My dream world! Andaming makukulay na bulaklak! May roses, tulips, sunflo— Kinapa ko mula sa aking bed side table ang nag-iingay kong phone. Sinagot ko ang tawag at hindi na binigyang pansin ang pangalan ng kung sino man ang tumatawag. Nanatili akong nakapikit at nakahiga sa higaan ko. Wala namang pasok kaya puwede akong bumangon anytime. Kaya kung sino man ang tumatawag na ito, malalagot siya sa ’kin. “Bakit!?” Wala nang hello-hello, daretso na agad. Inaantok pa ako, eh. “Ayy badtrip ka na agad ang aga-aga. By the way, Good morning, my princess!” sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya. “What!? Kilalanin mo kung sinong tinatawagan mo! I’m not princess!” sigaw ko sa kabilang linya. Kainis naman! Mang-aabala nang tulog, hindi naman ako si princess! Ang sarap lang patulugin! “Woah chill lang, babe,” pagpapakalma niya sa ’kin. Tuluyan na akong bumangon pero nanatiling nasa higaan ko. Ang mga mata ko, malapit nang magising pero yung utak ko tanging nilalaman lamang ay matulog at magpatulog. “Ngayon naman babe! Aba, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!” Papatayin ko na sana ang tawag nang pigilan niya ako. “Wait lang, Clea! ’Wag mong papatayin! Si Hunter ’to!” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Mabilis ang tibok ng puso ko nang tignan ko ang pangalan ng caller. Mr. Penguin. Shocks! Si Hunter nga. “Sa susunod tignan mo ang name ng caller para ’di ka mainis, Ms. Penguin,” pagpapaalala ni Hunter sabay tawa. “Eh, bakit ka ba kasi tumatawag!? Alam mo bang natutulog pa ako!? Nakakainis ka! Nasa dreamworld na ako, eh!” Nakasigaw pa rin akong sumagot sa kaniya. For sure masakit na tenga no’n. Humiga ulit ako at nagtaklob ng kumot. Malay n’yo makatulog pa ako. “Ansakit na sa tenga ng boses mo. Nakakabingi! Tita, puwede po bang akyatin ko na?” tanong ni Hunter sa kung sino man sa kabilang linya. “Sige na. Sabihin mo rin ay bumaba na. Aalis na rin ako,” narinig kong sagot kay Hunter. Wait. Parang boses ni Mama ’yon, ah. “Thank you po!” Nagpasalamat si Hunter at narinig ko namang parang humahakbang siya. Aba parang wala siyang inabalang katawagan, ah. “Hey, Clea. Hindi ka pa ba bumabangon?” tanong ni Hunter sa ’kin pero hindi na ako nag-abalang sumagot. Unti-unti na naman kasing pumipikit ang mga mata ko. “Aba talagang tutulog pa, eh. Nakataklob pa ng kumot. Hay nako, Clea. Learn to wake up early kahit weekends.” Naririnig ko pa ring nagsasalita si Hunter sa kabilang linya pero hindi pa rinako nagsasalita. Pero ilang sandali lang tumahimik na sa kabilang linya. Baka nagsawa na kakagising sa ’kin. Mabuti naman. Pero sana naman hindi magsawa sa ugali kong pabago-bago. Makakatulog pa sana ako kung wala lang akong naramdaman na parang umupo sa higaan ko. Baka si Mama ’yon. Mamaya pa kasi siya aalis habang ang Papa ko naman kanina pa nakaalis. May sarili kaming business na ipinamana ng grandparents ko. Sila na ang namamahala niyon since may alam na sila roon. “Hey, wake up.” May narinig akong malambing na boses na malapit lamang sa ’kin. Hindi si Mama ’to. Kaya pag nakita ko pagmumukha nito, patay siya sa ’kin. Hindi ba nila alam na weekend ngayon? “Get out of my room now,” utos ko sa kung sino man ang baliw na naka-upo sa kama ko. “Get up now.” Aba, bingi yata ang isang ’to. Kung maid man siya rito sa bahay, ipapasisanti ko siya. Mabait akong bata pero wag n’yo kong sasagadin. “Get up now, Clea,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. Tinagtag ko ang nakataklob sa ’king kumot at bumangon na dahil sa sobrang galit. Hinarap kung sino man ang kupal na bingi na ito. “Ang sabi ko, get out of my room now! Hindi ka ba nakakarinig!? O gusto mong tagalugin ko!?” sigaw ko sa kaniya nang galit na galit. Hinarap ko siya at biglang nagising ang diwa ko nang makita kung sino ang nang-aabala sa ’kin. “H-Hunter!?” OMO! Isang linggo na ang nakalilipas simula no’ng mangyari ang ’sorry’ scene. Bumalik na rin kami sa dati. Sweet na parang walang nangyari. Sabi niya sa ’kin, minsan, nagseselos pa rin siya, mostly kina Shawn at Zavion, pero sinasampal na lang daw niya sarili niya pag nakakaramdam siya ng selos. Crazy. Pero kahit naman ako nagseselos din sa mga lumalapit sa kaniya pero mas marunong ako magpigil, ’wag lang yayakap sa kaniya. Baka kung ano nang gawin ko. “Good morning,” sabi niya at sabay ngiti ng sobrang tamis. Walangya naman! Bakit ’di ako na-inform na pupunta pala siya rito!? Sa sobrang gulat ko, nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot. Hindi lang sa gulat, nahihiya rin ako. Wala pa akong kaayos-ayos, mukha pa sigurong monster ang buhok ko. “Huy! Sabi nang bumangon ka na. Kanina pa kaya kita hinihintay,” sabi niya sa ’kin habang inaalog-alog ako. “Sino’ng may sabing pumasok ka sa kuwarto ko?” mahinahon kong tanong sa kaniya. “Mama mo.” Porket close na sila ganiyan na. Jusko naman, si Mama talaga. “Nga pala, nakaalis na siya. Tinawagan siya ni Tito kanina, eh.” “Eh, bakit naandito ka pa? Hindi ka pa sumunod? Ano ba’ng dahilan at naandito ka? Inaantok pa ako, kaya umalis ka na,” sunod-sunod kong sagot. “Eh ’di matulog na lang tayo.” Hindi niya sinagot ang mga tanong ko pero naramdaman ko ang paghiga rin niya sa kama ko. Hinala niya ako at niyakap nang mahigpit. Ayun, natunaw na lahat ng galit. Great Clea, just great. Pero sa halip na magwala, hinayaan ko siyang yakapin ako. Nakakakalma kasi, eh. At parang inaantok pa rinsiya. “Ano’ng oras na? Ano’ng oras ka pa nandito?” tanong ko sa kaniya nang hindi siya hinaharap. Nakataklob pa rinako ng kumot. “Almost 9. Kanina pa akong 6 nandito,” sagot niya sa tanong ko. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Wala ba ang mga kaibigan mo kaya ka nandito?” “Wala kasi akong magawa. Wala rin sila. Kaya naisipan ko na lang pumunta rito. It’s either tatambay ako rito kasama ka o mamasyal tayo. Depende sa mood mo,” natatawa niyang sagot. “Tagtagin mo na nga ’yang kumot, hindi kita makita, eh.” Actually may gagawin din dapat ako pero nandito siya kaya isasantabi ko na muna. Madali na lang naman ’yon, kaya nang gawin mamaya. “Ayoko. Magulo pa ang buhok ko. Lumabas ka na tapos hintayin mo na lang ako sa baba. Mag-aayos lang ako,” utos ko sa kaniya pero sa halip na sundin, mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa ’kin. “Hunter.” “Kahit naman anong hitsura mo sa ’yo pa rin titibok itong puso ko. Kahit maging sino ka pa, ikaw pa rin ang mamahalin ko.” Damn it. Tinagtag ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko bago ko ibinaba ang kumot ko pero hanggang ilong lang. Hinarap ko siya at sinalubong ang mga mata niya. “Labas na,” sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. “Ayaw.” Pumikit siya at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa ’kin. Pinagdikit din niya ang mga noo namin. Nararamdaman ko na ang paghinga niya. Feeling ko para akong sasabog na bomba sa sobrang pula ko ngayon. “Hunter.” “Ayaw.” “Babangon na ako. Mag-aayos lang tapos kain na tayo ng breakfast slash lunch.” Nakita ko naman ang pagbuo ng ngisi sa mga labi niya. “Ako na lang kainin mo for breakfast, lunch, tapos dinner pa. All in one na ako kaya hindi mo na kailangang maghanap ng iba.” Inilabas ko ang mga kamay ko mula sa kumot at kinurot ang pisngi niya. Ang bad kasi sumagot.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat