Homepage/Nag-iisang Ikaw/
Chapter 10
Jennie
Mag babakasyon na ngunit hindi pa rin nagpaparamdam at nag papakita si Lisa kay Jennie. Nakalipat na rin siya sa kanyang condo ng mga ilang araw na rin. Talagang tinotoo na niya ang pag layo dito.
Samantala kung dati ng masungit at suplada si Jennie mas dumoble na ngayon. Lagi na syang naka singhal sa kahit sa kunting pagkakamali lang eh di niya pinapalampas.
Andami niya ng mga pinapahiya at sinasampal na mga studyante sa school. Masagi lang ng kunti ay naka sampal na agad.
Kung dati ay takot lang mga student sa kanya. Ngayon mas takot na takot pa.
Mabuti nalang at sem break na makakaiwas na sila kay Jennie the monster.
Kahit nga si Rose na best friend nito ay di rin nakakaligtas sa kasungitan ni Jennie eh.
Pati na rin ang parents nya nagtataka na rin sa kamalditahan ng kanilang anak.
Nang di na nakatiis ay kinausap na ng mommy nya si Jennie.
"Anak pwede ba tayong mag usap saglit?" Tanong sa akin ni Mom
"Napapansin kasi namin ng Dad mo na parang may problema ka nitong mga nakaraang araw."
"Magsabi ka lang kay Mommy at baka matulungan ka namin anak."
"Wala akong problema Mom. Medyo na stress lang po talaga ako nitong nakaraang araw. Alam nyo naman po diba na exam namin nung nakaraang araw lang. Eh napahirapan po kasi talaga ako sa finals kaya ganon po Mom medyo madali uminit ang ulo ko." Pag dadahilan ko na lang kay Mom.
"Ganun ba anak? Basta pag may problema ka magsabi kalang ha." Nakakaunawang sabi naman nito sa akin.
"Oh saan mo naman ngayon balak mag bakasyon? Wag ka mag alala anak mukhang di ka naman guguluhin ngayon ni Lisa sa bakasyon mo at nasabi sa akin ng mommy niya na kakaalis lang raw nito para mag out of the country." Naka ngiting balita sa akin ni Mom
"Di nga raw sinabi nito kung saang bansa ito pupunta eh." Dugtong niya pa.
"Secret nga raw eh."
"Sige na at mauna na ako sa baba, sunod kana agad at mag de dinner na tayo." Bilin pa sa akin ni Mom at tuluyan na itong umalis para bumaba.
Napabuntong hininga nalang akong napahiga na ng tuluyan sa aking kama.
So wala kana talagang pakialam sa akin ngayon Lisa? Ni hindi ka manlang nag paalam sa akin na may balak ka palang lumabas ng Bansa. Naghihinanakit na napapikit nalang ako ng aking mga mata.
Di ko kayang tanggapin na wala na akong halaga sa iyo.
Di ako sanay na binabaliwala mo nalang ako ngayon.
At tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga luhang kanina ko pa tinitimping huwag mahulog.
Bakit kung kailan sumuko ka na. Doon ko lang naramdaman to? May pagsisising sabi ko sa aking sarili.
Sana mapatawad mo pa ako sa mga sakit na naibigay ko sa iyo. Pangako bumalik ka lang sa akin ulit di na kita sasaktan pa.
Hindi na kita babaliwalain pa. Pag bibigyan kita sa lahat ng pag yayaya mo na mag date tayo.
Hindi na rin kita ipapahiya pa, palagi na rin ako sa tabi mo. Bumalik ka lang ulit sa akin di na kita papakawalan pa.
Hindi na rin ako makikipag date kay Kai o kahit na sino pang manliligaw sa akin. Lahat sila babastedin ko na. Kaya please lang Lisa ko bumalik kana ulit sa akin.
Manligaw ka lang ulit sasagutin na kita agad, di na kita papahirapan pa. Mahirap na baka maunahan pa ng iba. Nagkalat pa naman ngayon ang mga higad kaya dapat ko na siyang bantayan at bakuran.
Hahayaan na muna kita ngayong bakasyon na mag enjoy. Basta siguraduhin mo lang na di ka mang lalandi ng iba, dahil sinisigurado ko na pag sisisihan mo pag nagkataon.
Kailangan ko ng planohin mga hakbang na gagawin ko pag dating mo.
Yung di halata na ako na ang nag hahabol ngayon. Pero mababantayan pa rin kita para walang makalapit sa iyong iba.
Dahil sinisigurado ko sa iyo na akin ka lang Lisa. At walang pwedeng umagaw sa iyo sa akin. Kasi in the first place ay akin ka naman na talaga noon pa.
Magaan na ang pakiramdam ko ng ako ay bumababa na para kumain.
Need ko lang pala tanggapin sa sarili ko na Mahal na pala kita ng di ko namamalayan.
At least ngayon nakakapag isip na ako ng maayos na hindi kinukontra ng aking other self. Hehehe
"Oh anak umiyak kaba?"Ang tanung sa akin ni Dad pagka baba ko.
"Hindi po Dad naka idlip lang po ako nung pagkaalis ni Mom kanina sa room." Dahilan ko naman dito. Di ko aaminin sa kanila na iniiyakan ko si Lisa no.
"Tapos nag hilamos po kasi ako kaagad pagkagising kaya medyo mapula po siya ngayon." Ang dahilan ko na sana naman ay bilhin nila. Dahil ayaw ko muna umamin sa kanila about sa aking nararamdam.
"Ganun ba? Oh siya at kanina pa yata gutom itong Mom mo eh. Balak ka pa nga sana ulit puntahan sa room mo para tawagin eh, buti na ngalang at bumaba kana." Sabi ni Dad at di na pinansin pa ang mugto kong mga mata.
Nag pray naman na muna kami at kumain na. After kumain eh nag tungo muna ako sa terrace para magpatunaw ng kinain.
Habang nasa terrace ako at nag papahangin ng makatanggap ako ng text mula kay Kai nag aaya itong manood kami ng sine bukas.
Pinag bigyan ko na at gusto ko rin naman siyang kausapin para patigilin na sa kanyang panliligaw.
Wala rin naman kasi patutunguhan pa kung mag papatuloy pa rin siya sa panliligaw sa akin.
May laman na kasi itong puso ko at hinihintay ko nalang siyang dumating galing bakasyon.
Nag reply na ako kay Kai na sa mall nalang kami mag kita. Huwag na niya ako kako sunduin dito sa bahay at ng di na siya maabala pa. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (83)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
if you want a unique story then it is the best story for you.
12/07/2022
0This will surely give you a roller coaster feeling while reading this story. Hope you like it, same as me.❤️
12/07/2022
0ang ganda
01/07/2024
0Tingnan Lahat