WITH ME

“Pasado na kaya ako?” tanong ni Dariel na katabi ko. Nandito kami sa counter kusina at umiinom ng juice.
Lumingon ako sa kanya at hinawakan ang kaniyang pisngi. “Kinakabahan ka pa rin ba? Tapos naman na, ah?” natatawa kong tanong.
Marahan siyang umiling at kinuha ang kamay ko na nasa kaniyang pisngi. Pinag-interwined niya ang kamay namin bago ito pisilin. “Kung tapos na, sana maganda ang kinalabasan para mawala na ang kaba sa dibdib ko.”
Itinapat niya ang likod ng kamay ko sa kanyang dibdib dahilan para maramdaman ko ang mabilis na pagtibok nito. Huminga siya ng malalim bago pumikit. “Pero nakakatulong ’yong fact na nandiyan ka para suportahan ako.”
Bumilis na rin ang tibok ng puso ko nang tingnan niya ako gamit ang isang mata niyang nakamulat. Ngumiti siya at humarap sa akin ng maayos. Natigilan ako sa aking kinauupuan nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.
Kasabay ng malalim niyang paghinga ay ang malakas na pagtikhim sa aming tabi. Mabilis kong tinulak si Dariel bago humarap sa bagong dating.
“Matindi ang dalawang ito. Ang luwag-luwag sa kuwarto, dito pa sa kusina nagbabalak,” nakangising sabi ni Kuya Dark na naka-cross arms sa harapan namin ni Dariel.
“Sari-sari na ang nasa isip mo, Dark,” naiiling kong sabi sa kaniya bago uminom ng juice.
“Magtapos muna kasi kayo ng pag-aaral bago gumawa ng kung ano-ano.”
Agad akong nasamid sa sinabing iyon ni Kuya Dark. Naramdaman ko naman ang kamay ni Dariel sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin nang makitang nakangisi siya.
“Crazy,” nauubo kong komento kay Kuya na tawa nang tawa. Magkasundo na ulit sila ni Dariel. May plano pa nga yatang makipaglaro ng basketball sa sunod na uwi niya eh.
“Baka kasi may tumawag na agad sa akin ng Tito or Ninong.”
Nilingon ko siyang muli at sinamaan ng tingin. Mas lalo siyang natawa nang makita ang mukha ko. Kung hindi lang maganda ang bihis niya ngayon, bubuhusan ko siya ng juice ngayon.
Nang tumingin ako kay Dariel ay nagpipigil na rin siya ng tawa. Mabilis ko siyang hinampas sa kaniyang hita kaya napalingon siya sa akin. “Ang sakit, ah.”
“Nakakainis kayong dalawa, eh!” Napairap na lang ako nang sabay silang matawa ni Kuya Dark. Pagbuhulin ko kayong dalawa, eh.
“Ready ka na ba, Dark?”
Nahinto ang kanilang tawanan nang marinig nila si Mom, kasama si Dad, na biglang nagsalita.
Napataas ang kilay ko nang makitang naka-office attire sila. “May pupuntahan kayong tatlo?”
Tumango si Dark at pinakita ang kaniyang hawak na susi. “I’ll be the one to drive them papuntang office pero hindi agad ako makakauwi dahil niyaya ako ng barkada ko.”
“Hindi ba kayo dito magla-lunch?” Tumango-tango si Dad bago ako lapitan.
“Kailangan kami sa office ngayon kaya ikaw na muna ang bahala rito.”
Tinanguan ko si Dad at nginitian. Humarap naman siya kay Dariel na nakatingin lang sa amin. “Dariel.”
Naalerto si Dariel at tumingin kay Dad. “Y-Yes, Mr. Santos?”
Nginisihan siya ni Dad at tinapik ang kaniyang balikat. “Call me Dad, Dariel.”
Nanlaki ang mata ni Dariel sa sinabi ni Dad. Napangiti naman ako at niyakap si Dad nang mahigpit. Natawa naman siya ng mahina.
“Thank you for accepting Dariel again for me, Dad,” nakangiti kong sabi habang nakayakap sa kaniya.
“Aything for my one and only beautiful daughter.”
Tinignan ko siya sa mukha saka niya ako dinampian ng halik sa aking noo. Mas lalo akong napangiti. Finally! Akala ko ay magagalit pa rin sila sa nagawa ni Dariel noon sa akin.
“Again, Dariel.” Hinarap muli ni Dad si Dariel na hindi pa rin makapaniwala. Mahina akong natawa nang makita ang pagbaba-taas ng kanyang adams apple.
“Yes, D-Dad?” Mas lalo akong napangiti sa aking narinig. It feels like home that makes me really comfortable.
“I have to trust you again kasi ikaw ang pinili ng anak ko. Alam kong mahal ka pa rin niya kaya hindi ko na kayo pipigilan pa sa gusto niyo. Subukan mo ulit siyang saktan, makita namin siyang umiiyak ulit nang dahil sa ’yo. ilalayo na namin talaga sa ’yo si Hazel at kailanman ay hindi mo na siya makikita pa.”
Marahang tumango si Dariel at tipid na ngumiti. “Thank you for accepting me again in this family, Dad. I promise to all of you na hindi masasayang ang tiwalang binigay niyo.”
Lumapit sa amin si Mom at niyakap saglit si Dariel bago ito tapikin sa kaniyang balikat.
“Hindi mo na dapat saktan si Hazel, Dariel. Mahalin mo siya at alagaan tulad ng ginagawa namin sa kaniya,” nakangiting sabi ni Mom kaya mas lalo akong napangiti.
“Subukan mo lang paluhain ulit ang kapatid ko, uuwi ka na talaga sa inyo na may black eye sa mukha,” mariing sabi ni Kuya Dark habang nakatingin kay Dariel.
Tumango si Dariel bago tumingin sa kaniya. “Hinding-hindi na.”
“Oh, sige na. Maiwan na namin kayo dito. Pupunta na kami sa office.”
“Okay. Ingat po kayo.”
Naunang maglakad si Kuya Dark palabas ng bahay na agad namang sinundan ni Dad. Hinalikan muna kami ni Mom sa noo bago sumunod sa kanilang dalawa.
Nang makaalis silang tatlo ay humarap ako kay Dariel na nakangiti at komportableng nakasandal na ngayon sa high stool. “Heaven ang feeling. Makakatulog na ako nang maayos.”
Natawa ako ng mahina kaya agad siyang napatingin sa akin. “Be thankful kasi hindi sila galit sa ’yo.”
“I am,” natatawang sagot niya kaya napailing na lang ako bago tumayo mula sa pagkakaupo.
Pumunta ako sa kaniyang harapan at tinignan siya sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ako sa pisngi at pinisil-pisil ito. Natawa ako ng mahina sa kaniyang ginawa.
“By the way, anong gusto mo for lunch? Magpapaluto ako,” nakangiti kong tanong sa kaniya.
Ngumisi siya bago sumagot. “Hindi ba ikaw ang magluluto?”
Natatawa akong tumango at nginitian siya. “Tinatamad ako, eh.”
Mariin niyang pinisil ang aking pisngi kaya nahampas ko siya ng mahina sa kaniyang braso. “Masakit, ha.”
“Oh, sorry. Na-miss lang talaga kita,” natatawa niyang sagot kaya napairap na lang ako.
Tinulak ko ang kaniyang mukha gamit ang aking dalawang daliri nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Natawa na lang siya at pinisil na lang ang pisngi ko. Muli ko siyang hinampas ng mahina sa kaniyang braso bago lumayo sa kaniya. Pumunta ako sa kabilang side ng kitchen counter.
“Gutom lang ’yan. Gusto mo ng fried chicken?”
Humarap siya sa akin at humalumbaba sa harapan ko. “Give me first a kiss, babe.”
Pinitik ko agad ang kaniyang noo kaya muli siyang natawa. Napailing na lang ako at hinanda ang mga kailangan ko para makapagluto. Ako na lang ang gagawa kaysa i-utos ko pa.
Habang nilalagyan ko ng seasonings and breading ang karneng nasa harapan ko ay may naramdaman akong yumakap sa likod ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang marahan niyang paghinga sa leeg ko. Para akong kinikiliti.
“Ang bango mo, babe.” Napaisod ako sa tabi nang bumulong siya sa tenga ko. Natawa naman siya ng mahina.
“Maghintay ka na lang sa counter, Dariel,” sabi ko sa kaniya bago ko ipagpatuloy ang ginagawa.
“It’s babe, not Dariel.”
Natatawa akong inirapan siya. “Okay, babe,” madiin kong sabi sa kaniya.
“Good.”
Napairap akong muli nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Sinubsob pa niya ang ulo niya sa aking leeg dahilan para makaramdam ako ng kiliti. Kainis. Ang kulit-kulit ng isang ito.
“Dariel, I mean babe, paano ako magluluto kung nakaganyan ka sa akin?”
“Isang kiss lang, babalik ako sa counter,” sabi niya bago niya ilayo ang kaniyang ulo sa akin.
Nang tignan ko siya ay nakaharap siya sa akin pero nakapikit. Napairap na lang ako nang makita ang ngisi sa kaniyang labi. Sana pala hindi ako iniwan nila Dad dito para hindi ako makulit nang ganito ng lalaking ito. Gosh.
“Isa lang naman babe.” Hay nako. Hindi talaga titigil sa kakulitan.
Huminga muna ako ng malalim at mabilis siyang hinalikan sa kaniyang pisngi. Napamulat siya at nagtatakang tinignan ako. “What?” natatawa kong tanong.
“Bakit sa pisngi lang?” naghihinayang niyang tanong kaya muli akong natawa.
“Wala ka naman sinabi kung saan, ah?” Natawa akong muli nang mag-pout siya. “So, go now. Magluluto pa ako.”
Inirapan niya na lang ako bago humiwalay sa akin. Natatawa naman akong nilingon siya na naka-upo na sa counter. Nang makita niyang nakatingin ako ay inirapan niya akong muli bago mag-cellphone.
Naiiling akong niluto ang pagkain na kakainin namin dahil baka gutom lang talaga ang isang ’yon. Sobrang kulit pero kung makulit siya, sorry dahil matalino ako. Akala niya siguro ay mauuto niya ako sa kiss na ’yon.
Nang matapos ako sa aking ginagawa ay naghugas muna ako ng kamay bago kuhanin ang fried chicken na niluto ko at iniharap ito kay Dariel. Kinuha ko na rin ang rice cooker at plato para makakain na kami.
Nang tignan ko siyang muli ay nakatutok lang siya sa kaniyang phone. Tinabihan ko siya at tinapik sa kaniyang braso.
“Hey, kain na tayo,” sabi ko habang tinatapik ang kaniyang braso pero hindi niya pa rin ako pinansin. “Dariel.”
“Tsk.”
Natawa ako ng mahina sa aking narinig. Bakit parang ayaw niya sa kaniyang pangalan? Dariel naman talaga ang name niya, ah? Tinatakwil na ba niya ang pangalang binigay sa kaniya? Gosh, so funny.
Nagkibit-balikat na lang ako at kumurot sa fried chicken na niluto ko. Marahan ko itong hinipan para lumamig bago ko itapat sa kaniyang bibig. Natawa ako ng mahina nang umiwas siya.
“Baka mamayat ka niyan kapag hindi ka kumain, Dariel.”
“Tsk.” Muli akong natawa ng mahina bago ko muling itapat sa kaniya ang hawak ko.
“Kain na sabi,” pagpupumilit ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Kahit lumapat na sa labi niya yung chicken, dedma pa rin. Hay nako.
“Bahala ka na nga diyan.”
Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang. Kumuha ako ng kanin at inilagay ito sa plato ko. Kumuha na rin ako ng friend chicken para isawsaw sa ketchup at sumubo ng kanin. Bahala na siya diyan, gutom na talaga ako.
Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang ulo ni Dariel sa balikat ko habang kumakain ako. Nilingon ko siya. Natawa ako nang makitang nakasimangot siya sa akin. Kinurot ko ng mahina ang kaniyang ilong kaya napairap siya.
“Arte mo. Kumain ka na.” Inilahad ko sa kaniya ang kaniyang plato pero umiling siya. “Bakit?”
“Subuan mo na lang ako.”
Napataas ang kilay ko. “Ano ako, mama mo?”
“No. But the mother of my future children,” nakangiti niyang sabi kaya napailing na lang ako.
Muli kong pinisil ang kaniyang ilong. “Children? Ang dami naman.”
“Oo naman. The more, the merrier,” nakangisi niyang sabi sa akin kaya muli kong pinisil ang ilong niya.
“Ewan ko sa ’yo.” Nilagyan ko ng kanin at ulam ang kutsara ko at inilapit ito sa kaniya. “Kain,” sabi ko sa kaniya. Nakangiti siyang sinubo ang laman ng kutsara kaya natawa na lang ako.
Buong oras ng lunch, para akong nagpapakain ng isang malaking baby. Hindi na talaga siya kumain nang kaniya lang kaya nag-share na lang kami sa iisang plato and yes, iisang kutsara.
Pagkatapos naming kumain ay siya ang nagligpit ng pinagkainan namin. Aba, dapat lang. Ako na ang nagluto at nagsubo ng pagkain niya kaya siya dapat ang maghugas niyon.
“Akyat tayo sa kuwarto ko.” Tumango siya pagkatapos niyang magpunas ng kaniyang kamay. Nauna na akong pumunta doon.
Pagkabukas ko ng pinto ng aking kuwarto ay dumaretso ako sa aking laptop na nasa study table. Binuksan ko ito para matuloy ang naiwan kong task sa Journalism Club.
Habang nagta-type ako ay napansin ko ang dalawang kamay ni Dariel sa magkabilang tabi ko na nakahawak sa study table ko. Sumandal ako sa aking inuupuan at tumingala dahilan para makita ko siyang nakatingin din sa akin. Mata sa mata.
Napangiti ako nang makitang nakangiti din siya sa akin. Iniiwas niya ang kaniyang tingin sa mata ko at bumaba ito papunta sa labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi na ako umiwas nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa ’kin. Napapikit na lang ako nang sobrang lapit na niya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghinga sa mukha ko. Huminga ako ng malalim.
“I love you, my Hazel.”
Napahigpit ang hawak ko sa mouse ng aking laptop nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Dahan-dahan lang ang paghalik niya na parang isa akong babasaging bagay. All I can do is to kiss him too.
Nang humiwalay siya ay iminulat ko ang mata ko. Nakita ko ang kaniyang mukha na may sobrang laking ngiti sa labi. Napangiti na rin ako at inabot ang kaniyang pisngi.
“I love you too, Dariel babe.”
Mas napangiti siya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang pisngi at pinisil-pisil ito. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang makitang may notification sa laptop ko. Group call from my girl best friends.
Binuksan ko ito dahilan para makita ko ang dalawa kong kaibigan.
“Hello, guys.” Mabilis na kumaway si Clea nang marinig ako. Mukhang abala si Maxien sa kausap sa phone, eh.
“Konnichiwa!!”
“What’s up?” tanong ko sa kanila pero hindi nila ito napansin. May kausap na bago, eh.
Napalingon ako kay Dariel nang kulbitin niya ako. “Sa kama tayo maupo.”
Tumango ako at binitbit ang aking laptop. Naupo kami sa aking kama habang ang laptop ko ay nasa hita ko. Hinayaan ko si Dariel na yakapin ako habang kausap ko ang mga kaibigan ko.
“Nakaka-stress,” bungad ni Maxien pagkatapos makipag-usap sa kung sino man sa kaniyang phone.
“Bakit naman?” tanong ko sa kaniya.
“Sa akin kasi hinahanap si Maxine. Kamalayan ko ba kung saan puwedeng mahanap ang babaeng ’yon.”
Natawa ako ng mahina nang mabilis siyang umirap. Walang kupas ang katarayan ng isang ito.
“Wala sa bahay n’yo?” tanong ni Clea sa kaniya.
“You got it right! At wag n’yo akong tanungin kung nasaan siya dahil wala akong maisasagot.”
“Hindi naman kami magtatanong,” natatawa kong sagot sa kaniya.
“Teka, si Dariel ba ’yang katabi mo, Hazel?”
Napatingin ako kay Dariel na nakapikit habang nakasandal ang ulo sa balikat ko at yakap-yakap ako. Muli akong humarap sa mga kaibigan ko. “Yup, yung boyfriend ko nga.”
“Nakausap na niya parents mo?” tanong ni Clea sa ’kin.
“Yup. Pati na rin si Kuya Dark.”
“Woah, si Dark?”
“Bakit, crush mo?” Napataas ang kilay ko nang marinig ang boses ni Dylan. Nakumpirma kong siya ito nang tabihan niya si Maxien na natatawa ng mahina.
“Crush lang naman, eh. Boyfriend kita.” Inirapan lang siya ni Dylan kaya natawa ako ng mahina.
“Aray. Parang walang single dito.”
Napatingin ako kay Clea na nagda-drama. “Hey, you’re single but taken.”
“Wala ba diyan si Joaquin, Clea?”
Nakita ko ang paglikot ng mata ni Clea sa naging tanong ni Maxien. Napangisi na lang ako. Medyo namumula na ang pisngi niya, eh.
“Uhm... ano... nandito siya kanina.”
“Woah, naakyat ng ligaw. Hindi ’yan ginawa sa akin ni Dylan.”
“Anong hindi? Wala lang parents mo dito!”
“Whatever.”
“Ano’ng ginawa diyan, Clea?” tanong ko kay Clea na mukhang ikinabigla niya.
“Ano... yung... yung sinabi ni Maxien. Gosh, he talked to my parents for the second time. Sinabi niyang manliligaw na siya sa akin.”
Napangiti ako nang marinig iyon. Joaquin is doing the traditional way, huh? Kulang na lang ay mag-igib ng tubig para pasado na.
“Umalis agad?”
“Hindi naman. Actually, kausap niya ngay—“
“Sino’ng kausap mo?”
Natawa kami ng mahina ni Maxien nang marinig sa background ang boses ni Joaquin. Nakita rin namin itong naupo sa tabi ni Clea na nasa kaniyang kama rin. Agad naming inasar si Clea.
“Si Clea kinikilig.”
“Na-miss agad ni Clea si Joaquin, ah.”
“Hoy, hindi ah. Kapal naman.”
“Hindi nga? Bakit ka namumula?
“Arghhh... sabi nang hindi.”
“Sige, tanggi pa. By the way, saan ka galing, Joaquin?”
“Kausap ko kanina si Shawn. Umalis din agad pagkatapos.”
“Ano’ng pinag-usapan niyo?”
“Tungkol kay Clea,” sagot niya bago tumingin kay Clea na agad umiwas ng tingin. Kinikilig naman eh. Tinatanggi lang.
“Bakit mukhang nakatulog na si Dariel?” tanong ni Dylan na mukhang nakatingin sa katabi ko.
Tinabig ko ang aking katabi bago siya tignan. Iminulat naman niya ang kaniyang mata bago tumingin sa screen ng laptop ko. “Problema mo, puti?”
“Palibhasa’y maitim ka.”
“Kapal mo naman. Ang lapit na kaya ng kulay ko kay Joaquin.”
“Bakit ako nadadamay diyan?”
Natawa kaming tatlong babae sa sagutan nilang tatlo. Ano pa kaya kung magkakasama kami. Baka nagsapukan na ang mga ito sa harap naming tatlo.
“Ang cute. Three couples in one video call.”
“Couple ka diyan. Single pa naman ako.”
“But taken.”
“Doon din naman tayo papunta, Clea.”
“That’s the confidence, bro!”
“Sasagutin ka na niyan after a day, Joaquin.”
“Hey, Dariel. Huwag mo nga akong pangunahan.”
“Woah, so sasagutin mo na siya, Clea?”
“Hindi nga malabo. Baka mamaya ay sila na agad.”
“Hindi pa, ’no! Sa isang taon pa!”
“Kaya mo ba ’yon, Quin?” tanong ni Dariel kay Joaquin na nakatingin kay Clea.
Nagkibit-balikat ito bago sumagot. “Okay lang. Sure naman akong sasagutin niya ako.” Mabilis siyang siniko ni Clea sa tagiliran kaya natawa siya ng mahina.
“Teka lang, ha. Bakit nga pala kayo nasa bahay ng mga best friends ko, Dariel at Dylan?” mapanuring tanong ni Clea kaya napatingin ako kay Dariel.
“Nakipag-usap ako sa parents ni Hazel, Clea. At siyempre para makasama ang girlfriend ko,” sagot ni Dariel at tumingin sa akin. Naiiling akong napangiti.
“Ginawa akong delivery boy ng girlfriend kong ubod ng takaw,” sagot ni Dylan kaya muli akong tumingin sa screen.
“Hey, I’m not!”
“Paanong delivery boy ba, Dylan?” natatawa kong tanong sa kaniya.
Inirapan niya si Maxien bago sumagot. “Inutusan niya akong bumili ng dessert sa Mnemosyne at tatlo pa! Takaw-takaw.”
“Sobra ka naman. Isa lang kaya pinabili ko.”
“Sure ka?” sagot ni Dylan habang nilalapit ang mukha kay Maxien.
Nanlaki lang ang mata ko nang makitang hinalikan niya si Maxien sa harap namin hanggang sa makahiga ito! OMG! Mga walang hiya!
“Hey! Bakit mo tinakpan ang mata ko?” Napatingin ako kay Joaquin na tinatakpan ang mata ni Clea. Natawa kami ni Dariel sa ginagawa nila.
“Hindi pa puwede. Masyado ka pang bata.”
“Parang hindi mo ko nahalikan, ah?”
“Uyy, inaamin,” pang-aasar ko kay Clea. Natawa kami ng mahina nang makita namin siyang mamula.
“Kyahhhh!! May kiliti ako diyan!” Huli na para makita namin ang ginagawa nina Dylan at Maxien nang may magsara ng laptop niya. Ano’ng ginagawa nila?
“Ano kaya ’yon?” natatawang tanong ni Dariel kaya napailing ako. Hindi natin alam, babe. At saka pang kanila na lang ’yon.
“Ngayon naman yung tenga ko! Napapaano ka ba?” Natawa kaming muli ni Dariel dahil sa reklamo ni Clea sa ginagawa ni Joaquin. He’s protecting you, Clea. Funny ang dalawang ’to.
“Tsk! End the call now! Mag-review ka na lang!”
“Bakit? Eh, ano bang nangyayari kina Maxien?”
“Ewan ko sa ’yo, Clea.” Tumingin sa screen si Joaquin habang nakatingin naman sa kaniya si Clea. “Guys, sorry. I-end ko na ito. Kailangan pang mag-review ni Clea.”
Tumango na lang ako kaya pinatay na niya ang call. Pipigilan pa sana siya ni Clea pero huli na ito. Kakulitan talaga ng babaeng iyon.
“End mo na rin. May pupuntahan tayo.” Lumingon ako kay Dariel na nakayakap pa rin sa akin.
“Saan?”
“Huwag ka na magtanong. Malalaman mo din naman.” Nagkibit-balikat na lang ako at tumingin muli sa screen ng laptop ko.
“Bye, Maxien and Dylan! Take care!”
“Wait lang!! Kyahhhh!!!!”
Si Dariel na ang nagpatay ng call kaya natatawa akong nilingon siya. “Naririndi ka?”
“Ewan. Basta masakit sa tenga ang sigaw ni Maxien,” naiiling niyang sagot kaya muli akong natawa.
Umalis na kami sa kama bago lumabas ng kuwarto. May pupuntahan daw kasi kami ngayon kaya magpapadala na lang ako sa kaniya. Mukhang nagmamadali at hindi na ako pinagbihis man lang.
Nasa kotse na kami at papunta sa kung saan. Medyo traffic kaya nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas. Nang makita ko ang isang mall ay humarap ako kay Dariel.
“Babe, punta muna tayong mall.” Napataas ang kilay niya sa sinabi ko pero agad din naman niyang iniliko ang kaniyang sasakyan.
Pagka-park niya ay lumabas na ako at agad naman niya akong sinundan. Pumunta ako sa parlor na pinupuntahan namin nina Maxien at Clea.
“Ano’ng gagawin mo dito?” Humarap ako kay Dariel at pinaupo siya sa isang upuan.
“Just wait here.” Nakataas ang kilay niyang tumango kaya natawa ako ng mahina.
Nang makita ko ang usual na naggugupit sa amin ay agad akong nagsabi sa kaniya para magupitan niya ako. Tumango siya at pinaupo na ako para magupitan.
Habang ginugupitan ako ay nakita ko si Dariel na nagbabasa lang ng magazine habang naka-dekuwatro. Shocks, so hot talaga kahit kailan. Parang ang sarap kagatin ng braso niya ngayon. Nakakagigil.
“Done,” sabi ng naggugupit sa akin kaya tumango ako sa kaniya. Tinagtag niya ang nakabalot sa akin kaya pinagpag ko ang sarili ko bago lumapit kay Dariel.
Nang makatapat ako sa kaniya ay agad niya akong tinignan. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. “Bakit ka naman nagpagupit?”
“Pangit ba?” Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko habang nakatingin sa kaniya. Naiiling siyang tumayo at hinaplos ang buhok ko na lumagpas lang ng kaunti sa balikat ko.
“You’re always beautiful, babe, kahit pumuti ang buhok mo... kasama ako.”

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata