BEAT OF TENSE

Nakita kong nakatayo si Dylan sa mini garden ng bahay nila Kyle. Nakatingala siya sa kalangitan habang nakapamulsa. Nakapikit din siya habang nililipad ng hangin ang kanyang may pagkakulot na buhok. Bumuga ako ng malalim na hininga bago siya lapitan.
“Dylan,” pagtawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon sa akin. Narinig ko lang siyang natawa ng mahina. “May nagawa ba ako?” mahinang tanong ko sa kanya habang magkahawak ang dalawa kong kamay sa likod. Grabe din ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nakita ko siyang dahan-dahang umiling bago humarap sa akin. Kinakabahan akong humarap at tumingin sa kanyang mukha. Sarkastiko siyang ngumiti. “I just want to know, who is he?”
“Are you referring to Andrei?” Tumango siya bilang pagsang-ayon. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Andrei Castanos is my boyfriend before you.”
Napangisi siya na nagpadagdag sa kaba ko. Hindi ko gugustuhing muli na may hindi kami pagkakaintindihan. I don’t want him to go away again from me. I want him always in my side kaya gagawin ko ang lahat manatili lamang siya.
Humakbang siya papalapit sa akin kaya natigilan ako sa kinatatayuan ko. “How did you met him?”
“Lagi ko siyang nakikita sa harap ng gate ng school ko noon. Lagi niya akong kinukulit kahit ilang beses ko siyang tarayan. Then later on naging kaibigan ko rin siya.”
Muli siyang humakbang papunta sa akin hanggang sa magkaharapan na kami. “I thought galing ka sa all girls school? Paano mo siya naging boyfriend?”
“The decision that I hate the most. Yes, galing ako sa all girls school noon before HMA. When I’m was thinking before kung paano ako sa isang school with mix gender pumasok muli si Andrei at gustong manligaw sa akin. One month siyang nanligaw bago ko siya sagutin. Nilihim ko ito kina Clea at Hazel dahil curious lang naman ako sa isang relationship with a guy.”
Tumango-tango siya sa sinabi ko. “Siguro naman hindi curiosity ang nagpasok sa ’yo sa relasyon natin?”
Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. “How dare you to say that?Hindi ka ba naniniwala na mahal kita?”
Napailing siya bago ako hilahin sa braso at yakapin ng mahigpit. Muling bumilis ang tibok ng puso ko lalo na sa sunod niyang sinabi. “Natatakot lang ako na baka iwan mo ako. Mahal kita at naniniwala ako sa ’yo.”
“You should. Trust me the way you trust yourself. It will be worth it.” Niyakap ko na rin siya bago tignan ang kanyang mukha. Nginitian ko siya nang makitang nakangiti siya sa akin.
“May isa pa akong tanong. How did you guys break up? May gusto ka rin ba sa kanya?” Natawa ako ng mahina sa mga tanong niya.
“May gusto ako sa kanya without the curiosity thing. Nag-break kami when he found out that our relationship is boring.” Muli siyang napailing sa sinabi ko at mahinang natawa. Napairap na lang ako. My most hated chapter of my life is that relationship with Andrei. I’ll kill my curiosity next time.
“Do you still have a communication with him?” Tumango ako sa sinabi niya. Agad niyang sinamaan ang tingin sa akin nang matawa ako sa reaksyon niya. Selos na selos. Gosh.
“Minsan na lang kami magkausap online dahil hindi kami nagkikita sa personal. Don’t worry.”
“Huwag na sana kayong magkita pa.”
Agad ko siyang nahampas sa kanyang tagiliran kaya siya naman itong inirapan ako. Naiinis pa rin naman ako kay Andrei pero hindi siya madaling itaboy basta-basta dahil siya ang nagpasaya sa no friend life ko noon. And I still want to treasure him.
“You’re so bad. He’s my childhood friend. And you know what? Nangako kami sa isa’t isa na magkikita kami ulit when we have our love ones!” excited kong sabi dahil gusto ko na rin namang ipakilala si Dylan sa kaibigan kong iyon. I’m just proud.
“Tapos ano? Boxing kami? One on one?”
Natawa ako sa sinabi niya. “Marunong ka ba? Hindi siya umaatras sa mga gano’n kung alam mo lang.”
Andrei wants to be a professional boxer someday kaya nag-train siya ng kaunti. Nahinto nga lang nang makaharap ng bola ng soccer. Kaya ayun, history na. From boxing to soccer player. Nice.
“Marunong. Bakit? Nasaan ba siya para matapos na?” Humiwalay siya sa akin at akmang hahakbang palabas sa gate nang pigilan ko siya. Hinila ko ang kamay niya papunta sa akin para muli siyang humarap.
“Ang yabang-yabang mo. Bakit ka ba ganyan sa kanya? Eh, hindi pa naman kayo nagkikita.” Napabuntong-hininga siya bago muling lumapit sa akin.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa gitnang bahagi ng mini garden. Naupo siya sa damuhan at hinila rin ako para maupo. Nang makaupo ako sa tabi niya ay niyakap niya akong muli ng mahigpit.
“Kung maaga lang sana akong dumating, siguro ako lahat ’yong first mo.” Marahan akong tumango sa sinabi niya bago siya tignan. Hinawakan ko ang kanyang mukha at ngumiti.
“You’re my first and last true love. Remember that. Hindi kita ipagpapalit kahit sa crush kong model.” Nangunot na naman ang kanyang noo kaya natawa ako ng mahina. Napaka-seloso.
“Sino naman iyang crush mong model?” pagalit niyang tanong kaya natawa na ako ng tuluyan. “May boyfriend ka na, may crush ka pa?”
“Crush is different from boyfriend. Tigilan mo nga iyang pagseselos mo!” Napailing na lang siya bago iiwas ang tingin sa akin. Natawa akong muli bago ko siya yakapin. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at muling ngumiti. “Dylan, ikaw lang. Pangako. Ikaw lang.”
“Ikaw lang din. Ikaw lang.”
Nanatili akong nakayap sa kanya nang marinig ko ang cellphone kong mag-ring. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag ni Daddy.
“Hi, Dad,” bungad ko kay Dad pagkasagot ko ng tawag.
“Where are you, Maxien?”
“Nasa bahay ako ng kaibigan ko, Dad,” sagot ko sa tanong niya bago ko muling isandal ang aking ulo sa dibdib ni Dylan. It gives me chill here.
“What are you doing there?” Napatingin ako kay Dylan na tahimik lamang na nakikinig habang hinahawakan ang buhok ko.
Napangiti ako bago sumagot. “Hugging my boyfriend, Dad.”
“What? Give your phone to Dylan!”
Inilahad ko ang cellphone ko kay Dylan. “Dad wants to talk to you.”
Nanlaki ang mata ni Dylan sa gulat bago kuhanin ang cellphone sa aking kamay. Napalunok muna siya bago magsalita. “H-Hello po?” Parang kanina lang ay isa siyang dragon na gustong sugudin si Andrei. Tapos ngayon naman parang si Lana sa sobrang amo.
At dahil malakas ang speakers ng phone ko ay rinig ko pa rin ang sinasabi ni Dad kay Dylan. “Dylan, bring home my daughter. I have something to tell her.” Bakit parang bigla akong kinabahan sa sasabihin ni Dad?
“Yes, Sir. I’ll bring her to you now,” magalang na sagot ni Dylan kaya natawa ako ng mahina. Nakakunot noo naman siyang lumingon sa akin kaya agad akong umiling.
“Masyadong formal. Boyfriend ka ba talaga ng anak ko?” pabirong tanong ni Dad kaya muli akong natawa ng mahina. Si Dad lang pala ang katapat niya, eh.
“Yes, I am. Sorry po.”
“Tawagin mo akong Tito Lawrence at Tita Gabriella naman sa asawa ko. Got it?”
“Okay po, Tito Lawrence.”
“Bring my daughter here now. Bye.” Ibinigay muli ni Dylan ang phone ko pagkatapos ng tawag. Humiwalay siya sa akin bago tumayo. Tinanggap ko ang kanyang kamay para makatayo na rin.
“Sa tingin mo, ano kaya ang sasabihin ni Dad sa akin?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay nila Kyle. Nagkibit-balikat na lang siya bilang sagot.
Nadatnan namin ang aming mga kaibigan na nagtatawanan at nag-aasaran pagkapasok namin sa bahay ni Kyle. Agad silang lumingon sa amin nang mapansin nila kami ni Dylan.
“Ilang LQ pa ba ang dadaan para ma-realize niyong hindi naman ito kailangan?” bungad na tanong ni Hazel habang kumakain ng tinapay.
Ngumisi ako bago sumagot. “Parang hindi kayo nagka-LQ ni Dariel noon at ni Jacob ngayon?” Sinamaan niya ako ng tingin bago batuhin ng unan. Agad itong nasalo ni Dylan kaya nang-aasar kong tinignan si Hazel.
“Aalis na nga pala kami,” wika ni Dylan sa kanila bago kuhanin ang aming bag na nasa sahig. Tumango na lang sila sa amin maliban kay Clea na biglang tumayo.
“Sasama na ako!” pasigaw na sabi ni Clea bago kuhanin ang bag. Agad siyang napigilan ni Joaquin sa pamamagitan ng paghila sa kanyang bag.
“Hindi puwede! Magagalit sa akin si Kuya Ryan!” pagdadahilan ni Joaquin kaya napailing na lang ako. Ang gulo nilang dalawa.
“Lagi niyo naman kasi akong inaasar dito! Kaya aalis na lang ako!” Pilit na inaagaw ni Clea ang kanyang bag kay Joaquin pero hindi pa rin nito bitawan.
“Sa kanya ka na sumabay Clea. Out of the way ka kaya sa amin.” Lumingon sa akin si Clea na may masamang tingin. Natawa na lang kami sa rekasyon niya.
“Madaya! Madaya! Madaya!” Parang bata talaga itong si Clea. Hindi yata dumaan sa pagkabata kaya ngayon niya lang ginagawa.
“Bye, guys. See you tomorrow!” masiglang sabi ko sa kanilang lahat bago humarap kay Dylan. Tumango ako sa kanya at sabay kaming lumabas ng bahay ni Kyle. Narinig ko pa ang pagtawag ni Clea pero hindi na kami lumingon sa kanya. Bahala na si Joaquin sa kanya.
Pagkasakay namin sa kotse ay agad itong pinaandar ni Dylan sa takot na baka pagalitan siya ni Dad. Muntik ko pa siyang mahampas ng bumilis ang pagpapatakbo niya nito. Alam naman niyang ayaw ko sa mabibilis na kotse, eh.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ko ay agad akong nagtaka sa kotseng kulay asul na nasa harap namin. Nakita ko roon ang isa naming katulong na may inilalabas na bag at maleta na hindi pamilyar sa akin.
Agad akong bumaba sa kotse ni Dylan at pinuntahan si Dad na nakatayo sa harap ng bahay. Sumunod si Dylan sa akin at pumuwesto sa likod ko.
“Dad.” Lumingon si Dad sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nanatiling nakasampay sa balikat ko ang kanyang braso nang lumingon siya kay Dylan.
“Ito na ba si Dylan, anak?” Tumango ako bilang sagot.
“Hello po, Tito Lawrence.” Tumango si Dad kay Dylan bago muling humarap sa akin.
Ngumisi si Dad sa akin. “Nice catch, anak!” pabirong sabi ni Dad kaya agad ko siyang inirapan. Sari-sari na talaga itong ama ko.
“Ahm, aalis na po pala ako. Nice to meet you, Tito Lawrence.” Lumingon siya sa akin at nginitian ako. “Bye, Maxien.” Nginitian ko rin siya at tinanguan.
