Homepage/Nag-iisang Ikaw/
Chapter 27
Jennie
After namin mag lunch ni Lisa ay pumunta na agad ako sa classroom namin at balak kong doon nalang hintayin si Rose.
Balak ko na rin kasing sabihin dito ang tungkol sa amin ni Lisa. Baka kasi magtampo pa yon pag sa iba niya pa malaman.
Tsaka gusto ko na rin na ipaalam sa campus na girlfriend ko na si Lisa. Nang wala ng lalapit pa dito. Lalo pa ngayon na member na pala ito ng Volleyball players ng school.
Kung nalaman ko lang sana ng maaga na may balak pala itong mag tryouts eh di napigilan ko sana agad.
Mahirap kasi at ma exposed pa siya lalo hindi lang dito sa campus pati na rin sa ibang school.
Dami pa naman nagkakagusto doon. Kaya dapat maaga pa lang ay mabantayan ko na.
Kung hindi rin lang ako nahiya kay coach Ally. Malamang talaga ay pina back out ko na agad yon.
Nag hintay lang ako saglit ng matanawan ko sa labas ng room si Rose, kasama yung boyfriend niya.
Tumabi naman agad ito sa akin ng makaalis na yung boyfriend nito.
"Rose may sasabihin nga pala ako sa iyo. Alam ko na mabibigla ka sa malalaman mo."
"Kami na ni Lisa, Rose" Ang nakangiti kong sabi dito.
Di ko maiwasang matawa sa itsura nya. Mukha kasing tanga. Nakatulala at nakanganga pa. Sarap pasakan ang bibig.
Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. Grabi talaga ang reaction nito.
Nang makabawi na ito sa pagkabigla ay bigla na lang ako nitong sinabunutan.
"Grabi ka naman Jennie kung maka pang good time eh. Bakit sa tingin mo ba mapapaniwala mo ako sa mga sinabi mo? Utot mo." Ang nakasimangot nitong sabi
Di naman makapaniwala na tinignan ko ito. Naniningkit pa ang mata ko na binalingan ito ng tingin.
"Seryoso ako Rose, hindi ako nagbibiro. Mayang uwian sabay ka sa akin sa parking lot at sabay kasi kami ni Lisa na uuwi eh. Tapos ask mo siya kung girlfriend ko na nga siya o hindi." Dagdag ko pa dito.
"Alam ko naman na hindi talaga kapani paniwala na magiging kami, pero yon talaga ang totoo." Ang seryoso kong sabi dito.
"Oh sige ipagpalagay na natin na kayo na nga. Pero pumayag ka talaga na maging kayo? Oh baka naman tinakot ka lang niya friend? blackmail ka ba niya? Sabihin mo sa akin at ako mismo ang sasapok dyan sa Lisa na yan." Ang diri diritso nitong sabi
"Actually bes ako talaga ang dahilan kung bakit naging kami ni Lisa." Ang nakangiwi kong sabi dito.
"Ang totoo niyan ay mula nung tumigil na siya manligaw sa akin eh doon ko lang nalaman na may nararamdaman na pala ako sa kanya."
"Kaya nung halos isang buwan siyang hindi nagpakita at nagparamdam sa akin eh. Sobrang na miss ko talaga siya bes."
"Kala ko nga lang nung una ay hindi lang ako sanay na hindi siya nagpaparamdam, pero nung naisip ko na baka may iba na siyang nililigawan eh parang gusto ko patayin kung sino man yong malanding yon."
"Kaya nun ko lang napag tanto na may gusto na pala ako sa kanya. Kaya nga nung makakita ako ng pagkakataon ay sinamantala ko na. Hindi ko na pinakawalan pa. Mahirap na baka maunahan pa ako diba. Dami pa naman nagkalat na mga ahas dyan." Ang sabi ko dito ng diri diritso.
Hindi pa rin makapaniwalang nakatingin lang ito sa akin.
"As in talaga bes? Hindi ka talaga nag bibiro?" Dag dag pa nito.
"100% sure ako bes sa nararamdam ko sa kanya. Kaya mamaya, sabay ka sa akin sa parking lot para mapakilala ko kayo ng maayos sa isat-isa." Ang nakangiti ko ng sabi dito.
"Ano pa nga bang magagawa ko. Kung dyan ka masaya sino ba naman ako para pigilan ka. Alam mo naman na naka support lang ako sa iyo eh."
"Tsaka alam ko naman na mahal na mahal ka ni Lisa. Ikaw lang itong hindi siya na a appreciate sa mga ginagawa niya noon sa iyo."
"Buti na nga lang at nagising kana kaagad habang maaga pa."
Nagyakapan na lang kami sa isat-isa na may ngiti sa mga labi.
"Hay na mimiss ko na agad ang honey ko. Tagal naman kasi nang oras,gusto ko ng umuwe para makasama ko na ulit si Lisa."
"Balak ko siyang yayain mag date bukas, ako naman ngayon ang babawi sa kanya. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko rin siya. Para wala na siyang dahilan pa na mag hanap pa ng iba. I'm so whipped of her talaga."
Although alam ko na di na talaga siya maghahanap pa. Haller sa ganda ko ba namang ito eh makakahanap pa ba naman siya ng mas hihigit pa sa akin.
Wala na siyang makikita pa. Siguraduhin ko iyon. Hahaha
Napansin ko na lang na nakangiti lang na nakatingin sa akin si Rose.
"Hay naku bes naniniwala na talaga ako na gusto mo na talaga si Lisa. Ay hindi lang pala gusto kundi mahal mo na siya. Kitang kita ko dyan sa mga mata mo na nangingislap sa saya eh."
"Hindi pa kita nakita na ganyan ka blooming. Masaya ako para sa iyo bes."
"Halatang halata ba talaga bes? Wala eh hindi ko mapigilan na mapangiti lalo na pag naiisip ko siya
"Excited na nga ako na mag uwian na, miss ko na kasi si Lisa." Ang nahihiya kong sabi dito.
"Hahaha ikaw ba talaga yan bes? " Iba na talaga ang magagawa ng pag ibig. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (83)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
if you want a unique story then it is the best story for you.
12/07/2022
0This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️
12/07/2022
0ang ganda
01/07/2024
0Tingnan Lahat