After ng ilang pictures, lumapit na ako kay Zavion. Tinitignan ko pa rin ang mga pictures habang paupo ako. Kapag bored ako, aabalahin ko talaga siya para lang makapunta rito. I know naman na he will never say no to a girl na makulit like me. “Zavion. Punta ulit tayo rito sa sunod, ha? Isama natin ang iba,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa phone ko. Hindi ko siya narinig na sumagot kaya lumingon ako sa kanya. Oh gosh. Para na siyang natutulog. Nakapikit siya habang naka-cross arms. Para siyang pagod na pagod. So, para maganda, pinicturan ko din siya. “Zavion.” Lumapit ako sa kanya at kinurot ng mahina ang kanyang ilong. Iminulat na niya ang kanyang mga mata, hindi mapapagkailang kulang siya sa tulog. “Okay ka na?” tanong niya kaya napataas ako ng kilay. Ako pa talaga? “Ako ba talaga ang tinatanong mo? Eh, ikaw kaya ang mukhang hindi okay.” Napangisi na lamang siya at napailing. “Sorry naman. Kulang ako sa tulog kagabi kaya ako ganito. Tine-train na talaga ako nila Dad sa negosyo,” matamlay na sabi niya sa ’kin. “Higa ka rito sa lap ko, ayoko pa kasi umalis dito eh,” offer ko sa kanya kahit alam kong tatanggi siya. “Huwag na. Alam kong lilibutin mo pa ang garden, eh.” “Dali na kasi. Huwag na magreklamo para makapagpahinga ka kahit kaunti. Please?” sabi ko sa kanya with paawa effect. Ayoko pa kasi umuwi dahil wala naman akong gagawin at wala rin akong kasama. At least dito, hindi ako feeling lonely. “Sure ka? Ayos lang?” tanong n’ya sa ’kin at tumango na lang ako. Pumwesto ako sa kabilang side ng bench at inayos ang suot kong dress. Tumalikod naman siya at dahan-dahang humiga sa lap ko. Sinalubong ko ang mga inaantok nyang mata at ngumiti. “Sleep now.” Hinawakan ko ang noo n’ya pababa sa mga mata n’ya para pumikit ito. Pero hinawakan n’ya ito gamit ang left hand n’ya papunta sa dibdib nya. Naramdaman ko ang mga pisngi ko na nag-iinit dahil nararamdaman ko ang heartbeat nya. Aalisin ko na sana aang kamay ko sa pagkakahawak n’ya pero mas hinigpitan pa niya ito. “Zavion ’y-yong kamay ko,” sabi ko kahit nauutal. Natawa siya ng mahina. “Minsan lang naman ito, Clea. Ayaw mo ba akong pagbigyan?” sabi niya sa ’kin saka siya ngumiti at pumikit. “S-Sige.” Pinanood ko siya habang natutulog. Ang peaceful ng mukha n’ya. Tina-try ko namang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hinihigpitan pa niya ang hawak at parang walang balak bitawan. Feeling ko nga, niloloko niya ako dahil hindi naman siya natutulog, eh. Nakangiti lang siya habang nakapikit at hawak ang kamay ko. Hindi pa kasi maghanap ng girlfriend. Para malihis ang atensyon ko kinuha ko na lang ang phone ko at pinicturan muna siya saka ko tinignan ang mga kinuhanan ko rito sa garden. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ito. Pero hindi pa rin maiiwasang malungkot. Pagka-swipe ko sa last picture dito sa garden, nakita ko naman ang picture namin ni Hunter na magkasama sa mall. Naka-akbay siya sa ’kin at ngiting-ngiti habang ako naman ay nakasimangot kasi hindi niya ako binilhan ng chocolate kahit aking pera naman ang gagamitin. Sa mga malalaki hanggang sa maliliit na bagay, lagi kong nararamdaman na mahal niya ako. Wala man kaming tinatawag na label, masaya ako dahil nandiyan siya at naranasan ko din ang magmahal kahit pinagseselos niya ako. Like, lalapit siya kay Maxien tapos hahawakan ang buhok at kakausapin, ginagawa n’ya ’yon sa harap ko. Eh, ako naman, hindi mapigilan ang selos. Minsan binabagsak ko ang hawak kong libro tapos aalis nang padabog. Sinusundan naman niya ako pero tatawanan naman. Gano’n din ako sa kanya. Pero mostly si Shawn ang nagawa ng mga bagay na ikakaselos niya. “Okay ka lang? Basa na mukha ko, oh,” sabi ni Zavion kaya napatingin ako sa kanya. May patak nga ng tubig sa mukha niya. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong basa ito. Habang nagbabalik-tanaw pala ako, hindi ko na namalayan ang luha ko na tumulo. “Ayos lang ako,” sabi ko sa kanya sabay punas ko sa aking mata. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa ’kin habang nakahiga pa rin sa lap ko. “Hindi naman ako umiiyak, ah.” “Hindi mo maloloko ang isang loko-loko, Clea. Ano’ng problema?” tanong niya ulit sa ’kin bago bumangon para titigan ako. “Wala ito, Zavion. Huwag kang makulit, please.” Nginitian ko siya at sinandal ang ulo ko sa braso niya. “Kung kailangan mo nang makakausap nandito lang ako na handang makinig sa ’yo,” sabi niya sa ’kin at hinawakan ako sa braso. “Tara na. Hatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka.” Tumango ako at tumayo na. Tumayo na rin siya at inakbayan ako. Habang naglalakad kami palabas ng garden nagku-kuwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Good thing, hindi na niya tinatanong kung bakit ako umiyak kanina. Puro ako tawa ngayon dahil bumalik ang mapang-asar na Zavion. Sa gitna ng paguusap namin, may biglang tumawag sa phone ko. Si Tita Daisy na Vice Principal sa Howard Academy at kakilala ng parents ko. “Zavion, sagutin ko lang ha. Si Tita Daisy kasi,” sabi ko sa kanya habang tinuturo ang phone ko. Tumango na lang siya bilang sagot. Hindi na ako lumayo sa kanya kasi si Tita Daisy lang naman ito. “Hi Tita Daisy,” sabi ko pagkasagot sa phone. “Hello, Clea. May I know where are you?” tanong ni Tita Daisy sa kabilang linya. “Naandito po ako sa isang garden kasama si Zavion,” sabi ko sabay tingin kay Zavion. “Hi Ma’am Daisy!” pagbati ni Zavion kay Tita. “Bakit kayo magkasama? Ano’ng ginagawa n’yo?” tanong niya sa amin ni Zavion. “Mahabang istorya po. Bakit po pala kayo napatawag?” Ako naman ang nagtanong kay Tita Daisy. “Oh I almost forgot. Ah, Clea, puwede ka bang pumunta rito sa school? May importante lamang akong sasabihin.” “Ahm, sige po Tita. Papunta na po kami.” “Okay sige. Hihintayin kita. Bye.” Binaba ko na ang tawag pagka-paalam ni Tita Daisy. Tinignan ko si Zavion at tinanguan ko siya, saka kami nagpatuloy sa paglabas ng Garden. “Hatid mo na lang ako sa school tapos ako na ang bahala sa pag-uwi ko. No buts. Bawal tumanggi,” sabi ko sa kanya pagkarating namin sa tapat ng kotse nya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok ako. Pagkapasok ko, umikot naman siya para sumakay sa drivers seat. “Bahala ka,” sagot niya na lang sa akin saka sumandal sa upuan ng kotse niya. Tumingin na lang ako sa bintana. May kahabaan din ang naging biyahe. Naiinip na nga ako dahil hindi naman naimik si Zavion. Siguro pagod na nga siya tapos inabala ko pa. Sorry. Malapit na kami sa school nang mayroon akong makita. Isang babae at lalaki sa labas ng isang cafe na nakangiti sa isa’t isa. Pero kilala ko ang lalaki. Kahit saang anggulo pa, kilalang-kilala ko ang mahal ko. Nakasuot siya ng pants at hood. Agad na napakunot ang noo ko. Sino yung babae? Ano’ng ginagawa nila? Naramdaman ko ang pagtigil ng kotseng sinasakyan ko. Pagtingin ko sa unahan ay traffic pala. Lumingon ulit ako sa kung saan ko nakita si Hunter at ang kasama nyang babae. Nakahawak na ngayon