Napatingala si Shawn sa kisame pagkatapos niyang magkuwento. Alam kong pinipigilan lamang niya ang kanyang luha dahil nga lalaki siya. Narinig ko na namang humikbi si Maxien na nasa kabilang side ni Clea. This time, si Dylan na ang nagpatahan dito. “Sana pala pinigilan ko siya na makita ang lalaking iyon! Kung alam ko lang na may Amira na magpapakita, inilayo ko na kaagad si Clea. Kung alam ko lang, kung alam ko lang na masasaktan siya nang makita ang lalaking ’yon,” galit na sabi ni Shawn na mabilis na tumayo at lumabas ng kuwarto. Sinundan siya ni Kyle at Ten. Nakita naman naming tapos na gamutin ni Zavion si Clea kaya inilipag na niya sa tabi ang first aid kit. Kinumutan ko muna si Clea bago ako lumabas sa kanyang kuwarto. Dumaretso ako sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ito. Nakakapagod ang araw na ito. “Ayos ka lang ba?” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dariel at kumuha din ng tubig. Ngayon niya lang ako tinanong kung ayos lang ba ako matapos ang break-up naming dalawa. “Oo. Ayos lang,” pormal na sagot ko habang pinagmamasdan ang tubig na nasa baso ko. “Magiging maayos din ang lahat.” Tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis ng kusina. Nagulat ako doon at para akong na-freeze sa inupuan ko. Hindi ito puwede. May Noah na ako ngayon. Shit naman. Kaysa mag-aksaya ng oras sa kusina ay umakyat na ulit ako sa kuwarto ni Clea. Nakabalik na rin si Shawn. Nasa puwesto ko kanina si Zavion ngayon habang nakatingin kay Clea. May something pa rin siya base sa titig niya rito. Umupo na lang ako sa tabi ni Maxien. Habang naghihintay na magising si Clea ay may naalala akong itanong na sana ay masagot. Humarap ako kay Shawn na ngayon ay nagbabasa ng libro. Hindi na nila inayos sa shelf ang mga libro dahil may pagpapatas na ginagawa doon si Clea kaya pinabayaan na lang. “Shawn. Puwedeng magtanong?” panimula ko na umagaw ng pansin nilang lahat. I guess may tanong din sila dito. “Ano ’yon?” nakataas kilay niyang tanong. “Ano’ng meron sa pagitan niyo ni Clea?” Nagulat si Shawn sa tinanong ko at parang bigla siyang nataranta dahil palingon-lingon siya sa iba’t ibang direksyon. I knew it. There’s something between this two. “Oo nga naman. Napapansin ko na ang dami mong alam tungkol sa kanya,” pagsang-ayon ni Dylan sa sinabi ko. Mas lalong hindi maintindihan ni Shawn ang gagawin. “Ano ba talagang meron sa inyong dalawa?” tanong ni Kyle habang nakahalumbaba. Napahawak na ngayon sa noo si Shawn. “Magkapatid?” sabi ni Maxien kaya napatunghay si Shawn at umiling. “Magkasintahan? Muling umiling si Shawn sa tanong ni Zavion na parang natatawa. “Mag-asawa kayo?” Natawa nang malakas si Shawn na parang baliw dahil sa sinabi ni Joaquin. Nag-aalala tuloy ako kay Clea na magising ng alangang oras. “Tatawanan mo na lang ba kami Shawn?” Tumigil sa pagtawa si Shawn at humarap sa amin pero parang natatawa pa rin. Mas mabuti na rim kaysa sa nagagalit siya. “Hindi ba puwedeng si Clea na lang ang magsabi? Baka magalit siya sa ’kin. Ako ang kawawa, hindi kayo,” sabi niya na parang natatakot kay Clea. “Aish, huwag ka mag-alala. Pare-parehas kaming haharap kapag pinapagalitan ka na.” Natawa kaming lahat sa sinabi ni Kyle. Hay nako, Clea. Gumising ka na para makatawa ka rin at makalimot diyan sa iniiyakan mo. “Baliw!” Binato ni Shawn ng libro si Kyle bago humalukipkip. “Sasabihin mo ba o ano?” tanong ni Dariel kaya napabuntong-hininga na lang siya bago tumayo at humarap sa amin. “Sana lang hindi niya ako pagalitan.” Panimula ni Shawn bago humugot ng malalim na hininga. “May I introduced to you, that girl lying on the bed is Clea Darleane Fernandez Sanchez, my cousin.” Pare-parehas nanlaki ang mga mata namin matapos marinig ang sinabi ni Shawn. Nakangisi siya ngayon na parang in-e-expect ang mga reaksyon namin ngayon. “Oh, ano? Bilib na kayo?” Tumawa siya ng malakas habang pumapalakpak. Magpinsan sila? “Seriously?” sabay naming tanong ni Maxien habang nanlalaki ang mga mata. “May possibility dahil parehas kayong masungit. But yeah, seriously? Magpinsan talaga kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Zavion habang tinitignan si Clea at Shawn. “Alam kong hindi kayo maniniwala but let me explain. Gusto niyong malaman eh ’di sasabihin ko lahat. But first, compose yourself. It’s annoying.” Oh my! Malapit na akong maniwala na magpinsan sila dahil sa ’annoying’ na iyan. “Okay, okay. Makikinig kami. I-explain mong maayos, kapag hindi humanda ka sa ’kin,” sabi ni Ten kaya natawa kami. Tahimik siya pero curious din siya sa dalawang ito. “Yes, sir!” Sumaludo pa si Shawn kay Ten bago magsimulang magkuwento. “Uunahin ko sa mga lolo at lola namin para malaman n’yo na din ang pinagmulan. Ang galing lang kasi.” Binato ko siya ng unan dahil baka kung saan pa pumunta ang usapan nang tumawa siya. Agad naman siyang tumigil. “Si Neil Fernandez ay ang aming lolo. Isa siyang pure Filipino na nakapangasawa ng isang pure Korean, Zara Lee, ang aming lola.” Okay medyo sweet pero ang layo pa. Psh. Okay, take your time. “After years of marriage, nagkaroon sila ng anak na lalaki. Sage Lee Fernandez, my father. Wait, Filipino na pala sila parehas dahil iyon ang pinili nila but with Korean blood. Two years after, nanganak ulit si lola pero babae naman. Darline Lee Fernandez, Clea’s mother. The end.” Nag-bow pa siya at pumalakpak. Argh, nakulangan na naman siya ng turnilyo. “Brad, ituloy mo. Hindi pa sila satisfied,” sabi ni Joaquin na nakikinig din pala kahit naglalaro sa cellphone. Napabuntong-hininga si Shawn. “Mukhang tama ka. Okay. I’ll continue the story. Nang nasa tamang edad na sila ay nangako sila sa isa’t isa na unang magaasawa si Papa Sage bago si Tita Darline. That time, boyfriend na ni Tita Darline si Tito Cleo Sanchez na isang half American, kaya naghanap na agad si Papa Sage ng mapapangasawa. Syempre yung mahal niya talaga. Ang sweet, kadiri.” Natawa ako sa naging reaksyon niya. Sariling mga magulang kinokontra pa.” “Then he met Alexia Guzman. They got in a relationship for two years before getting married. At alam n’yo na ang sunod na nangyari, nabuo ako. Shawn Guzman Fernandez.” “I don’t know kung ilang buwan na akong nakatira dito sa mundo ng magpakasal si Tita Darline kay Tito Cleo. I’m one year old already nang ipanganak naman si Clea Darleane Fernandez Sanchez.” “Naging malapit ako sa kanya dahil gusto ko ng little sister na aalagaan. Lagi akong nasa tabi niya habang nalaki siya kaya kilala namin ang isa’t isa. Dahil nga parehas kaming masungit ay nagkasundo talaga kami ng sobra na ayaw naming malayo sa isa’t isa. Pero time passes by at kailangan naming mahiwalay pero sabay kaming pumasok ng kindergarten but different schools.” “At dahil nalilibang kami sa school ay nakaka-adjust naman kami pero nagkakasama pa din naman kami minsan hanggang sa mawalan kami ng communication. Nawalan ako ng balita sa kanya hanggang sa dumating ang time na mag-grade 7 kami. “ “Nabalitaan ko na sa Howard Academy na papasok si Clea at pinagkatiwala naman siya sa akin ni Tito Cleo. Pinaalam niya sa ’kin ang mga bagay na nalaman n’yo kanina. Kaya ganito ako maka-react at magalala kapag kasabwat si Clea kung merong gulo. Cheesy it is, mahal ko ’yan kaya po-protektahan ko siya hanggang sa makakaya ko.” Kaka-touch. Matapos magkuwento ni Shawn ay lumapit sa kanya ang lahat ng lalaki naming kaibigan maliban kay Quin na nananatiling nakaupo. Niyakap nila si Shawn na ikinabigla nito. “Nakakaiyak, pre,” madramang sabi ni Zavion na ikinangiwi ni Shawn. Agad niyang tinulak ang mga ito na natawa na. “Kadiri. Lumayo nga kayo!” Isa-isang lumayo ang mga ito kay Shawn habang natawa. Mga baliw. “Cousins and childhood bestfriend since birth?” sabi ni Maxien kaya tumango si Shawn. “Speaking of nationality, ano ang sa inyo ni Clea?” tanong ni Kyle sa kanya. “We have both Filipino and Korean citizenship. Half Korean ako habang si Clea one fourth Korean and one fourth American.” “Ang cool pala ni Clea. Three kinds of blood is running in her system,” namamanghang komento ni Dylan. “Yeah cool nga. Pero may ipinagtataka lang ako.” Napatingin kami sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “No’ng mga bata pa kami ay hindi Clea ang tawag namin sa kanya. Naging Clea lang siya simula no’ng mag-high school kami.” “Ano’ng tawag n’yo sa kanya dati?” curious na tanong ko sa kanya. “Its Laleya.” Nagulat ako nang biglang may bumagsak pagkatapos sabihin iyon ni Shawn. Paglingon ko nakita ko si Joaquin na nasa gulat na ekspresyon habang ang phone niya ay nasa sahig na. “Ano’ng nangyari, Quin?” Tanong ni Ten kay Joaquin at tinapik ito sa balikat. Parang nagulat naman si Joaquin at kinuha ang kanyang phone sa sahig. “W-Wala. Walang na-nangyari.” Napakunot ang noo ko sa panginginig ng boses ni Joaquin. Ano’ng meron kay Laleya na nakaapekto kay Quin? Bakit biglang naging Clea na lang ito pagdating ng high school? May kulang sa sinabi ni Shawn. Pero sabi niya nga si Tito Cleo ang nagsabi ng ilang detalye bago sila mag-high school dahil nawalan sila ng communication. Ano’ng nangyari sa mga taon na iyon kay Laleya na biglang naging Clea? Ipinagkibit balikat ko na lang ang mga iniisip ko. Baka nag-o-over think lang ako dahil sa reaksyon ni Joaquin tungkol kay Laleya. “Hindi pa ba kayo uuwi? Ako na ang bahala sa pinsan ko,” sabi ni Shawn pero nakatingin lang ako kay Clea na mahimbing na natutulog. Buti naman at hindi niya naiisip ang mga nangyayari hanggang sa pagtulog. “Hindi pa muna. Hihintayin ko si Clea na magising,” sabi ni Maxien na nasa tabi ko. “Gano’n din ako,” sabi ko kahit nakakaramdam na ako ng pagod. Katulad namin ni Maxien, lahat sila ay mamaya pa ang uwi dahil gusto din nilang hintayin na magising si Clea. “Kung may assignment kayo, dito niyo na lang gawin para makapagpahinga na kayo pag-uwi ninyo mamaya.” Tumango na lang kami sa sinabi ni Shawn. Agad naming kinuha ang aming mga bag at sinimulang sagutan ang mga assignments namin. Lahat kami ay abala sa aming mga notebook at libro. Nagtatanungan ang mga lalaki doon at minsan ay nagbibiruan. Nandito naman kami ni Maxien sa kama ni Clea na nagsasagot ng assignment namin dahil parehas lamang naman kami. Minsan nagtatanong kami sa mga lalaki kapag hindi kami magkasundo sa isasagot. Yeah, hindi naman maiiwasang manggaya hindi ba? Habang nagsasagot ay nakarinig kami ng mahihinang hikbi. Napatingin kami kay Clea at nagulat kami ng makita itong umiiyak pero nakapikit pa rin siya. “Shawn! Si Clea!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat