“Oh, guys. Sampu naman tayo. 2 teams okay?” instruction ni Kuya Shawn sa amin. Team A: Shawn, Ten, Hunter, Dylan, Maxien. Team B: Dariel, Kyle, Zavion, Hazel, Ako. Oo, marurunong din kaming tatlong babae ng basketball kaya sinasali na rinnila kami. Pero more on passing lang kami. Pero bago kami magsimulang maglaro, hinubad ni Hunter ang t-shirt niya pero may sando pa naman siya sa loob. Binigay niya ’to sa ’kin at saka ko tinupi at ilagay sa dala kong bag. “Clea, hindi ka ba nahirapan? Nakasando pa pala si Hunter, ah,” sabi ni Kyle sa ’kin kaya napataas ako ng kilay. “Tumigil ka nga diyan, Kyle. Sasapakin talaga kita,” sabi naman ni Hunter kaya nagtawanan silang lahat. Tumayo na kaming lahat at pumwesto na sa court. Nagsimula na kaming maglaro. Syempre nakaka-excite, kasi magagaling naman silang lahat. Si Dariel halos ang nakakapoints sa aming team, sa kabila naman si Dylan. Kami namang tatlong babae, kapag puwede ipasa sa ka-team ay pinapasa namin. Nagta-try din kami mag-shoot. Pero mas magaling sa aming tatlo ay si Hazel. Ewan ko na lang kung hindi pa siya gumaling, eh basketball varsity ang boyfriend niya! Matapos ang halos isang oras ng paglalaro umupo na kaming tatlong babae. Kakapusin ako sa hangin, eh. Pero yung mga lalaki nandoon pa sa gitna at naglalaro. “Grabe kayo mang-asar sa amin. Nagbibiro lang naman ako,” sabi ko kina Maxien at Hazel kaya binalingan ako ng mga ito. “Nagbibiro lang din naman kami, ah!” sabi ni Hazel sabay tawa. Nakitawa na rin si Maxien. “Mga baliw talaga,” sabi ko na lang at tinignan ko na lang sila Hunter na ngayon ay nakaupo at halatang pagod na pagod. Lumulubog naman na ang araw kaya hindi na masyadong mainit dito sa court. “Tara do’n,” pagaaya ko at pumayag naman sila. Umupo ako sa tabi ni Hunter. Binigay ko sa kaniya ang face towel na nasa bag ko. Umupo naman sa tabi ko si Maxien at si Hazel naman kay Dariel. “Uso maging sweet sa isa dyan,” sabi ni Kyle habang hinahalwat ang bag ni Hazel na parang may pinaparinggan. “Oo nga naman,” sabad naman ni Dylan habang nakatingin sa ’kin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinuro naman niya si Hunter na hawak ang phone niya at nakasabit lang sa balikat ang face towel na binigay ko. Tinignan ko ulit si Dylan at tinaasan ng kilay. “Slow as ever,” sabi naman ni Ten. Sa totoo lang alam ko naman ang tinutukoy nila. Ayaw ko lang gawin, bakit ba. “He has his own hands. He can do it on his own,” sabi ko na lang at nilingon si Hunter. Nakatingin siya sa ’kin na parang nakikipagusap. Binelatan ko na lang siya at nakisali sa pinaguusapan ng iba. Pero kinukulbit pa rin niya ako kaya nilingon ko na siya at kinuha ang panyo. Pinunasan ko ang mukha niya pero ibinato ko din ito sa kaniya pabalik. “Ang bad talaga Clea.” Napalingon ako kay Hazel na biglang nagsalita. Nginitian ko na lang siya. “Tara sa bahay guys,” pag-aaya ko sa kanila at tinanguan nila ako. Tumayo si Hunter at inilahad niya ang kamay niya sa ’kin. Tinanggap ko iyon at tumayo pero nadulas ang paa ko kaya napayakap ako sa kaniya. Sh*t naman. “Aba, dumada-moves si Clea,” pang-aasar sa ’kin ng mga kaibigan ko kaya lumayo na ako kay Hunter. “Akin na ang t-shirt ko,” sabi ni Hunter kaya binigay ko naman ito sa kaniya. Tumalikod ako at nakita ko ang mga kaibigan kong nauuna na sa paglalakad. Tumalikod din ako kasi alam kong huhubarin ni Hunter sando niya. Gosh, baka magkasala pa yung mata ko. “Tara,” sabi ni Hunter at inakbayan ako bago kami maglakad papunta sa mga kaibigan namin. “Bakit ka namumula? Nilalagnat ka ba?” tanong sa ’kin ni Hunter. Umiling ako bilang sagot sa kaniya. “Nila-love-nat ’yan, Hunter,” rinig kong sabi ni Dariel kaya napatingin ako sa kaniya. Malapit na kasi kami sa kanila kaya narinig niya siguro ang tanong sa ’kin ni Hunter. At bakit ba kasi ako namumula? Siguro sa sobrang lapit ko sa kaniya? Eh? “Sorry,” sabi naman ni Hunter at natawa ng mahina. Siniko ko siya sa tagiliran kaya natanggal ang kamay n’yang naka-akbay sa ’kin. Pagkarating namin sa bahay, pumunta agad ako sa kusina para ihanda ang kakainin nila. Sigurado namang gutom sila plus pa yung pagod. Pagkarating ko sa salas dala ang pagkain at juice, nakita ko ang mga kaibigan kong tawa nang tawa. Nilapag ko ang dala ko at hindi ko na kailangang sabihin kung ano’ng dapat gawin do’n. Auto na ’yan. Tumabi ako kay Hunter. “Hindi ba kayo nakakaramdam ng pagod? Tawa kayo nang tawa, eh.” “Ang sarap kasi asarin ni Hunter,” sabi ni Shawn sabay tawa. Lumingon ako kay Hunter na mukha namang walang pakialam. Niyakap niya lang ako. “Ano ba’ng pinangaasar n’yo?” tanong ko sa kanila bago ako uminom ng juice. “Yung ginawa n’yo kanina rito,” sagot ni Ten kaya lalong lumakas ang tawanan. Nasamid naman ako kaya nilapag ko ang baso sa lamesa at umubo nang umubo. Tinapik tapik naman ni Hunter ang likod ko kaya naging medyo okay na. “Sabi nang wala nga at nagloloko lang ako, eh.” Napasandal ako sa dibdib ni Hunter dahil feeling ko mauubo na ulit ako pero ramdam ko na naman ang pisngi kong nag-iinit. Ang bilis din ng tibok ng puso ko! “Shocks! Kinikilig ako tigilan n’yo nga ’yan!” sabi ni Maxien nang makita ang posisyon namin ni Hunter. “Malala na ang sakit ni Clea oh. Stage 4 Love Cancer!” sabi ni Zavion kaya napatingin sa ’kin ang iba at nagtawanan. Feeling ko mas namula ang mga pisngi ko. Kung palayasin ko na kaya sila? Tutal, nasa bahay ko naman sila. Para matigil ang tawanan at pamumula ko, inayos ko na ang pagkakaupo ko pero bago ko pa man magawa ’yon, hinila ako ni Hunter at niyakap nang sobrang higpit. Argh! Asar din ’to, eh! “Hunter naman,” bulong ko sa kaniya pero umiling siya at mukhang tuwang-tuwa na inaasar ako ng iba. “Ahem!” Napatingin kami sa tumikhim na si Ten. “Lagi kayong nakapokus sa dalawang ’yan, eh meron pa rito sa tabi, oh.” Tinuro ni Ten sila Hazel at Dariel na ang sweet-sweet tignan. Nakayakap din si Dariel kay Hazel. Napansin ’ata nila na nakatingin na sa kanila kaya napalingon sila sa amin. “Kayo ah,” pang-aasar ni Kyle kaya binato ni Dariel ng unan ito. Nagtawanan kaming lahat at nagpatuloy ang asaran. Medyo nawala na rin ang pagkailang ko sa posisyon namin ni Hunter. Ang sarap mapunta sa mga ganitong kaibigan. Sana lagi kaming magkakasama. Walang ilangan. Kasi bukod kay Hunter, pinapasaya rin nila ako. I’m so thankful na binigyan ako ni God ng mga ganitong kaibigan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat