logo text

QUESTIONS Part 2

Nang maka-recover na ako sa ginawa ni Mr. Arrogant, lumabas na ako sa bookstore nang maluha-luha. Favorite ko kasi iyon, eh. Tapos, parang hindi siya lalaki para magparaya. Haysstt. Huwag na ulit siyang magpapakita sa ’kin.
Nang malapit na ako sa exit lumingon ako gawi ng cashier at nakita ang lalaking kumuha ng librong akin dapat. Nakita niya rin ako at binelatan. Parang bata. Hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan ng lumabas sa bookstore. Nanggigigil ako.
Pagkalabas ko, hinanap ko na agad sila Hazel pero hindi ko sila agad nakita kaya umupo ako sa bench na katapat nang pinasukan nilang boutique.
Mga ilang minuto rin akong naghintay sa mga kaibigan ko nang dumating sila. May mga hawak ng shopping bags at mukhang masasaya. Sana gano’n din ako huhuhu.
“Bakit nakasimangot ka d’yan?” nakangiting tanong sa ’kin ni Maxien. Sinimangutan ko siya at tinanong din.
“Bakit mukhang ang saya-saya niyo?” tanong ko rin sa kanila.
“Well, nakita ko si Dylan dito sa mall at nagpalibre ako ng isang dress! Siyempre ngiting wagi ako kasi ang mahal ng inilibre nya sa ’kin. And si Hazel nakita rin si Noah. Nagkasama sila, syempre nasa likod lang ako habang nakasunod pero umalis din si Noah kasi may pupuntahan pa siya. At alam mo ba Clea, hinalikan njya sa pisngi si Hazel bago umalis! As in, oh gosh!” Parang machine gun naman kung mag-kuwento itong si Maxien. Nagsisisi tuloy akong humiwalay ako sa kanila.
“Well, ang lahat ng nangyari sa ’kin opposite no’ng sa inyo,” panimula ko kaya tumingin sila sa ’kin. “May umagaw ng librong gusto ko ng isang supladong guwapong nilalang. Oh ’di ba? Short but totally opposite.” I totally hate explaining. Tsk.
“Nakilala mo ba?” “Nalaman mo ba ang pangalan?” sabay nilang tanong kaya pag-iling na lang ang isinagot ko. Biglang may tumawag sa phone ni Maxien.
“Sagutin ko lang.” Lumayo siya sa amin bago sagutin ang tawag nang biglang may tumawag din kay Hazel. Sinagot niya rin ito pero hindi na lumayo. It’s official callers day! Sino tatawag sa ’kin?
“Hello?... What? Bakit ako pa? Puwede namang si Kuya?... Sige na po, sige na. Ako na kukuha.”
In-end niya ang call at tumingin sa ’kin. “Clea uuwi na ako. Pasabi na lang din kay Maxien. May pinapakuha kasi si mommy sa ’kin na mga files.”
“Sige, bye!” I waved at her to say goodbye.
Pagkaalis niya tinignan ko si Maxien na in-end naman ang call sa phone niya. Lumapit siya sa ’kin.
“Nasaan na si Hazel?”
“Umalis na.”
“Ah, okay.” Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na.
“Okay puwede ka nang umalis,” sabi ko sa kanya habang wine-wave ang kamay ko na parang pinapaalis na siya.
“Ay, baliw! Wala pa naman akong sinasabi eh! Pero thank you!” Niyakap niya ako bago lumayo. Sabi na nga ba, tama ako ng hinala na aalis din siya. “Bye!” She wave at me as I watched her going outside of the mall. Inilabas ko ang phone ko at m-in-essage ko silang dalawa ni Hazel para batiin sila sa anniversary ng aming friendship ngayon.
Tinago ko na ang phone ko at tumayo na rin. Wala pa akong balak lisanin ang mall. Tinatamad pa akong umuwi, eh. Tinignan ko ang wrist watch ko.
4:45 p.m..
Maaga pa. Puwede pa akong magikot-ikot at bumili ng mga ire-regalo sa mga kaibigan ko. Thanks to my parents na laging nilalamanan ang ATM card ko kaya nabibili ko ang mga gusto ko. Siyempre, hindi naman ako sobrang magastos kasi mino-monitor nila iyon.
Binili ko para sa kanila ay perfume, skirts and shirts at ballpen. Ahem! Hindi basta-bastang ballpen kasi napakamahal nito at pinalagyan ko pa ng names nila. Kumain din ako sa mga fast food dito sa mall kasi naman, ang bilis ko magutom. Ako yata pinakamatakaw sa magkakaibigan, eh. Ay, mas malala pala si Maxien.
When the time strikes at 6 pm, lumabas na ako ng mall para umuwi na rin. Kaso mahihirapan pala ako dahil walang maghahatid sa ’kin. Wala ang makakasabay ko sana na si Maxien. Kaya naghintay na lang ako rito sa isang waiting shed ng masasakyan at tinawagan ko rin si Kuya Ryan. And so bad kasi hindi naman niya sinasagot, baka kasama ang parents ko at nagda-drive.
Halos 30 minutes na akong naghihintay dito at inip na inip dahil walang taxi na dumadaan. Kung may dumaan man, may sakay na ito at out of the way kung saan ako nakatira. May nakakatabi na rin ako rito pero aalis din agad dahil may mga sundo sila. Sinubukan ko ulit tawagan si Kuya Ryan. Lumulubog na ang araw pero nandito pa rin ako.
Nakailang missed calls na ako nang may tumigil na isang pulang kotse sa harap ko. Tumingin ako sa paligid ko, baka kasi may susunduin lang din ito, pero wala naman ng ibang tao kung hindi ako lang.
Tinignan ko lang ito at hindi pinahalata ang kaba at gulat sa pagtigil nito, nang biglang bumukas ang bintana sa side na katapat ko. Dumungaw ang isang lalaki at tinignan ako. Wait, totoo ba ’tong nakikita ko? O baka nakatulog na ako rito sa shed kaya nananaginip ako ngayon?
“Sabi na nga ba, ikaw ’yan, Clea,” sabi niya sa ’kin at pinatay ang makina ng kotse niya. Bumaba siya at lumapit sa ’kin. Kaharap ko na siya ngayon. Dahil sa sobrang lapit niya napayuko ako. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil ngayon ko lang ulit siya nakita after some weeks. “Clea? Ayos ka lang?” sabi niya ulit nang may halong pag-aalala.
“Hunter?” nasabi ko na lang habang unti-unti ko siyang tinitignan. Nagtama ang mga mata namin.
“Hmm, yeah. It’s me,” sabi niya sa ’kin at nginitian ako. Parang nahihiya siyang ewan. “So, anong ginagawa mo rito? Bakit mag-isa ka? Delikado’t gabi na lalo na’t babae ka. O nakalimutan mong babae ka?” sabi niya kaya napataas ang kilay ko. He’s being playful. Biglang nawala yung kaba at gulat na naramdaman ko.
“Wow. Concern ka ba talaga o tumigil ka lang para asarin ako?” tanong ko rin sa kanya then I roll my eyes to him. Akmang hahakbang na sana ako paalis nang hawakan niya ako sa braso para yakapin.
“Joke lang naman, Clea. Hindi ka na mabiro,” sabi niya sa ’kin habang yakap-yakap ako. Kumakawala ako sa yakap niya pero mas hinihigpitan pa niya ito.
“Bitawan mo nga ako,” sabi ko pero ayaw niya talaga akong pakawalan.
“Ayaw ko,” sabi niya kaya wala akong nagawa. Pinagbigyan ko siyang yakapin ako kasi kung pipilitin kong kumawala, masasaktan lang ako kasi mas malakas siya sa ’kin.
How I loved to be with his arms again.
Binitawan niya ako mula sa pagkakayakap pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Feeling ko naman namula ang mukha ko kaya napayuko ako. “Clea, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano pa’ng ginagawa mo rito? Hindi mo ba nakikitang gabi na?”
“Ano’ng akala mo sa ’kin walang mata? Dude, malinaw pa mata ko. At nandito pa ako dahil wala akong masakyan. Sasabay sana ako kay Maxien pero nauna na silang umalis. Now, let go of my hands,” sagot ko sa kanya nang may halong pagtataray.
“Hm, pumasok ka na sa kotse. Ihahatid kita sa inyo. O gusto mo sa amin na lang?” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Kailan pa ako tumira sa bahay mo, aber?”
Natawa siya nang mahina. “Pumasok ka na nga lang do’n. May pupuntahan pa ako sa loob ng mall, eh. Hintayin mo ako, okay?” Binitawan niya ang isa kong kamay at hinila ako papunta sa kotse niya. Tinignan ko siya sa mata niya bago ako pumasok sa passengers seat.
Binitawan na rin niya ang isa kong kamay. Pero mas kinagulat ko nang halikan niya ako sa pisngi. Nakakainis naman bigla tuloy uminit pakiramdam ko. “Hintayin mo ko, ha?” sabi niya sa ’kin bago saraduhan ang pinto ng kotse niya. Pinagmasdan ko na lang siya papasok ng mall.
“I’ve been waiting for you for how so many days, tapos ngayon ka lang ulit nagparamdam at ang dami mo agad ginawa. Tapos ano? Iiwan mo lang ulit ako?” sabi ko sa sarili ko.
I let out a sigh. Ngayon, hindi dapat ako magpakampante na nandyan siya lagi malapit sa ’kin. Kasi lahat ng tao iiwan ka, worst is kung kailan kaya. Napapikit ako dahil sa mga iniisip ko.
After some minutes, narinig kong bumukas ang pinto sa drivers side meaning, nandiyan na siya. Hindi ko na lang siya pinansin para hindi mag-ingay ang puso ko. Narinig ko na naglagay din siya ng seatbelt pero tinagtag nya ulit ito. Bakit kaya?
Dahil sa pagtataka, iminulat ko ang mga mata ko. Pagkamulat ko pa lang ay nagulat na ako nang makasalubong ang mata ni Hunter. Mukhang nagulat din siya. Naka-lean siya sa ’kin dahil balak nya palang ilagay ang seatbelt ko. Akala nya siguro nakatulog na ako. Pagkalagay niya ng seatbelt ko, hinalikan na naman niya ako. Sumosobra na, ah.
“Ang clingy mo ngayon, sobra. May nagawa ka?” tanong ko sa kanya pagkaupo niya ng ayos. In-start na nya ang kotse. Naalala ko bigla no’ng nakita ko siyang may kasamang iba.
“Partly yes,” seryosong sagot niya sa ’kin.
Tumahimik na lang ako pagkasagot niya. Actually buong biyahe tahimik kami. Parang may nakasakay din na angel sa kotse hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Agad akong bumaba at dumaretso sa gate. Wait, no manners, eh.
“Thanks, Hunter!” sigaw ko at kumaway sa kanya. Hind ko na siya hinantay na makasagot dahil pumasok na ako sa loob.
Dumaretso ako sa aking kuwarto at nagtungo sa veranda. Nakita ko pa siya doon sa labas na hawak ang phone niya. Parang may ka-text. Tinago niya ito pagkatapos at tumingin kung nasaan ako. Kumaway siya sa akin at pumasok na siya sa kotse niya. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Pumasok na ako sa loob at sinaraduhan ang pinto ng veranda.
Hindi kami nag-kumustahan. Hindi kami nag-usap kung bakit siya biglang nawala. At ano ang ’partly yes’ na nagawa niya? Sa akin ba siya may nagawa? Ang tinutukoy ba niya ay ang pagsama sa babaeng iyon? Sino kaya siya?
“Ugh!” Napahiga ako sa aking higaan dahil sa sobrang pag-iisip.
Sana masagot na lahat ng mga tanong ko.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata