logo text

FLASHBACKS Part 1

What does love means?
Lahat ng bagay may boundary. Lahat ng bagay hindi mo mahahawakan o makakasama araw-araw kasi limitado lang ang panahon ng mga bagay na ’yan. Anytime mawawala rin ito sa ’yo. There’s no thing that lasts long forever.
Pag nakasanayan mo na kasama mo ang isang bagay o tao, hindi mo alam na you’re out of the limit line na. Hindi mo alam na naka-depende ka na sa kanya. Yung happiness, care and love. Pero dapat mo din palang isaisip na lahat nagbabago. At kailangan natin itong tanggapin. ’Yon lang naman ang magagawa natin, eh. Ang tumanggap ng lahat ng sakit at saya.
Let me tell you the truth. Hindi lahat ng kasama natin ngayon, makakasama pa rin natin bukas. Pabago-bago ang panahon. Parang weather-weather lang ang pag-ibig. It’s either masaya ka na parang araw. O iiyak ka na parang ulan. Iba-iba. Masakit pero masaya. Dapat maging masaya ka dahil nagmahal ka, hindi dahil nararamdaman mong mahal ka din niya. Be proud dahil kaya mong magmahal, sabi sa isang story na nabasa ko.
Pero kahit ano’ng isipin natin tungkol sa pag-ibig, hindi talaga maiiwasang tayo ay masaktan. Hurt is coming when you start falling in love. Parang falling is equals to failing.
April 7, 20XX. Friday
Masaya akong nakikinig ng music sa phone ko. Bakasyon na pero hindi naman kami gagala o pupunta sa ibang lugar for vacation sabi ni Mama dahil inaasikaso pa nila yung branch ng negosyo namin dito kaya nasa bahay lang ako ngayon. Lagi lang nagbabasa ng libro at nakikinig ng music. Buti na lang at binigyan ako ni Mama ng mga bagong libro. Swerte ko nga naman.
It’s 7:00 pm already kaya bumaba na ako para kumain ng dinner.
“Manang, sumabay na kayo sa ’kin,” sabi ko kay Manang Lily at sa iba pang maids. Tatanggi pa sana sila pero nagpumilit ako. Wala na rin silang nagawa kaya sabay-sabay kaming kumain ng dinner. Wala pa din sila Mama at Papa baka inaasikaso pa din nila iyon.
Pagkatapos kong kumain umakyat na ulit ako sa kuwarto ko para makapagready nang matulog. Humiga na ako pagkatapos kong maglinis ng katawan.
Nag-online ako sa Facebook ko para sana antukin ako. Pero nagulat ako sa mga bumungad sa ’king post. Post ’to ni Hazel. Minsan lang siya magdrama o magpost kaya nagulat ako. Tagal ko na ding offline kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa dalawa kong kaibigan.
“Nasaan na ang pangako mong hanggang dulo?”
Agad kong kinausap si Hazel para malaman ko kung bakit siya nagkaganoon o para saan ang post na iyon. Mas lalo akong nagulat sa nalaman. I can’t imagine this.
Break up? Sila ni Dariel? Gosh, I didn’t notice that this day will come. Ang sweet nila sa isa’t isa tapos gano’n? Break na agad? Tinawagan ko na lang siya para mas maintindihan ko ang mga sasabihin niya kaysa naman sa text lang.
“Nakipaghiwalay siya sa ’kin kanina lang. I really don’t get it why did he broke up with me like that. Yes, nagsabi siya ng dahilan. Pero hindi ko naintindihan ang naging dahilan niya. May mahal na daw siyang iba? Sakit no’n.” Sa kanyang pagsasalita parang hindi na siya makahinga ng ayos.
“Ang bilis naging kami tapos ang bilis niya ding bitawan ako. Gano’n ba talaga ako? Madaling pakawalan? Ang sakit. My heart broke into pieces. I thought we will go through the last page pero arghh! Ang sakit talaga.”
In-add ko sa tawag si Maxien para hindi ako mahirapang i-comfort si Hazel. Nang ma-add ko siya, agad naming kinomfort si Hazel. Iyak pa rin siya nang iyak nang matapos ang tawag. Nag-aalala ako sa kaibigan ko pero alam ko namang hindi siya gagawa ng ikapapahamak niya. Sana lang maging maayos siya.
Naging maayos kahit papaano si Hazel matapos ang break up nila ni Dariel. Sinubukan din namin ni Maxien na kausapin si Dariel pero lagi siyang seen sa mga chat namin, at hindi sinasagot ang mga tawag. Tinanong din namin ang mga kaibigan naming mga lalaki pero wala din daw silang alam. Sinabi na lang nila na bigyan din ng space si Dariel. Eh ’di okay, pagbigyan. Kainis siya.
Sa tuwing magkakasama kami nila Hazel at Maxien parang wala kaming pinagdaanan na problema. Hindi na namin pinag-uusapan ang mga boys lalo na si Dariel. Kahit si Hunter, iniiwasan naming pag-usapan. Nakikita ko din naman kay Hazel na bumabalik na ang dati niyang saya.
Lumabo ang komunikasyon ng dalawa dahil sa break up. Nang minsang magkita-kita kaming sampu, hindi sila nagkakatinginan. Nang kausapin naming dalawa ulit ni Maxien si Hazel, sinabi niya na kinausap nya ulit si Dariel after the weeks they broke up. Nag-offer pala siya ng friendship, pero ayaw ni Dariel. Kahit friends lang pinagkait pa. Minsan gusto ko na din saktan si Dariel pero pinipigilan nila ako. Dadaigin ko pa daw ’ata ang sinaktan.
Pero kami ni Hunter patuloy pa din. May komunikasyon pa rin kami sa isa’t isa, pero dumating ang araw na iyon. Dalawang linggo pagkatapos ang break up nila Dariel at Hazel.
Masaya ako dahil araw araw kaming nagkaka-chat. Walang dumaang araw na hindi kami nagkausap. Sari-sari ang pinag-uusapan naming dalawa. Pag nawalan ng topic tuloy pa din sa chat hanggang sa magkaroon kami ng topic. Minsan nag-aaway kami pag hindi ako natutulog nang maaga, pero hindi naman natatapos ang araw na hindi kami nagkaka-ayos.
Ngayon ka-chat ko siya simula pa kaninang umaga. Siyempre sobrang saya ko. Not until nang may mapag-usapan kaming makakapaglayo pala sa aming dalawa.
Simula nang malaman ko na hindi na siya sa HA papasok, na lilipat na siya ng papasukang school, nagsimulang mawala ang komunikasyon naming dalawa.
Pagkatapos nang mga araw na ’yon, nagkausap pa kami, pero hindi na tulad ng dati na buong magdamag magka-chat kami. Two days after that wala na. Tuluyan nang nawala ang komunikasyon namin.
Ayoko mag-first move, sa totoo lang, kahit alam ko namang wala sa gender ’yan. Ewan ba, nasanay siguro akong siya ang nauuna. Dumaan ang buwan ng Mayo wala kaming chat. Siguro busy. ’Yan lagi ang iniisip kong dahilan. Ayoko naman kasing mang-abala.
Anong nangyari? Anong nawala? May nawala nga ba? Maghihiwalay na nga kami, pati ba naman ang tanging ugnayan namin, puputulin nya? Masakit pero kailangang intindihin, kahit hindi ko alam ang iintindihin.
Hanggang ngayon hinihintay kong muli na magparamdam siya sa akin. Masakit man pero kailangang aminin na baka pagbalik nya, wala nang pagmamahal. Na baka hindi na siya ang inaasahan kong babalik talaga.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata