Chapter 21

Jennie
Nang makalabas na si Lisa ng kwarto ay di ko mapigilan ang ngumiti.
Ang cute lang kasi ng reaction niya kanina pagka labas ko ng cr. Balak ko pa nga sanang akitin eh, kaya lang lumabas naman kasi ito agad ng kwarto. Di bali madami pa namang ibang pagkakataon eh. Sa isip isip ko habang nangingiti na lang.
Baka kasi mabigla, mahirap na. Yon pa ngalang na nginitian ko siya kanina ay natulala na. Di mas lalo na kung mag hubad pa ako sa harap nito. Baka nahimatay na yon..
Nag hanap na ako sa closets ng damit na isusuot ko. Balak ko eh yung medyo sexy na damit at short na super ikli.
Nang makapag bihis eh agad na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa may kitchen.
Naabutan ko doon si Lisa na may katawagan sa cellphone. Agad nag init ang ulo ko ng makita ko kung gaano siya kasaya sa kausap niya. Napa kuyom na lang ang aking kamay upang pigilan ang aking sarili na makapanakit.
"Mukhang sayang saya ka dyan sa kausap mo ah." Ang madilim na aurang tanong ko sa kanya.
Galingan mo lang talaga ang sagot mo Lisayah, kung hindi makakatikim ka talaga sa akin.
"Ah eh si Irene tong kausap ko Jennie. Nakilala ko sa Korea nung nag bakasyon ako, na naging friend ko na rin." Masaya nitong sabi sa akin
"May kwento kasi siyang nakakatawa eh." Ang sabi nito sabay kamot sa ulo.
Agad naman ako nitong pinasadahan ng tingin at biglang namula ang mukha nong mapansin niya yatang nahuli ko siyang nakatitig sa mga legs ko. Napa smirk na lang ako sa aking nakita. Lakas pa rin talaga ng dating ko sa kanya.
Sino na naman kayang haliparot na ito. Dapat ko siyang makilala agad. Mahirap na.
Lumapit ako agad sa dito at hinablot ko kanya ang cellphone niyang hawak saka ko binulsa ito.
Nagtataka naman akong tinignan nito. Bakit mo kinuha yung cellphone ko? Di pa ako tapos makipagusap kay Irene. Kunot noong baling nito sa akin at pilit kinukuha sa bulsa ko ang cellphone niya.
Masama ang tinging binalingan ko ito na siyang ikinatigil nito bigla at di na pinilit pang kunin ang phone niya.
"No cellphone allowed, kakain na tayo. Makakasama sa kalusugan na habang kumakain ka eh nag si cp kapa." Sabay tingin ko dito ng masama.
Di naman makapaniwalang tinignan ako nito. Subukan mo mag reklamo pa talaga at makakatikim kana sa akin ng suntok.
Walang imik naman na naghain na to ng pagkain namin.
Tahimik lang kami kumakain ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa.
Nakita kong si Kai ang tumatawag. Bigla namang  tumayo at umalis si Lisa dito sa kusina.
"Tapos na akong kumain." Ang sabi niya, Tapos narinig ko na bumulong pa ito.
"Mag sasabing bawal ang cellphone pag kumakain pero kong siya naman walang bawal. Napaka unfair talaga."
Sabay dabog na lumabas na ito.
Mainit ang ulong dinampot ko ang phone ko, "Ano nanaman ba ang kailangan mo ha!!!? Diba nag usap na tayo na titigilan mo na ako. Ang tigas talaga ng ulo mo!!!!." Ang sigaw ko dito na nanggagalaiti. Siguro kung kaharap ko lang to ngayon, nasampal ko na to.
"Eh Jennie kaya lang naman ako tumawag, para sana humingi ng sorry sa nagawa ko." Ang sabi nito sa mababang tuno na parang ang bait bait.
"Wala na akong pakialam humingi ka man ng sorry oh hindi. Basta huwag mo na akong guguluhin pa. Isa pa talaga Kai at pasensyahan na lang talaga tayo. Masyado mo ng inuubos ang pasensya ko."
Sigaw ko dito sabay baba ng cellphone.
Punyeta lang talaga. Medyo okay na kami ni Lisa eh. Tas bigla nanaman yatang back to zero. Lintik lang talaga.
Di ko na tinuloy ang pagkain. Nawalan na rin ako ng gana. Niligpit ko na lang ito at hinanap ko na si Lisa.
Nakita ko ito sa may terrace at mukhang malalim ang iniisip.
Nilapitan ko siya agad sabay yakap sa kanyang likuran. Na siyang ikinabigla nito.
Hinarap ko siya sa akin at biglang hinalikan sa labi niya. Naka tulala lang ito sa akin ngayon. At nanlalaki ang matang naka titig sa akin.
"Ba-bakit mo ako hinalikan?" Ang nauutal pa nitong sabi sa akin.
"Gusto ko lang, bakit may reklamo kaba?" Sabay taas ko dito nang kilay.
Di na siya umimik at naka tanga pa rin na nakatingin sa akin. Dina digest pa siguro ng utak nito ang ginawa kong pang hahalik sa kanya.
"Halika na nga sa kwarto at gusto ko ng matulog." Sabay hila ko sa kanya papuntang room.
Naging sunod sunuran naman ito. At nagpahila na lang sa akin.
Humiga na kami sa kama at tumalikod naman na ito sa akin.
Nakangiting pinulupot ko naman ang aking kamay sa kanya saka inamoy amoy ang mabango nitong likod.
Naramdaman kong nanigas nanaman siya.  "Huwag  mo ng isipin pa si Kai hon, matagal ko ng pinatigil yon sa panliligaw niya sa akin." Ang bulong kong sabi dito sabay kagat ng bahagya sa kanyang tenga.
"A-nong ibig mong sabihin Jennie? At tama ba yong dinig ko na tinawag mo akong hon?" Ang nauutal pa rin nitong tanong sa akin.
Pinihit ko pa harap si Lisa sa akin. At nakita ko na may luhang umaagos sa mga mata nito.
Agad akong nataranta at di alam ang aking gagawin.
"Hon bakit ka umiiyak ha? May masakit ba saniyo?" Ang sunod sunod kong tanong dito sabay yakap at pinaunan ito sa aking dibdib.
Patuloy lang ito sa pag iyak at di pinansin ang sinabi ko.
Inangat ko ang kanyang mukha, para makita ko at malaman na rin kong bakit siya umiiyak.
Malalagot sa akin ang sinuman na nagpa iyak sa aking mahal.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    if you want a unique story then it is the best story for you.

    12/07/2022

      0
  • avatar
    c******0@gmail.com

    This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️

    12/07/2022

      0
  • avatar
    Jamaica Crisostomo Lavina

    ang ganda

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata