Chapter 25

Lisa
Naglalakad na ako dito sa hallway ng architectural building pa punta sa building namin para pumasok na. Hinatid ko pa kasi si Jennie sa room nila eh.
Nang makarating sa classroom namin, naupo na ako at kinamusta si Jisso.
"Tuloy ba tayo maya sa tryouts ng volleyball?" Ang tanong ko dito sabay baling ng tingin.
"Yap, try din natin ah. Saka nakakahiya na rin kay Bea kung hindi tayo pupunta. Personal pa naman siya nag sabi sa atin."
"Nag text nga siya na excuse na daw tayo sa next subject natin eh. Kinausap na raw nila ni coach yong sunod na Prof natin."
"Maya pala Jisso may eh kwe kwento ako sa iyo." ang sabi ko pa.
Dumating na si Miss Mondragon ang Professor namin na sobrang istrikto. Maraming takot dito kasi ng babagsak talaga ito ng mga studyante. At isa rin na mahilig mamahiya. Lalo na kung tatanga tanga ka.
Pero kahit ganun madami pa rin nagkakagusto dito. Mapa lalaki man o babae. Kahit nga mga kapwa nito professor eh di maiwasang mabighani dito.
Nag discuss na si Ma'am nag roll call na rin para lahat eh maki pag participate sa kanyang lecture.
After ng discussion ay nag pa short quiz na rin at syempre dahil matalinaw este matalino naman tayo ay na perfect natin ang quiz.
After ng quiz ay nag dismissed na rin si Ms. Mondragon.
Agad na kami pumunta sa gymnasium ni Jisso. Kanina pa kasi nag te text si Bea na nandoon na raw sila at mag e strat na ang tryout.
Napansin naman kami ng Volleyball team ng pumasok na kami ni Jisso sa gymnasium.
"Lisa, Jisso dito." Ang sigaw ni Bea sa amin. Lumapit naman na kami sa kanila at binati si coach Ally at ang team nito.
Medyo madami dami na rin ang mga andito para mag tryouts.
"Oh pahinga lang muna kayo saglit at maya ay start na tayo."ang biglang sabi ni coach Ally.
"Buti naman Lisa, Jisso pinaunlakan nyo na ang invitation namin na sumali na kayo sa team." ang naka ngiting sabi sa amin ni coach.
"Medyo hindi na po kasi grabe ang schedule namin coach." Nahihiya namang napakamot na lang kami sa batok.
"At least ngayon hindi na ako masyado mag aalala na baka di maka pasok sa top 4 ang team."
"Grabi naman kayo coach di naman po kami magaling. Marunong lang kami mag laro." Ang nahihiya pa rin naming sabi sa kanya.
Tumayo na si coach Ally at nag decide na lang siyang pag labanin ang mga mag tryouts sa mga beterana.
Bali 3 sets ang ginawa ni coach.
Nag start na kaming mag laro. Natalo kami sa unang set, kasi nga labo labo pa kami. Di pa malaman kung sino ang magiging setter, libero at mga hitter.
Nang maka pag adjust na kami ng team eh malayo na ang agwat ng score kaya di na nakahabol.
Madami dami na rin ang nanonood ngayon dito sa gym.
Nag start na ang second set at medyo naka lamang kami ng 5 points sa kanila. Halatang nag pa easy easy na lang ang kalaban. At napanalo naman namin ang second set.
Nang 3rd set na eh. Halos nagpalitan na lang nang score. Halos umabot na sa 30 points Ang score at walang gustong magparaya.
Mukhang na triggered ang mga beterana at hinusayan masyado kaya natalo rin kami, pero ok lang kasi parang mas nakakahiya naman kung matalo pa namin sila diba.
Dalawa kami ni Jisso sa limang napili na bagong member ng volleyball team.
Napag pasyahan na namin ni Jisso na umalis at pumunta sa shower room. Medyo nanlalagkit na rin kasi kami sa pawis eh.
Nang makapag shower ay nagpaalam na kami sa team at kay coach.
Nandito kami sa garden ng school at nagpapahangin ng simulan kong eh kwento ang nangyari sa amin ni Jennie sa condo at kung bakit doon muna siya pansamantala nanunuluyan sa akin.
Nang matapos ako mag kwento ay di makapaniwalang naka tingin lang siya sa akin na nanlalaki ang singkit na mata.
"Ano kaya itsura nung singkit tas nanlalaki ang mata, naimagine nyo rin ba? "
Nang mahamig niya ang sarili at bigla naman ba akong binatukan.
"Asar ka naman Lisa, bakit ngayon mo lang na kwento to sa akin ha?"
"Pambihira ka naman Lisa eh, kayo na pala ni Jennie  tapos ngayon mo lang sasabihin. Nakakapag tampo ka naman friend.  Ano na lang at naging bff mo pa ako?" Medyo may tampong sabi niya pa.
"Pasensya ka na at hanggang ngayon eh naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Parang napaka bilis kasi eh."
"Di ko pa rin kasi talaga mapaniwalaan hanggang ngayon. Kahit naman ikaw diba?"
"Yung parang natulog ka lang tapos pag gising mo wala ng kayo haha. Yung akala mo kayo pa pero may iba na pala. Hugot lang Ang peg hahahaha"
"Tapos bigla niya na lang sinabi na kami na daw. Weather I like it or not pa. Sino naman ang di mawiwindang pag ganun diba friend."
Pero dahil nga si Jennie na yon eh Sino ba naman ako para tumanggi pa diba? Si Jennie na yon friend.
"So kayo na talaga? Baka naman gusto kalang non pag tripan. Remember galit na galit sa iyo yon." Ang dagdag niya pang sabi.
"Tunay man o pinag tripan niya lang ako. At least kahit manlang sa ganun eh naging kami ng aking Reyna." Ang nakangiti kong sabi, sabay imagine kay Jennie.
"Wala na talaga, malala ka na friend. Musta na yong naka pag decide kana kamo na mag move on? May pa promised ka pang nalalaman."
Isang ngiti lang pala sa iyo ni Jennie eh wala ka pala ay. Weak. Ang ng aasar pa nitong dugtong.
"Support mo na lang ako sa decision ko , masaya ako dito eh. Di kong wala talaga atleast naranasan ko na maging masaya sa kanya."
"Ano pa nga bang magagawa ko eh siya ang happiness mo. Nandito lang naman ako laging naka support sa iyo sa lahat ng decision mo."
Nakangiting niyakap na lang namin ang isat isa.
"Lisayah!!!!!" Dinig kong tawag sa akin ng kung sino.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    if you want a unique story then it is the best story for you.

    12/07/2022

      0
  • avatar
    c******0@gmail.com

    This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️

    12/07/2022

      0
  • avatar
    Jamaica Crisostomo Lavina

    ang ganda

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata