Homepage/Captured Hearts/
CHOOSE ONE
“Hayy! Tapos na ang paghihirap ko!”
“Nahirapan ka?” Agad kong hinampas si Joaquin na bumulong sa tenga ko. Wala lang, trip ko lang. “Sadista ka talaga.”
“Matagal na, boy,” nang-aasar kong sabi bago humarap sa mga kaibigan ko. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatingin sila sa akin at nakahalumbaba.
“Problema niyo?” tanong ko at tinapik ang mga pisngi nila.
“Pagaya kami sa Math,” sabay nilang sabi na nagpatawa sa akin ng malakas. Namomroblema pala naman sila.
Second day ng aming periodical test ngayon. Last day naman na ito kaya nasabi kong maiibsan na ang paghihirap ko. Pero itong mga kaibigan ko mukhang may problema sa last test namin later, which is Math.
“Madali lang naman ’yon,” sabi ko sa kanila. Tinapik ko ng mahina ang kanilang mga ulo pero sinamaan lang nila ang tingin sa akin.
Tumayo si Maxien at niyakap ang isa kong braso. “Dali na, Clea.”
“Ayaw.”
“Kadamutan.” Marahas binitawan ang braso ko. Natawa na lang ulit ako ng malakas.
“Tara na nga sa cafeteria. Doon na lang kami magre-review ulit,” nanghihinang sabi ni Hazel bago lumabas. Sinundan siya ni Maxien at dinaldalan siya. Nice one.
“Tara na, Clea.”
Agad na hinawakan ni Joaquin ang kamay ko para hilahin ako palabas. Napasimangot ako at hinampas siya sa kaniyang braso. Napatigil siya at tumingin sa akin.
Tinaas ko ang kamay namin at pinakita ito sa kaniya. “Gusto mo talagang hanggang panliligaw lang?”
“Hindi mo pa ba ako mahal para hindi sagutin?”
Inilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para matigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niya. Parang mga crystal orbs na laging nakislap. How I love looking in his eyes.
“Can I have your eyes?”
Nasapo niya ang kaniyang noo at lumayo sa akin. “Hindi mo ba narinig ang tanong ko kanina?”
“Hindi?” Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nagkibit-balikat ako at nagtuloy sa paglalakad. Gutom na ako.
“Clea Sanchez, gusto kita.”
Nasa dulo kami ng hagdan nang mapatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “I like you, too.”
Napangisi siya at mas lumapit pa sa akin. Natigilan ako nang hawakan niya ako sa aking baywang. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko na nakakuha sa pansin ng ibang tao. Feeling ko ay nag-init ang pisngi ko sa paraan ng pagtingin niya sa mga mata ko.
“Tell me you love me, baby,” bulong niya, sapat para ako lang ang makarinig.
Sasagot na sana ako nang biglang may humila sa kaniya mula sa likod dahilan para mapahiwalay siya sa akin. Nang tumingin kami sa kaniyang likod ay natawa na lang ako ng mahina, lalo na nang marinig ko ang bulungan sa paligid.
“Akala ko, kiss na ang kasunod.”
“Humahadlang yung pinsan.”
“Bitter siguro.”
Naparaharap si Kuya Shawn sa bumulong. “Hoy! Hindi ako bitter! Kapal mo!”
“Joke lang, Shawn!” pabalik na sigaw ng kaklase ni Shawn na nakatingin sa amin. Muli akong natawa ng mahina nang mang-irap si Shawn bago humarap kay Joaquin.
“Para kang unggoy kung makadikit sa pinsan ko,” sabi ni Shawn na masama ang tingin kay Joaquin.
Humiwalay si Joaquin at maayos na hinarap si Shawn. Nakapamewang siyang tinanong ito nang, “May gusto ka sa akin, ano? Sorry, bro. Yung pinsan mo ang mahal ko.”
“Kadiri!” Agad na sinapak ni Shawn si Joaquin dahilan para matawa ito ng malakas. Napailing na lang ako pero natatawa din.
“No offense, bro. Gano’n kasi ang dating sa akin,” natatawang biro ni Joaquin habang hawak ang kaniyang ulo.
“Kapag hindi ka pa tumigil, titigil ka sa panliligaw sa pinsan ko!” Lumapit sa akin si Shawn at inakbayan ako. “Wag mo nang sasagutin ’to.”
“Hoy, Shawn. Wag naman ganiyan.” Lumapit na din si Joaquin sa isang tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Agad itong tinanggal ni Shawn. Masasabi na nga sigurong bitter ang isang ito.
“Tigil sabi.” Hinila ako ni Shawn pababa para makapunta na kami sa cafeteria. Walang nagawa si Joaquin kung hindi ang matawa at sumunod sa aming dalawa.
“Ang kulit ng manliligaw mo. Kakayanin mo ba ’yan?”
Tinignan ko si Shawn at nginisihan siya. “Bakit? Tutulungan mo ako?”
“What the hell.” Pinitik niya ang noo ko nang dalawang beses dahilan para matawa ako. “Parehas pala kayong makulit.”
“Siyempre naman. Kaya nga bagay kami.”
Nilingon ni Kuya Shawn si Joaquin na biglang nagsalita. “Hindi ko kailangan ng opinyon mo, Kuya.”
“Yuck. Huwag mo nang uulitin ang sinabi mo. I maybe one year older than you pero huwag mo akong tatawaging ’kuya’, Shawn.”
“Okay, brother.”
“Pare-parehas tayong makukulit,” naiiling kong sabi at nanguna na sa paglalakad. Lakas ng topak ng dalawang ’yon.
Pagkapasok ko sa cafeteria ay dumaretso agad ako sa tabi ni Ten na mukhang naglalaro sa kaniyang cellphone. Saglit lang niya akong tinignan at muling tumutok sa kaniyang phone. Sungit.
Napatingin ako sa aking kanan nang may umupo sa katabi kong upuan. Nakita ko si Shawn na nakangisi bago ako akbayan. Nang lumingon naman ako sa aking likod, nakita ko si Joaquin na nakasimangot. Problema ng dalawang ito?
“Hey, palit tayo ng upuan.” Kinulbit ni Joaquin sa likod si Kuya Shawn kaya tinignan siya nito.
Tinapik ni Kuya Shawn ang isang upuan sa tabi niya. “Diyan ka.”
“What?”
“May competition bang nangyayari?” Natatawa akong tumingin kay Hazel na nakatingin sa dalawang lalaki.
“May nawawalang turnilyo sa mga utak nila kaya ganiyan sila,” natatawa kong sabi.
Tinignan ko ang dalawang lalaki na parang mga baliw. Nakangisi si Shawn at napapairap naman si Joaquin na walang nagawa kung hindi ang maupo sa isang upuan, katabi ni Shawn.
“Wala lang magawa ang pinsang ito ni Clea,” naiinis na sabi ni Joaquin at ininom ang tubig na katapat niya.
“Ikaw ang walang magawa. Dami-dami mong alam.”
“Mas marami ka!”
“Parehas kayo,” pagsingit ko sa kanilang dalawa. Baka magkainitan pa ang mga baliw.
“Clea.” Napatingin ako kay Joaquin nang bigla niya akong tawagin. “Hahayaan mo na lang ba itong pinsan mo na humadlang sa pag-iibigan nating dalawa?”
Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko na kanina lang ay abala sa mga ginagawa. Gosh. Ano bang drama ang sinasabi nito?
“Kayo na ba, Clea?” Napatingin ako kay Ten dahil sa kaniyang tanong. Marahan akong umiling dahilan para matawang muli ang mga kaibigan namin.
“Hinay-hinay lang, Joaquin. Hindi pa pala naman kayo,” sabi ni Dariel na natatawang nakatingin kay Joaquin.
Napailing si Joaquin at napasimangot na lang bago tumingin sa akin. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Hindi ko alam kung naiinis siya kay Shawn o gusto niya lang talaga akong makatabi ngayon. Sorry muna.
Nagtatawanan ang mga kaibigan ko at nagkukuwentuhan habang nakain. Hindi ko naman maiwasan na hindi tumingin kay Joaquin na hindi na ako tinignan at inabala ang sarili sa pagkain.
“Hindi mo pa ba ako mahal para hindi sagutin?”
“Tell me you love me, baby.”
Nakangiti akong iniiwas ang tingin sa kaniya at kumain na lang din. Naalala ko ang mga sinabi niya pero nagkunwari akong hindi ito narinig. Maybe, gusto na niyang sagutin ko siya. Parang mainipin, eh.
Actually, pinag-iisipan ko na. Pero gusto kong yung puso ko ang magsabi sa kaniya ng mga salitang gusto niyang marinig mula sa akin dahil alam kong sigurado at totoo kapag galing sa puso.
Megash. Parang balon sa lalim, ah.
“Happy lunch, Warriors! Here I am, Rachel Reyes, giving you fresh announcement from our VP!”
Naagaw ng atensyon ko ang malakas at mukhang excited na boses ni Rachel mula sa Audio Room. Ano kaya ang nilalaman ng announcement niyang iyon? Ramdam ko ang saya niya, eh.
“By the way, gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan ko na nakaalala sa birthday ko ngayon. Maraming-maraming salamat!”
Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa at nag-message kay Rachel. Natawa naman si Shawn na nakatingin sa ginagawa ko. Sorry naman. Makakalimutin na ako, eh.
“Thanks sa message.” Parang para sa akin ’yon? Nice. “Ano ’yan?”
“May kausap nang iba si Rachel.”
“Halata naman, eh. Nakalimutan pang i-turn off ang mic,” natatawang sabi ni Dariel kay Hazel. Sino naman kaya?
“Galing sa kaniya? Eh? Palapag na lang diyan.” Natawa ako ng mahina at nag-message ulit sa kaniya. “Napaka-mainipin mo, Ms. Sanchez.”
Natawa ako ng mahina at tinignan ang mga kaibigan ko. Nagkibit-balikat lang ako at nagtuloy sa pagkain. Baka kasi makalimutan ni Rachel ang dapat sabihin kaya nagpaalala ako.
“Gusto ko munang magpasalamat ulit sa pahabol na gift from Zavy. Thanks much, Zavy!”
Napatingin ako kay Zavion na nakangisi at nakatapat sa tenga ang cellphone. Naka-call siguro kay Rachel? “Don’t call me in that nickname, Rachel.”
“Oh! Sorry for calling you that name, baby,” natatawang sabi ni Rachel pero agad ding napatigil. “Oh gosh! Oh my! Oh my! What am I saying? Golly! Clarence! Sub muna! What? Ayaw mo? Clarence, please!”
Feeling ko naiiyak na si Rachel sa kaniyang sinabi. Lahat yata ng tao dito sa cafeteria ay natahimik dahil sa sinabing iyon ni Rachel. Ikaw ba namang may marinig na baby sa usapan?
“Panindigan mo ’yang sinabi mo, baby,” nakangising sabi ni Zavion at uminom ng juice niya. Nagtawanan kaming magkakaibigan sa narinig. Mukhang exciting ang kaganapang ito.
“Waahhh! Andynel naman, eh!” sabi ni Rachel na gamit pa din ang speakers. Anong klaseng pag-uusap meron ang dalawang ito?
“Ahh, gusto mo bang ako pa ang magsabi sa kanila, Rachel Reyes-Gonzales?” nakangising sabi ni Zavion kay Rachel gamit ang phone. Nakakakilig naman ang dalawang ito.
“I don’t know what to do! Gosh!” Feeling ko ay gulong-gulo na ngayon si Rachel sa loob ng Audio Room tapos pinabayaan pa ng club members. Buti na lang at hindi ako padalos-dalos sa mga sinasabi ko.
“Ikinakahiya mo naman yata ako, Rachel,” sabi ni Zavion na nagkunwaring malungkot. Well, ganiyan talaga siya para makuha ang gusto.
“Hindi naman kita kinakahiya. Pero kasi...” nahihiyang sabi ni Rachel kaya muli kaming nagtawanan.
“Hanep namang mag-usap ng dalawang ito. Long distance!” natatawang komento ni Kyle na natatawa pa din.
“Ang cute kaya ng gano’n!” kinikilig na sabi ni Maxien kaya agad siyang hinarap ni Dylan.
“Kaya ko din ’yan.” Binelatan lang ni Maxien si Dylan kaya napailing na lang siya.
“Hindi mo ako kinakahiya? So introduce me to them, Rachel.”
“How will I introduce you?”
“Yung gusto mong sabihin no’ng naging tayo.”
“Kyaaahhhhh!!” Hindi na namin napigilan nina Maxien at Hazel ang mapairit dahil sa kilig. Gosh, Rachel. Ang suwerte mo sa kaibigan ko!
“Go na, Rachel!”
“Wag mo nang ikahiya!”
“We’re supporting you!”
“Aish! Bahala na!” Tumigil siya ng ilang sandali bago magsalita. “Good afternoon, Warriors. Here I am, Rachel Reyes, telling you that.....Zavion Andynel Gonzales....is my property. Not yours, because he’s only.....mine..... Kyahhhhh ayoko naaaa!! Nahihiya na talaga akooo!!”
Lahat yata ay mas lalong nagulantang sa sinabing iyon ni Rachel pero agad din naman silang naka-recover. Malakas na hiyawan ang natanggap nila mula sa mga nakikinig. Oh my, ang cute talaga! RachNel couple HAHAHAHA!
“Rachel! Kulang yung sinabi mo!” Humina ang tawanan nang sumigaw ulit si Zavion na nakangisi pa rin hanggang ngayon.
“Ano’ng kulang do’n, Andynel? Iyon na ’yon ah!” Halatang nahihiya na si Rachel pero nagawa pa ding sumigaw. Iba na talaga kapag may lahing speakers.
“Minsan talaga ang sarap maniris ng girlfriend, ’no?” tanong sa amin ni Zavion bago muling magsalita sa kaniyang phone. “Rachel, I love you,” mahinang sabi ni Zavion sapat lang para sa cellphone lang marinig. Napangiti ako nang makita ang ngiti niya habang malayo ang tingin.
“I-I love you too, Andynel.” Malakas na naghiyawan ang mga tao sa sinabing iyon ni Rachel. Gosh! Ako na ang manager ng RachNel couple!
Napatingin ako sa aking phone nang maramdamang nag-vibrate ito. Agad kong binuksan ang message na galing kay Joaquin. Akala ko hindi na ako papansin nito.
From: Joaquin
Can’t wait to hear those words from you, baby boss.
Nakangiti akong tumingin sa kaniya na nakatingin na din sa akin. Ang sarap palayasin ng pinsan kong ito sa pagitan namin, hindi ko mapisil ang pisngi ni Joaquin, eh.
Tumingin akong muli sa phone ko para mag-send ng reply sa kaniya. Kahit paulit-ulit ko itong sabihin, basta para sa kaniya, hindi ako mananawa. Hindi ako mananawa sa taong katulad niya.
To: Joaquin
I like you, too.
Akala niyo siguro ay yung another three words, ano? Sorry. Wala pang sinasabi ang puso ko, eh.
From: Joaquin
Nice one, baby boss.
Napailing na lang ako at nagtext na lang kay Rachel na mukhang nakalimutan na ang sasabihing announcement. Siguro ay nahihiya pa din dahil sa kaniyang sinabi na rinig ng mga schoolmates namin.
“Ahem! Sorry na agad kung natagalan ang announcement. Si Andynel ang sisihin niyo,” sabi Rachel pagkabalik sa ulirat. Akala ko, nakatulog na.
“Tindi naman,” naiiling na sabi ni Zavion dahilan para matawa kaming mga kaibigan niya.
“Okay. There’s an announcement from our VP, Ma’am Daisy. But I would like to congratulate Clea Sanchez for winning the Math and Science Quiz Bee sa Javier University! Kung hindi pa sinabi ni Ma’am Daisy, hindi ko malalaman! Congratulations, Clea!”
“What the hell?”
Napatalon ako sa gulat nang may sumabog na confetti sa likod ko. Mabilis akong tumingin sa likod ko at hinagip sina Dariel at Kyle na nagpasabog ng confetti pero hindi ko sila naabutan. Arghhh! Nakakainis!
“Oh, huwag nang magalit!”
“Congrats, besh!”
Napailing na lang ako at humarap sa mga kaibigan ko. Agad kong tinanggap ang mga roses na galing sa kanila mismo maliban kay Joaquin. Well, nabigay na niya ang gift niya sa akin.
It’s been a week nang manalo ako sa dalawang Quiz Bee. May next round pa daw ito at sabay ulit pero hindi pa nababanggit sa akin ng mga teachers. Baka i-surprise na naman nila ako.
Isang linggo na ding iniiwasan ni Joaquin ang tanong ko. Hindi na niya ako sinagot about my question na kung bakit siya umalis ng JU kaya hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon. He acts na parang wala akong tinanong. I guess, its not yet the right time.
“Bakit parang wala kang binigay, Quin?” Napatingin ako kay Joaquin para marinig ang sagot niya kay Hazel.
Nagkibit-balikat siya at tumingin sa akin. “Na-date ko naman na ’yan last week.” Nakangisi akong inirapan siya at tinignan ang mga kaibigan ko na nakangisi din. Kung alam lang nila.
“Again, Congrats, Clea! And now... Are you ready to rumble?” Nasapo ko na lang ang aking noo sa sinabi ni Rachel. Ano’ng klaseng intro ’yon?
“Sorry, na-excite lang.” Natawa siya ng mahina at tinuloy ang announcement. “Be a princess in black or white cocktail dress. Be a prince wearing white or black tuxedo. But! The princess who is your partner is the one who’ll wear your necktie for you! Do you know what I mean?”
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa mga kaibigan ko na mga gulat din ang ekspresyon. Sabay-sabay naming sinabi na, “Party time!”
Yes. You read it right. It’s a party. Uunahan ko na si Rachel, ha? The school will be celebrating their 15th anniversary at magkakaroon na naman ng party anytime. Well, predicted na namin ito ng mga kaibigan ko.
Maraming exciting events during Anniversary Party ng school. Ang nakaka-excite ay ang malaman kung sino ang lalaking walang necktie which means walang partner.
Naging tradition na ito ng school tuwing may ganitong event. Ang babae ang bibili at magsusuot sa lalaki ng kanilang necktie. Ibig sabihin ay ito ang partner mo. Last year ang partner ko ay si Kuya Shawn. Ngayon kaya, sino?
“Jusko, ito na naman. Huwag na kaya akong um-attend?”
Lahat kami ay natawa sa sinabi ni Kyle. Sabihan man namin siya na maghanap muna, ayaw niya. At alam na namin kung bakit. Gusto niyang partner ay si Lannie.
“Huwag na nga, pre. Nakakaawa ka na, eh.” Mabilis na sinapok ni Kyle si Dariel na katabi niya. Inis na inis, ah.
Napalingon kami kay Zavion nang bigla siyang tumayo. Aalis na sana siya kung hindi lang nagtanong agad si Maxien. “Saan ka na pupunta?”
“Aba. Hindi ako puwedeng matulad kay Kyle. Baka maunahan ako.”
“Leche! Lumayas ka! Huwag ka nang magpapakita sa akin!”
Mabilis na tumakbo si Zavion nang tumayo si Kyle sa kanyang upuan. Nagtawanan kaming barkada nang makitang nakabusangot si Kyle. Naku, kung nandito lang si Lannie, eh. Sure na masaya ’to.
“Hindi ka pa kukuha ng partner mo, Kyle?” tanong ni Ten kay Kyle.
“Ayaw ko. Si Lannie ang gusto ko,” sagot niya nang nakabusangot at naka-cross arms. Sabi na nga ba. Iisa lang ang gusto.
Napailing si Ten sa sinabi niya. “Eh ’di magpaalam ka muna sa kaniya. Hina mo talaga.”
“Loyal nga kasi ako,” sagot ni Kyle bago tumayo. “Lalayas na ako. Tatawagan ko si Lannie.”
“Hoy. Baka busy sa work,” pagpigil ni Maxien sa kaniya.
Napangisi si Kyle at umiling-iling. “Walang work-work kapag si Kyle ang tumawag.” Hindi na namin siya pinigilang umalis. Ang hangin talaga sobra ng lalaking ’yon.
“Aalis na din ako, Clea. Pupuntahan ko na si Catherine.” Hinalikan ako ni Kuya Shawn sa ulo pagkatayo niya.
Tinignan ko siya at tinapik ang kaniyang braso. “Dada-moves ka na?”
“Oo naman.”
“Paano kung may nauna na sa ’yo?”
Natatawa siyang inirapan ako. “Eh ’di ire-reject niya ’yon dahil ako dapat ang partner niya.”
“Oh? Paano kung ikaw ang i-reject?”
Napahawak ako sa aking noo nang pitikin niya ito. Badtrip. “Seriously? No one rejects Shawn Fernandez, Clea. No one, not even once.”
Ginulo niya ang buhok ko bago lumayo at maglakad palabas ng cafeteria. Napansin ko naman na kasunod na niya si Ten na mukhang aaksyon na din. Aba, ayaw maunahan? Ang titindi talaga ng mga kaibigan kong ito.
“Oh, meron pang walang partner?” Tumingin ako kay Dylan nang bigla siyang magsalita.
“Bakit?”
“Wala lang. Natanong ko lang.” Natawa siya ng mahina at humarap kay Maxien at binulungan ito. Napailing na lang ako dahil umaaksyon na naman ang PDA couple.
Kinuha ko na lang ang aking bag at inayos ang laman nito. Habang nag-aayos, napansin kong may umupo sa inuupuan kanina ni Kuya Shawn. Nang tignan ko siya ay saktong nilagay niya ang kaniyang braso sa aking upuan.
“He’s moving now.” Mabilis akong lumingon kay Hazel dahil sa narinig. Hindi ko alam kung bulong ba ’yon o sinasadyang iparinig sa akin.
Natawa siya ng mahina kaya napailing na lang ako. Sari-sari na ang mga kaibigan kong ito. Halo-halo sa isang set ng barkada.
“Clea,” narinig kong sabi ni Joaquin. Lilingunin ko na sana siya pero biglang tumunog ang phone ko kaya ito ang una kong natignan. Binuksan ko ang message na kakarating lang.
From: Rachel
Yo, Clea. Pinapatawag ka sa VPO may sasabihin sayo si ma’am Daisy.
To: Rachel
Okie
Tinago ko ang cellphone ko sa aking bag at sinarado ito. Isinabit ko ito sa aking balikat bago tumayo at tumingin sa aking mga kaibigan. Natatawa akong pinagpagan ang uniform ko.
“Pinapatawag ako sa VPO. May sasabihin daw si Ma’am Daisy.”
“Samahan na kita.”
Nilingon ko si Joaquin na saktong tumayo. Napasimangot ako nang bigla niyang kinuha ang bag ko sa aking balikat at dumaretso sa exit ng cafeteria. Problema niyon? Sasama pero iiwan ako dito.
“Clea, say yes, ha?” Napalingon ako kay Maxien at tinaasan siya ng kilay. Napailing na lang ako nang tawanan niya lang ako. Baliw.
“Alis na ako. Tatanungin ko pa ’yon kung bakit nagsusungit.”
Nag-cross arms ako at aalis na sana sa tapat ng mga kaibigan ko nang magsalita naman si Dylan. “Say yes lang, Clea.”
Napairap ako ni-wave sa kanila ang kamay ko. “Magsama kayong dalawa.” Dumaretso na ako sa paglabas dahil tinawanan lang nila ako. Mga baliw. Anong yes?
Pagkalabas ko ng cafeteria ay naabutan ko si Joaquin na bitbit ang mga bag namin. Nakapamewang siya at parang hindi mapakali. Napapaano ba ito? Hindi yata nakakain ng ayos.
“Joaquin.” Mabilis siyang humarap sa akin na ikinatawa ko ng mahina. “May problema ba? Mukhang nagsusungit ka na naman, eh.”
“Wala ’to. Pumunta na lang tayo sa VPO.” Tumango ako sa kaniya at sinabayan siya sa paglalakad. Mabuti na ang nagkakalinawan.
Iniwan ko siya sa mga benches sa tapat ng VPO nang makarating kami dito. Pumasok naman ako sa loob at hinanap agad si Ma’am Daisy na nasa lamesa nito. Pinaupo niya ako nang makita agad ako.
“Good afternoon, Ma’am Daisy. Pinatawag niyo daw po ako?” tanong ko kaagad nang makaupo ako sa tapat ng kanyang lamesa.
Tumikhim siya bago magsalita. “Meron nga. Napaka-importante.”
“Ano po ’yon?”
“By the way, excited ka na ba sa anniversary ng school? May partner ka na?”
Napataas ang kilay ko. “Excited po pero wala pa po akong partner. May koneksyon po ba dito ang sasabihin niyo?”
Tumango si Ma’am Daisy sa akin. “Yup. Alam mo naman sigurong nanalo ka sa dalawang quiz bee?”
“Yes po.”
“Because of that, ikaw din ang ipapadala sa Laguna para sa next round ng quiz bee.”
“Hindi ko po kayo ma-gets. Iba-iba po kayo ng topic, eh,” natatawa kong sabi habang napapakamot sa ulo. Ang gulo niya. Pramis.
“The Anniversary will be held at Friday night but the quiz bee will be held after that night. Ibig sabihin, kinabukasan agad. Magpupunta ka pa ba sa Anniversary kung kinabukasan ay yung quiz bee naman? Malayo din ang biyahe at baka mapagod ka kung uunahin mo ang Anniversary.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat