Homepage/Captured Hearts/
MORE ABOUT HIM
From: Joaquin
Hindi ako makakapunta. I’m sorry.
From: Joaquin
Puwedeng later na lang ang chocolates? Huwag ka magagalit please.
From: Joaquin
Too busy here at mukhang pinagtutulungan ako ng mga kaklase natin lalo na ng barkada mo
From: Joaquin
Puwede silang sakalin? Sina Ten at Kyle lang naman. Damay ko na si Marco na mang-aasar din
From: Joaquin
How I wish I’m sadist like you para sira na ang mukha ng mga ito
From: Joaquin
Joke lang. Love you Clea. See you later baby boss
Bumungad sa akin ang mga text ni Joaquin pagkabukas ko ng aking phone. Para nga akong baliw dito sa labas ng hall ng JU kakangiti. Na-i-imagine ko kasi kung paano siya pagtulungan ng mga kaklae namin.
“You’re the representative of HA, right?”
Napatingin ako sa aking likod nang biglang may magsalita. Tumango ako at pinakita sa kanila ang matamis kong ngiti. “I’m Clea.”
Mas napangiti ang babaeng nagtanong at ang kasama nito. Base sa uniform nila, they are JU students. “Can we have a picture with you?”
Natawa ako ng mahina at tumango sa kanila. Mas lalo akong natawa nang tumalon sila sa tuwa bago lumapit sa akin habang naka-on ang camera ng cellphone. Tinabihan nila ako at tinapat ang camera para magkaroon ng picture. Nakangiti silang lumayo pagkatapos.
“Ako nga po pala si Nami. Grade 10 student din,” pagpapakilala ng unang babae at nakipagkamay sa akin. Nauna yung picture bago introduction. Hanep!
“Ako naman po si Freedom.” Nakipagkamay din ako sa kasama niya.
“Huwag na kayong gumamit ng ‘po’ sa akin. Same ages lang naman pala tayo,” natatawa kong sabi sa kanilang dalawa.
“Okay, Clea. OMG! Akala talaga namin, malabo ka naming makakausap ng ganito!” nakangiting sabi sa akin ni Freedom.
Sunod namang nagsalita si Nami. “Buti na lang may event na ganito. By the way, congrats for winning the Math Quiz Bee, Clea!”
“Thank you,” nakangiti kong sabi. Hindi ko alam kung paano ang ganitong interaction between other students from different school. Medyo nahihiya ako.
“Puwede bang malaman ang Picstagram mo? We want to follow you there at para ma-tag ka namin sa picture.”
Sinabi ko ang username ng Picstagram na gamit namin ni Joaquin. Napaharap ako kay Freedom na hawak ang phone nang bigla siyang umirit na parang kinikilig. Sinilip ni Nami ang kaniyanh phone at sabay silang napasigaw. Gosh, ano ba ang tinitignan nila?
“Confirmed! Hindi na tsismis!”
“Mas kinikilig ako, friend!”
Tinaasan ko sila ng kilay habang nagpapalakasan sila ng sigaw. “Ano ba yung tinitignan niyo?”
Napangiti silang dalawa at biglang iniharap sa akin ang phone na parang may plano isubsob ako dito dahil sa excitement. Bahagya akong lumayo at tinignan ng maayos ang phone. Naramdaman ko na lang na nag-init ang pisngi ko.
“You and Joaquin are real!”
“Akala namin rumor lang! Kyaahh! Sa ’yo napunta ang prince ng JU!”
Gosh. Hindi ko naalala na share account nga pala kami ni Joaquin doon. Na-pre-occupied ako sa sigawan at excitement nila, eh.
“Matagal na ba kayo?”
Mabilis akong umiling sa tanong ni Freedom. “We’re not in a relationship.” Yet.
“Ang sweet niyo kaya sa pictures! How come na hindi?” tanong ni Nami na parang nanghihinayang pa sa narinig.
Napakamot ako sa aking ulo at hinarap sila ng maayos. “Nanliligaw pa lang si Joaquin.”
“OMG! Nakakatunaw ng heart!” Natawa na lang ako ng mahina sa sinabi nilang dalawa. Ang cute. Parang dalawang Maxien ang kausap ko pagkadaldal.
“Puwede pa rin ba kaming magka-crush kay Joaquin, Clea?”
Natatawa akong nagkibit-balikat. “I don’t know. Teka, kilalang-kilala ba dito si Joaquin? Wala naman kasi siyang nababanggit about his life here in JU.”
Sabay na tumango si Nami at Freedom. “Shy type kasi ’yon. Friends niya lang ang kinakausap niya.”
“We’re calling him ’Prince of Javier University’ dahil sa sobrang pogi niya! Head turner kapag dumadating na ang kotse niyang yellow!”
Natawa ako ng mahina nang mabanggit nila ang kulay dilaw na kotse ni Joaquin. Natatangi sigurong kulay dilaw dito. How cute, my boss.
“Oh, Clea. Mauuna na nga pala kami. We almost forgot na kailangan naming magpunta sa library,” natatawang sabi ni Freedom at hinawakan na sa braso si Nami.
“Thank you ulit, Clea! Masaya kaming nakausap ka!” Kinawayan ko na lang sila habang palayo sila sa akin. Nakakatuwa talaga sila.
Haysstt. Saan na ako dadalhin nito? Gutom na ako.
Naglakad ako palayo sa hall para hanapin ang cafeteria nila. Magkasinglaki man ang HA at JU, magkakaiba naman ang mga building at kung saan nakatayo ito. Huhuhu can someone help me?
Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito. Agad kong tinignan ang nasa screen nito. Napangiti ako at agad na sinagot ang tawag.
“Ang dami kong text pero walang reply kahit isa. Nice one, boss. Kaya mahal na mahal kita.” Natawa ako ng mahina sa ibinungad niya. Halatang naiinis siya sa akin sa tono palang niya.
“Sorry, Prince. May kausap lang kanina.”
“Tsismosa,” natatawa niyang sabi. How I wish nakikita ko yung reaction niya. Mapula na siguro ang pisngi niya pag nagkataon.
“Why like that, Prince? You should be proud.”
“Clea, stop mentioning that thing. I have my name but you can also call me baby.”
“Okay, Joaquin.” Muli akong natawa nang marinig ang pagtaltak niya. Oh no, Joaquin. Mainis ka man, mahal mo pa din ako hihihihi.
“By the way, boss, what are you doing? Tapos na ba ang quiz bee? Balik ka na dito.”
Natawa ako ng mahina at napailing kahit hindi niya nakikita. Naglalakad pa din ako sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. “Hindi pa ako puwedeng bumalik, Joaquin. Later, after lunch, Science naman.”
“Bakit hindi pa nila pinagsabay?”
“Gusto mo bang mapagod ako ng sobra? Kakagutom kaya.”
“Hindi naman sa gano’n. Teka, gutom ka na? Eat now.”
“But...” OMO. Ano’ng sasabihin ko? Nakakahiya naman kahit parang sanay na ako kay Joaquin.
“But...?”
Napakagat ako sa aking labi at piniking sumagot ng, “Wala.”
“Eh? Ano nga? Clea, hindi ka na puwedeng mahiya sa akin. Paano na kapag naging tayo? Puro ka pagpapakipot?”
Napairap ako kahit nakangiti. Arghh, kakabaliw. “Joaquin, isang taon pa ang panliligaw mo kaya itigil mo na muna ang pagpapaplano.”
“Oh? Sabihin mo na lang na hindi mo alam kung nasaan ang cafeteria ng JU. Dami-dami mo pang intro.”
“What the hell?”
Napairap akong muli, pero ngayon ay dahil sa inis, nang tawanan niya ako. Gosh. Kailangan ba talagang dapat rinig-rinig ko ang tawa niya? Nakakaasar lalo na kapag gutom ka na talaga.
“Stop laughing, Joaquin. Sabihin mo na lang kung nasaan ang cafeteria bago pa kita sugudin diyan para sapakin,” sabi ko habang napapairap pa din. Narinig ko naman na humina ang tawa niya. Good.
“Pupunta ka dito para punuin ako ng pasa?” tanong niya habang natatawa pa din.
“Definitely, Joaquin.”
“Well, I’ll fill you with kisses, baby.”
Napatigil ako sa paglalakad at naramdaman ko na lang na nag-init muli ang mga pisngi ko. Napapadyak ako sa inis at sa bilis ng tibok ng puso ko. Kainis! Kinikilig ako!
“I hate you, Joaquin!”
“I love you more, baby boss Clea.”
“The hell!”
“Stop cussing, baby. Baka ikaw ang masugod ko diyan para punuin ng halik ang iyong mukha.”
“Ang corny mo!” Napataas ang kilay ko nang makarinig ng ibang boses sa background. He’s with someone while talking to me like that? Omaya.
“Hindi ako mais! At pagbigyan niyo na ako! Stress ang dala niyo kaya kailangan ko ng stress reliever!”
“Wow, ha! May mabibili ka naman sa drugstore!”
“She’s my drugs!”
“Puwede ka nang ipalit sa mais!”
“Hoy! Walang sapakan! Sumbong ko kayo sa boss ko, eh!”
“Parang bata! Magsama kayo!”
“Hoy! Hindi pa puwede! Kapal!”
“Joaquin!”
Hindi ko na napigilang sumigaw nang iba’t ibang boses na ang naririnig ko. I therefore conclude na ang mga kasama niya ay ang barkada namin. Shit. Sana hindi ako asarin kapag nagkita-kita na kami.
“Ayan! Galit na!” Muli niyang sigaw sa barkada namin. “Clea, I’m sorry. Nakakainis lang talaga itong mga kaibigan mo lalo na yung mga single.”
“Si Kuya Shawn at Ten?”
“Ang sakit, Clea! Special mention!”
Natawa na lang akong muli hanggang sa may maalala ako. “Joaquin, gutom na talaga ako.”
“Hayan! Hindi pa pala nakain ang pinsan ko, dami-dami mo nang pinapakain na mais!”
“Clea, ano’ng kailangan mo? Yung mga single ang magdadala sa ’yo diyan.”
Natawa ako ng mahina sa narinig mula kay Ten. “No need, brother. Gusto ko lang malaman kung saan ang cafeteria. Kanina pa akong palakad-lakad dito.”
Tumingin-tingin ako sa paligid. Naglalabasan na ang mga estudyante at mukhang kakatapos lang ng kanilang mga klase. Magtanong na lang kaya ako sa kanila o sumunod na lang? Kaso, nakakahiya at mukhang creepy’ng tignan.
“Tatapusin ko ’yan. Sasagutin ko muna ang boss ko.” Nakinig akong muli sa aking phone nang marinig si Joaquin. “Clea?”
“Yes?”
“Where do you think you are?”
“I think, nasa tapat ng building ng grade 7,” sagot ko nang makita ang mga estudyante na mukhang mga bata pa lang. Ang layo ko na siguro sa hall?
Natawa siya ng mahina na ikinataka ko. “Hindi ba’t nasa hall ka kanina? Malapit lang ang cafeteria mula doon. Pagkalagpas mo sa building ng grade 9.”
Napakagat ako sa aking labi dahil sa inis at muling humarap sa dinaraanan ko. Sinimulan ko nang humakbang pabalik sa hall para sundin ang instructions ni Joaquin. Kainis. Napahiya pa tuloy ako.
“Thanks, Joaquin.”
“Anything for my baby boss. By the way, I’ll end the call now. So many thing to do and finish. Eat well, Clea.”
“You too,” sabi ko at ibinaba ang tawag. Binulsa ko ang phone ko at dumaretso na sa cafeteria.
Buti na lang ay tama ang instructions ni Joaquin, kung hindi, malilintikan siya sa akin. Kapag ganitong gutom na ako tapos puro ka-corny-han siya sa phone. Grrr. I might eat him.
Paanong eat ba? Hmm... Sisimulan ko siguro sa braso niya.
Maingay na cafeteria ang bumungad sa akin nang pumasok ako. Just like HA. How I miss my friends there. Agad na?
Dadaretso na sana ako sa counter nang mapatigil ako. Napatingin ako sa aking harapan nang may humarang sa akin na tatlong lalaki. JU students. Ano’ng kailangan nila sa akin?
“You’re Jeannette, right?” tanong ng isang lalaki, flashing his bright but playful smiles.
“Yes, I am. What can I do for you?” As much as possible, gusto kong hindi magtaray. Hindi ko sila kilala at baka maiba ang impression nila sa akin. Mabait kaya ako.
“You’ll eat your lunch right? Sabay ka na sa amin.” Mabilis kong inilayo sa kaniya ang braso ko nang akmang hahawakan niya ako. I just want to eat. Bakit may ganito?
“Clea, alam naming bago ka dito—”
“Kaya layuan niyo siya dahil tinatakot niyo.” Napalingon agad ako sa aking tabi nang may magsalita. Si David. Nakatingin siya sa mga humarang sa akin.
***
“Don’t you dare to hurt her!” Pumunta siya sa harapan ko para harangan ako mula sa mga umaaway sa akin. Napakapit na lang ako sa kaniyang damit dahil sa takot.
“Why? She’s so ugly! Hindi siya bagay dito!” Mas lalo akong napaiyak mula sa narinig. Ginagawa ko din naman yung mga bagay na ginagawa nila kaso hindi pa rin nila ako tanggap. Problema ba ’yon kung mas gusto ko ang baril kaysa barbie?
“Ano pa kayo? Mas pangit kayo dahil nang-aaway kayo!” Napairap ang mga babaeng umaway sa akin at umalis na. Humarap sa akin ang taong yakap-yakap ko at niyakap din ako.
“Huwag ka nang umaiyak. Nandito naman ako palagi.”
***
Oh, my. What was that?
“Pre, may girlfriend ka na kaya huwag kang maki-epal,” maangas na sabi ng lalaki na humarang sa akin.
“Huwag na lang kayong magsalita kung gusto niyong hindi ma-report sa office. Bumalik na kayo sa table niyo at hayaan niyo si Clea.”
“Tsk.”
Umalis ang mga lalaking humarang sa akin at bumalik sa mga inuupuan nila. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanila nang makitang masama ang mga tingin nila sa amin ni David. Oh, my. Baka magkaroon pa sila ng away dahil sa akin.
Humarap ako kay David para sana magpasalamat pero naunahan na niya akong magsalita. “Go there, beside Monica. Ako na ang bahala sa pagkain mo.”
Tumingin ako sa kaniyang itinuro at tumango sa kaniya. Nakita ko agad si Monica na nasa isang lamesa at mukhang may ina-arrange na mga papel. Lumapit na agad ako sa kaniya kahit halos ng tao dito sa cafeteria ay nakatingin sa akin.
Nakakailang.
Umupo ako sa harapan niya at pinagmasdan ang kaniyang ginagawa. Naramdaman ko namang napatingin siya sa akin kaya agad ko siyang nilingon.
“Oh, Clea. Nakita mo na siguro si David. Hinahanap ka niya after class, eh.”
Napakurap-kurap ako at medyo gulat na tumingin sa kaniya. “Hinahanap? Bakit niya ako hahanapin?”
Nagkibit-balikat siya at itinuloy ang ginagawa. “Ewan ko. Basta pagkasabi niya, an hour before lunch, na hahanapin ka niya. Magseselos nga sana ako pero naisip ko na lang na baka isasabay ka niya sa amin sa lunch.”
Tumango-tango na lang ako. Concern siguro sa akin si David kasi bago pa lang ako dito? Halata din naman kasi dahil inilayo niya ako sa mga lalaki kanina. Hmm, hindi pa ako nakakapag-thank you.
Pinagmasdan ko na lang ang buong paligid habang hinihintay namin si David. Maaliwalas at katulad na katulad ng HA ang ibang building dito. Siguro, dahil mag-asawa naman ang may-ari.
At sa iilang oras pa lang nang pananatili ko dito, ang dami nang weird things ang nangyayari. Bigla na lamang may nalabas sa utak ko na parang sinehan. Nagpapakita ng scenes na hindi familiar sa akin.
Although, nakakalimutan ko kaagad. Haysstt.
“Here’s your food, girls.”
Napatingin agad ako sa inilapag na tray ni David sa harapan ko pagkarating niya. Napakurap-kurap pa ako nang makitang favorite ko halos lahat ang nakalagay sa tray.
Tumingin agad ako kay David na nakatingin din sa akin. “How did you...”
“I didn’t know. I guess it?” So he knows what I’m talking about. Another thing that is weird.
Napailing na lang ako at binuksan ang aking bag para kuhanin ang wallet ko. Napatigil lang ako nang matawa si David. “You don’t need to pay me, Clea.”
Marahan akong tumango at nahihiyang nilapag ang aking bag sa lamesa. “Thank you, David.”
“Welcome.”
“Hey. Iba na talaga ’yan, David.” Napatingin kaming dalawa kay Monica na nakasimangot sa aming dalawa. Natatawang inakbayan siya ni David.
“Don’t be such a jealous cat, Nica. Responsibility ko din naman si Clea dahil galing siyang HA, okay?”
Tumango-tango si Monica bago humarap sa akin. “Wala kang gusto kay David?”
“Yeah,” mabilis kong sagot sa kaniya. Nakapa-protective niya kay David. Ayaw pakawalan, ah.
“Sino’ng gusto mo?”
Pinanlakihan ko ng mata si Monica sa tanong niya. Napahagalpak naman siya ng tawa nang makita ang reaction ko. Gosh, binibigla niya ako. Ganito ba talaga siya?
“Naluluka lang si Nica, Clea. Pagpasensyahan mo na.”
Huminga na lang ako ng malalim at kumain na lang. Muli akong tumingin kay Monica nang tawagin niya ako. “Imposibleng wala kang gusto.” Naramdaman ko na lang na nag-init ang pisngi ko na agad niyang napansin. “OMG! Meron!”
“Monica, stop that,” sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa pagkain ko. Nakakahiya, eh.
“Eh? Ayaw ko nga! Sabihin mo muna kung sino ang gusto mo!”
Teka, sasabihin ko ba?
Napabuntong-hininga ako at nilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa aking tenga. Mukhang hindi naman siya titigil, eh. “Fine. Si Joaquin—”
“Villanueva?”
Muling nanlaki ang mata ko nang sabay na sabihin nina Monica at David ang apelyido ni Joaquin. Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin sa mga gulat nilang mukha. Ang weird talaga nila!
“Teka. OMG.” Huminga ng malalim si Monica at naupo ng maayos. “Joaquin Villanueva nga?” Agad akong tumingin sa paligid nang sumigaw siya. Tama nga ako, nakakuha nga ng atensyon ang babaeng ito.
“Did you hear that? Si Joaquin daw.”
“Prince of JU, what’s up with him?”
“We miss the Prince.”
OMO. Akala ko nakalayo na ako sa maingay na si Maxien. May papalit pala naman at iyon ay si Monica. Gosh. Ano’ng gagawin ko? Sana naman hindi ito. Well, hindi naman ako magtatagal dito.
“Bakit parang napaka-big deal nang mabanggit ko si Joaquin?” tanong ko habang kinakain ang binigay ni David sa akin. Dapat na akong magmadalu dahil mamaya-maya lang ay start na ng next quiz bee.
Napabuntong-hininga si David at sumandal sa kaniyang upuan. “Wala lang. Palaisipan pa din kasi sa JU students ang pag-alis niya.”
“Last year na ng high school, saka pa nawala. Ang daming nagulat. Natahimik ang dating maingay na parking lot kapag nadating siya.”
“May nababanggit ba ’yon sa ’yo?” tanong ni David nang matapos magsalita si Monica.
Nagkibit-balikat at marahang umiling. “Wala naman. Hindi naman kasi siya madaldal sa akin.” Madaldal lang kapag ka-corny-han.
“Hindi na niya naisip ang volleyball team nang umalis siya.”
Napatingin ako kay Monica dahil sa sinabi niya. “He’s playing volleyball?”
“He’s our captain there,” sagot ni David sa akin. Teammate siguro sila?
Tumikhim ako at tinignan silang mabuti. “Do you want me to ask him? Magkikita kami later.”
Mabilis na umiling si David. “Hindi na. Baka hindi ka rin niyon sagutin. Nakailang tanong na kami sa kaniya ng mga teammates namin pero hindi niya ito pinansin. Ang alam pa nga namin ay dinelete niya ang Facebook niya and he even change his number.”
Napaisip ako habang kumakain. Hindi na din naman sila umimik about Joaquin kaya pinili ko na lang din na manahimik. Iniisip ko yung mga possibilities kung bakit siya umalis ng JU.
Pero wala, wala akong maisip kahit na isang bagay. Medyo masungit lang siya no’ng first days of school at medyo nakakagulo dahil sa mga kinikilos niya. Tanda niyo pa ba? Napapatitig na lang bigla.
Hindi ko pa siya sobrang kilala. So, I want to know about this thing. Maybe, that thing explains everything kung bakit siya nasa HA. Should I talk to him?
***
“Nasa Howard Academy na po tayo, Miss.”
Napatingin ako sa taxi driver nang bigla siyang magsalita. Tumingin ako sa labas ng kotse niya bago tumango sa kaniya. Bumaba ako sa kaniyang taxi pagkabigay ko ng bayad ko.
Tinignan ko ang oras sa aking cellphone bago pumasok sa loob at dumaretso sa parking lot. Hinayaan naman ako ng guard na pumasok. Uwian na kaya mamaya-maya lang ay lalabas na ang mga estudyante.
Agad kong hinanap ang natatanging kulay ng kotse dito sa parking lot. Napangiti ako nang makita ito malapit sa isang mataas na puno. Akala ko nakaalis na siya, eh.
Lumapit ako sa kotse at hinawakan ito. Famous na nga ang sasakyan, pati na rin ba ang may-ari. Malamang. Halata naman, eh.
Natawa ako ng mahina at tuminginsa unahan kung saan lalabas ang mga estudyante na pupunta sa parking lot. Sumandal ako sa kotse habang naka-cross arms.
Hindi rin nagtagal ay naglabasan ang ang mga estudyante, kasama na rito ang kanina ko pang hinihintay. Akala ko siya ang maghihintay, ako pa pala. Mabilis kasing natapos ang quiz, eh.
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya palapit. Nakasuot siya ng salamin at nakatingin sa kaniyang cellphone. Nakasabit sa isa niyang balikat ang kaniyang bag na may nakalabas pang dalawang cartolina. Para saan naman kaya ’yon?
Lihim akong napakagat labi nang suklayin niya ang sariling buhok bago itago ang phone. Hindi na ako nagulat nang tumingin siya sa akin at ngumisi. Nakapamulsa siyang naglakad habang nakatingin sa mga mata ko.
Shit. He gets hotter and hotter than before.
Tumigil siya nang makatapat sa akin. Napahawak ako sa strap ng bag ko nang ilagay niya sa isang side ko ang kaniyang braso. Hinawakan niya din ang ilang hibla ng buhok ko at nilagay ito sa likod ng tenga ko. Pinadausdos niya ang kaniyang kamay papunta sa baywang ko, making my heart beat fast than the usual.
“You’re early.”
Natawa ako ng mahina bago hawakan ang magkabila niyang braso. “I’m Clea, not early.”
Agad siyang napairap nang matawa ako ng malakas. “Crazy sadist.”
Tumigil ako sa pagtawa at tinignan siyang mabuti. Nginisihan ko siya at mabilis na hinalikan sa pisngi. Nang tignan ko siya, natawa akong muli.
“Ganiyan ka ba kapag hinahalikan?”
Itinagilid niya ang ulo niya at tinignan ako. “Oo. Parang laging first kiss ang nararamdaman ko when it comes to you. By the way, what was that for?”
“I won.”
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang idikit niya ako sa aking katawan para yakapin at halkan ng matagal sa noo. Napangiti na lang ako at hinawakan siya sa kanyang balikat. I really love the way he hug me.
Nanatili ang mga kamay niya sa baywang ko nang ihiwalay niya ang mga labi sa noo ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin at tinignan ako sa mata. “Congrats, boss. I’m so proud of you.”
“Siyempre magaling kang magturo, eh.”
Napangisi siya at hinalikan akong muli sa noo bago humiwalay. “Puwede na ba tayong umalis? Baka makita pa tayo ng mga single mong kaibigan.”
Natawa ako ng mahina at tumango sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse para makapasok bago siya. Agad niyang in-start ang kotse nang makapagsuot kami ng seatbelt. Gusto talagang tumakas sa mga kaibigan ko, eh.
Habang nagda-drive siya ay nilingon ko siya. “Joaquin.”
“Yes?” nakangiti niyang tanong sa akin.
“Hindi naman sa ayaw kitang nasa school natin, pero bakit ka ba umalis na lang daw bigla sa JU nang walang sabi?”
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko nang mawala ang mga ngiti niya sa labi. Bagkus ay seryoso siyang tumingin sa unahan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goods
30/09/2024
0good
27/01/2024
0yey
19/01/2024
0Tingnan Lahat