“Ayy gano’n? Walang call sign anak? Sweetheart? Honey? Pie? Bab—”
“Dad, tigilan mo kaming dalawa. Dylan, puwede ka ng makaalis.” Tumango siya sa akin bago lumapit sa kanyang kotse at sumakay rito. Nang makalayo siya ay muli akong tumingin sa asul na kotse. “Dad, kanino ang sasakyang ito?”
Tumingin si Dad sa kotse bago muling lumingon sa akin. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ako sagutin. “From a very special guest. Pasok na tayo sa loob para makilala mo siya.” Tumango ako kay Dad at sabay kaming naglakad papasok sa bahay.
I don’t know what’s into me pero feeling ko ang bibigat ng hakbang ko papasok sa bahay namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakailang lunok na ako ng laway ko na halos matuyo na ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng bahay namin.
Sinalubong ako ng mga hindi magkaintindihang mga maids pagkapasok ko sa bahay. Lumapit ako kay Mom na abala sa kung ano-anong papel habang nakaupo sa sofa. Pagkatingin ko sa mga ito ay mukhang birth certificates at iba pang documents.
“Mom.” Lumingon sa akin si Mom. Ngumiti siya sa akin at tumayo bago ako yakapin ng mahigpit. Another goosebumps again sa loob ko. May kung ano sa mga mahihigpit nilang yakap ni Dad.
Humiwalay ako sa kanya at muli akong lumingon sa mga papeles na nakalatag sa lamesa. “What is this for, Mom?” tanong ko sa kanya bago siya lingunin. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Go upstairs. Sa tabi ng room mo. We have a surprise for you.” Napalingon ako kay Dad. Tumango siya sa akin kaya binitawan ko na ang kamay ni Mom. Sinunod ko ang kanilang sinabi.
Mahigpit ang kapit ko sa hawakan ng aming hagdan. Tila bumibigat na naman ang mga paa ko at mukhang ayaw ng tumuloy sa paghakbang. Nilagpasan ko ang aking kuwarto at dumaretso sa katabi nitong kuwarto. Humugot ako ng malalim na hininga bago hawakan ang doorknob ng pinto. Dahan-dahan ko itong pinihit at itinulak.
Muling bumilis ang tibok ng puso ko nang may bumungad sa aking isang babae na naka-pants at blue shirt habang hawak ang aso kong si Lana. Lumingon siya sa akin at nginitian ako. Tumayo siya at humarap sa akin.
“Hi. Ikaw siguro si Maxien?”
Napatulala ako sa kanya nang magsalita siya. Para akong nakatingin sa salamin habang kaharap ang hindi pamilyar na babae. Parehas kaming may makinis at maputing balat. Halos magkasingtang-tangkad lang kami. Parehas kaming may mala-asul na mata. Pinagkaiba lamang namin ay ang aming buhok at labi. Kulay itim ang kanyang mahabang buhok at ang sa akin naman ay brown. May bangs siya na wala ako. Pinkish ang kanyang labi kumpara sa akin na mapula-pula.
“Ahm, sa ’yo ba itong aso? Ang cute kasi kaya kinuha ko muna.” Inilahad niya sa akin si Lana pero hindi ko ito tinanggap.
Napalunok ako bago magsalita. “S-Sino ka?”
Tumikhim siya bago sumagot. “Ako nga pala si Maxine, Maxien. Nice to meet you.” Sunod niyang inilahad ang kanyang kamay pero hindi ko pa rin ito tinanggap dahil tulala pa din ako sa kanya. Nahihiya niyang ibinaba ang kanyang kamay.
“Alam kong nagtataka ka, Maxien.” Napalingon ako sa aking likod at nakita ko si Dad na nakaakbay kay Mom.
Lumapit sila sa akin. “Hayaan mo kaming magpaliwanag.” Tumango ako sa kanila bago tuluyang pumasok sa kuwarto ni Maxien. Sumunod sila bago saraduhan ang pinto ng kuwarto.
Naupo ako sa kabilang side ng kama at muling tinignan si Maxine. Nang tuminging muli siya sa akin ay ngumiti siyang muli kaya iniiwas ko ang aking tingin. Naramdaman ko na lang na lumapit sa akin si Lana kaya agad ko siyang nilagay sa aking kalungan.
“Where do we have to start, honey?” narinig kong tanong ni Mom kay Dad kaya lumingon ako sa kanila. Nakaupo sila sa mga upuan habang nakaharap sa amin ni Maxine.
“Explain everything Dad. Naguguluhan ako. Halos parehas pa kami ng pangalan,” sabi ko sa kanilang dalawa kaya lumingon sila sa akin. Mahina silang natawa.
“Maxien, meet Maxine Lawrence. She is your twin sister.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dad kaya muli akong napalingon kay Maxien. Nakaharap din siya sa akin with shock expression.
“K-Kambal p-po? Paano?” nanginginig na tanong ni Maxine habang nakaharap sa akin. Gano’n din ang tanong ko sa sarili. Paano?
“Mga baby pa lamang kayo nang magkahiwalay kayo,” panimula ni Mom kaya muli kaming napalingon sa kanya. “Maxine was kidnapped by our trusted maid.”
“Si Mama Lucy?” tanong ni Maxien sa kanila.
“Yes. Nagtatrabaho na siya sa amin simula no’ng magpakasal kami. Para na rin naming naging pangalawang ina si Yaya Lucy dahil lagi siyang naandiyan upang gabayan kami hanggang sa makapanganak ako sa inyong dalawa.”
“Mag-iisang taon kayo noon nang mapagalitan namin si Yaya Lucy dahil muntik nang mahulog si Maxien sa kama. Hindi namin sinasadyang masigawan siya pero nag-sorry din kami kinabukasan. Ang hindi namin alam, dinamdam niya ang paninigaw namin na iyon kaya kinagabihan ng araw na iyon ay kinuha niya si Maxine at dinala sa kanilang probinsya.”
“Sobra kaming nag-alala nang mapagtanto namin na nawawala si Maxine. Hinanap namin siya sa iba’t ibang sulok ng lugar na ito pero wala talaga. Hindi namin puwedeng i-report ito by news dahil baka biglang mataranta si Yaya Lucy kaya nag-hire na lang kami ng mga secret agents para mahanap si Maxine.”
“Kaya pala halos wala kayong time sa akin noong bata ako?” mapait kong tanong sa kanila. Lumingon sila sa akin ng may pag-aalala pero umiling lang ako sa kanila.
***
“Mommy!! Daddy!! Let’s play barbie at my room!!” excited kong sabi sa kanila habang may kung ano-ano silang hawak na papel. May kausap din sila na naka-kulay itim na mga lalaki pero hindi ko sila kilala.
Lumingon sa akin si Mom kaya mas lalo akong napangiti. “Maxien, we’re busy, okay? Just go and play with your yaya.” Sumimangot ako sa sinabi ni Mom kaya lumapit na lang ako kay Dad.
“Daddy!! Daddy!! Play with me!!” Inilahad ko ang laruan kong manika sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap sa mga lalaking hindi pamilyar sa akin.
Ibinaba ko na lang ang tingin ko bago muling maglakad papunta sa kuwarto ko. Hindi ko namalayan na nasagi ko ang juice na nasa tabi ng lamesa. Tumingin ako roon at nakitang basa na ang mga papel. Nang tumingin ako kay Mom ay bakas na galit na galit siya sa akin.
“Look what you’ve done, Maxien! Go upstairs at huwag kang baba!” sigaw sa akin ni Mom kaya agad akong nangatal sa kaba.
Umiyak ako sa harap nila dahilan para magbago ang ekspresyon nila. Akmang lalapit sila sa akin nang tumakbo ako nang mabilis papunta sa kuwarto ko. Ni-lock ko ito at hindi pinansin ang pagtawag at pagkatok nila sa labas.
***
“It’s not like that, Maxien. Pagod kami at stress dahil sa kakahanap sa iyong kapatid.” Tumango na lang ako kay Mom nang marinig ang kanilang dahilan. Wala na akong pakialam sa nangyari noon, ang mahalaga ay may sagot na ngayon.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Dad at niyakap ako ng mahigpit. “I am really sorry, Maxien. Pero sana maintindihan mong ginawa rin namin iyon para sa ’yo.”
Nagtataka akong humarap sa kanya. “Paanong para sa akin din?”
Ngumiti siya sa akin at lumingon kay Maxine na tahimik lamang na nakikinig. Tumingin din ako dito kaya nginitian niya ako. “You want a playmate right? A sister?”
***
Masaya akong namamasyal kasama si Daddy at Mommy sa isang malaking mall na malapit sa aming village. Binibili nila lahat ng toys at food na magustuhan ko kaya mas lalo akong natutuwa.
Umiinom ako ng aking favorite strawberry juice nang mapatingin ako sa labas ng restaurant na pinagkakainan namin. May nakita akong dalawang bata na masayang nagtatawanan. Lumingon ako kay Mom na katabi ko habang kumakain.
“Mommy, I want someone also to play with me, too.” Tumingin si Mommy sa labas ng restaurant bago lumingon sa akin.
Ngumiti siya bago magsalita. “Sure baby. You’ll have some playmate like them.”
“Promise that, mommy? Daddy?”
“Yes, Maxien. Promise.”
“Yehey!”
***
“Yes. Pero bakit ngayon niyo lang siya nahanap?”
“Naging magaling sa pagtatago si Yaya Lucy kaya hindi namin agad nahanap si Maxine. It was just this week nang mahanap namin siya.” Lumingon ako kay Mom nang magsalita siya.
“Akala ko ba nasa states kayo?” nagtatakang tanong ko sa kanila.
“We lied. Sorry, Maxien. Gusto kasi namin na kami mismo ang sumundo kay Maxine sa probinsya. Nagtagal pa kami doon dahil nalaman namin na wala na si Yaya Lucy.”
“May sakit siya sa puso at hindi na piniling magpagamot. Before she passed away, nakatanggap ng tawag ang aming agents na makakapagturo kay Maxine. Then she’s here now. Sobrang saya namin ngayon na kumpleto na tayong pamilya.”
Makikita sa mga mata at labi nila Dad at Mom sa magandang balitang ito kaya ngumiti na rin ako sa kanila. Pero hindi pa rin nawawala ang malakas na kalabog sa dibdib ko sa tuwing mapapatingin ako kay Maxine. There’s something that I can’t explain to myself.
“Tatawagin ko rin ba kayong Mom and Dad?” Napalingon ako kay Maxine na nakangiti sa mga magulang ko, I mean, magulang namin.
“We are your parents, of course,” nakangiting sagot ni Dad kaya tumango-tango si Maxine. Humarap siya sa akin.
“Sino po pala ang nauna sa aming lumabas?” tanong muli ni Maxine na nagpatawa sa mga magulang namin. I can say we have similarities. Ang pagiging madaldal at matanong.
“Minutes lang ang pagitan niyo. Nauna si Maxien bago ka Maxine.”
“So tatawagin kitang Ate?” tanong ni Maxine sa akin kaya agad akong napangiwi.
“No. Don’t dare to call me Ate. Nakakasuka lang dahil same age naman tayo.” Inirapan ko siya kaya agad siyang natawa ng mahina.
“Okay sabi mo, eh.”
“Ano na po palang grade ni Maxine? Saang school siya papasok?”
“Same grade lang kayo at same school.” Humarap ako kay Maxine dahil sa sinabi ni Dad.
So there’s a possibility na sa Howard Academy na rin siya mag-aaral kung nasaan ako. Will there be changes now?

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata