logo text

FLASHBACKS Part 2

Nabo-bored ako. Assessment ngayon pero hindi ako pumunta. At dahil nga hindi ako pumunta, wala akong magawa. Sana pala pumunta na ako sa school para makita ko ang mga future classmates ko. Pero knowing me, once na inabot ng katamaran, tatamarin na talaga. Uupo na lang sa isang tabi at tutunganga.
Ayokong buksan ng social media accounts ko. Tatanungin ako ng mga kaklase ko kung bakit hindi ako pumunta sa school. Ayaw ko pa naman ng kinukulit ako. Hindi kasi bumenta sa kanila ang dahilan ko na tinatamad. Wala na rin iba pang dahilan para i-open ko ’yon.
Pero naasa ako ngayon na magpaparamdam ang taong iyon. Ito pala ang first love? Ganito pala ang nararanasan? Binigay mo ng buo ang pagmamahal at tiwala mo, pero gano’n?
HA! Kaya sa susunod na magmamahal ako, mamahalin ko ang sarili ko ng sobra-sobra. Tapos sa taong mamahalin ko o mahal ko, kakarampot na lang ang ibibigay ko. Sakit kaya. Loving too much needs too much medicine when break.
Bigla na lang siyang nawala. Ewan ko ba. Ewan ko din kung bakit minsan sinisisi ko ang sarili ko, eh siya naman itong biglang nawala. Natatanong ko ang sarili ko kung may nagawa akong mali sa kaniya na hindi ko alam, pero wala naman akong amnesia para makalimot ng mabilis.
I miss him so much.
Until now, I’m just waiting for him to chat me even though I’m planning to forget him.
Na-miss ko tuloy sina Maxien, Hazel, Ara at Cath ng 10% lang!
Napatingin ako sa cellphone ko na biglang tumunog. Agad ko itong kinuha para makita kung kanino galing ang text. Kay Maxien pala.
“Magkaklase tayo. 10-B nga lang. Punta ka bukas sa school ha?”
Parang nanghihinayang pa itong si Maxien sa section namin ngayon. Eh, okay na nga ’yon. Consistent na 2nd section. Haysst gusto kasi nya sa 10-A, dahil ’yon ang dating section ng crush nya dati.
Haysst laking tulong ’tong text nya. Dahil hindi ko na kailangang pumunta sa school! Yehey!
Gawain ko kasi since grade 7 ay ang pumunta sa school para tignan lang kung saan ako kabilang na section. Pero ngayong last year ko na sa Howard Academy, grade 10 na ako, ay saka pa ako tinamad pumunta. Siguro dahil ayokong makita na wala siya doon sa listahan ng mga kaklase ko.
At ngayon sobra na akong nababagot. Kanina pa akong nandito lang sa kuwarto ko. Nakahiga at walang ginagawa. Nakatulala sa kawala hanggang sa maalala ko ang dahilan kung bakit kami naging malapit nang sobra. Dahilan para mahalin ko din siya.
December 20XX
Umupo na kami nang maayos pagkarating ni Ma’am Camarillo. English time ngayon at ngayon din sasabihin ni ma’am ang project namin this grading. Medyo kinakabahan ako, ah.
“Class, please be quiet I have something to announce!”
Agad naman kaming tumahimik.
“Alam n’yo naman siguro ang ia-announce ko right?”
“Yes ma’am!”
“It is about your project for this grading. Nagawa na rin ito ng mga nagdaang estudyante dito. Your project will be a video play of a famous novel. Ito ay gagawin n’yo ngayong Christmas break.”
“Ma’am paano po ang ibang hindi makakapunta?” tanong ng isa kong kaklase.
“Aba! Eh ’di walang grades! Ka-simple-simple niyan ’di pa makakapunta?” sagot ni Ma’am Camarillo. Medyo terror kasi siya, eh. Saan kaya nakuha ng kaklase ko ang confidence para makapagtanong?
“So, as I was saying, iyon ang magiging project n’yo. Ang hindi makakapunta kung saan man kayo magtatagpo-tagpo ay walang grades. Understood?”
“Yes ma’am!”
“Okay! Babanggitin ko na ang magiging groupings n’yo.”
Hinati ni ma’am ang aming klase sa tatlong grupo. Group 2 ako. Ayos na din kasi hindi naman sakit sa ulo ang mga ka-grupo ko, maliban sa isa, si Jarreth. Nakakainis, alam n’yo bang laging nang-aasar ’yan? At ako lagi ang puntirya niya. Kaya nga minsan hindi ako nagpapakita o dadaan sa harap niya. Kasi pag napansin nya ako, sira ang buong araw ko.
“Okay, I will give the rest of the time to talk with your groupmates,” instructions ni Ma’am.
Agad naman kaming tumayo para makapagusap-usap. Nang makarating sa grupo-grupo, umupo agad kami para mapag-usapan ng maayos ang gagawing project. Tumabi ako kay Lottie pero may tumabi pa sa ’kin. Guess who? Si Hunter lang naman na nakangiti sa ’kin nang malawak. I’m dead.
“Okay guys, who wants to lead the group?” tanong sa ’min ni Gelay pagkaharap niya.
“You,” sagot ni Hunter kay Gelay.
“No but thanks. Bakit hindi na lang ikaw?”
“Naku pumili kayo ng maayos, baka puro kahanginan ang magawa natin,” pagsagot ko sa tanong niya.
“Ang sakit mo talaga magsalita,” sabi sa ’kin ni Hunter sabay akbay kaya napatingin ako sa kanya.
“Masanay ka na,” sagot ko sa kanya at inirapan siya. Hinayaan ko na lang ang kamay niya sa balikat ko.
“Okay. Para sa future,” sabi niya sa ’kin kaya napaharap ako sa kanya. Nakangiti siya na parang aso ngayon.
“Tigilan mo nga ako sa ngiti mong parang aso, ang pangit mo na nga papangit ka pa lalo,” sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay niya pero isinandal naman niya ang ulo nya sa balikat ko. “Pag ako nainis sa ’yo, sasapakin kita. Swear.”
“Wala akong pake,” sagot niya na lang.
“Itigil n’yo na nga ang pag-aaway n’yo. Ako na ang magle-leader. Don’t worry,” sabi ni Kate at tumayo na may hawak na ballpen at notebook.
“Ayos may leader na tayo! Sa characters naman tayo. Clea ikaw ang gaganap na female lead. Maganda ka naman at madaling makakapagsaulo ng mga lines, medyo marami-rami kasi kaya ikaw na lang,” sabi ni Gelay na ikinagulat ko.
“No way!” sagot ko kay Gelay. Napaangat ng ulo si Hunter dahil sa pagsigaw ko. “There’s no way para ako ang maging female lead! Puwede namang si Anne na lang diyan ’di ba? Gaganap na lang akong alipin!”
“Clea naman. Ikaw na nga lang. 50-50 pa kung makakapunta si Anne.”
“Ikaw na lang Clea, please?”
“Para sa grades natin ’to Clea,” pangungumbinsi ng mga kaklase ko sa akin. May naramdaman akong humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay si Hunter pala ito.
“Clea. Pumayag ka na. Please.” Aba nga naman hindi na siya nagtatanong, ah. Pero weird. Bakit parang kumalma ako sa hawak niya?
“Tsk. Sige na, sige na,” pagpayag ko sa role. Psh para sa grades gagawin ko. Kahit ayoko dahil kaya ko namang makakuha ng mataas na grades. Yabang ko!
“Yey!” Ang sasaya ng mga ’to, ah. Sapakin ko kaya ng tig-iisa? Joke lang bad ’yon.
“Okay! So, ang gaganap na lead character ay si Ten,” sabi ni Kate at nilagay sa notebook niya. Tatlo lang ang lalaki sa grupo namin. Si Zavion na absent ngayon, si Ten at Hunter.
“What?” “Weh?” magkasabay na react ni Ten at Hunter.
“Oh? Problema mo, Hunter? May reklamo ka, Ten?” tanong sa kanila ni Gelay. Bakit ba nag-react itong katabi ko?
“Wala lang,” sabay na sagot nilang dalawa. Bakit parang nalungkot si Hunter?
Natapos ang time at nakapag-assign na ng mga characters para sa lahat. Napag-usapan na din ng aming grupo kung saan namin gagawin ang video play na project namin. Sana lang talaga maging maayos ito. Para sa grades!

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata