Homepage/Captured Hearts/
END CALL
“Tapos na kayong manligaw?” bungad na tanong ni Joaquin nang makitang pababa na kami nina Shawn at Ten.
“Tapos na. Ako ang nanalo,” natatawang sabi ni Shawn habang nakatingin kay Ten.
“Parehas namang tayong mahal. Mas lamang ka lang,” sagot ni Ten at napairap. Natawa na lang ako sa dalawa.
“What does that mean?” inosenteng tanong ni Joaquin habang nakatingin sa aming tatlo. Umupo ako sa tabi niya habang sina Shawn at Ten ay sa isang sofa katapat namin.
“Sinagot na ako ni Clea, Joaquin. Game over na,” nakangising sabi ni Shawn habang nakatingin kay Joaquin.
“A-Anong sinagot? Mag-pinsan kaya kayo,” naguguluhang tanong ni Joaquin sa kaniya.
Natatawang lumapit sa akin si Shawn at inakbayan ako. Napangiti ako nang halikan niya ako sa aking noo at pisngi. Napailing naman si Ten habang nakatingin sa aming dalawa.
“What t-the hell? Anong ibig sabihin niyan?” Napatingin kami kay Joaquin na nanlalaki ang matang nakatingin sa amin.
Kinuha ko ang kamay ni Shawn at hinawakan ito. Pinag-interwined ko din ang mga daliri namin na dati ko pang ginagawa tuwing magkasama kami, kaya napapagakala ng karamihan na....
“Kayo?” daretsong sabi ni Joaquin habang nakatingin sa mga kamay namin.
Malakas na natawa si Ten habang nakatingin sa aming tatlo. Parang nanonood lang sa sinehan ang peg ng isang ito, kulang na lang ng pop corn at inumin. Napasandal na lang ako sa dibdib ni Shawn.
“Mag-pinsan sila, Joaquin!” natatawang sabi ni Ten sa kaniya.
“E-Eh b-bakit ganiyan sila?”
Mas lalong natawa si Ten. “Akala ko pa naman hindi ka na maloloko!”
“Akala ko din!”
Mabilis na tumayo si Joaquin palabas ng pinto pero agad siyang napatigil nang tawagin ko siya. Masama ang tingin niya nang tignan ako. Naniniwala talaga siya sa act naming ito ni Kuya Shawn?
“Come back here,” sabi ko habang tinatapik ang sofa sa tabi ko.
“Ayaw ko. Niloloko mo ko, eh. Niloloko niyo ako,” sabi niya at nag-cross arms sa harap namin.
Mas lumakas ang tawa ni Ten na halos mapahiga na sa sofa. Gano’n din si Shawn na nasa tabi ko pa din at naka-akbay sa akin. Natatawa akong napailing bago tignan si Joaquin.
“Sit here, Joaquin.”
“No.”
“Iiwan mo ako dito?”
“Hindi ko alam.”
Napangiti ako sa sinabi niya. “Go back here. Masyado kang ma-dramang tao.”
“Ako pa ngayon? Ikaw nga diyan na niloloko ako, eh,” muli niyang sabi bago kami talikuran.
“Iiyak ako kapag hindi ka pa bumalik dito,” pagbabanta ko dahilan para muli siyang tumigil.
“Pasuyo ka sa boyfriend mo.”
Tuluyan na akong natawa kasabay nina Shawn at Ten. Tawang-tawa ako dahil sa nakabusangot niyang mukha na selos na selos talaga sa nakita niya sa amin ni Shawn. Epic!
“Joaquin, mag-pinsan nga kami,” paglilinaw ni Shawn matapos ang mahabang tawanan. Humiwalay na siya sa akin at naupo sa single sofa.
“Hindi ako naniniwala,” sabi ni Joaquin na masama pa rin ang tingin sa amin.
“Oh? Gusto mo pang ikuwento ko sa ’yo ang storya ng pamilya namin para malinawan kang mag-pinsan talaga kami?”
Napasuklay si Joaquin sa kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay na parang may narealize dahil sa sinabi ni Shawn. Naiiling siyang umupo sa tabi ko. Nakangiti akong tinitigan siya.
“Buwisit. Oo na. Sarili ko pala ang niloloko ko,” naiiling na sabi niya na nagpatawang muli sa amin.
“Buti na lang, sanay na ako kapag nakikita silang ganiyan,” sabi ni Ten na komportableng nakasandal sa sofa.
“Bakit?”
“Ganiyan na sila since Grade 7 tuwing magkasama kaya may kaagaw ka sa paglalambing kay Clea, kahit wala naman.”
“Once naman na sinagot ka na ni Clea ay babawasan ko na iyon,” natatawang sabi ni Shawn kay Joaquin.
“Hindi ko rin naman hahayaan na may lalambingin pa siyang iba bukod sa akin,” sabi ni Joaquin bago tumingin sa akin.
“Napaka-clingy mo. Baka masakal ako niyan, ah?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
Napangisi siya sa sinabi ko. “Ako ang masasakal. Selosa ka, eh.”
Mabilis ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran dahilan para mapapikit siya sa sakit. Mas diniinan ko pa ang pagkakakurot sa kanya para sure akong may bago siyang pasa.
“Aray. Masakit ’yan, Joaquin,” natatawang komento ni Ten bago tumayo. “Aalis na pala ako, Clea.”
Tumango-tango ako. Sunod na tumayo si Kuya Shawn. “Aalis na din ako.”
Binitawan ko si Joaquin bago tumayo at humarap kina Shawn at Ten. “Wala naman siguro kayong balak na magpunta sa kung saan?”
Mabilis silang umiling. “Dadaretso ako sa Mnemosyne para tulungan na lang sila Tita Vera.”
“Ikaw?” tanong ko kay Ten na naglalagay ng phone sa kaniyang bulsa.
“Sa bahay lang ako.”
Nilapitan ko si Kuya Shawn at niyakap siya, gano’n din kay Ten. “Mag-ingat kayo.”
“Sure.”
Nagtinginan silang dalawa bago tumingin sa likod kung nasaan si Joaquin. Muli silang nagtinginan bago humarap sa akin. Nanlaki ang mata ko nang sabay nila akong halikan sa aking pisngi.
“What the hell? Arghhh!!! Ako lang dapat ang hahalik sa kaniya!”
Napatingin ako kay Joaquin nang bigla siyang magwala. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking braso para ilayo sa dalawa. Napaka-seloso kahit nanliligaw pa lang naman!
“Joaquin, pinsan ako.”
“Little sister ko ’yan.”
“Wala akong pake! Umalis na nga kayo!”
“Kailan ka pa naging taga-rito?” natatawang sabi ni Shawn habang nakatingin kay Joaquin.
“Soon pa lang! At tigilan niyo ako sa pang-aasar niyo!” Grabe naman magselos ang isang ito. Kulang na lang ay butasin yung mga sofa, eh.
Napailing na lang ako bago siya yakapin mula sa likod. Sinilip ko si Kuya Shawn sa gilid ni Joaquin at nag-puppy eyes sa kaniya. Natatawa siyang tumango. Meaning, pinayagan niya akong yakapin si Joaquin ngayon.
“Lalayas na nga kami. Bye, little sister!” Kumaway sa akin si Ten bago lumabas ng bahay namin.
“Take care, cuz.”
“Bye!” sabi ko sa kanila bago sila lumabas ng bahay.
Nang tignan ko si Joaquin ay nakatingin din siya sa akin. Dahan-dahan siyang humarap sa akin para hindi mawala ang pagkakayakap ko sa kaniya. Hinawakan niya ang buhok ko.
“Seryoso ako, Clea. Gusto kong ako lang ang hinahawakan, niyayakap at hinahalikan mo. At kahit pinsan mo pa ’yon, once na gawin mo ’yon sa kaniya, ilalayo kita sa kaniya.”
“Kahit kay Kuya Shawn?” naka-pout kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.
“Oo,” seryoso niyang sagot sa akin.
“Paano kung siya ang gusto kong hawakan pag nag-iisa at malungkot ako?”
Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan itong hinaplos. “Hindi naman kita hahayaang mag-isa.”
Napangiti ako at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Tinapat ko ang ulo ko sa kaniyang puso para maramdaman ito. Still the same, sinasabayan pa din ng puso ko.
“Why are you hugging me, by the way? Akala ko ba hindi pa puwede dahil manliligaw pa ako?”
Muli kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. “Puwede lang kapag ako ang gagawa at hindi ikaw.”
“Gano’n? May revision of rules? But I like it,” natatawa niyang sabi kaya napailing na lang ako.
Dahan-dahan akong humiwalay sa kaniya pero nanatiling nasa tagiliran niya ang mga kamay ko. “Do you have plans this afternoon?”
“Actually, wala.” Napasimangot ako sa sinabi niya dahilan para matawa siya. Muli niyang hinawakan ang pisngi ko. “But, I want to show you something.”
“What is it?”
“Tara sa Music Room niyo?”
Tinaasan ko siya ng kilay pero tumango pa din ako. Hinawakan ko ang kamay niya bago kami pumunta sa Music room ng bahay namin.
Siya na ang nagbukas ng pinto at ilaw ng room. Nauna na akong maglakad papasok habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Humarap ako sa kaniya pagkapasok.
Pinagmasdan niya ang buong paligid bago tumingin sa akin. “Kapag nagpagawa tayo ng bahay, may music room din ba?”
“Ha? Bahay agad?”
“Bawal maging advance thinker?”
Napailing na lang ako at pinisil ang kaniyang kamay. “Siguro, oo. Hindi naman kasi mawawala ang pagkahilig ko sa music.”
Tumango-tango siya at hinila ako papunta sa piano na nasa isang tabi. Naupo kami sa upuan katapat nito. “Ano ba yung ipapakita mo?”
“Hindi lang ipapakita, papakinggan mo din.”
Nagtataka akong tinignan siya. Natatawa siyang napailing bago tignan ang piano sa harap namin. Binuksan niya ito at pina-slide ang daliri niya sa lahat ng keys sa piano.
Nanlalaki ang mata kong tinignan siya. “You’ll play piano?”
“Para sa ’yo.”
Hinalikan niya ako sa aking noo at muling nagtuon sa piano. Huminga siya ng malalim bago magsimulang mag-tap dito. Nanlaki ang mata ko nang magsimula siya.
Shocks, hindi man lang siya namamali ng tono. Alam ko din kasi ang kanta kaya minsan ay napapatugtog ko ito gamit ang aking gitara, minsan sa piano. Lalo niya akong pinapahanga.
“Kailan ka pa nag-aral ng piano?” tanong ko sa kalagitnaan ng pagtitipa niya.
“Simula nang makilala kita? Ewan, na-inspired yata akong sumubok ng bago dahil sa ’yo,” nakangiti niyang sabi sa akin.
Napangiti na din ako at sinandal sa kaniyang braso ang aking ulo bago pumikit. Pinakinggan ko ang pagtugtog niya na nagpapabilis sa tibok ng puso ko.
Paulit-ulit lang ang pagtugtog niya ng chorus gamit ang piano pero mukhang hindi ako magsasawa. Para kang isinasayaw dahil sa marahan lang ang pagtugtog niya. Hindi rin siya nagkakamali.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako habang nakasandal sa kaniyang braso at pinapakinggan ang kaniyang pagtugtog.
***
“Ang galing mo pala sa piano!”
“Thank you,” nakangiti kong sabi at kinamayan siya. “Magaling ka din naman.”
“Thank you! Nga pala, marunong ka din ba sa guitar?”
“Mas sanay ako doon dahil tinuruan ako ni Dad.”
“Oh my, mag-collab kaya tayo? Kaka-excite ’yon!” nakangiti niyang sabi na sinasabayan pa niya ng pagtalon.
“Both instruments?”
“Oo naman. Kaya mo ba?”
Natawa ako ng mahina at tumango sa kaniya. “Yup, kaya ko. Kailan mo ba gusto?”
“Siguro next week for practice first? It will be nice para sa atin!”
Natawa akong muli ng mahina bago siya tignan. “Ano nga palang pangalan mo?”
***
Marahan kong iminulat ang mga mata ko bago tignan ang paligid. Nasa kuwarto ko na ako pero sa pagkaka-alam ko ay nasa Music Room ako kasama si Joaquin. Teka, nasaan na siya?
Mabilis akong bumangon sa aking kama at tumingin sa paligid. “Rain? Joaquin, where are you?”
Nang tignan ko ang nakabukas na veranda ay napabuntong-hininga ako. Hapon na pala at lumulubog na ang araw. Baka nakauwi na siya at hindi na ako hinintay na magising.
Marahan akong napahikab. Nag-inat muna ako bago alisin ang kumot na nasa katawan ko. Siya kaya ang nagdala sa akin dito? Sana naman ay hindi siya nabigatan sa akin.
Napailing ako bago ko ibaba ang aking paa sa sahig. Nang tumingin ako sa aking bed side table ay nakita ko ang dalawang papel na nakatupi at nasa ilalim ng buhay kong phone.
Kinuha ko ang aking phone at tinignan ang nasa screen nito. Natawa ako ng mahina nang makita ang isang picture na naka-pout siya at nakaturo sa likod kung saan ako natutulog sa kama.
“Kahit tulog ako, trip na trip mo akong asarin,” sabi ko habang nakatingin sa kaniyang mukha sa picture.
Nang i-swipe ko ito ay naramdaman ko na lang ang mga labi ko na mag-form ng isang smile. Nasa music room ang sunod na picture. Nakasandal ako sa kaniyang braso at natutulog na.
Nang i-swipe ko ulit ito ay binasa ko ang text na nakalagay sa picture naming dalawa. You can read now my love letter for you. Love you, boss.
Napatingin ako sa aking bed side table at kinuha ang papel na nakatupi. Binuklat ko ito at muling napangiti. Ito na nga yung love letter na sinulat niya kanina lang.
Sinandal ko ang sarili ko sa headboard ng aking kama para mabasa ang letter niya. Nakangiti na agad ako nang simulan ko ang pagbabasa nito.
***
Dear, Baby Boss Clea Sanchez,
Oh smile muna! Papangit ka niyan, sige ka.
Pero seryoso, hindi ako marunong magsulat ng mga ganitong chuchu pero kung para sayo ko to gagawin, bahala na si batman. Wag mong pagtatawanan ha? Magagalit ako.
Joke lang! Sayo? Magagalit ako? Malabo ata yon. Sobra akong inlove sayo!
Wait! Help me! Help me! I’m falling......inlove with my boss!
Galing ko no?
Siguro naiinis ka na dahil ang haba ng intro. Sensya na, mahal naman kita infinite times! ;-)
So ito na nga, ano ba dapat ang content ng mga ganitong chuchu? Parang essay ba sa english? Dapat ba may pattern pa din tulad ng mga tula sa filipino? Dapat ba may complicated equation tulad ng math? Dapat ba may chemicals tulad ng science?
Ang hirap! Lalo na at ikaw lang ang laman ng isip kong ito. Say chese!
Pero ganito yan, sabi kasi ni pareng google, masulat ko lang ang nararamdaman ko ay okay na yon. Love letter na ang tawag doon.
So, matagal ko naman nang sinasabi sayo ang nararamdaman ko, eh. Clea, mahal kita. Ikaw lang sapat na.
Unang araw nang makilala kita, namangha na ako sa gandang taglay ng mataray mong mukha (don’t get me wrong, just get me). Hayun na nga. Pusoy tumitibok, pagkabilis-bilis. Anong ginawa mo binibini? Gayuma yata ang pinakain mo sakin.
Pero laking pasalamat, kaklase pala kita. Mataray ka talagang tunay, pero hindi mapigilan ang puso na sumaya habang nakatingin sa maganda mong mukha. Gusto kong magmura, shit, bakit sayo pa? Pero wala nang magagawa, natalo na ng puso ang isip kong ikaw din naman ang laman.
Napakacomplicated natin sa umpisa. May mahal ka pa palang iba. Pero hindi man lang naisip ng puso ko na isuko ka. Mahal na mahal ka, paniwalaan mo sana.
Ginawa ko ang lahat mapasakin ka lang. Apelyido ko sanay tanggapin mo na. Nahihirapan ako. Kaya ko pa ba kapag wala ka? Ikaw lang kasi ang bumubuo sa bawat umaga.
Hindi ko rin naman hahayaan na mawala ka. Pangakong lagi kang may puwang saking braso para yakapin ka. Handang hawakan ang kamay mo kahit malagkit na. Sana lang ay pagbigyan mo ang puso kong naghihingalo sa pag-ibig mo.
Paborito kong yakapin ka, hawakan ka, akbayan ka. Sumasaya kapag labi natin ay naglapat na. Nararamdaman mo ba yon? Mga paru-paro sa tiyan natin ay nagwawala na.
Ang corny. Pero teka alam mo ba kung ano ang password ng puso ko? Kapag hindi mo alam, sorry wala ka nang takas. Dito ka na lang sa puso kong mamamahalin ka ng buo at tunay.
May sagot ka na ba sa assignment natin sa science? Ahh nasa libro ang sagot o kaya ay nasa internet. Pero hindi ko mahanap ang totoong sagot. Bakit kasi sayo lang nakatingin buong oras ng klase? Joke!
Buong oras ng pagsusulat ko ay nakangiti ako. Iniimagine kapag binasa mo na ito. Matatawa ka kaya? Maiinis ka ba? O sasagutin mo na ako?
Pero hindi ko nais na madaliin ka, totoo. Kasi sabi mo nga, once na minadali ang isang bagay baka hindi rin tayo maging masaya sa huli.
Ngayon mo man ako sagutin, bukas, sa isang araw, sa isang linggo, sa isang buwan, sa isang taon, huwag kang mag-alala dahil kapag na sakin ka, pangako, lagi kang masaya.
Hindi ko hahayaan na tumulong muli ang mga mamahalin mong mga luha sa maganda mong mata dahil sa lungkot. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka. Gusto ko masaya ka lagi, siyempre sa piling ko na.
Hindi ko maipapangako na maiibigay sayo ang lahat, puwede bang yung puso ko na lang? Yun na lang kasi ang available. Wag kang mag-alala, sayo lang titibok yan.
Kung nasa tamang edad ka na sana, gusto na kitang pakasalan. Hindi ko kayang mawala ka pa. Gusto ko akin ka lang. Tayo ang magkayakap, magkahawak at magkahalikan hanggang sa lumubog ang araw.
Katabi ka pagkagising sa umaga, hahalikan ang iyong noo bago tumulog sa gabi. Ipagluluto ka ng paborito mong pagkain. Kakantahan ka ng gusto mong kanta.
Gusto kitang alagaan habang inaalagaan mo ang anak nating dalawa. Nabubuo na sa isip ko ang imahe na may dala-dala kang bata kasama ako. Ang sarap sa feeling kapag tayo na talaga.
Sobra na bang haba? Ayan ang nararamdaman ko eh! Buo at tunay na pag-ibig para kay Clea!
Clea Darleane Sanchez
Clea Darleane Villanueva
Ang ganda ng pangalan mo kasama ng apelyido ko. I wish I can call you mine someday. Malapit na ba yon? Pero kahit matagalan, basta na sakin ka, okay lang! Excited na akong ipakilala ko sa mga magulang ko bilang girlfriend soon to be wife.
Tanda mo pa yung kanta ko sayo na Treasure? I really mean it. I want to treasure you, I want to treasure our memories and moments together.
Every smile of yours that captured by my camera, also captures my heart. Bakit kasi ang ganda ng ngiti mo? Nahahawa tuloy ako.
Be happy all the time. Be strong all the time. Be beautiful all the time. Be with me all the time.
So, gumawa ako ng paraan para maipon lahat ang ating pictures kung sakaling full storage na ang cellphone o camera nating dalawa (Ang cute nga pala dahil parehas nating hilig iyon)
Gumawa ako ng Picstagram account when we had our first picture together in the first day of school. Lahat ng nakukuhanan ng camera ko o ng cellphone ko nandoon. Gusto mo din bang ilagay ang picture ko na nasa sayo? (Alam kong may picture ako sa phone mo. Wag mo na itanggi.)
So here’s the email and the password.
email: *****
password: ****
Hayan na. Hanggang dito na lang! Pero yung pagmamahal ko walang katapusan. I love you, Clea, my forever love.
- Joaquin Villanueva
Nakangiti akong tinuping muli ang mga papel bago ko ito ilagay sa bed side table. Siguro dapat kong ipunin lahat ng ibibigay niya as a treasure.
Speaking of treasure... Mabilis kong binuksan ang aking cellphone at nagpunta sa google play para ma-download ang Picstagram para makita ang account na tinutukoy ni Joaquin sa letter.
Sa totoo lang, isang social media account lang ang meron ako pero hindi ko pa ito nabubuksan simula nang magpasukan dahil tinatamad ako. Mag-open man ako ay messages lang tinitignan ko pero mabilis din akong nag-o-offline.
Every time na nakikita ko ang account na iyon, sumasagi sa isip ko si Hunter. Puro kasi tag and mention ang mga estudyante ng school sa akin sa tuwing may nakikita silang picture naming dalawa. Nagse-send din si Hunter ng messages. Ayaw tumigil.
Pagka-download complete ng app na dina-download ko ay nagpunta muna ako sa account ko. Wala na akong pinansin at daretsong dinelete ang aking account doon. Dinelete ko na din ang app na iyon.
Sunod kong binuksan ang Picstagram. Kinuha kong muli ang papel para makita ang ilalagay na email adress at password. Pagka-log in ko ay ni-save ko na din ang password para hindi ako magpaulit-ulit.
Bumungad sa akin ang newsfeed. Puro pictures ng iba’t ibang account. Nakita ko pa nga ang account nina Sapphire at Rhian, pati na rin ng iba kong kaibigan.
Nang pindutin ko ang account settings nito ay nanlaki agad ang mga mata ko sa mga post na nakalagay. Bawat scroll ko ay mukha ko ang makikita. Hindi ko na mabilang kung ilan.
Nang marating ko ang dulo, pinindot ko ang picture na nakalagay. Picture naming dalawa no’ng first day of school. The day na sinusungitan ko siya. Memories nga!
Sa muli kong pag-refresh ay may bagong post na nakalagay sa account na ito. “Can I call it mine since its ours?”
Bagong picture naming dalawa ang nakalagay na may likes and comments na agad, meaning ginagamit niya din ngayon ang account na ito. Nang basahin ko ang caption ay muli akong napangiti.
Welcome sa IG boss —Joaquin
Mabilis akong nag-type ng comment.
How did you know? —Clea
Haha can I call you? —Joaquin
Pagkabasa ko ng reply niya ay mabilis siyang tumawag sa akin. Sinagot ko din ito agad.
“Its my hearts instincts,” bungad niya pagkasagot ko ng tawag.
“Is your heart have its own brain?” natatawa kong tanong bago mahiga sa aking kama.
“Wala. Yung isip at puso ko kasi parehas lang ang laman.”
“Ano namang laman niyan?” tanong ko kahit alam ko na ang isasagot niya.
“Yung nga ngiti mo.” Natawa ako ng mahina sa kaniyang sagot. Sabi na nga ba, tama ako. “By the way, ano’ng masasabi mo sa account natin?”
“I’m surprised, really. Puro pictures ko, eh.”
“I share that account to you para din naman sa ’yo. Do you want to share my pictures na nasa phone mo?”
“Crazy. Oo naman. Wait, does it your way to make me say yes to you?”
“Hindi naman. Grabe ka. Parang hindi mo nabasa letter ko, ah.”
“Speaking of your letter, ang dami mong alam!”
“Eh? Kahit puro ikaw?”
Napakagat ako sa aking labi dahil sa nararamdaman kong... kilig. Takte, hindi naman ako ganito sa kaniya dati. Ibang ngiti na ang na-fo-form sa labi ko. Ibang bilis ng tibok ng puso ko ang nararamdaman ko. All because of him.
“Still there?”
“Yeah. By the way, I’ll end the call. Its my time to post pictures of you in that account.”
“Okay! Wag magpaka-adik. I love you, Clea,” huling sabi niya bago i-end ang call.
Napatingin ako sa aking phone na ang wallpaper ay picture niya. Napangiti ako. “Watashi wa anata wo aishiteimasu.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat