.
" Mag sabi ka ng totoo Lisa, may babae ka pa ba bukod sa akin?" Nagpupuyos pa rin sa galit na tanong nito sa akin.
"Hon saan mo ba nakukuha ang mga ganyang idea na yan? Bakit pa ako mambababae? ikaw lang naman ang Mahal ko. Alam mo naman na iyon diba noon pa. Kaya nga kita niligawan eh. Ano ako tanga na nasa akin kana papakawalan pa kita. Sobrang mahal kita para mag isip pa na mag luko  ako" Ang mahaba kong paliwanag dito na hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.
Napansin ko na medyo lumalambot na ang expression nito. Agad ko naman siya niyakap ng mahigpit.
Naramdaman ko na lang na medyo nanginginig siya. Nilayo ko siya ng bahagya sa akin para tignan ko ang kanyang mukha.
Umiiyak na pala ito, Kaya pala parang medyo basa na yung balikat ko.
Bigla akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. "Hon bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?" Ang nataranta ko pa ring tanong dito.
Panay naman ang pahid ko ng aking palad sa kanyang luha na di maampat ampat sa pagtulo.
"Hon sabihin mo sa akin, bakit ka umiiyak?" Ang di pa rin mapakali na sabi ko. Pinaka ayaw ko kasi na makita ay ang umiiyak ito. Mas ako kasi ang nasasaktan pag ganun.
"Ikaw kasi eh, pinapaiyak mo ako." naluluha pa rin niyang sabi sabay pout.
"Naiiyak ako kasi kahit ganito ang ugali ko eh Mahal mo pa rin ako. Natatakot lang naman ako na baka bigla ka na lang manawa sa akin. Na baka ipagpalit mo ako sa iba na mas nakakalamang ang mga katangian sa akin."
"Alam ko naman na ganda lang ang pwede kong ipanglaban sa iba eh. "
Ang dugtong pa nito.
"Hon ganyan na kita nakilala at minahal. Kaya hindi na ako nagtataka kung bigla ka na lang sinasaniban ng kamalditahan mo. Kasi isa din iyon sa mga minahal ko sa iyo. Hindi naman kita pwede mahalin na iyang kagandahan mo lang syempre dapat yung buong ikaw." Ang naluluha ko na ring sabi sa kanya, sabay yakap ulit dito ng mahigpit at halik sa kanyang noo.
"Hon bakit dyan lang sa noo mo ako kiss? Kiss mo rin ako sa lips ko ah." Na agad ko naman sinunod at hinalikan na nga siya. Mukhang na adik na ata sa lips ko ang honey ko ah.
Nang maghiwalay na ang labi namin au agad ko na siyang niyayang mag palit na kami ng damit. Mahirap na at baka hindi na ako makapag pigil ay magkabutasan kami ni Jennie ng wala sa oras.
Siguro darating din tayo doon pero hindi pa sa ngayon. Sobrang aga pa para mangyari yun. Siguro pwede na yun mamayang gabi.
Nang makapag palit na kami eh niyaya ko na siya sa living room.
"Hon nood ka lang muna dyan ha at magluluto lang ako saglit." Ang paalam ko sa kanya.
"Tulungan na kita magluto hon para mabilis lang tayo"  alok naman nito na syempre agad kong tinanggihan. Prinsesa ko kaya siya kaya dapat hindi siya mapagud.
"Ako na lang po para hindi kana mapagud pa, hmmm. Oh Kung gusto mo sama ka nalang sa kitchen at panoorin mo ako habang nag luluto" nakangiti kong suggestion sa kanya. Na agad naman niyang sinangayonan.
Pumunta na kami sa kitchen at pinaupo ko na siya at sinimulan ko ng magluto.
Agad ako nag salang ng bigas sa rice cooker.
" Ano gustong ulamin nag prinsesa ko?" Tanong ko sa kanya na siyang nagpangiti ulit dito.
"Ang lambing naman ng Asawa ko," nakangiti at may kasamang kindat na sabi nito." Gusto ko hon ng sinigang na baboy, miss ko na rin kasi kumain ng ganun eh. Medyo matagal na rin kasi nung huling nagluto ng ganun sila Manang. Ang nakangiti nitong sabi.
"Kung yan ang gusto ng asawa ko eh di yon ang lulutuin ko."
Agad ko naman hinanda ang aking mga gagamiting sangkap sa aking sinigang.
Napansin ko naman na kanina pa ako kinukuhanan ng picture at video ni Jennie.
Di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pag luluto.
Syempre habang nag luluto ako eh di ko naman maiwasang nakawan ng halik si Jennie na tinutugon din naman nito.
Sa wakas natapos na rin ako mag luto. Agad ko inayos ang lamesa at naghain na para makakain na kami ni Jennie. Mukhang gutom na kasi ang mahal ko. Kaya nga panay na ang halik sa akin. Kala siguro pagkain ako.
Habang kumakain kami ay napag usapan lang namin yung mga nangyaring mga ginawa kong panliligaw at panggugulo sa kanya.
Tawa lang kami ng tawang dalawa. Imagine kasi sa hinaba haba ng panliligaw ko sa kanya, eh kung kailan naman ako tumigil saka naman niya naramdaman na gusto na rin niya pala ako.
Pasalamat kamo siya at marupok ako. At di na nag inarte pa, nung nag confess siya sa akin.
Nang sabihin ko iyon sa kanya ay sinamaan niya lang ako ng tingin. Okay ako na ang under at matagal ko ng tanggap yun. Wala naman problem sa akin iyon basta sa kanya lang ako mag papa under.
"Biro lang syempre yun hon, alam mo naman hindi kita kayang tiisin. Ikaw kaya ang kahinaan ko." Ang nakangiti kong sabi dito sabay subo sa kanya ng pagkain para di na makaimik pa.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    if you want a unique story then it is the best story for you.

    12/07/2022

      0
  • avatar
    c******0@gmail.com

    This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️

    12/07/2022

      0
  • avatar
    Jamaica Crisostomo Lavina

    ang ganda

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata