“Ma! Aalis na po ako!” sabi ko sa aking mama at lumabas na ako sa aming bahay. Sumakay ako sa aming kotse at nagpahatid sa aking driver na si Kuya Ryan. “Kuya sa mall po tayo,” sabi ko kay Kuya Ryan pagkapasok ko. “Sige po,” sagot ni Kuya Ryan at nagsimula nang magdrive. Papunta ako ngayon sa mall para maglibang-libang. Na-bored na kasi ako sa bahay dahil wala naman akong magawa at ginagawa. Wala rin akong kasama ngayon. Marami kasing ginagawa ang mga best friends ko. Iniwan nila ako huhuhu. “Clea, nandito na tayo,” narinig kong sinabi ni Kuya Ryan kaya napalingon ako sa labas. Hindi naman ito kalayuan sa aming bahay kaya madali lang kaming nakarating dito. Nagsayang lang ako ng gas. Pagkababa ko sa kotse, pumasok agad ako sa mall. Naglakad-lakad ako hanggang sa makakita ng mga magagandang bagay. Lumingon ako sa gawing kanan at nakita ang isang boutique. Bibili na lang ako ng mga damit, siguro. Pagkapasok ko, nagtingin agad ako ng mga skirts and blouse. Mas trip kong magsuot ng mga gano’n at saka dresses. Minsan naman nagsusuot din ako ng pantalon with matching hats! Akala n’yo sila Maxien lang ang fashionista, ha! Pero lumabas din ako sa store nang wala akong magustuhan. Mas gusto kong bumili pag may kasama ako tulad nila Maxien at Hazel. Baka matambak lang din sa closet ko kung bibili ako. Dumaretso na ako sa exit ng mall. Nakakabored din kasi dahil wala akong kasama sa pagpunta rito. Madali akong nakasakay ng taxi at napagpasyahan kong pumunta sa isang park. Baka ma-relax ako at maisip ko na tumambay na lang sa bahay at matulog buong araw. Saklap. Pagkababa ko, nakita kong iilan lamang ang mga taong nandito. Malamang mga nasa mall o kaya ay bahay. Dumaretso ako sa isang swing dahil wala namang tao doon. Pinagmamasdan lang ang mga nasa paligid. Hanggang ngayon wala pa ring paramdam si Hunter. Kahit ang mga kaibigan ko, lahat sila, halos hindi makausap. Tinuturuan na kasi agad sila sa mga business nila. Ako? Pagkatapos pa ng high school. Kamusta na kaya sila? Feeling ko nakalimutan na rin nila ako. Ang sakit naman. Busy lang nakalimutan na agad? Sobra naman ’ata ako. Tumingin ako sa mga paa ko at bahagyang inibo ang swing. Para akong bata rito na iniwan at inayawan ng mga kalaro. Parang gusto ko namang umiyak ngayon na parang inagawan ng lollipop. Iba na talaga ako. Napatigil ako pagmumuni-muni nang may makita akong anino sa tabi ko. Tumingin ako sa taong nasa tabi ko. Nakita ko ang tatlong lalaki na mukhang mga gangster. Hindi naman sa judgemental ako pero ang pangit kasi nila at may earrings pa sa mga tenga nila. Hindi naman bagay. Gross. Nasusuka ako. “Hi miss. Gusto mong sumama sa amin?” tanong ng isang pangit. “Gusto mo bang makipag-jamming naman?” tanong no’ng kasama nya. Napatingin ako sa paligid at nakita ang mga tao na malayo sa amin. Baka kasi kailangan kong sumigaw ng tulong hehe. “No, thanks,” mataray na sagot ko sa kanila at tumayo na sa swing. Iniwan ko na sila at mabilis na naglakad. “Miss kinakausap ka pa namin.” Naabutan nila ako at hinawakan sa braso. Napatigil ako sa kanilang ginawa at nagsimula nang kabahan. “Ganyan ka ba makipag-usap sa mga tao?” tanong nila sa ’kin pero hindi ko ito pinansin. “Just let me go. I don’t want to go with you all. Yuck,” sabi ko sa kanila dahilan para matawa sila. Ano’ng nakakatawa doon? Kung hindi lang ako naka-dress, ako na sisipa sa mga ito, eh. “Miss sandali lang naman tayo eh saka—“ “Ayaw nga ’di ba? Ano? Mapilit lang?” Napatigil sa pagsasalita ang pangit na lalaking may hawak sa ’kin nang biglang may magsalita. Nakatingin lamang ako sa lupa kaya hindi ko siya makita pero parang pamilyar ang boses nya. “Sino ka ba, ha?” galit na tanong ng kasama ng pangit na ’to. “Boyfriend n’ya. Bakit? May problema ka?” maangas na tugon ng lalaki at napansin ko namang binitawan na rin ako no’ng mga pangit. “Naku brad, taken na pala si miss. Sorry po, boss,” sabi nilang tatlo at dali-daling tumakbo palayo. Nakahinga naman ako ng maluwag pero ramdam ko na ang mga luha kong namumuo sa mata ko dahil sa sobrang kaba. Kahit naman mukha akong matapang, eh hindi ko pa rin maiiwasan na maging mahina. Iyakin ako, eh. “Clea?” Nagulat nang nasa tabi ko na ang lalaking lumigtas sa ’kin at kilala n’ya pala ako. Tinignan ko na siya at agad napangiti nang makilala siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit na ikinagulat niya. Umalpas na rin ang mga luhang namuo sa mga mata ko. “Bakit ka naiyak? Sinaktan ka ba nila?” tanong n’ya sa ’kin in very serious but caring tone. “Wala, wala ’to. Thank you, Zavion,” sagot ko sa kanya. “Huwag ka na umiyak.” Kumalas ako sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko. Naramdaman ko naman ang mga kamay n’ya na inangat ang ulo ko. Sinalubong ng mga maluha-luha kong mata ang magaganda nyang mga mata at pinunasan ito. “Okay. Hindi na. Haysst namiss kita.” Totoong namiss ko siya. Wala rin siyang paramdam sa ’kin, eh. Tinignan ko siya sa mga mata n’ya at tinanong. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya at binalewala ang namumula nyang tenga. Siguro, dahil nabigla siya yakap ko kanina. “Wala lang. Naglalakad-lakad lang hanggang sa makita kita.” “Okay.” “Bakit nga pala mag-isa ka lang? Hindi mo ba kasama sina Maxien? O kaya ay si Hunter?” sunod-sunod namang tanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot. “Ano ba’ng ginagawa mo rito?” “Nabobored na kasi ako sa bahay. Kaya umalis ako. Wala sila dahil busy sila at ang iba pa. Kaya mag-isa akong namamasyal. Ikaw? Hindi ba’t busy ka rin?” tanong ko naman sa kanya sabay ngiti. Nginitian niya rin ako at inakbayan. “Hindi naman talaga ako busy. Naglalaro nga lang ako ng online games, eh. Kaya puwede mo naman akong tawagan para samahan ka.” “Eh ’di ipasyal mo ako!” sabi ko sa kanya na parang bata at may pagtaas pa ng kamay. Ang bilis mawala ng kaba ko dahil niya. Natawa siya sa ginawa ko. “Saan mo ba gustong pumunta? Sa playground na lang kaya, para ka rin namang bata eh,” sabi n’ya sa ’kin kaya kinurot ko siya sa tagiliran. “Tigilan mo nga ako. Hmpf!” Inalis ko ang pagkakaakbay n’ya sa ’kin at lumakad palabas ng park. Naramdaman ko namang sumunod siya sa ’kin. “Dala mo kotse mo?” tanong ko sa kanya. “Oo. Tara na lang sa Star Garden,” pag-aaya niya sa ’kin kaya tumango na lang ako. Hindi ko rin naman alam kung saan ’yon, eh. Pumunta kami sa kung saan niya pinark ang kotse nya. Pinagbuksan niya ako at pumasok ako sa kotse niya na color blue. “Kanino ba ang sinasabi mong garden at mukhang familiar ka?” tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa kotse. “Sa lola ko.” Tumango na lang ako. Isinandal ko ang katawan ko sa upuan. Nakakapagod gumala mag-isa. Hindi ko man alam kung saan ang garden na ’yon sasama na lang ako sa kanya kasi wala rin naman akong ibang alam na pupuntahan. May kalayuan din ang aming biyahe mula sa bayan. Hindi naman ako naiinip dahil ang daming kinu-kuwento ni Zavion. Minsan naman sumasabay ako sa kanta sa kotse niya dahil puro mga paborito kong kanta ang tumutugtog. Para ngang naka-playlist dahil sunod-sunod, eh. Napatigil ako sa pag-iisip nang maramdamang tinigil ni Zavion ang kotse. Agad kong napansin ang kahoy na gate at may nakalagay na ’STAR’ sa gitna nito. May mga katabi itong mga puno at mga rosas sa baba. Pagkakita ko no’n, agad na nagningning ang mga mata ko. I love colorful and relaxing things, just so you know. “Bakit ngayon mo lang ako dinala rito? Aawayin kita, Zavion!” sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa ’kin. Napangisi na lang siya at umiling. “Dami mong reklamo kahit saan ka dalahin, ano?” Nakangiting bumaba siya ng kotse at umikot papunta sa side ko. Pinagbuksan n’ya ulit ako ng pinto at inilahad n’ya ang kamay nya. Tinanggap ko naman, baka sabihing wala akong utang na loob. Binuksan n’ya ang gate ng garden at pumasok kami nang magkahawak ang kamay. Medyo naiilang na nga ako, eh. Pero hindi ko na lang pinansin at tinignan na lamang ang nasa garden. Grabe ang ganda! Dahil sa sobrang katuwaan, nahigpitan ko tuloy ang hawak ko sa kamay ni Zavion. Inaalog-alog ko pa ito. Hindi ko naman siya narinig na magreklamo. “Ang ganda rito, Zavion!” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. Binitawan ko ang kamay n’ya at kinuha sa bag ko ang aking phone. Kinuhanan ko ng picture lahat ng mga bulaklak na nadadaanan ko. Natutuwa kasi ako na bukod sa makukulay sila, mababango pa. “Sundan mo ko, may mas maganda pa d’yan,” sabi ni Zavion sa akin at nauna na maglakad. Tinurn ko naman sa video ang aking phone at vinideohan siya habang naglalakad. Nakalagay sa bulsa ng kanyang pants ang kanyang mga kamay habang naglalakad. Dahil sa sobrang focus ko sa pag-take ng video, bumangga ako sa likod niya nang bigla siyang tumigil. Napahawak ako sa noo ko dahil doon tumama ang phone ko. “Aray.” Nilingon n’ya ako at saka siya ngumiti. Inirapan ko naman siya habang hawak ko ang noo ko. Gumilid siya kaya nakita ko ang fountain sa gitna habang may green bunch with colorful flowers sa gilid. Nilapitan ko ang fountain at inilagay ang kamay ko sa tubig. Ang linis niya! Nakikita ko ang reflection ko, eh. Nang makita ko din si Zavion sa tubig, inangat ko ang kamay ko at iwinisik ko sa kanya. Nagulat naman siya at napakunot ang noo. “Hay naku naman. Tama nga ako, sa playground ka nga dapat.” Kinuha niya sa kanyang bulsa ang panyo n’ya at nagpunas ng mukha habang naglalakad palayo sa ’kin. Umupo siya sa isang bench dito. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tumawa sa reaksyon niya pagkatingin niya sa ’kin. Hindi ko muna siya nilapitan dahil kukuhanan ko pa ng picture ang buong paligid. Dapat pala rinala ko ang camera ko
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat