“Tse! Madaya ka! Nakakainis!” Tumingin si Maxien sa gawi namin ni Hunter. “Hoy, Hunter! Kung inaakala mong hindi ka namin napansin na dumating, akala mo lang ’yon! Tumayo ka diyan at samahan mo ’ko! Kainis!” Nababaliw na yata si Maxien kaya natawa ako ng mahina. “Natalo ka na nga, bitter pa! Napansin mo naman din siguro yung mga kamay nila!” bawi na sigaw ni Shawn kaya napatingin si Maxien doon pero hindi niya ito pinansin. “Hala! Wala akong pakialam! Tayo diyan! Alam kong papayagan ka ni Clea!“ Tumayo si Maxien sa kinauupuan at padabog na pumunta sa counter ng cafeteria. Naramdaman ko naman ang pagpisil ulit ni Hunter ng kamay ko. “Samahan mo na, baka ikaw ang unang masaktan,” nakangiting sagot ko sa kanya kahit hindi naman siya nagtatanong. Alam ko naman na ’yon sa pagpisil niya pa lang sa kamay ko. Hindi mapanakit si Maxien, unlike me, pero kapag naiinis baka hindi mo mamalayang hahampasin ka na pala. Pinisil niya pa ulit ang kamay ko at dahan-dahang binitawan. “Hunter Salazar!!!” sigaw ni Maxien mula sa counter. Ang sakit sa tenga no’n kung ako ang katabi niya sa pila. Dinaig niya pa akong sumigaw kapag galit. Naglakad na si Hunter papunta kay Maxien. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na hinihingal na sa kakatawa. “Woy! Itigil n’yo nga ’yang kakatawa niyo!” Nakuha ko naman ang atensyon nila. “Kuya, ano’ng nangyari kay Maxien? Bakit nagkagano’n ’yon?” tanong ko kay Shawn na tinatawag ko ring Kuya. “Natalo sa chess! Tapos ang usapan namin kung sino’ng matalo, ililibre ang buong tropa,” sagot niya sa ’kin at tumawa ulit. Buti na lang at hindi ako ang kalaban. Napangiti na lang ako. Kasi naman, wala talagang nakakatalo kay Kuya Shawn. Pero natalo ko na siya ng once! Happy na ko do’n! “Kaya pala galit na galit tapos tinawanan at inaasar n’yo pa.“ “Eh, ano ba’ng gusto mong reaction namin Clea? Umiyak?” sagot sa ’kin ni Zavion. Kinaiinisan ko pero kaibigan ko naman. Malakas lang mang-asar. “Pasalamat ka at wala ako sa mood kung hindi masasaktan na naman kita. Maiwan ko muna kayo. Mag-cr lang ako.” Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at tumayo na ako sa kinauupuan. Bago ako makalabas ng cafeteria ay narinig ko pa silang tumawa. Mga baliw talaga. Pumasok ako sa isang cubicle sa cr at kinomfort ang sarili ko. Ano ba’ng nangyayari sa ’kin? Madalas talaga tinatawag ko na itong sakit ko kasi madalas akong nagkakaganito. Ang hindi na ma-explain kung ano’ng nararamdaman. “OMG!! Nakita mo ba si Hunter sa labas? Mukhang may hinihintay! Baka ako na ’yon!” rinig kong pag-irit ng isang babae na kakapasok lamang ng CR. Wait. Si Hunter nasa labas? Ano’ng ginagawa niya roon? Or baka ibang Hunter ang tinutukoy nila. Napaka-assuming naman kasi ng babaeng ’to kung si Hunter talaga ’yon. Joke lang. “Assuming ka naman! Pakibabaan ang assumingness gurl!” sabi naman no’ng kasama ni Ate Assuming. Badtrip. “Eh?! Bakit ba? Crush ko lang naman, eh!” “Tara na nga, girl! And stop daydreaming!” Nang marinig kong nagbukas ang pinto ng CR ay saka ako lumabas sa cubicle. “Haysstt, umayos ka Clea. Umayos ka,” sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Lumabas na ako ng CR. Pagkaharap ko sa unahan, nakita ko si Hunter na nakatayo at nakapamulsa habang nakasandal sa pader na nag-di-divide sa boys and girls CR. Narinig niya ’ata ang pagbukas ng pinto ng CR kaya napalingon siya sa gawi ko. Nilapitan ko siya at tinanong. “Ano’ng ginagawa mo d’yan, Hunter?” “Hinihintay ka.” “Okay. Tara na. Baka nag-aantay na sila sa atin.” Nasanay na kaming magkakaibigan na magsabay-sabay ng pagkain tuwing lunch maliban na lang kung may ginagawa o meeting sa mga club. Kami-kami lamang ni Hunter, Zavion, Shawn, Hazel at Maxien ang nasa iisang malawak na table pero ang ingay namin daig pa ang isang dosena. Pero alam n’yo ba’ng kulang pa kami? Apat pang lalaki. “Nababahala talaga ako ngayon sa mga actions mo.” Lumungkot ang kanyang mga mata at ekspresyon. Oww, nagpapa-cute ’to. Pinisil ko ang pisngi niya at hinawakan siya sa braso. “Okay nga lang sabi ako. Baka nagugutom lang talaga. Kaya tara na,” sabi ko sa kanya sabay ngiti. Nginitian niya na rin ako at bumalik na sa cafeteria. Naabutan na ulit namin ang mga kaibigan namin na nagtatawanan. “Hey! Stop laughing. Kain na muna tayo guys!” sabi ko sa kanila kaya umayos na sila sa pagkakaupo. Umupo na kami ni Hunter at nagsimula na kaming kumain. Siyempre habang nakain kasama sila, hindi maiiwasan ang asaran, bigayan at siyempre, ang damutan. “Shawn, akin na lang ang fries mo, ubos na ang akin, oh!” sabi ni Zavion sa katabi nitong si Shawn. “Ang takaw-takaw mo tapos ’pag naubos, sa akin ka hihingi? Dude, ’wag ganyan!” Sabay tawa namin kay Zavion. “Katakawan kasi.” Ibinigay ni Hazel ang kanyang fries kay Zavion. Hindi kasi siya mahilig dito. “Thank you! Mabait ka pala!” “Hindi, ah. Akin na, ibalik mo ’yan,” sabay irap ni Hazel sa kanya. Minsan kasi masungit ito. “Sabi ko nga joke lang! Porket wala dito si Dariel,” pang-aasar pa ni Zavion “Tigilan mo nga ’ko, Zavion!” Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa room kahit hindi pa time. Pero sinamahan ko si Hunter sa Dance Club Room. May aayusin kasi siya kaya sasamahan ko muna. Hindi pa naman time para sa next subject. “Ano ba’ng aayusin mo pa d’yan? Eh ’di ba nagawa mo na sa phone mo?” tanong ko sa kanya habang binubuksan niya ang room. Pinapasok na muna niya ako bago siya sumagot, “Ililipat ko para ma-print.” “Ahh, okay.” Umupo ako sa upuan sa harap ng table kung saan siya naupo. Binuhay n’ya ang computer at saka nagkalikot doon. Para na naman akong wala rito! Minsan, feeling ko abala lang ako ’pag hindi naka-focus sa ’kin ang tao. Kaysa kulitin ko siya, kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ang Facebook ko. Maraming notifications but I ignored them all. Wala naman kasi akong mapapala. I go to messages to see who was the 23 people sent messages. Siyempre pumunta muna ako sa naunang nag-message. One is from Hazel pero like lang naman. Halos group chats lang naman kaya sineen ko na. Latest message ay galing kay Ma’am Vicky na teacher dito sa school na pinapapunra ako sa faculty room. Tinago ko na ang phone ko sa bulsa at nilingon si Hunter. “Hunter, maiwan na kita, ah. May pupuntahan lang ako.” “Saan?” tanong niya pero nakatingin pa rin siya sa computer. “Basta. Hindi naman gano’ng importante at hindi naman ako mawawala.” Tumayo na ako at lumabas ng club room. Naglakad na ako papunta sa faculty Room. Buti na lang at malapit siya mula sa club room, kung hindi, baka sa hospital daretso ko sa sobrang init. Pagkarating ko sa faculty room, dumaretso na ako sa table ni Ms. Ariel. “Good afternoon Ma’am. Pinapatawag n’yo raw po ako?” tanong ko kay Ma’am na parang stress na. Mahirap siguro maging teacher? “Mabuti at narito ka na. Grabe hirap na hirap na ako dito. Balita ko next subject n’yo ay Math? Kay Mrs. Cullar?” “Ahm, opo.” “May biglaang meeting si Ma’am Cullar at wala rin namang ipapagawa sa inyo, sabi niya. Wala naman siya kaya puwede mo ba ’kong tulungan dito? Mag-record lang naman nitong mga activities. Natambakan lang talaga ako kaya kailangan ko ng tulong. Hindi naman ako makapag-ask sa ibang teachers kasi nahihirapan na rin sila. At saka mabilis ka naman dito. Ayos lang ba?” sabi sa ’kin ni Ms. Ariel. “Okay lang po. Wala rin naman po akong ginagawa,” pagsang-ayon ko sa kanya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat