logo text

LAST DAY Part 2

“Anyare d’yan?”
“Ewan ko. Bigla na lang nahimatay ba.”
“Sana okay lang siya.”
Bakit ang ingay ng paligid? Nasaan na ako? Ang tanda ko kasabay ko si Zavion pauwi. Ano’ng nangyari?
Iminulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko dahil sa nararamdaman kong pagsakit ng ulo ko. Pagkabukas ko ng aking mata, kulay cosmic latte na kisame ang aking nasalubong. Ipinikit ko ulit ang mata ko dahil sa labo. Pagkamulat ko ulit, nakita ko naman ang mga mukha ni Maxien at Zavion.
“Clea?” rinig kong sabi ni Maxien. Tinignan ko siya at si Zavion.
“Bagay kayo,” sabi ko sa kanila kaya bigla nilang inilayo ang mukha nila sa ’kin. “Ano’ng nangyari?” tanong ko sa kanila habang naupo sa aking kama. Nasa kuwarto ko na pala ako. Tinulungan ako ni Zavion na maupo.
“Bigla ka lang naman nahimatay sa daan. Luckily, dumaan yung driver n’yo galing somewhere at isinakay ka namin sa kotse para makarating dito. Then, I found out na nilalagnat ka. Kung sinabi mong may nararamdaman ka, sana hindi tayo naglakad,” inis na paliwanag ni Zavion. Tinignan ko siya at hinawakan sa braso.
“Sorry naman,” sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa ’kin.
“Pasalamat ka, mabait ako.” Nginitian niya ako bago hawakan ang kamay ko.
“Bagay kayo.” Napatingin kami ni Zavion kay Maxien na nakahalumbaba sa isang side ng kama. Parang tuwang-tuwa sa nakikita niya. Binawi ko ang kamay ko kay Zavion at hinampas si Maxien ng mahina.
“Crazy,” sabay naming sabi ni Zavion sa kanya kaya natawa ito.
“Bakit ka nga pala naandito, Maxien?” tanong ko sa kanya. Binigyan niya naman ako ng makahulugang tingin.
“Bakit? Makaka-abala ba ako sa pagso-solo niyo ni Zavion?” tanong niya kaya hinampas ko ulit siya pero malakas na. Sa halip na gumanti siya ay tinawanan nya lang ako. Ang lakas ng topak nito.
“Makikipag-usap sana ako sa ’yo. Eh, kaso nadatnan kitang nakahiga diyan at binabantayan ka ni Zavion. Sumama na rin akong bantayan ka. Baka kung ano’ng gawin sa ’yo ni Zavion, eh,” sabi niya at tumawa ng malakas na parang walang bukas.
“Hoy! Ibahin mo ’ko sa ibang lalaki, Maxien! Hindi naman ako gano’n!” sabi ni Zavion kaya natawa na rin ako.
“May sinabi ba akong gagawin mo kay Clea?” mapang-asar na sabi ni Maxien kay Zavion. Nagkapalit ’ata ng personality ang dalawang ’to.
“Tigilan mo nga ako, tsk.” Tinalikuran kami ni Zavion kaya lalo kaming natawa.
“Ayiee guilty si Zavion!” Ang lakas mang-asar nitong babaeng ’to. Tumayo naman si Zavion at lumapit kay Maxien. Natigilan si Maxien na nakatingin lang din dito.
“Alam mo ang daldal mo talaga. May sakit ang kaibigan mo kaya kailangan niyang magpahinga. Tara na at ikaw naman ang iuuwi ko.” Hinila ni Zavion si Maxien palabas ng kuwarto. “Bye Clea! Pagaling ka!” sabi ni Zavion bago makalabas.
“Bye, Clea! Hoy! Bitawan mo nga ako!” rinig ko pa’ng sabi din ni Maxien bago nila maisara ang pinto ng kuwarto ko. Ang iingay nila grabe.
Eh, ano nang gagawin ko ngayon? Nawala yung dalawa. Ang daya naman. Iniwan agad ako, eh. Kinuha ko na lang ang phone ko sa bedside table ko. Wala na ako magawa. Medyo masakit pa ang ulo ko.
Pagkabukas ko ng phone ko may mga messages galing sa mga kaibigan ko. Puro ’get well’ ’Okay ka na?’ ’anyare sa ’yo?’. Hindi ko na sila ni-reply-an. Mapapagod daliri ko HAHAHAH!!
Sa halip na tumambay lamang dito sa kuwarto, tumayo ako at bumaba na lang. Haysst badtrip lang at naliliyo pa ako. Habang pababa ako nakakapit lang ako hangga’t merong kakapitan. Dumaretso ako sa kusina at umupo sa dining area. Nakita naman ako ni Manang Wen.
“Clea, bakit bumaba ka na? Dadalhan ka na lang sana namin ng food sa taas, eh,” sabi niya sa ’kin habang hinahaplos niya ang buhok ko. Nagtatrabaho na si Manang sa ’min since I’m was two years old kaya close ako sa kanya.
“Naiinip na po kasi ako sa taas, tsaka nagugutom na rin po.” Naalala ko ding hindi ako nag-lunch, haysst.
“Ahh, sige. Hintayin mo na lang diyan,” sabi ni Manang at umalis sa dining area. Wait!
“Manang sino’ng nagluluto? Bakit po kayo paalis?” Lumingon si Manang Wen sa akin nang nakangiti.
“Basta hintayin mo diyan, iha,” sabi niya at umalis na nang tuluyan. Eh? Siya naman nagluluto lagi ng pagkain ko, anyare? Makapunta na nga lang sa kitchen para makita kung sino’ng nagluluto.
Pero pagkatayo ko pa lang ay naliyo na agad ako kaya umupo na lang ulit ako. Badtrip naman. Nanood na lang ako sa phone ko habang hinihintay ang sinasabi ni Manang.
After a couple of minutes may naglagay ng spaghetti sa harap ko. Tinignan ko kung sino ang naglagay nito at parang nananaginip yata ako. Si Hunter. May suot pa siyang apron. At siya ang nagdala ng pagkain ko! Siya rin kaya ang nagluto?
“Okay ka lang?” tanong niya sa ’kin at hinalikan ako sa noo. Gosh. Instant blush on.
“Ikaw?” gulat kong tanong sa kanya.
“Hindi naman.” Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtawa niya. “You’re crazy. Dapat nag-stay ka na lang sa kuwarto mo at dadalhin ko na lang ang pagkain mo. Masyado kang excited, ah. Surprise sana, eh,” sabi niya sa ’kin habang nakatingin sa mga mata ko. Namiss ko kaagad siya!
“Ikaw nagluto? Bakit ’yan?” tanong ko sa kanya na parang ayaw ko nang inihanda nya.
“May nakuwento ka kaya sa ’kin na kapag may sakit ka ayaw mo ng soup na karaniwang binibigay. Gusto mo spaghetti. At oo, ako ang nagluto. Nagpatulong lang ako kay Manang. Teka. Kumain ka na dyan dahil iinom ka pa ng gamot. Tsaka magpahinga ka pa. Ang putla-putla mo! May babalikan lang ako sa kusina,” sabi niya sabay alis ng dining area at nagpunta ng kitchen. Kinain ko na rin yung hinanda nya. Ang sarap nya pala magluto. Dinaig pa ako, grabe.
Mabilis kong natapos ang pagkain kaya ako na ang nagdala nito sa kusina. Nadatnan ko naman si Hunter na hinuhugasan ang mga ginamit niya sa pagluluto.
“Tapos ka na agad? Binilisan mo talaga para makita agad ako ’no?” mapang-asar na sabi niya at kinuha ang platong nasa kamay ko para hugasan na rin.
“Kapal mo pa rin,” sabi ko sa kanya at natawa naman siya ng mahina. “So, bakit ka absent?” tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa ’kin. Nagpupunas na siya ng kamay.
“May pinuntahan lang kami ni Dad kanina,” sagot niya at inakbayan ako. Naglakad kami pabalik sa kuwarto ko.
“Magpahinga ka na ulit,” sabi niya pagkarating namin sa kuwarto. Umupo naman ako sa kama.
“Hunter pakuha ng bag ko.” Agad naman niya itong kinuha. Hinanap ko sa bag ko ang mga gifts na pinapabigay kay Hunter. “Oh, ito nga pala. Pinapabigay ng fangirls mo. FYI last day na kanina, wala nang pasok!” masayang sabi ko sa kanya at tinignan siya. Tinaggap niya ang mga ibinigay ko.
“Galing sa grade 10?” Tumango ako sa tanong niya bilang sagot. Habang naglalakad kasi kami ni Zavion palabas ng school, may nakasalubong kaming mga grade 10. Na-recognize nila kami kaya may ibinigay sila sa ’min. Sabi nila, ibigay kay Hunter.
“Selos ka?” tanong niya sa ’kin na ikinagulat ko. Jusko naman. Iba rin ito mag-isip.
“Ako magseselos? Hindi, ’no! Binigyan ka lang naman nila ng ganyan selos agad? Huwag ako.” Nginitian ko siya pero nakataas lang ang kanang kilay nya habang nakangiti.
Inilapag nya ang hawak nya sa study table ko at dahan-dahang lumapit sa ’kin. Napaatras naman ako sa ginawa nya hanggang sa mapahiga ako. Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko dahilan para mapahawak ako sa dibdib niya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko.
“H-Hunter.” pagtawag ko sa kanya. Lalagnatin ako nito lalo! “Hey.”
“Hindi ka nagseselos?” Tinanguan ko siya pero tinaas niya ulit ang kilay niya. “Sure ka?” Tumango ulit ako pero mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha hanggang sa maduling na ako sa pagtingin sa mga mata niya. Magkadikit na ang mga noo namin.
“Kapag ’di ka pa lumayo, sisipain kita riyan,” seryosong sabi ko sa kanya kahit yung puso ko, ang bilis ng tibok.
“Hindi na nga. Ito naman hindi mabiro,” sabi niya sa ’kin at lumayo. Umupo siya sa inuupuan niya kanina. Hindi agad ako nakabangon dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Nanlaking muli ang mga mata ko nang bumalik siya sa harapan ko at hinalikan ang gilid ng labi ko. Muntik na. Tinitigan niya ako at natawa ng mahina. “Clea.”
“Ang baliw mo talaga.” Umayos na ako ng higa at nagkumot. Lumapit siya at hinaplos ang buhok ko. Kinantahan niya ako para madali akong makatulog.
“Sleep well, love.”
And it’s the last day we are that close.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    GarlitaJean

    goods

    30/09/2024

      0
  • avatar
    Queeny Regene Marquez Ladrillo

    good

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Ilene Romero-Emeterio

    yey

    19/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata