PROMISE

“Clea Darleane Fernandez Sanchez, I’m so in love with you. So, let me treasure you.”
Bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon nang nakatingin sa mga mata ko. Narinig ko ang malakas na tilian at pag-cheer ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Joaquin na sinasabayan ng music.
Hinawakan ni Joaquin ang kamay ko at doon tumingin. Muli siyang nagsalita gamit ang mic.
“No’ng nakita kita sa mall bago ang pasukan, sa bookstore, naging weird na ang pagtibok ng puso ko. Alam mo bang sinadya kong makipag-agawan sa ’yo ng libro para lang makausap ka? Gusto ko ngang matawa nang makita kong naiinis ka. Siguro nga ay kasiyahan kong nakikita kang naiinis.”
Natawa siya ng mahina kaya napasimangot ako. Tinaas ko ang kamay ko at hinampas siya ng dalawang beses sa braso.
“Walang hiya ka. Eh ’di, sana ay tapos ko na ang series na iyon,” naiinis kong sabi sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. Narinig ko din ang tawanan ng mga kaklase ko. Sige lang, pagtulungan niyo ako.
“Iyon talaga ang iniisip mo? ’Yong libro? Eh ’di, hihiramin ko sa pinsan ko para mabasa mo. Niregalo ko kasi sa kaniya ’yong libro, eh.”
“Huwag na lang,” sabi ko sa kaniya at inirapan siya. Muli siyang natawa bago pisilin ang kamay ko.
“Kidding aside, buong gabi ng araw na iyon ay nasa isip ko ang mukha mo. Ang masungit mong mukha ang nakikita ko pero masaya na ako. So, I wondered, paano pa kapag nakita kitang nakangiti? Baka mabaliw na ako sa kakaisap sa ’yo.”
Itinaas niya ang kamay ko at hinalikan ito. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaniyang ginawa at nang muli niya akong tignan sa mata.
“Sabi ko sa sarili ko, sayang at hindi ko nalaman agad ang pangalan mo. So, para kumalma ako ng kaunti sa saya kong nararamdaman, nagkuwento ako sa kaibigan ko.”
Napatingin ako sa aking gilid nang makarinig ng pagputok ng lobo. Nagtawanan pa sila pero ang napansin ko ay si Zavion. Nangunot ang noo ko nang makita ang kulay itim na mask na nasa ulo niya.
“Hey! Ikaw ang kumuha ng phone ko kanina sa parking lot?”
Napatingin sa akin si Zavion at biglang natawa. Susugudin ko na sana siya pero naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Joaquin sa kamay ko. Sa kaniya ako napatingin.
“Puwede bang sa akin muna ang atensyon mo at hindi sa kung sino dito sa hall?”
Natatawa akong tumango sa kaniya at hinarap siya ng ayos. “Sorry.”
Huminga siya ng malalim bago magpatuloy. “As I was saying, nagkuwento ako sa kaibigan ko. Habang kinukuwento kita sa kaniya ay na-i-imagine pa rin kita. Nasabihan pa nga niya akong bakla, eh, pero hindi ko na pinansin. All I think is your beautiful face that day.”
Ngumiti ako nang makita siyang ngumiti. Muli niyang pinisil ang kamay ko na hawak-hawak niya. From there, nararamdaman ko ang kaba niya sa kaniyang ginagawa.
“Akala ko ay na-amaze lang ako sa ’yo that day, akala ko ay makakalimutan din kita, pero nagkamali ako. Kahit gawin kong busy ang sarili ko sa iba’t ibang bagay, sumasagi pa rin sa isip ko ang mukha mo. Imagining na nagsusungit ka ulit sa harap ko.
“And that imagination becomes real nang malaman kong kaklase pala kita dito sa Howard Academy. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa ’yo no’ng first day of class, ang suwerte ko sa paglipat dito. Kaklase ko ang laman ng isip at malamang ay ng puso ko na rin.
“Nang tignan mo din ako, hindi ako makapaniwalang mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Katabi kita tapos nakatingin pa sa akin kahit masama, ang saya ako. Natanong ko pa si God na ano’ng nagawa ko para bigyan ng ganito kalaking regalo.
“Kinulit kita nang kinulit para makausap ka. Sorry for annoying you, by the way. Tapos ikaw din pala ang club mate ko sa Photography, so I decided na hindi na sumali sa Sports Club dahil kontento na ako sa PC, dahil ikaw ang makakasama ko.
“Mas lalo kang naging mahalaga sa akin nang makita kitang naiyak. Parang binibiyak din ang puso ko kapag nakikita ko ang mga luha mong tumutulo mula sa ’yong mata dahil sa sakit. I want to take that pain of yours at papaltan ko ng tears of joy.”
Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako. Pinahid niya ang aking pisngi gamit ang kaniyang daliri nang makita ang takas na luha mula sa mata ko. Nag-aalala siyang tumingin sa mata ko pero umiling lang ako sa kaniya at ngumiti ulit. Napangiti na rin siya.
It’s a tear of joy, Joaquin. A tears from you. A joy from you.
“Kaya nakaisip ako ng plano bago ka bumalik sa school. Nagpatulong ako kay Marco na pinturahan ang buong PC para matuwa kang tumambay sa club kasama ko. At nagtagumpay naman ako. Nakita ko ulit ang masasaya mong ngiti. At sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko alam na mas nahuhulog ako sa ’yo.
“Ginawa ko ang lahat para mas maparamdam sa ’yo ang pagmamahal ko, except the kiss. I’m sorry again.” Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang may sumingit.
“Woah. Did I heard it right, Joaquin? You kissed her?” Tumingin kami kay Shawn na parang nainis sa narinig.
Tumingin ako kay Joaquin na napakamot sa kaniyang ulo bago sumagot. “Y-Yes, Kuya Shawn.” Muntik na akong matawa nang marinig ko ang itinawag niya sa pinsan ko.
“What!? Harassment ang tawag diyan at huwag mo nga akong tawaging kuya! Mas matanda ka sa akin ng isang taon!”
May sasabihin pa sana siya pero mabilis na kumilos sina Dylan at Dariel na katabi niya. Tinakpan nila ang bibig nito kaya mas lalo siyang nagwala.
Natatawa akong hinawakan ang mic sa kamay ni Joaquin bago magsalita. “Kuya, kumalma ka. Baka kung mapaano ka,” natatawa kong sabi kaya mas lalo siyang nagwala.
Nang makaalis siya sa pagkakahawak ng dalawa naming kaibigan ay muli siyang sumigaw. “Magsama kayong dalawa!”
Inagaw ni Joaquin ang mic mula sa kamay ko. “Are you giving the permission para maiuwi ko na agad si Clea sa bahay namin?” Mabilis kong hinampas sa braso si Joaquin pero tinawanan niya lang ako.
“Bakit hindi mo muna pabangasan ’yang mukha mo sa akin?”
Natatawang umiling si Joaquin. “Joke lang naman, Shawn. Saka na lang kapag nadala ko na sa altar ang pinsan mo.”
“Malamang! Bangasan talaga kita diyan, eh,” naiinis na sabi ni Kuya Shawn bago maupo ng maayos. Nahampas pa niya ang dalawa niyang katabi nang tawanan siya ng mga ito.
“Clea.” Muli akong humarap kay Joaquin na natatawa pa rin. “Akala ko maiuuwi na kita sa aming bahay. Sayang, binawi ng pinsan mo.”
“Crazy,” natatawa kong tugon sa kaniya.
“Anywayz, nagalit ka man nang gawin ko iyon, natutuwa pa rin ako dahil hinayaan mo pa rin ako sa tabi mo at hindi mo ako pinagtabuyan. Masungit ka mang tignan, na-realize ko namang hindi mo kayang magtanim ng sama ng loob.
“So, I take that opportunity para mas mapalapit sa ’yo, para mas maparamdam ko ang pagmamahal ko para sa ’yo. Pero hindi maiiwasan na nagseselos ako sa mga kaibigan mong lalaki kapag kausap mo sila.
“But I stop myself from reacting to that so I won’t be bad at your eyes. Sila ang una mong naging kasama bago ako kaya wala akong karapatan na ilayo sila sa ’yo.
“But I want you to be mine, I want to labelled you as Joaquin Villanueva’s property para kapag may lalapit sa ’yong ibang lalaki, alam nilang akin ka. Pero nasabi ko na sa ’yo na gusto ko munang ligawan ka.
“Gusto ko munang ligawan ka para mas maprove ko ang sarili ko that I’m worth for your love. Gusto ko mang tanungin sa ’yo ngayon ang mga katagang ’will you be my girl?’ ay hindi ko magawa. Ayaw ko din namang magmukhang napipilitan ka.”
Bumilis ang tibok ng puso ko, kahit mukhang hindi naman yata ito bumagal pagkarating ko dito, nang tignan niya ako sa aking mata.
I can see the love in his eyes kahit mukha siyang kinakabahan. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago magsalita.
“You’re asking me kung ano ang gusto kong birthday gift from you, right?” Tumango ako bilang sagot.
Napapikit siya at huminga ng malalim. Napansin ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa mic dahil siguro sa kaba. Pagkamulat niya ng kaniyang mata ay agad akong tinignan ng mga ito.
“I want you to sing for me, pero ako na ang gumawa pero para sa ’yo. I want you to give me something gold, pero ako na ang gumawa pero para sa ’yo. I want you to give me something with three colors, pero ako na ang gumawa pero para sa ’yo.
“Your love is like a treasure that is worth to keep kaya sana pagkatiwalaan mo ako. And you can make my wish come true not just on this day but every second of my life. So, Jeannette Minerva Cortez Sanchez, I love you and I want to treasure every side of you.”
Pinisil niya ang kamay ko bago sabihing, “Will you finally allow me to court you until I make you say yes to be my girl?”
Malakas na tilian ang narinig namin kahit wala pa naman akong isinasagot. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko at parang natuyo ang lalamunan ko habang pinapakinggan ang itinitibok ng puso ko. Hindi ko mahagilap ang mga salitang dapat kong isagot sa tanong niya.
“Clea?”
Nang tignan ko siya sa kanyang mata ay dahan-dahan akong umiling na ikinagulat niya, ang mga nanonood ay natahimik. Napakagat siya sa kaniyang labi at napasabunot sa kaniyang buhok. Tumango-tango siya bago tumingin sa akin.
“O-Okay. I u-underst—”
“Tara sa school ground?”
Mas mukha siyang kinabahan dahil sa sinabi ko pero dahan-dahan ding tumango. Nilapag niya ang mic sa sahig kaya naglakad na ako palabas ng hall.
Habang naglalakad kami papunta sa school ground ay hinahawakan ko ang petals ng bulaklak na natanggap ko kanina at inamoy-amoy ito. Nang mapansin kong nasa likod ko lang si Joaquin ay tumigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya na ikinagulat niya.
“Wala ka bang balak na tabihan ako sa paglalakad?” Napakamot siya sa kaniyang ulo bago maglakad papunta sa tabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang school ground.
Muli kong pinagmasdan ang mga bulaklak. “Saan galing ang mga bulaklak na ito? Wala ka namang dalang bulaklak kaninang umaga, hindi ba?”
“Ah, kay Patricia ako nagsabi. M-May-ari sila ng i-isang flower shop.”
Tumango-tango ako sa sinabi niya. “Bakit yellow, red and white roses ang pinili mo?”
“Three colors because I-I love you. Red for l-love, white for purity and yellow b-because you’re the one I want to treasure forever.”
Napangiti ako sa aking narinig. He’s as sweet as my favorite chocolates. Ang sarap niyang kagatin dahil sa sobrang ka-sweet-an. Joke!!
Napatingin ako sa nag-iisang sunflower na hawak ko. Hiniwalay ko ito at pinakita sa kaniya. “Nasa kotse mo ito kanina pagkabukas ko. Para sa akin ba ’to?”
“Y-Yes.”
“Bakit nag-iisa?” curious kong tanong sa kaniya.
“Dahil ikaw lang ang nag-iisa kong pagkakatiwalaan, aalagaan, at mamahalin.”
Sinalubong kami ng malamig na hangin pagkarating namin sa school ground. Nang umikot-ikot ako ay napansin kong kami lang ang tao dito. Wow. Pinagbibigyan ako ngayon ng mga estudyante dito.
Humarap ako sa kaniya pagkatapos kong umikot ng tatlong beses. Tinignan ko siya sa kaniyang mata na ikinagulat niya.
“Nakanta ka ba talaga?”
Marahan siyang umiling bilang sagot. “Nilakasan ko lang talaga ang loob ko para hindi mabulol sa harap niyo.”
Tumango ako at humakbang palapit sa kaniya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. “Well, ang ganda ng boses mo. Tell me, kailan mo pinlano ’to?”
“Kinausap ko ang mga kaibigan natin na desidido na akong tanungin ka kung puwede nang manligaw. No’ng isang araw pa kami nagplano. Lahat ng mga dinagdag sa plano ay kanina lang including the flowers at ang pagkanta ko.”
Nang makarating ako sa kaniyang harapan ay nakita ko ang paglunok niya. Ngumiti ako bago i-occupy ang natitirang space sa gitna namin. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inilagay ito sa baywang ko. Nilagay ko naman sa leeg niya ang dalawa kong braso na mas ikinagulat niya.
“Do you really want to court me?” nakangiti kong tanong sa kaniya.
Napalunok siya bago sumagot. “Y-Yes but I understand kung hin—”
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang halikan ko siya sa kaniyang labi. Bago ako pumikit ay nakita kong nanlaki ang mata niya kaya napangiti ako habang hinahalikan siya. At ilang sandali lang, unti-unti kong naramdaman ang pagbawi niya ng halik sa akin at paghigpit niya sa pagkakahawak sa baywang ko.
Matapos iyon ay dahan-dahan kong inilayo ang aking labi sa kaniya. Pagkamulat ko ng aking mata ay nahuli ko pa siyang nakapikit kaya natawa ako ng mahina. Nang marinig niya akong tumawa ay iminulat na niya ang mga mata niya at tinignan ako.
Lumayo ako sa kaniya bago siya tignan ng maayos. Ngumiti ako pero nasa mata niya pa rin ang kaba at pagkagulo dahil sa ginawa ko.
“Last mo na ’yon, ha? Manligaw ka muna.”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Muli akong natawa sa naging reaksyon niya.
“I-Is that a y-yes?” nangangatal niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko. Tumango ako bilang sagot na mukhang ikinabigla niya.
“S-Seryoso?” Napataas ang kilay ko.
“Hindi ka ba naniniwala?” Mariin siyang napapikit bago humakbang palapit sa akin. Mabilis niya akong hinigit sa aking braso at niyakap ng mahigpit. Napangiti naman ako at niyakap na rin siya.
“N-Naniniwala naman ako. H-Hindi lang ako makapaniwala dahil a-akala ko ay ni-reject mo na ako k-kanina.”
Tumango-tango ako at bahagyang lumayo sa kaniya para tignan siya. “Hindi ko alam ang sasabihin ko kanina dahil nandoon ang mga kaklase natin. Nauna ang kaba sa puso ko, eh,” natatawa kong sabi kaya ngumiti na rin siya.
Hinawakan niya ang pisngi ko kaya mas lalo akong napangiti. “So, idinaan mo na lang sa paghalik?” Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at huli na para mapigilan ko siya dahil hinalikan ulit niya ako sa aking labi.
This time ay hindi ako nagpadala. Bahagya ko siyang tinulak at lumayo sa kaniya. “Hey! I said, court me first before you kiss me!”
Muli niya akong hinigit at mabilis na rinampian ng halik sa labi bago lumayo. Nagpapadyak ako sa inis dahil sa kaniyang ginawa. “Ang kulit mo!”
Natatawa siyang nagkibit-balikat. “Sorry. I’m such a rule breaker.” Kinindatan niya ako kaya napairap ako. “I want to kiss you again.” Akmang lalapit ulit siya pero mabilis kong inilahad sa kaniya ang kamay ko.
“Hampasin kita, gusto mo?”
“No one can stop me.” Humakbang ulit siya palapit sa akin pero nang humakbang ako palapit sa kaniya nang nakalahad ang kamay ay mabilis siyang tumakbo palayo. “Isa lang naman!”
“No way!” Inilapag ko sa pinakamalapit na bench ang mga bulaklak bago siya habulin.
“Gusto mo din naman!”
“Pahampas muna ng dalawapu bago ko aminin!” sabi ko sa kaniya habang hinahabol ko siya
“Ayaw ko masakit!”
“Come here! Pahampas kahit isa dahil sa kakulitan mo!”
“No way!”
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para maabutan siya. Paikot-ikot na kami sa school ground habang nagtatawanan at naghahabulan. Nasa unahan siya at tawa nang tawa habang ako naiirita. Such a rule breaker!
Habang hinabol ko siya ay bigla na namang may nag-flash sa utak ko.
“Tumakbo ka na!” sabi ng isang lalaki na nakaupo at hindi kalayuan sa akin. Nang tumingin ako sa unahan ay nakita ko ang isa ring lalaki na parang iniiwasan ako. Nagtataka ako kung bakit ko siya hinahabol.
“Wag naman ako...!” sigaw no’ng lalaki na hinahabol ko.
“No! Gusto ko ikaw! Isang beses lang naman, eh!”
“Hey, are you okay?” Namalayan ko na nasa harap ko na si Joaquin at nakangiti ng nakakaloko.
“Yeah?” nagtataka kong sabi sa kaniya.
Natawa siya ng mahina. “Crazy. And oh, Clea.” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay bago tumingin sa mata ko. “Thank you for trusting me. I can’t promise to give all what you want, but I’m ready to spoiled you with my love. Pinapangako ko sa ’yo na kapag sinagot mo ako, hindi ka magsisisi. Jeannette, I love you and I’m willing to wait for your ‘yes’ for forever love.”
“I like you too,” nakangiti kong sabi sa kaniya pero napasimangot siya.
“Love dapat, hindi like,” nakasimagot niyang sabi kaya natawa ako ng mahina.
“You have to wait.”
“Ahuh? So, when you say ’I love you too’ to me you’re my girl then?”
Napaisip ako bago siya tignan. “Puwede na rin,” nakangiti kong sabi sa kaniya kaya napangisi siya.
“Say I love you to me, Clea. I’ll buy all the chocolates in this town.”
Napahawak ako sa aking baba na parang nag-iisip bago siya muling tignan. “I...”
“Go,” sabi niya kaya natawa ako ng mahina.
“...don’t want.” Napasimagot siya at sinundot ako sa tagiliran dahilan para mapaatras ako.
“Say it.”
“Ayoko nga!” Muli niyang sinundot ang tagiliran ko kaya tumakbo na ako palayo sa kaniya.
“Go run dahil kikilitiin kita!”
Mas binilisan ko ang pagtakbo nang makita kong tumatakbo na rin siya papunta sa akin. “Kyaaahhh!!! Joaquin!!”
Sinong may sabi na naulan lang kapag malungkot ang langit? Gosh, I’m so happy to have Joaquin with this shining sun above us.
***
HAZEL’s P.O.V.
“OMG. Ano kayang naging problema? Bakit umiling si Clea?” naiiyak na sabi ni Maxien nang makita ang kinalabasan ng aming effort para sa panliligaw ni Joaquin. Well, ikaw na kilig na kilig tapos gano’n lang ang mangyayari. She even helped Joaquin more in this plan dahil na-excite siya sa dalawa.
“Baka nakulangan sa bulaklak!” natatawang sabi ni Zavion. Tsk. Dakilang mang-aasar talaga kahit kailan, kahit sa kaibigan. Face palm.
“Kawawa naman ang kaibigan natin, rejected!” sabi ni Kyle at nakipag-apir kina Zavion at Ten na gustong matawa ng malakas.
“Sisihin niyo itong si Shawn! Singit nang singit!” Napalingon kami kina Dylan at Dariel na tinatawanan si Shawn.
“Walangya! I’m just protecting my cousin! Maglinis na lang kayo kung ayaw niyong ma-suspend ng isang linggo!” Tinawanan na lang namin siya bago simulang linisin ang hall. Lahat yata ay nasayang. Kakalungkot naman.
Makaraan ang ilang minuto ay natapos na rin kami. Madali lang naman maglinis dito sa hall dahil marami naman kami. Effortless nga lang dahil rejected si manliligaw.
“Tara na?” Tumingin ako kay Dariel na bitbit na rin ang bag ko. Tumango ako sa kaniya kaya sabay kaming naglakad palabas ng hall.
Nang maalala naming nasa school ground sina Clea at Joaquin ay naisipan naming dumaan doon. Pinlano pa ng mga lalaki kung paano aasarin si Joaquin. Our supportive friends, everyone!
Pagkarating namin sa school ground napataas ang kilay ko nang maabutan naming masayang naghahabulan sina Clea at Joaquin. Woah. Ibang klase. Matapos ma-reject at man-reject ay maghahabulan.
“Yow! Pasali kami!” sigaw ni Ten pagkalapit namin sa dalawa. Tumigil sila sa paghahabulan at magka-akbay na lumapit sa amin. Mas lalo tuloy akong nagtaka.
“Parang walang rejections na nangyari, ah?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Natatawa naman silang nilingon ako. “Wala naman talaga.”
“Wait! So, pinayagan mo na, Clea?” tanong ni Shawn sa kanila at sabay silang tumango.
“Nice one!”
Binati nilang lahat ang dalawa kaya gano’n na rin ang ginawa ko. Kung paano man nangyari iyon ay hindi ko na aalamin. Ang mahalaga ay magiging masaya na rin sila, siguro mga after one week or a month?
“Hey, hindi pa tapos ang surprise,” sabi ni Joaquin bago tumuro sa aming likod. Nagtataka kaming lumingon sa kaniyang itinuro. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dariel na may hawak-hawak na isang bouquet ng bulaklak. “Gagawin pang monthsary ang birthday ko.”
Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumuhod siya sa harap ko. Oh my gosh. What’s happening?
“Hazel, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mahal na mahal kita at gusto kong bumalik kang muli sa ’kin. Gusto kitang pasayahin higit sa nagawa ko noon. Gusto kitang alagaan higit sa nagawa ko noon. Pangako ko sa ’yo na wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan nating dalawa. Please, trust me your heart again, Hazel. I’ll keep it more than I do last time.”
Sandali siyang tumigil at tinignan ako sa aking mata. Naluluha akong tinignan din siya. Ngumiti siya bago sabihing, “Will you be the love of my life again, Hazel?”
Tumulo mula sa mata ko ang isang luha hanggang sa hindi ko na ito mabilang. I don’t want myself nor him to suffer again. We love each other at sapat na iyong dahilan para bumalik sa kaniya.
“Let me, Dariel. Let me be yours again.”
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at lumapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Naghiyawan ang mga kaibigan ko kaya mas lalo akong napangiti.
“I love you, Hazel. Thank you for trusting me again.”
“I love you too, Dariel.”
Lumayo siya ng kaunti sa akin at hinalikan ako sa aking labi. The sweetest thing I knew? To have and love him again. Past is past. Ang mahalaga, magkasama kaming muli para harapin ang susunod na bukas.
I promise to hold you tight this time. I love you, Dariel Chen.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata