Chapter 24

Lisa
Nagising nalang ako na may mabigat pero malambot at mainit na bagay na naka dantay sa akin.
Dahan dahan ko naman minulat ang aking mata at nakita ko ang isang anghel na natutulog at nakayakap sa akin naka siksik pa ito ngayon sa aking leeg. Amoy na amoy ko tuloy ang bango niya. Sana ganito na lang kami palagi.
Di ko mapigilan na mapangiti ng maalala ko ang mga pinag usapan namin kagabi. Hanggang ngayon ay di ko pa rin talaga ma paniwalaan na girlfriend ko na talaga siya. Imagine isang Jennie Kim kaya yan.
Sana pala noon pa ako napuno para napa aga sana ang pag amin niya na gusto niya na rin ako.
Hinalikan ko muna it sa kanyang noo at dahan dahan na inalis ang braso na nakayakap sa akin. Nang matangal ko na eh pinalitan ko naman ito nang unan ko. Ayaw ko muna siyang gisingin at ang sarap pa kasi ng tulog nito eh.
Nag madali na akong lumabas ng kwarto ko at sa labas na cr  ko na lang gagawin ang aking daily routine. Baka kasi magising ang Mahal na prinsesa.
Nang matapos ako sa aking daily routine ay dumiretso na rin ako sa kitchen.
Nag luto na ako ng agahan namin. After ko makaluto eh naligo na rin ako. Maya ko na lang siguro gigisingin si Jennie after ko maligo. Sa isip isip ko.
After ko maligo ay pumasok na ulit ako sa aking kwarto at nakita ko na ang sarap pa rin ng tulog ni hon. Ang amo amo ng mukha nito na parang ang bait bait. Pero kabaligtaran naman pag gising.
Dahan dahan lang ang kilos na pumunta na ako sa aking closet upang kumuha na ng uniform na isusuot ko ngayon.
Tapos na akong mag bihis ng uniform ng napag pasyahan ko na gisingin na ito. Ayaw ko pa sana pero need na talaga kundi ma la late na kami.
"Hon wake up na. Ma le late na tayo sa school pag di ka pa bumangon dyan."Ang masuyo kong pag gising dito.
Unti unti naman itong nagmulat ng mata. Morning hon, bangon ka na po dyan at kain muna tayo ng breakfast bago ka maligo. Ang nakangiti kong sabi dito.
"Morning din hon. Kiss ko po?" Sabay abot sa batok ko at hinila ako palapit sa kanya para mahalikan.
"Buhat mo ako hon." Ang lambing pa nito sa akin.
Agad ko naman siyang niyuko at binuhat ng pa bridal style. Papuntang cr.
"Wait na lang kita sa labas hon ah. Tawagin mo na lang ako pag tapos ka na po ah." Malambing kong sabi dito pagkalapag ko sa kanya dito sa cr.
"Opo hon. Sige na labas ka na po." Naka ngiti naman nitong sabi sa akin habang naka haplos naman sa pisngi ko ang isa niyang kamay.
Di ko naman maiwasang kiligin, dahil sa mga gesture nitong ganyan. Hay kainis ka talaga Jennie Kim mas lalo pa tuloy akong nahuhulog sa iyo. Yung patay na isang buhok ko na lang ang naka lutang sa kumunoy.
Kapag daka ay tinawag na ako nito. "Hon tapos na po ako." Dinig kong sigaw nito sa akin na may kasama paring lambing.
Malaki naman ang ngiting pumasok ulit ako ng cr upang buhatin ulit ito papuntang kitchen. Feel na feel ko naman ngayon ang mag paka oppa para dito.
Once in a blue moon lang mangyari ito kaya sa samantalahin ko na ito. Panigurado naman kasi na matatagalan pa ulit o baka hindi na mangyari pa ito.
Buhat buhat ko na siya ngayon papuntang kitchen kung saan ay naka hain na doon ang aking nilutong breakfast namin kanina habang tulog pa siya.
Dahan dahan ko naman siyang iniupo doon sa isa sa mga upuan dito at inayos muna siya bago ako tumabi sa kanya.
Agad ko naman na pinaglagay ng pagkain sa kanyang plato. "Hon sana magustuhan mo po iyang niluto ko ha." Nahihiyang sabi ko dito.
Nakangiti naman itong bumaling sa akin. Sabay hawak ulit ng aking pisngi   at ibinaling sa kanya. "Hon kahit ano pa yan basta ikaw ang nag luto kakainin ko po yan. Ikaw pa eh alam ko naman na basta para sa akin  always the best." Nakangiting sabi pa nito.
Maya lang ay ako naman ang ipinaglagay niya ng pag kain sa aking plate. Mas lalo naman lumaki ang ngiti ko dahil doon. First time ito mga pre na pag silbihan ng isang Jennie Kim. Hay potik talaga. Nakakahiya naman kung bigla na lang ako sisigaw dito sa tabi niya ng dahil sa kilig. Kainis
"Kain ka ng marami hon ah." Ngiti pa nitong sabi sa akin. Tatango na sana ako ng mapansin ko kung gaano karami ang nilagay nito ngayon na foods sa plate ko.
Nanlalaki ang mga matang binalingan ko ito ng tingin. Na sinalubong niya lang naman ng taas ng isang kilay.
"Bakit hon may reklamo ka ba?" Taas kilay na sabi pa nito sa akin.
"Ubusin mo yan ha. Ayaw ko na may matirang foods dyan." Masungit na dagdag pa nito.
Wala ng nagawa na sinimulan ko na rin lang kainin ang mga nilagay nito sa plate ko. Nang di na makatiis ay "hon ang daya mo naman. Dapat nga ikaw itong maraming kainin dyan eh. Mas need mo kaya iyon. Ang gaan gaan mo. Kaya nga madali lang sa akin na buhatin ka eh." Reklamo ko dito.
"Huwag na mag reklamo pa hon. Basta ubusin mo yan." Final na sabi nito sa akin. Kaya tumahimik na lang ako.
Maya lang ay nag salita ulit ito. "Hon hatid mo ako sa room ko maya ah." Malambing ng baling nito sa akin.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    if you want a unique story then it is the best story for you.

    12/07/2022

      0
  • avatar
    c******0@gmail.com

    This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️

    12/07/2022

      0
  • avatar
    Jamaica Crisostomo Lavina

    ang ganda

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata