Homepage/Captured Hearts/
WORTH IT
Bumalik kami sa sasakyan pagkatapos kong magpagupit. Nang makasakay kami sa kaniyang sasakyan ay agad niya itong pinaandar. Muli akong humarap sa kaniya habang hinahawakan ko ang dulo ng buhok ko.
“Saan ba talaga tayo pupunta?”
Saglit siyang lumingon sa akin dahil nagda-drive siya. “It’s a secret, babe.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “What?”
“Basta magiging masaya ka do’n,” nakangisi niyang sabi. Naiiling akong hinampas siya ng mahina sa braso.
“Baliw,” natatawa kong sabi sa kaniya.
Napatingin ako sa isa niyang kamay na kinukulbit ako. Nang tignan ko siyang muli ay daretso lang ang tingin niya sa unahan. “What?”
Muli siyang tumingin sa akin bago ibalik ang tingin sa unahan. “Kamay.”
“What’s kamay?”
Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. Nabigla na lang ako nang hablutin niya ang isa kong kamay na naka-rest sa aking hita. Pinag-intertwined niya ang kamay namin at hinawakan ng mahigpit. Ahhh, kaya pala kamay.
“Sorry naman. Nag-process pa.” Natawa siyang muli ng mahina bago pisilin ang kamay ko.
Tinignan ko na lang ang kamay naming magkahawak habang nagda-drive siya. Siguro, nasa paroroonan na kami kung hindi lang nag-ta-traffic. Pero okay na din para mas matagal ang paghawak ko sa kamay niya.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ng kamay niya. Natatawa siya ng mahina pero hindi ko na pinapansin. Natutuwa lang siyang hinahawakan ko din ang kamay niya.
Nang may maalala ako ay itinaas ko ang tingin ko sa braso niya. Dahil madalas siyang magpunta sa gym, lumalabas ang muscles niya sa braso. At dahil nasa basketball siya, madalas itong makita kapag naglalaro siya.
Naka-pout akong tumingin sa boyfriend ko na nakangiti pang tina-tap ang daliri sa manubela habang traffic. “Babe.”
Agad siyang lumingon sa akin. Natatawang itinaas niya ang kaniyang kilay. “What’s with that face?”
“Sleeveless ang suot mo kapag naglalaro ng basketball, ’di ba?”
Natatawa siyang tumango at pinisil ang kamay ko. “Oo naman. Mas komportable, eh. Bakit mo natanong?”
Hinawakan ko ang braso niya gamit ang isa ko pang kamay na ikinagulat niya. Hinaplos ko ito pababa sa kamay niya at pataas ulit. “Hindi ba’t may iba naman na naka-t-shirt muna bago suotin ang jersey?”
“Teka nga lang. Mabubunggo tayo sa ginagawa mo sa akin, eh.”
Naiiling siyang itinabi ang sasakyan sa tabi ng daan. Natawa ako ng mahina na dahilan para kumunot ang noo niya pagkaharap niya sa akin.
“Epekto ba ’yan ng pagpapagupit?” Mabilis akong umiling at humarap sa kanya ng maayos.
“Hindi naman. So, may iba nga na naka-t-shirt, hindi ba?”
Napataas ang kilay niya. “Oo naman.”
“Puwede bang maggano’n ka na lang din?” Mas napataas ang kilay niya sa sinabi ko.
“Bakit naman? Hindi naman ako masyadong sanay doon. Baka hindi ko magalaw ng maayos ang braso ko kapag maglalaro.”
Tumango-tango ako at iniiwas ang tingin sa kaniya. Napatingin akong muli sa kamay ko nang pisilin niya ito. “Bakit mo ba natanong?”
Napakagat ako sa aking labi dahil sa hiya. “Kasi... ano... yung fangirls mo... nakikita yung ano... yung...”
“Yung muscles ko? Okay lang nama—”
“What?” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at hindi na naituloy ang sinasabi. “Ano’ng okay lang?”
“Teka lang, ha. Naguguluhan ako.” Humarap siya sa akin ng maayos. “Bakit gusto mo akong mag-t-shirt?”
Napairap ako bago siya tignan. “Kasi nga nakikita ang braso mo! Maglalaway sila kapag nakikita ’yan!”
Naalala ko noon, no’ng naglalaro sila ng basketball kalaban ang ibang school, katabi ko ang mga kaibigan ko na nanonood. Maingay, siyempre, ang buong gym no’n dahil mainit ang laro, pero halos babae ang pumuno sa buong gym.
Kami na noon nang marinig ko ang hiyawan ng mga babae sa likod namin pagkapasok nina Dariel at ka-team niya sa loob ng gym.
“Laban, Warriors!!”
“Oh my!!! Go, baby Dariel!”
“Pahawak po ng muscles!”
Muntik na akong mapatayo nang marinig iyon, kung hindi lang ako napigilan nang natatawang sina Maxien at Clea. Inasar pa nila ako kaya umupo na lang ulit ako.
Habang naglalaro ang mga tao sa court ay naisip ko nang sawayin si Dariel na mag-t-shirt na para hindi masyadong expose but I stopped myself. Hindi bagay sa akin ang masyadong possessive.
Natawa siya ng malakas nang marinig ang naging dahilan ko. Padabog kong binitawan ang kamay niya at nag-cross arms na lang. Buwisit. Concern lang naman ako sa kaniya!
“Wait lang!”
Hinampas ko siya sa kaniyang dibdib nang mas lumakas ang tawa niya. “Tumigil ka na nga! Kalimutan mo na lang ang sinabi ko!”
Humalukipkip ako sa aking upuan at hindi siya pinansin. Napairap na lang ako dahil mukhang walang balak tumigil sa kakatawa. Buwisit talaga itong boyfriend ko!
“Hazel, babe, humarap ka sa akin,” natatawa niyang sabi kaya muli akong napairap. Bahala ka sa buhay mo!
“Babe naman, sorry na.” Hinawakan niya ako sa aking braso at hinigit ito para makuha ang kamay ko.
Huminga ako ng malalim bago siya tignan...ng masama. “Oh?”
Natawa siyang muli nang makita ang mukha ko. Dahil sa inis ay pinisil ko ang kamay niya ng sobrang diin dahilan para bitawan niya ito. “Ang sakit no’n, ah!”
“Tsk. Mag-drive ka na lang kasi ulit!”
“Mamaya na. Makakapaghintay naman ang pupuntahan natin,” nakangisi niyang sabi sa akin.
Inirapan ko na lang siya. “Whatever.”
Muli siyang natawa bago hawakan ang kamay ko. “Babe, balik tayo sa pinag-uusapan natin. You want me to wear a t-shirt every game, right?”
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya bago tumango. Natawa siyang muli. “Eh, hindi ba’t okay lang naman ’yon sa ’yo dati? Ngayon ka lang nag-request nang ganyan, ang weird.”
Muli kong pinisil ang kamay niya ng sobrang diin. “Sino’ng weird?”
“A-Aray naman! Joke lang naman, eh!”
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Kumalma ka, Hazel. Bata ang kasama mo at wala pang alam sa mundo. Buwisit.
“Hazel, sorry na. Nag-jo-joke lang naman, eh. Nagulat lang talaga ako sa request mo, lalo na sa dahilan mo.”
Tinignan ko siyang muli ng masama. “Ano, tatawa ka ulit?”
Marahan siyang umiling at pinisil ang kamay ko ng kaunti. “Hindi na. Seryoso na. Pero mahirap ang pinapagawa mo. Hindi kasi ako sanay.”
“Eh ’di huwag. Hindi naman kita pinipilit.”
“Pero maiinis ka kapag may gustong humawak sa akin?”
“Hindi ah!” depensa ko sa sarili ko.
“Ahuh? Ano’ng akala mo sa ’kin? Hindi alam ang pagseselos mong ’yon?”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “P-Paano?”
Natatawa siyang pinisil ang kamay ko at hinawakan ang pisngi ko. “Sinabi sa akin ng mga kaibigan mo. Actually, akala ko hindi ka marunong magselos pero may pagka-possessive ka naman pala.”
Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Natatawa siyang inangat ang mukha ko para tignan siya sa kaniyang mata. “Susundin ko ang sinabi mo. Minsan lang ’yan kaya susundin ko na. Para hindi ka na din magselos.”
“Sure ka? Okay lang naman kung hindi. Baka mahirapan ka lang,” nahihiya kong sabi sa kaniya. Mabilis siyang umiling.
“Okay lang naman sa akin. So, tara na?”
Nakangiti akong tumango sa kaniya kaya napangiti na din siya. Umayos siya ng pagkakaupo sa driver’s seat kaya umayos na din ako. He’s so caring kaya handa akong magpaka-possessive para sa kaniya.
Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa daan para makasingit sa ibang mga sasakyan sa daan. Hinawakan ko ulit siya sa kaniyang braso para mapatingin siya sa akin.
“May problema ba?” Umiling ako kaya napangiti siya. “Malapit na akong manggigil sa ’yo, Hazel, kung alam mo lang.”
“Babe,” pagtawag ko sa kaniya.
Muli siyang tumingin sa akin kaya tinanggal ko ang seatbelt ko. Nagtataka siyang tumingin sa akin. “What are you doing?”
Lumuhod ako sa aking kinauupuan na mas lalo niyang ikinataka. “Can I bite you?”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya nang lapitan ko siya. Hinawakan ko ang isang braso niya at marahan itong kinagat. Kung nanggigigil ka, ako kanina pa.
“What t-the hell, Hazel?”
Nang makagat ko ang braso niya ay dinampian ko ito ng halik. Inangat ko ang tingin ko sa gulat na gulat na si Dariel. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinawakan siya sa kaniyang pisngi. Natawa ako ng mahina nang makitang medyo namumula ang pisngi niya.
“I’m just marking my property, babe. Coz what’s my mine...” hinawakan ko ang ilong niya at tinignan siya sa mata. “...always mine.”
“T-The hell?” Natawa akong muli bago balingan ang isa pa niyang braso na nakahawak sa manibela.
“Let me mark that one, too.”
Nilapitan ko ito at hinawakan. Marahan ko itong hinahaplos bago siya tignan. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko at mukhang hindi makapaniwala. Napailing na lang ako at binalingan ang kaniyang braso. Kinagat ko din ito at hinalikan pagkatapos.
Umayos ako ng pagkakaupo nang matapos ako sa aking ginagawa. Nilagay kong muli ang aking seatbelt bago hawakan ang isang niyang kamay. Nang tignan ko siya at nakatingin siya sa unahan at paulit-ulit na sinasabing, “The hell.”
Natawa ako ng malakas dahilan para magulat siya mula sa pagkakatulala. “Aalis pa ba tayo o ano?”
“T-Teka, g-ginawa mo b-ba talaga ’yon?” Marahan akong tumango na mas ikinagulat niya. “God, I can melt.”
Muli akong matawa ng malakas sa kaniyang sinabi. “You’re overreacting!”
Mariin siyang umiling para siguro gisingin ang sarili dahil sa ginawa ko kanina sa kaniya. Tumingin siya sa akin. “Talagang-talaga! Parang nabaliktad tayo, eh! Ako dapat ang kakagat sa ’yo!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “What the hell, too! Don’t you dare to do that to me!”
“You’re so unfair!”
“I’m just protecting you!”
“How?”
“By marking you! That you’re my property! Ano, aangal ka pa?”
“Sabi ko nga, hindi na! Badtrip!” sabi niya at iniiwas ang tingin sa akin.
“Ah? Nagagalit ka sa akin?”
Naka-pout siyang bumaling sa akin kaya muntik na akong matawa. “Hindi naman.”
“Good.”
“Pero kahit isa lang, hindi puwede?”
Pinakita ko sa kaniya ang nakakuyom kong kamao. “Ito, gusto mo?”
“Arggh, hindi na nga,” sabi niya bago ngumiti. Pinisil niya ang kamay ko. “Pero ang saya ko.”
“Bakit naman?” mahinahon kong tanong sa kaniya.
“Kasi alam kong mahal na mahal mo ako tulad ng pagmamahal ko sa ’yo. At kahit hindi mo gawin ’yon, I’m all yours.”
Nang-aasar akong ngumiti sa kaniya. “Eh? So pakagat pa nga.”
Mabilis niyang hinawakan ang kaniyang braso sabay iling. “Tama na muna. Alam kong nanggigigil ka pero hinay-hinay lang.”
Natawa ako ng mahina at marahang pinisil ang kamy niya. “Okay. Hawakan ko na lang itong kamay mo.”
Napailing siya sa sinabi ko at pinisil din ang kamay ko. “I love you very much, Hazel. Always remember, I’m all yours.”
“I love you too, babe.”
Napangiti siya sa sinabi ko, gano’n din ako. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak nang iangat niya ito. Mas lalo akong napangiti nang halikan niya ang likod ng kamay ko. May sapak man siya minsan sa utak, hindi naman mawawala ang pagiging sweet niya.
“We’ll go now.” Tumango ako at umayos na nang pagkakaupo. Pinisil niya muna ang kamay ko ng mahina bago paandarin ang kaniyang kotse.
Napapikit na lang ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa kung saan. Ang sarap sa pakiramdam na hawak-hawak mo ang kamay ng taong mahal mo. Feeling ko ay safe ako at laging masaya kapag nandiyan siya. Sana hindi na siya mawala pa sa akin.
“Babe,” narinig kong bulong ni Dariel sa tenga ko kaya nagmulat ako ng mata.
Lumingon ako sa kaniya dahilan para magdikit ang mga ilong namin. Hindi na ako nakagalaw ng mabilis niya akong halikan sa aking labi. Nakangisi siyang lumayo.
“Nice one.” Natawa siya ng mahina nang kurutin ko ang pisngi niya. Ang talino talaga.
“Nasaan ba tayo?” Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa unahan. Nanlaki ang mata ko sa nakita. “Why are we here?”
“First date again,” sabi niya bago halikan ang likod ng kamay ko na hawak niya pa din. “Can we go now?”
“Excited ka?” natatawa kong tanong sa kaniya bago pisilin ang kaniyang ilong.
“Hindi lang naman ako,” sabi niya bago bumaba ng kaniyang kotse. Umikot siya papunta sa tapat ko para pagbuksan ako. Inilahad niya ang kamay niya sa akin kaya agad ko itong tinanggap bago bumaba.
Sinarado niya ang pinto ng kanyang sasakyan at hinawakan ng maayos ang aking kamay. Tumingin ako sa kaniya na nakangiti lang na palinga-linga sa kung saan na parang may hinahanap.
“Papasok ba tayo?”
Nilingon niya ako at nginitian. “Oo naman, saglit lang.”
Muli siya tumingin sa paligid at nagpatuloy sa paghahanap. Tumingin na lang ako sa harapan kung saan may mga naglalakihang rides. Sa puwesto naming ito, maririnig ang hiyawan ng mga nakasakay doon. Na-e-excite din tuloy ako.
“Dariel! Hazel!” Napatingin ako sa aking kaliwa nang biglang may sumigaw. Nagulat ako nang makita sina Clea at Maxien, nasa likod naman nila sina Joaquin at Dylan.
Pinisil ko ang kamay ni Dariel. “What are they doing here?”
Nakangiti siyang humarap sa akin at hinawakan ang pisngi ko. “Kasama natin sila. Okay lang naman di ba?” Nakangisi akong tumango sa kaniya. The more the merrier kaya.
“Ang tagal niyo,” reklamo ni Maxien na nakasuot ng headband na may tenga ng daga. Ang cute.
“Si Hazel kasi, kinulit pa ako sa daan.” Agad ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran kaya napaatras siya. Ang daldal.
“Paanong kulit?” tanong ni Joaquin nang nakangisi.
“Wala. Nag-iilusyon lang ang isang ito,” sabi ko sabay irap sa kanila. Bakit ang dadaldal ng mga lalaking ito?
“Pre, ang cute mo,” natatawang sabi ni Dariel. Napatingin ako sa tinutukoy niya.
Muntik na akong matawa nang makitang may suot din siyang headband na katulad ng suot ni Maxien. “Couple goals?” natatawa kong komento sa kanila.
“Tsk. Kung hindi ko lang mahal ang ang girlfriend ko, hindi ko susuotin ’to,” naiinis na wika ni Dylan na nakaiwas ang tingin sa amin.
Nilapitan siya ni Maxien at hinawakan sa braso. “Suwerte ko nemen.”
“Talaga!” Natawa na lang kaming lahat sa naging tugon ni Dylan. Siya pa naman yung tipo ng tao na nadidiri sa cute stuff. Pero sorry na lang, mahal niya best friend ko.
“Sana all girlfriend na,” pagpaparinig ni Joaquin sa katabing si Clea na abala sa pagtingin ng bracelet sa kaniyang kamay.
Tumingin sa amin si Clea at itinaas ang kaniyang kamay. “Gusto niyo?”
Nagtawanan kaming lahat nang sumimangot si Joaquin. Napataas naman ang kilay ni Clea. Hindi niya pala narinig ’yon? Kawawa naman si Joaquin.
“Dedma! Please try again later,” natatawang sabi ni Dariel kaya mas lalo kaming natawa.
“Mga baliw. Pasok na tayo sa loob!” Nanguna nang maglakad si Clea papasok ng amusement park kaya mas lalo kaming natawa. Agad namin siyang sinundan.
“Nabibingi si Clea kapag na-e-excite,” sabi ko kay Joaquin na katabi ko habang naglalakad.
“Halata nga. Kanina pa ako nagsasalita pero parang walang naririnig,” naiiling niyang sabi kaya muli akong natawa.
“Rain! Libre mo ko ng rides! Naiwan ko ang card ko!” sabi ni Clea na abala sa pag-picture sa paligid gamit ang kaniyang camera.
“Ayoko!” Mabilis na lumingon si Clea sa likod niya kung nasaan kami.
“What? Eh ’di uuwi na lang ako!” Mabilis na lumiko ng daan si Clea kaya walang nagawa si Joaquin kung hindi ang habulin ito.
“Hintayin na lang namin kayo sa food court!” sigaw ni Maxien sa dalawa.
“Teka, bakit doon agad?” reklamo ko kaya napatingin siya sa akin.
“Gutom na ako!” Humarap siya kay Dylan na naiiling. “Mr. Mouse, ililibre mo ba ako?”
Humarap si Dylan dito at inakabayan siya. “Oo naman. Baka tumakbo ka din paalis, eh.”
“Babe.” Napatingin naman ako kay Dariel na tinawag ako. “May gusto ka ba?”
Natatawa akong umiling. “Wala naman.”
“Eh ’di ako na lang ang magsasabi.”
“May gusto ka?”
“Oo. Libre mo ko sa lahat.” Mabilis kong pinisil ang kaniyang kamay dahilan para mapangiwi siya.
“Hoy, ikaw ang nagyaya ng date kaya sagot mo ’to.”
Natatawa siyang inakbayan din ako. “Joke lang naman.”
“Dapat lang.”
Dumaretso kami sa food court dahil nga gutom na daw si Maxien kahit kumain na ito bago umalis sa kanilang bahay. Yung totoo? Gusto niyang mag-model pero kain nang kain. Sabagay, hindi naman nataba ang isang ito.
Pagkaupo namin sa isang table ay nagpresenta sina Dylan at Dariel na sila na ang bibili ng pagkain namin. Kanila din namang pera ang gagamitin kaya bahala na sila.
“Huwag mong huhubarin yung headband, ha?”
Inirapan ni Dylan si Maxien na natatawa sa kaniyang boyfriend. “Masusunod.”
Sinundan namin silang dalawa ng tingin ni Maxien pagkaalis nila. Nakita pa naming dalawa na sinapok ni Dylan si Dariel. Baka binibiro siya dahil sa headband. Magsuot din kaya kami ng gano’n? Tapos yayain ko si Clea na pagsuotin din si Joaquin.
Humarap ako kay Maxien na abala sa paghawak ng headband. “Bakit ngayon niyo pa naisipang mag-date din?”
Napatingin siya sa akin at nginitian ako. “Pinlano ng tatlong lalaki. Nagulat nga din ako nang makita si Clea kanina, eh.”
“May isa pa akong tanong.”
“Go on.”
“Paano mo napasuot si Dylan nang gano’ng headband?”
Muli siyang natawa ng mahina bago sumagot. “Madali lang. Nagpa-cute ako!”
Napailing na lang ako bago balingan ang dalawang tao na bagong dating. Nanlaki ang mata ko at kalauna’y natawa din. Si Clea at si Joaquin may suot na bunny ear headband!
Nang marinig ko ang tawa ni Maxien ay hindi ko na napigilang matawa din. Nakita ko ang pagsimangot ni Joaquin nang makisabay si Clea sa aming dalawa ni Maxien. Hanep talaga ng mga best friends kong ito!
“Ayan, tinatawanan na agad ako! Hindi ko ba talaga puwedeng hubarin, boss?” tanong ni Joaquin sa natatawang si Clea.
“Hindi puwede!” sagot ni Clea sa kaniya bago ako tignan. “Oh, para belong kayo ni Dariel sa Headband Club!”
Inilahad sa akin ni Clea ang dalawang headband ba may cat ear. Tinanggap ko ito at tinignan silang dalawa.
“Kabaliwan pero thank you!”
“Anong thank you ka diyan?! Nasaan ang boyfriend mo para masingil ko?” Tinuro ko ang counter kung nasaan sina Dariel kaya agad na nagtungo doon si Joaquin.
“Ang cute!” Napailing na lang ako sa tawanan nina Clea at Maxien.
Nang dumating ang mga lalaki ay may dala na silang pagkain. Tumabi sa akin si Dariel at hinarap ako. “Nasaan ang sinisingil ng lalaking ito?”
Kinuha ko mula sa aking tabi ang headband na ikinagulat niya. “Magsusuot ka naman nito kasama ako ’di ba?”
Natatawa siyang umiling bago humarap kay Joaquin. Binigyan niya ito ng pera. “Ayan na ang bayad!”
“Dapat lang!”
Sinuot ko ang headband kong hawak bago tumingin kay Dariel na pinapanood ang ginagawa ko. Tinaas ko ang headband na para sa kaniya. Napangisi siya bago tumungo kaya isinuot ko na ito sa kaniya.
Nang malagay ko ito sa kaniyang ulo ay nagtawanan ang dalawang lalaki na kasama namin. Napatingin tuloy siya sa kaniyang cellphone para tignan ang sarili.
“Bagay naman sa akin. Yung inyo ang pangit!”
“Mas pangit ka!”
Konting asaran lang bago kami kumain. Siyempre hindi namin mapigilang mga babae na hindi matawa kaya napapailing na lang ang mga lalaking ito. Hindi man nila aminin, alam naming natutuwa din sila.
Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na kaming gumala at sumakay sa rides sa loob ng amusement park na ito. Lahat kami ay game na game dahil sa nakaka-excite talaga. Sana makasama namin ang iba pa naming kaibigan.
Malapit nang mag-gabi nang maisipan namin na sumakay naman sa isang sikat na ride dito. Ang drop tower. Yung bigla ka na lang ibababa kapag nasa taas ka na. Ang taas pa naman!
“Nakakatakot,” komento ni Clea habang nakatingin sa itaas ng tower. “Parang ayokong sumakay.”
“Hindi puwedeng umatras. Nakapila ka na, oh!” sabi ko sa kaniya. Mabilis siyang umiling.
“Natatakot ako, eh.”
Sinagot naman siya ni Maxien. “Saka ka na lang umayaw kapag nasa taas na!”
“Baliw!”
Napapayag lang namin si Clea nang may kung anong ibulong si Joaquin dito. Humarap na lang ako sa unahan dahil kami naman ang sasakay.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Dariel nang unti-unti na kaming itinataas. Nang lingunin ko siya ay nakangiti siya sa akin. Ngingitian ko din sana siya nang bigla kaming ibaba. Wala kaming nagawa kung hindi ang sumigaw
“Ang sayaaa!!” nakangiting sabi ni Maxien habang naglalakad kami papuntang parking lot. Ang saya nga pero nakakapagod.
“Quin, ’di ko na kaya.” Napatingin kami kay Clea na namumutla na. Nanlaki ang mata namin nang tumakbo siya papunta sa isang puno. Sinundan siya ni Joaquin.
Nakatingin lang kami sa kanila hanggang sa pagbalik ni Joaquin na pasan-pasan sa kaniyang likod ang nakapikit na si Clea. Bagsak. Napagod siguro.
“Kailangan mo pa ba ng tulong, Joaquin?” Mabilis siyang umiling sa akin.
“Hindi na. Iuuwi ko na lang ’to. Mauna na kami.” Tinanguan namin siya bago siya naglakad papunta sa kaniyang kotse.
“Aalis na din kami. Bye, Hazel and Dariel!” Kinawayan ko na lang si Maxien at Dylan bago humarap kay Dariel. Tinanguan niya ako kaya pumasok na kami sa kotse niya.
Hindi na ako nakaimik hanggang sa makarating kami ni Dariel sa bahay ko. Sa sobrang pagod na din siguro ay hindi na niya ako nakulit.
Bumaba kami sa kanyang kotse at tumayo sa tapat ng gate. “Masaya ka ba?”
Nakangiti akong tumango sa kaniya. “Oo naman. Thank you for this day.”
“Anything for you, babe,” sabi niya at hinalikan ako sa aking noo. “Uuwi na ako. Magpahinga ka na.”
Mabilis kong hinalikan ang kaniyang pisngi na nagpangiti sa kaniya. “Good night, babe.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat