Homepage/Nag-iisang Ikaw/
Chapter 22
Jennie
Panay lang ang hagod ng kamay ko sa likod at buhok ni Lisa habang sinasabayan ko ng paunti unting halik sa kanyang noo.
Hinayaan ko nalang muna siyang umiyak. Maya ko na siguro tatanungin kung bakit, pag kumalma na siya.
Nang maramdaman kung medyo ok na siya hinawakan ko na ang baba niya at tinaas ito unti unti.
Medyo mapula na ang mata nito dahil nga sa pag iyak niya kani kanina lang.
"Hon ok kana ba?" Medyo nag aalala kong tanung sa kanya.
Naramdaman ko na medyo tinutulak niya ako. At gusto humiwalay sa yakap ko. Pero syempre di ko pinayagan na makawala siya.
"Hon ano ba problema at bigla ka na lang umiyak dyan? May nanakit ba sa iyo." Sabi ko dito habang pinupunasan ng palad ko ang kanyang mukha. Sabay halik ulit sa kanyang noo.
Agad naman akong sinimangutan nito. Sabay irap pa talaga sa akin.
Wow ha lakas ng loob ngayon ah. Pasalamat ka Mahal na kita, kung hindi ewan ko na lang sa iyo Lisa.
"Bat ka ba ganyan Jennie? Lumayo na diba ako sa iyo, kasi sabi mo sa akin na huwag na kitang guguluhin. Pero ano naman ba itong ginagawa mo? Tapos kanina niyakap at hinalikan mo pa ako sa labi." Naiinis na talak nito sa akin. Di pa rin ako umimik at hinintay na matapos siyang magsalita.
"Nung nakahiga naman na tayo dito sa kwarto para matulog na ito naman ang ginawa mo. Di na talaga kita maintindihan Jennie." Ang na po prostrate pang dagdag niya saka ulit inirapan ako.
Pansin ko lang nakakarami ng irap itong si Lisa sa akin ah. Tusukin ko kaya mata nito ng mag tanda.
Napabuntong hininga na tinignan ko siya sa mga mata niya. Gusto ko kasi pag sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko eh makita niya ito sa mga mata ko na nag sasabi ako ng totoo.
"Hon please tingin ka sa mga mata ko. May ipagtatapat ako sa iyo."
"Alam mo ba mula ng tumigil ka na sa panliligaw mo sa akin ay doon ko napagtanto na may nararamdam na pala ako sa iyo."
"Kala ko kasi noong una eh na miss ko lang yong mga pam bwi bwisit mo akin at pang gugulo sa araw araw. Kala ko ganun lang yon kaya di ko pinansin na lang nung mga unang araw."
"Pero kasi habang tumatagal na di ka na nag paparamdam ay doon ko na na realized na gusto na rin pala kita."
"Sobrang na miss na kita hon. Yung maisip ko pa lang na may iba ka nang nililigawan at ibang pagtutuunan mo ng pansin eh di ko maiwasang masaktan at maisip na parang gusto kong pumatay."
"Kaya whether you like it or not you are mine now Lisa. Wala ka ng kawala sa akin. Kaya wag na wag ko lang malalaman na may babae ka. Baka pag buhulin ko kayo ng kabit mo." Sabay tingin dito ng masama.
Di naman makapaniwala na nakatingin lang ito sa akin at nanlalaki ang mga mata.
"Ano wala ka bang sasabihin? At naka tanga ka lang dyan?" Ang sabi ko pa dito.
Nang mahamig naman nito ang sarili ay agad na itong nag salita.
"Bakit sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga pinag sasabi mo? Malay ko lang na may pina plano kang iba. O baka gusto mo mag higanti ngayon." Ang sabi nito sabay tingin sa akin ng may pagdududa.
Biglang nagsalubong ang magaganda at perfecto kong kilay ng marinig ko ang mga sinabi nito.
"Yan ba ang tingin mo sa mga ginawa ko ha Lisa? Ang mag higanti?"
"Di kung gusto ko rin lang naman sana maghiganti eh di pinabugbog na lang sana kita at least yon talagang masasaktan ka."
"Oh di naman kaya eh sinagot na lang sana kita tapos sabay break ko sa iyo para mas masakit. Ano sa tingin mo Lisa?" Ang madilim ang aurang sabi ko dito.
Agad naman itong tumahimik at naka kunot noo pa rin na tinignan akong mabuti. Na tila ba naka salang ako sa isang microscope at ini examine kung nag sasabi ako ng totoo.
"Di ko alam Jennie, di ko lang talaga mapaniwalaan na ganun ganun lang eh bigla gusto mo na ako." Naiiling at di maka paniwala pa ring sabi nito sa akin.
Napahawak na lang ako sa sentido ko at naaasar na tinignan siya.
Isa pa naman sa pinaka ayaw ko eh yong paulit ulit na paliwanag. Nakakairita kaya pag ganun.
"Anu pa bang gusto mong gawin ko ha Lisa para maniwala ka na tunay ang mga sinabi ko sa iyo?"
"Paulit ulit na lang tayo eh. Nakaka asar ka naman na." Nauubusan na ng pasensyang sigaw ko dito.
"Maniwala ka man o sa hindi akin ka na. Wala ng pwedeng mag may ari sa iyo kundi ako lang. Nag kakaintindihan ba tayo Lisayah?"
"Huwag mong pag initin ang ulo ko ngayon. At nawawalan na ako ng pasensya dyan sa paulit ulit mo na ganyan. Makuha ka sa tingin ha."
"Halika na at matulog na tayo. Basta pag sinabi ko na Tayo na, Tayo na talaga. Ako lang ang may karapatan na makipag break sa iyo na never na mangyayari."
"At dahil girlfriend na kita, may karapatan na ako na gawin sa iyo ito." Sabay halik sa kanya ng mariin.
Agad akong humiwalay ng halik ng maramdaman ko na di siya nag re respond sa kiss ko. "Kiss me back or else!!" Ang utos ko dito sabay halik ko ulit sa kanya at paunti unti nag respond na rin siya.
Mabagal lang sa una na parang pinag aaralan pa kung paano ang tamang pag halik.
Although pareho lang kami na wala pang karanasan sa ganito eh di naman ibig sabihin non na wala akong ka idea sa mga ganitong bagay.
Nag patuloy lang kami sa mabagal na halik na parang ninanamnam lang namin ang tamis ng labi ng isat isa. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (83)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
if you want a unique story then it is the best story for you.
12/07/2022
0This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️
12/07/2022
0ang ganda
01/07/2024
0Tingnan Lahat