si Hunter sa kamay ng babae. Sino siya? Bakit parang ang saya-saya niya diyan? Nagagawa nyang ngumiti habang ako iniisip siya kung ayos lang siya. Anong klase ’yon? “Clea? Ayos ka lang? Ang sakit na ng kamay ko.” Lumingon ako kay Zavion at nabigla ako dahil hawak ko pala ang kamay n’ya at dahil sa nakita ko, napisil ko ito ng sobra. Agad ko itong binitawan. “Ano ba’ng tinitignan mo diyan? Nararamdaman ko ang inis mo, eh.” Sinubukan niyang lingunin kung ano man ang tinitignan ko. Agad kong hinawakan ang kanyang balikat para maibaba siya. “Paandarin mo na. Naka-go na, eh. Kaya go ka na rin,” sabi ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng may pang-aasar. “Sige na nga.” Muling pinaandar ni Zavion ang kotse pero lumingon ulit ako kung saan ko nakita si Hunter. Naglalakad na sila palayo habang naka-akbay si Hunter sa babae. What the— Sa halip na sundan ko pa ng tingin sila, tumingin na lang ako sa harap nang naka-cross arms. Naramdaman ko naman ang tingin ni Zavion sa ’kin. I just let out a sigh at pumikit. Feeling ko maiiyak ako. Bumibigat ang nararamdaman ng puso ko. Questions are starting to flood in my head. “Clea nandito na tayo,” sabi ni Zavion kaya iminulat ko ang mga mata. “Umuwi ka na ha? Magpahinga ka na rin,” sabi ko sa kanya at hindi na inantay ang sagot niya. Pinaalis ko muna siya bago ako pumunta sa faculty room. Pagkarating ko sa faculty room kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Nakita ko ang iilang mga teachers na nandito. “Good afternoon po. Si Ma’am Daisy po?” tanong ko sa loob at saka ko nakita si Tita Daisy na nakaupo sa isang upuan. “Nandito ako, Clea! Pasok ka,” sabi niya sa ’kin kaya pumasok ako sa loob bago isara ang pinto. “Good afternoon Ma’am. Ano po yung sasabihin n’yo?” tanong ko kay Ma’am Daisy pagkatapat ko sa kanya. Pinaupo na muna niya ako bago siya magsalita. “The faculty organized another club along with Drama Club which is Photography. And I requested na ikaw ang maging President ng club. Okay lang ba sa ’yo?” direct to the point na sabi ni ma’am. Photography Club? Hmm, why not? Mahilig naman ako mag-take ng picture at mas ma-e-enjoy ko ang last year ko rito sa Academy. “Kung hindi mo naman tatanggapin, ayos lang. Someone can take the position. Pero kung tatanggapin mo, mas maganda kasi makakatulong kayo sa Journalism club. Puwede pa rin naman kayong sumali sa ibang club kung gusto n’yo.” Well, I can’t let go Music Club. “I accept the position Ma’am,” sagot ko kay Ma’am at ngumiti. “It’s nice to hear that. Si Ma’am Ariel Datinguinoo na ang bahala sa papers na kailangan dahil siya ang teacher-in-charge. Dalawa pa lang kayong members ng club dahil hindi pa naman ito officially nasasabi sa buong estudyante. Baka after a weeks pa magkaroon ng iba. Sa first day, aasahan ko ang pagpunta n’yo sa club room after class.” “Eh, ma’am nakalimutan n’yo pong sabihin kung saan ang club room?” “Oh, hindi ko ba nabanggit? Sa tabi ng Dance Club ang Photography Club.” What? Katabi talaga? As in? “Ah, okay po ma’am. Thank you po. Mauna na po ako sa inyo.” Nginitian ko si Ma’am Daisy bago umalis ng faculty room. Ayy gano’n? New club tapos katabi pa ng room nila? Mas mamiss ko pa siya lalo. Pero.... Naalala kong lilipat na nga pala siya ng school. Naalala ko din yung nakita ko kanina. Hindi ba puwedeng ilayo-layo? Malawak naman ang school, ah. Haystt. How nice this day. Good luck talaga sa new club at sa ’kin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat