Homepage/Nag-iisang Ikaw/
Chapter 26
Lisa
"Lisayah!!! " Ang dinig kong pagalit na tawag sa pangalan ko.
Dahan dahan naman akong bumitaw sa yakapan namin ni Jisso at tinignan kung sino ba yong tumawag sa akin.
Isang madilim na aura at masamang nakatingin sa akin na Jennie ang aking nalingunan.
"Hon bakit anong nangyari at parang galit na galit ka?" Ang nagtataka kong tanong dito sabay lapit sa dito.
"At talagang nag tanong kapa kung bakit ako galit ha?" Ang naniningkit nitong sabi sa akin.
Kunot noo naman akong nakatingin lang dito. Pilit inaalala kung may nagawa ba akong mali.
"Bwisit ka talaga Lisa!! Ano yung naabutan ko na yakapan nyo ng haliparot na ito ha?" Sabay turo kay Jisso. At masama pa rin ang timpla ng mukha nito.
"Ha? Eh nag usap lang naman kami about sa atin. Tsaka wala namang malisya doon kasi bff ko naman yan hon." Ang pag paliwanag ko pa dito.
"Hoy Jennie the monster, di ko type yang si Lisa ha. Kaya wag mo ako idamay dyan sa mga pa ganyan ganyan mo. Tsaka gaya nga ng sabi niya mag bff kami. Kung baga ay sanggang dikit. Parang kayo rin lang ng bff mong si Rose. Nag yayakapan din naman siguro kayo hindi ba?"
"Wag mong itulad ang friendship namin ni Rose sa inyo ni Lisa, Jisso. Lahat pag seselosan ko. Dahil akin lang si Lisa. Kaya kung may balak kang agawin siya. Wag mo ng ituloy pa. Dahil ako ang makakalaban mo."
"At ikaw naman Lisa. Diba nag usap na tayo kagabi na ako at ang family mo lang ang pwedeng lumapit sa iyo diba?"
"Eh hon best friend ko to si Jisso. Tsaka wala naman kami ginagawang masama eh."
"Tsaka bakit pa ako maghahanap ng iba kung una pa lang ay nahanap na kita." Sabay ngiti ko dito at pa cute na rin.
"Huwag mo ako ngitian ng ganyan. Di bagay sa iyo mukha ka ng si Nano.
Napapangiti na lang na nakatingin sa kanila si Jisso. Kung ganito ba lagi kasaya si Lisa eh sino ba naman siya para tutulan pa ang relasyon ng mga ito. Sa nakikita niya kasi eh mukhang Mahal talaga ni Jennie si Lisa.
"Hon gusto ko formal na mapakilala kita sa bff ko as a girlfriend." Ang nakangiti kong sabi kay Jennie.
"Jisso I'd like you to meet Jennie. My girlfriend and soon to be my wife."
"Hon Meet Jisso my best friend. Huwag ka na mag selos dyan ha. Wala yan sa kalingkingan ng ganda mo kumpara sa kanya." Ang ng aasar ko pang dugtong sabay baling ng tingin kay Jisso na naka simangot na.
Natawa na rin si Jennie at pinulupot na lang bigla ang kanyang kamay sa baywang ko.
"Sorry Jisso kanina ha, ayaw ko lang kasi na may mga dumidikit dito kay Lisa eh."
"Okay lang yon Jennie, atleast sa ganyan manlang na paraan eh nakikita ko na gusto mo talaga ang best friend ko."
"Tara na hon sa canteen gutom na ako. Sabay kana rin sa amin Jisso ha." Nakangiti niyang pagaya kay Jisso.
Nagkatinginan na lang kami sa isat isa at parang iisa ang takbo ng isip namin kung ano ba ang nakain nito at parang bumait naman yata.
Agad na kaming pumunta ng canteen para mag lunch.
Magkahawak kamay kami ni Jennie habang naglalakad.
Daming mga studyante na nakatingin sa amin dalawa. Nag tataka ang mga mukha nila kung bakit kasama ako ni Jennie at ang mas nakakagulat pa eh magka holding hands pa kami.
Parang wala lang naman dito sa isa ang mga nangyayari at diritso lang ang lakad.
Nang makarating sa canteen eh agad ko na siyang pinaupo. "Hon upo kanalang dyan ha at ako na lang ang mag o order ng ating foods." Nakangiti naman na tumango ito.
"Jisso tara na order na tayo," ang yaya ko dito.
Pabalik na kami sa table dala ang mga pagkain na binili namin.
Kumakain na kami ng bigla kong ma e tanong si Rose. Di ko kasi nakita na magkasama sila ngayong araw na ito.
"Hon nasaan nga pala si Rose? Parang di yata kayo magkasama ngayon?"
Hindi pumasok si Rose at may importante daw silang gagawin ng family niya. Baka bukas papasok na iyon.
Pagpumasok na siya hon, ipapakilala na kita sa kanya ah. Ang nakangiti nitong sabi.
Tumango na lang ako dito.
"Hon may sasabihin nga pala ako sayo, Member na kami ni Jisso ng volleyball, kanina kasi nag tryout kami tapos napili rin kami. Galing talaga ng girlfriend mo no." Ngiting dugtong ko pa.
Agad niyang binaba ang kanyang spoon sabay tingin sa akin ng masama.
"Sinong nagsabi sa iyo na sumali ka doon ha Lisa?" Ang biglang sigaw nito sa akin.
"Si Jisso kasi hon pinilit nya ako na mag tryouts daw kami. Tsaka naka oo na kasi kami nung last week pa kina coach Ally at Bea. Nakakahiya naman kung hindi kami dadalo diba." Sabay tingin ko kay Jisso na nakikiusap na sumangayon nalang sa sinabi ko.
Napapailing naman ito at di makapaniwalang tinignan ako. Sabay bulong sa akin ng ander.
Ano pa bang magagawa ko eh kung takot talaga ako kay Jennie lalo na pag sumigaw na ito.
Napabuntong hininga nalang si Jennie saka ako tinignan sa mata. "Sige papayag ako na sumali ka dyan. Pero after 1 year aalis ka na dyan ha." Sabi nito sa akin
Sumangayon nalang ako dito agad, para di na humaba pa ang usapan. Baka maya eh hindi ito pumayag di mas lalong nakakahiya kina coach kung bigla hindi na ako tutuloy diba.
"Ayaw ko lang naman kasi na maagaw pa ng pag lalaro dyan yung time na sana eh magkasama tayo." Ang dagdag na sabi nito.
Di ko naman mapigilan na kiligin. My god parang gusto ko sumigaw. Iba din talaga magpakilig itong si Jennie eh. Tumatagos hanggang buto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (83)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
if you want a unique story then it is the best story for you.
12/07/2022
0This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️
12/07/2022
0ang ganda
01/07/2024
0Tingnan Lahat