Naranasan mo na ba’ng magkaroon ng boyfriend? Naranasan mo na ba’ng magmahal na minsan nang sumagi sa isip mo na hindi mo siya kayang pakawalan pa? Na siya na ang forever thingy mo? Eh, paano kapag naghiwalay kayo? Yung feeling na hate na hate mo na siya ngayon kahit mahal mo nang sobra noon? Hindi naman sa sinasabi kong nagkaroon na ako, I’m just wondering. Gaano kayo katagal mag-move-on kapag nag-break na kayo? Pag sinabing matagal bago makamove-on, means mahal na mahal mo nang sobra. Pag naman sobrang bilis, meaning hindi mo sineryoso si ex. How come na napunta ako sa usaping ito? Wala lang, nakuwento lang sa ’kin ni Maxien na may iba na si Hazel, crush pa lang naman. Nang makausap namin si Hazel ay umamin naman ito. First week of May nang nakilala niya ang new crush niya. It’s not like that na wala kaming tiwala kay Hazel. Kita naman namin sa mukha ni Hazel na masaya siyang nakilala si Noah, a Student Council Representative in Academy. Bakit ako nag-re-react ng sobra at ikinu-kuwento ito? Nakakapagtaka lang kasi na parang sobrang bilis ng pangyayari. Break up then new crush! Siguro kakabasa ko ’to. Napailing ako at napapikit dahil sa sobra kong pag-iisip. Hindi ko dapat iniisip ang mga gano’ng bagay, hindi ba? At saka si Hazel ’yon, alam na niya ang ginagawa niya. Malaki na siya at nasa tamang pag-iisip na para sa mga gano’ng bagay. Right now, nandito ako at nakakulong sa kuwarto ko kung saan kakatapos ko lang ayusin ang pinapaayos ng mga magulang ko. Tinitignan ko na rin ang aking camera na medyo may katagalan na rin no’ng huli kong gamit. Maayos pa naman kaya ibinalik ko na ito sa lagayan at inilagay sa study table ko para madali kong makita sa pasukan. Humiga na lang ako sa kama ko para makapagpahinga. Its just 8 am right now. Ang aga kong nagising kaya natulungan ko pa ang aking Mama na maayos ang files ng aming business bago sila pumunta sa office. Kinuha ko ang isang libro sa aking bed side table at binasa ito. This book contains information on how to run a company. My parents are just so kind na hindi pa nila ako masyadong pinapahirapan about adult and future matters, hindi tulad ng mga kaibigan ko. Reading, as my favorite hobby, will be just a starting point. Habang binabasa ko ang libro na binigay sa ’kin ni Mama, may biglang tumawag sa phone ko. Sinagot ko ito without looking who’s the one calling at the moment. Ni-loud speaker ko ito para hindi ko na kailangan pang hawakan para marinig. “Hey, Clea!” “Cley!” Dalawang magkaibang boses ng babae ang narinig ko pagkasagot ko sa aking phone. This time tinignan ko na ang tumatawag. Group call pala, si Maxien at si Hazel. “Yow, guys,” sabi ko na lang para hindi masyadong magulo. Binalik ko ang aking tingin sa binabasa ko. “Clea! Tara gala tayo!” sabi ni Hazel kaya napatigil ako sa pagbabasa. Itinabi ko sa kama ko ang book. Makikipag-usap na muna ako sa mga ito. Hindi man nila sabihin, alam kong naaalala nila. Friendsary namin ngayon, guys. “Gala ka mag-isa mo,” sagot ko sa kanila at tumawa ng mahina. “Dali na, Clea! Huwag kang killjoy!” sabi ni Maxien sa mataas na tono. Ang hyper nila. “Kailangan ba talagang sumigaw? Ano bang oras?” “Oo o hindi muna??” sabay nilang sabi na ikinatawa nila. “Jinx!” sabay ulit sila kaya mas napalakas ang tawanan. Yung totoo, kaibigan ko ba sila? Baka mga fake ones sila o alien na nilalagay ako sa isang trap! “Hoy, Clea! Ano na?” tanong ni Hazel sa ’kin nang maka-recover sila sa tawanan. “Magtatanong ba ako ng oras kung hindi ako sasama?” tanong ko sa kanila saka ako tumayo at pumunta sa closet ko para makapili ng susuotin. “Sasama naman pala pinahaba pa ang usapan!” “Sa malapit na mall tayo, guys. Before 2 pm dapat nandoon na. Before ha, before. Gotta go guys!” Nagpaalam na sila kaya nawala bigla ang ingay. Akalain n’yo ’yon, tahimik sa kwarto ko tapos sila lang magpapaingay? *** Magagalit na naman sa ’kin ang mga kaibigan ko. Minsan lang ako sumama sa mga galaan naming magkakaibigan, pero madalas ay late ako ng dating, tulad ngayon. Ngayon sumama ako kasi parang gusto kong umalis sa bahay. Nakakabagot. Kaya no’ng nagyaya sila mag-mall, nagpaalam agad ako sa parents ko at pumayag naman sila. Tumigil ang sinasakyan ko sa tapat ng mall. Lumingon ako doon at nakita sila Maxien at Hazel na mukhang naiinip na. Napaka-mainipin nga naman ng dalawang ito! Bago ako bumaba tinignan ko muna si Kuya Ryan at nagpaalam na kay Maxien na lang ako sasabay sa pag-uwi. Agad naman siyang tumango kaya bumaba na ako sa kotse. Dumaretso ako sa pwesto nila Hazel. “Guyss, sorry I’m l—“ Naputol ang sasabihin ko nang sumingit agad sila. “Yeah we always know,” masungit na sabi ni Hazel sabay roll ng eyes. Luh, kunin ko kaya eyeballs nito?? Nahh joke lang, kaibigan ko ’yan, eh. “You’re always late,” dugtong ni Maxien kaya napalingon ako sa kanya. Napailing na lang ako sa pagiging mainipin nila. “Diyan na nga kayo. Hindi pa nasanay,” sabi ko sa kanila sabay kunwaring walk out. Syempre kunwari lang, puwede pa naman akong magpunta sa kung saan, like Zavion. “Luh, sabi ko nga pumasok na tayo at gutom na ako!” sigaw ni Maxien sabay hila sa ’kin papasok ng mall. Sumunod naman sa amin si Hazel na natatawa ng mahina. “Ingay mo,” sabi ko na lang sa kanya pagkabitaw niya sa ’kin. At dahil gutom na si Maxien pumunta muna kami sa isang fast food chain. Yeah, I won’t deny that we’re rich, pero hindi kami maarte kung saan at ano ang kakainin namin. “Saan tayo kakain guys??” sabi ni Hazel na nasa tabi ni Maxien. Nagkatinginan kami ni Maxien kasi alam namin sa isa’t isa na magkaiba ang gusto namin. “Its time for jock en poy!” mahina kong sabi sa kanila kasi nakakahiya naman kung isisigaw ko ’di ba? It’s a childish thing, playing jock en poy pero ’yon ang ginagawa namin kapag hindi magkasundo sa ibang bagay. Ang mananalo naman ay siyang masusunod. Agad akong pumwesto sa harap nila para naka-itsurang pabilog kami. Inihanda ko na rin ang aking kamay at gano’n din sila. Nagsimula na kami sa amin laro. Nakailang try lang kami bago malaman kung sino ang nanalo. “Oh yes!” sabi ni Hazel na may malaking ngiti sa labi. Si Maxien naman, nakasimangot dahil alam na niya ang o-order-in ni Hazel. Ako? Okay lang. “Tara na, guys!” “Oh gosh! Gulay is coming,” sabi ni Maxien at tinakpan ang mukha habang nakaupo na kami dito restaurant na gusto ni Hazel. Natawa na lang ako sa ginawa nya. Si Hazel kasi ang um-order ng pagkain namin, and I can say that it was almost vegetables. And Maxien hate it. “Kain na kayo, guys!” sabi ni Hazel pagka-serve ng pagkain namin. Kumuha ako ng plato para makakain na rin. Gutom na agad. “I hate you talaga, Hazel,” nakasimangot na tugon ni Maxien kay Hazel at saka kumuha ng plato. Tinawanan na lang namin siya bago kami kumain. Pagkatapos naming kumain, malamang lumabas na kami. Alangan namang doon namin i-spend ang time namin with each other? Just kidding. Pero umingay na naman itong si Maxien. Harapan ko kaya ulit ng gulay? Baka sakaling tumahimik. “Hey guys, alam kong hindi n’yo trip ngayon sa bookstore pero ako pupunta,” sabi ko sa kanila kaya napalingon sila sa ’kin. “Sige. Hintayin ka na lang namin doon.” Tinuro ni Hazel ang isang boutique. Tumango na lang ako bago humiwalay sa kanila. Dumaretso na ako sa bookstore. Naglalakad pa lang ako papalapit sa pupuntahan ko nang makita ko ang poster na nakadikit doon. Oh gosh! One of my favorite fantasy story! Pumasok ako para mabili ang book. Kaso halos ma-dissapoint ako nang wala na doon sa provided na lalagyanan ang librong iyon kaya buti na lang sinabi sa akin ng cashier na meron pa sa mga shelf no’ng series na iyon. Kaya pumunta ako para tignan iyon. Mukhang mahihirapan akong maghanap, ah. Pero kahit na gano’n, sinimulan ko nang maghanap. Bawat libro na nadadaanan ko ay nadadaanan din ng mata at kamay ko. Nakakapagod ito, ah. But I’ll do everything to have that! “There you are!” mahinang bulong ko sa sarili ko pagkakita ko no’ng libro. Medyo natagalan pa ko bago ka makita. Masyadong pakipot, mga besh. When my hand was about to reach the book from its shelf, another hand already reached the book. What the— “Hey! That’s mine!” Nilingon ko kung kaninong kamay ang kumuha ng libro ko, not literally mine kasi hindi ko pa naman nabibili pero ako ang unang nakakita! Pagkalingon ko sa kumuha ng libro ko, napatulala ako. What kind of human is he? Ang ganda ng mata nya na nakatingin na rin sa akin, makapal ang kilay na binagayan pa ng medyo magulong buhok. Medyo matangos ang ilong niya at mapula-pula ang labi. Hanggang balikat niya lang ako sa sobrang tangkad niya. “You can take a picture of me, if you want to stare longer.” Napasimangot ako sa kayabangan nitong lalaking ito. Tss. “Give me that book, Mister I-dont-care-who-you-are,” sabi ko sa kanya bago ko ilahad ang kamay ko. Itinaas ko ang kilay ko nang maramdamang wala siyang balak ibigay sa ’kin ang libro. “Why do I have to give this? Is this yours already?” tanong niya sa ’kin at itinaas din ang kilay. Arggh, where is being gentleman in this guy? “I’m the one who saw the book first in this shelf. Kukunin ko na sana kung wala ka lang lahing Flash. Now give that to me.” I rolled my eyes to him after I said those words. I hate explaining, you know? At ngayon, nag-iinit na talaga ang ulo ko. “Can’t you say please, miss?” Wow, puwede ko na ba itong sapakin? Isa lang, promise. Mabangasan kahit isang beses ang guwapo nitong mukha. Pero syempre, hindi ko gagawin! “Please?” sabi ko sa kanya with no paawa effect. Hindi niya deserve, tsk. “You’re cute when you’re annoyed and a little bit angry. But, I won’t give this book. Sorry, miss,” sabi niya at nagawa pang guluhin ang buhok ko. Pagkatapos niyon, umalis na siya sa harap ko at iniwan akong nakanganga. What the hell was that? Who is he to do this to me, by the way?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat