Homepage/Blurring The Lines/
Chapter One - JJ Ship
"Ang ganda niya talaga," James commented with so much fondness in his voice, looking like a lovesick fool while staring at our friend who was currently attending at their customer's needs.
Hindi ko naman siya masisi kung bakit natutulala siya sa kaibigan namin dahil nangingibabaw naman talaga ang ganda nito. Nakailang puri na nga rin ako kay Chianna sa tuwing napapadaan siya sa pwesto namin dahil bumagay sa kanya ang uniform nilang long sleeve polo na kulay turquoise, denim apron sa ibabaw at itim na slacks sa pang-ibaba.
Para pa siyang nagniningning dahil palaging may nakaguhit na maaliwalas na ngiti sa kanyang mala-rosas na labi na talaga namang nakakahawa. Kahit sinong ngitian niya, siguradong mapapangiti rin pabalik sa kanya. Halatang nag-eenjoy kasi siya sa trabaho niya.
Chianna Jimenez ang kaibigan at kaklase namin ni James simula noong first year college pa kami. Matalino ito at laging kasama sa top, walang palya. Kasisimula pa nga lang ng first semester pero bali-balita na agad sa university na malaki ang chance niyang maging magna cum laude.
Nasa kanya na nga yata ang lahat ng magagandang traits na hinahanap ng mga lalaki.
With her gorgeous face, height na pang-beauty queen at adorable personality na binudburan ng kaunting kabaliwan, maraming kalalakihan sa department namin ang nagkakagusto sa kanya. Hindi nga lang aware si bruha dahil bago pa man siya malapitan ng mga ito, naitaboy na silang lahat ni James. Bantay-sarado ang mokong, eh.
Isa pang hinahangaan ko kay Chianna ay ang pagiging hardworking nito. Ulilang lubos na kasi siya at siya na lang ang nagpapaaral sa kanyang sarili. Mabuti nga at napagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral nang hindi man lang naapektuhan ang mga grades niya.
She was really amazing.
Saturday ngayon at kaninang alas-nuebe pa kami nakatambay dito sa coffee shop para magbigay ng moral support sa kanya. Bago pa lang kasi si Chianna sa part-time job niyang ito at ilang araw palang mula nang magsimula siyang magtrabaho dito sa Coffee Brew.
"Hoy! Matutunaw na si Chianna! Paawat ka naman!" baling ko kay James na hindi pa rin tapos tumitig kay Chianna.Bahagyang tumawa pa ako nang awatin ko siya, pero sa totoo lang, gusto ko na siyang hampasin ng mesa.
And as usual, hindi ako pinakinggan ni James kahit anong suway ko. Nakatunghay pa rin siya kay Chianna habang nakapatong ang baba sa isang kamay niya at pangiti-ngiti pa. Kulang na lang tumulo na ang laway niya sa mesa dahil nakaawang pa ang mga labi.
Parang timang na talaga.
'Lord, mapuwing sana siya o kaya pasukan sana ng malaking langaw ang bibig niyang nakaawang. Amen.'
Naiiling na kinuha ko na lang ang cellphone ko sa aking bag para doon na lang ibuhos ang buong atensyon ko. Baka makasakal pa ako ng tao dahil sa selos na nararamdaman ko. Sa tatlong taon ng lihim kong pagsinta kay James, dapat ay nasasanay na ako sa pagiging bulag niya kaso may times talaga na nasasaktan pa rin ako.
Matagal ko namang tinanggap na wala akong pag-asa sa kanya pero ang gagang heart ko, nagpapaka-martir pa rin. Masokista much.
Minsan pa nga ay naiimbyerna na ang utak ko at dinidiktahan na ang puso ko na umamin na lang. Baka-sakaling maka-move on na ako after no'n, kaso lagi akong inuunahan ng takot. Ayoko kasing masira ang magandang samahan namin kapag nalaman niyang matagal ko na siyang minamahal.
Better not cross the line in our friendship para iwas conflict. Iyon ang laging payo ko sa sarili.
"Picturan mo," utos sa akin ni James kaya napakunot ang noo ko.
"Sino?"
"Si Chianna, malamang! Alangan namang 'yong may-ari ng coffee shop ang picturan mo?" sarkastikong sagot nito.
"Bakit hindi ikaw ang mag-picture? May cellphone ka naman!"
"Ikaw na." He scratched his nape, smiling sheepishly. "Para hindi halata."
"Ano namang masama kung makita niyang pini-picturan mo siya?"
"Ikaw na kasi, dami pang sinasabi," ungot niya.
"Humihingi ka na lang ng pabor, attitude ka pa. Gusto mong buhusan kita ng kape?" I retorted, a bit annoyed.
"Please, Jazz?" Binigyan niya lang ulit ako ng isang nakakasilaw na ngiti na labas pa ang mapuputing ngipin kaya naglaho agad ang iritasyong nadarama ko.
"Ang torpe mo talaga," komento ko na lang. "Ipagpatuloy mo 'yan parekoy, mauungusan ka talaga niyan. Baka magising ka na lang isang araw, napunta na sa iba si Chianna."
James suddenly leaned closer, looking alarmed at my remarks. Maraming beses itong napapalunok na akala mo ay natuyuan na ng lalamunan. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya napagaya ako sa paglunok-lunok niya.
Walang hiya! Kung alam lang niya talaga kung anong epekto niya sa akin lalo't ganito siya kalapit. Parang may kung anong kumikiliti sa loob ng tiyan ko habang tumatama ang mabangong hininga niya sa mukha ko.
Sa sobrang lapit niya nga sa akin ay nabiyayaan tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan ang makinis at oval-shaped face niyang walang ka-pores pores. Sana i-share niya naman ang skin care routine niya sa gabi.
Nakakainggit din iyong mga mata niyang mala-tsokolate na kakulay ng textured crop niyang buhok. Nag-complement din ang mata niyang 'yon sa perpektong kurba at medium-thick na kilay niya. He had a sharp nose, highlighted with slightly elevated bridge and beauty mole on its tip. And I found it so attractive. Hindi mo mahahalata 'yon, unless ganito ka kalapit. Pak na pak din ang square jawline niya maging ang labi niyang napakanipis. Nakaka-tempt i-kiss.
Oh, lala. When kaya?
"Kilala mo ba 'yong lalaking nagugustuhan ni Chianna?" tanong ni James na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Ipinatong ko ang hintuturo ko sa noo niya at itinulak ang mukha niya palayo sa akin. Umayos naman siya ng upo at matamang pinagkatitigan ako.
"Hindi ko kilala," I replied shrugging my shoulders. "Basta ang alam ko may banda 'yong lalaki na na-meet niya do'n sa Skinz Bar."
"May banda 'yong lalaki?" usisa niya. "Anong pangalan?"
Saglit akong tumahimik at hinalukay sa utak ko ang pangalan ng banda kung saan miyembro iyong lalaking kinalolokohan ni Chianna. Sa pagkakatanda ko, nabanggit rin 'yon ni Chianna sa akin, pero kahit anong taktak ko sa utak ko, hindi ko talaga maalala.
"Hindi ko matandaan ang name ng band nila. Green Cross yata," seryoso kong saad.
"Niloloko mo ba ko?" James accused, glaring at me. "Ang tino mo talagang kausap, no?"
"Aba! Hindi ko nga matandaan!" asik ko sa kanya. "Basta may Cross sa pangalan nung band! Nagtatanong ka na nga lang, huwag kang demanding much sa information."
"Sige na. Kuhaan mo na lang si Chianna," nabubugnot na sambit na lamang niya.
Pinakita ko sa kanya ang nakakuyom kong kamao at pinandilatan siya ng mga mata pero matunog na tumawa lang ito. Ang sarap talaga sa ears ng tawa niya, nakakalulong. Help!
Pumihit na lang ako patigilid sa inuupuan ko at inangat ang kamay ko sa ere para kunin ang atensyon ng kaibigan namin. "Chianna! Fighting!" buong lakas kong sigaw.
Napatingin naman siya sa direksyon namin dahil agaw pansin ako. And she just acknowledged our presence by waggling up her eyebrows, then went back at serving their customers. May hawak siyang tray na may lamang ilang tasa ng kape. Nakikita kong umuusok pa 'yon.
Nang mailapag ni Chianna ang order ng mga lalaking customer ay sabay na napamura kami ni James nang bigla na lang hawakan nung isang lalaki ang pang-upo ni Chianna nang tumalikod ang kaibigan namin. Chianna turned to them with a calm expression on her face, but I know deep down, gusto na niyang manapak.
Mula dito sa pwesto namin ay naririnig namin ang pakikipagtalo ni Chianna doon sa mga lalaki. Malakas na napahampas pa si James sa lamesa nang sigaw-sigawan si Chianna nung lalaking nanghipo sa kanya. Napakakapal naman ng mukha ng mga goons na ito. Kasing kapal na yata ng aspalto. Sila na nga itong nambastos sa kaibigan namin, sila pa ang galit.
Tumayo na ako upang puntahan si Chianna ngunit naunahan ako ni James. Sumugod ito sa kinaroroonan ng kaibigan namin at mabilis na sinundan ko rin siya.
"Oh, my God! James!" Isang malakas na singhap na lamang ang kumawala sa bibig ko habang napupuno ng pangamba ang dibdib ko dahil sa eksenang nasaksihan ko.
Bigla kasing iniharang ni James ang kanyang katawan kay Chianna kaya sa kanya tumapon ang mainit na kape na ibinuhos nung lalaki. Dinaluhan ko agad ito at aksidente kong nahawakan ang parte ng likuran niyang nabuhusan ng kape. James flinched at my touch so I decided to check his back. But before I could even do that, he caught my wrist, stopping me from lifting up his shirt.
"I'm fine, " bulong niya.
Hindi ako naniniwala! Eh, halos magdugo na ang labi niya dahil mariin niyang kagat-kagat ito. Gusto ko na tuloy siyang batukan dahil masyado siyang pa-cool sa harap ng crush niya.
"What's happening here?!"
Sabay kaming napatingin ni James sa likuran ni Chianna nang makarinig kami ng istriktong boses mula roon. Bahagyang napaawang ang mga labi ko nang masilayan ang isang magandang babae na naglalakad palapit sa amin. Sa tantya ko, lagpas kuwarenta na iyong babae. Kaedad siguro ito ng mommy ko.
"Ma'am, I'm sorry po!" Chianna apologized immediately.
'At bakit siya ang nagso-sorry?! Wala siyang kasalanan!' sigaw ko sa utak ko.
"What happened here?" tanong ulit nung babae. Siya yata 'yong boss ni Chianna.
Malumanay ang boses niya pero nang mawala ang ngiti niya sa labi ay biglang nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nagtago na lamang ako sa likod ni James nang isa-isa niya kaming pinasadahan ng mapanuring tingin.
Wait lang. Wala po akong kasalanan, madam. Save us, Lord!
"Binastos po nila ang kaibigan ko," James replied firmly.
I nodded my head slowly to agree with him. "Opo, ma'am! Binastos po nila si Chianna. They should be in jail for harassing my friend!"
"Is it true?" Chianna's boss asked for confirmation.
"O-opo," my friend responded underneath her breath, biting her lower lip as she hung her head low.
Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Wala naman siyang kasalanan, kaya bakit siya pa itong nahihiya? Dapat ang mahiya ay iyong mga manyak na lalaki!
"Chin up, hija. You shouldn't be ashamed of yourself. Ikaw ang ginawan ng masama, kaya sila ang dapat mahiya," malumanay na saad ng boss ni Chianna.
I put my fingers under my chin, nodding my head again. Tama, tama! Ang galing ng boss ni Chianna. Nabasa niya yata ang nasa utak ko. Credit sa'yo, Jazz.
Lumapit 'yong boss ni Chianna sa lamesa nung mga lalaking nambastos sa kaibigan ko. They all shrank to their seat and couldn't even lift their gaze as they trembled in fear. Napakatalas kasi ng mga tingin ng boss ni Chianna. Kahit sino siguro, manginginig kapag sinalubong mo ang mga mata nitong parang may nagbabagang apoy.
Ganyan nga! Matakot kayong mga manyak kayo! Ang tatapang niyo kanina, ha!
"Unang-una, ayokong binabastos ang mga employees ko dahil pinakikitunguhan ko sila nang maayos," Boss madam started. "Pangalawa, this is a coffee shop mga, hijo. Hindi bayarang babae ang mga employee ko. If you want that kind of entertainment, this is not the right place for you," litanya pa nito at humalukipkip.
"At pangatlo, I want you out of my sight, this instant and don't ever step your foot once again at my coffee shop. Kung hindi ipapakulong ko talaga kayo!"
Isa-isa namang nagsitayuan 'yong mga lalaki dahil sa pagbabanta ni badass boss. Parang mga asong nabahag ang buntot nila at nag-unahan pa sa pagtakbo ang mga ito palabas ng coffee shop.
Huh! Serves them right!
"I-I'm sorry po for causing a scene, ma'am," Chianna apologized again, bowing her head countless times.
"It's okay, hija. Wala kang ginawang mali, okay? I promise my favorite niece that I will take care of you while you're working here, kaya wala kang dapat ipag-alaala."
Kusang sumilay ang isang ngiti sa labi ko habang pinakikinggan silang mag-usap. Mukhang mabuting tao naman pala itong si boss madam. Makakahinga na ako nang maluwag.
"Thank you po, ma'am! Ang bait-bait niyo po talaga!"
"Oh! Nambola ka pa," she chuckled softly. "Sige na, mag-break ka muna. Asikasuhin mo 'yang kaibigan mo, mukhang nasaktan ata." Itinuro niya si James at ngumiti naman ang loko.
"Wala po 'to, ma'am. Malayo sa bituk—"
Mahinang tinapik ko ang likuran ni James na nabanlian ng mainit na kape kaya pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Aray naman, Jazz! Magdahan-dahan ka nga!" reklamo niya.
"O, akala ko ba malayo sa bituka? Kung makasigaw ka sa sakit para kang maiiyak na. At saka mahina lang naman ang pagtapik ko, ah!"
"Ang hapdi kaya! Ikaw kaya ang buhusan ng mainit na kape?!" singhal niya pabalik pero binelatan ko lang ito.
Sige boy, magpa-cool ka lang diyan para magmukha ka lalong timang.
***
"Dapat kasi hindi mo na ako prinotektahan. Ayan tuloy nasaktan ka," sermon ni Chianna kay James habang nakalingon ito sa amin.
Nakaupo kasi kami ni James sa backseat ng kotse ni Boss Madam Alice, iyong maganda at mabait na boss ni Chianna na tita pala ni Charmelle.
Si Charmelle Villarico ay matalik na kaibigan din ni Chianna outside the university. Nag-iisang anak ito ng pinakamayamang businessman dito sa lungsod ng Mariano kaya kilala ito sa lugar namin. Sa pagkakatanda ko, naging kaklase ito ni Chianna noong 4th year high school pa lamang sila.
Sobrang bait ng babaeng 'yon at down to earth pa kahit napakayaman. Likas na ata sa lahi nila ang pagiging mabait gaya nitong tita niya.
Pauwi na kami galing ospital dahil nagpumilit si Boss Madam na dalhin doon si James upang mapatingnan ang likod nito. Hindi kasi siya mapakali hanggang hindi nakasisigurong maayos ang lagay nito. Ayaw na ngang abalahin ito ni James ngunit hindi siya nito tinantanan hanggang sa pumayag siya.
Mabuti na lamang at first-degree burn lang ang natamo niya. Nabigyan na siya ng doctor ng antibiotic ointment at pain medication kung sakali mong kumirot ang paso niya. Gagaling naman din daw ito agad after several days.
"Eh, kung hindi ko ginawa 'yon, ikaw naman ang nasaktan," katwiran ni James sa litanya ng kaibigan namin.
"Hay naku, Chianna. Alam mo naman 'yang si James, may pagka-hero complex," sabat ko sa usapan nila kaya nakatanggap ako ng malakas na pitik sa noo mula sa katabi ko.
"Aray! Gumaganti ka ba?"
"Pitik lang 'yan! Ako nga napaso!" pagmamalaki ng hudas.
Sinipa ko ang paa niya kaya malakas siyang napasigaw at sinamaan ako ng tingin.
"You're so cute, kids. Tama na 'yan, baka diyan kayo magkatuluyan," komento ni Boss Madam na may mapanuksong ngiti sa labi.
Sabay na napatingin kami ni James sa isa't isa at kapwa napangiwi. But deep inside, gusto ko 'yong thought ng tita ni Charmelle. Shipper na ata namin siya. Starting this day, I now pronounced her as an official member of JJ ship.
"Hindi po 'yan mangyayari!" mariing kontra ni James kaya muli siyang nakatanggap ng malakas na sipa mula sa akin.
"Talagang hindi! Manigas ka diyan. Kahit ikaw na lang ang lalaki sa mundo, hinding-hindi kita papatulan!" naiinis na sigaw ko. Mabilis ko ring naitikom ang bibig ko nang mapansin kong binibigyan ako ng makahulugang tingin ni Chianna.
Alam kasi nito kung gaano ko kagusto si James. Freshmen palang kami, crush na crush ko na ang damuhong ito. Oo, na! Mapagkunwari ako. Mahal ko ang manhid na 'to at dinarasal ko sa gabi na mapansin niya ang pagsinta ko ngunit pinagkakaitan ako ng langit.
Napasandal na lang ako sa upuan ng kotse ni Boss Madam at malalim na bumuntong-hininga. Pasimpleng sinulyapan ko si James na nanahimik na lang din.
Gaya ko ay tuwid na nakasandal ito sa upuan at diretsong nakatitig sa harap. Sinundan ko naman ang direksyon ng mga mata niya. As usual, kay Chianna siya nakatingin. Pinagmamasdan niya ito mula sa rearview mirror at walang kamalay-malay ang kaibigan ko dahil abala ito sa pakikipagkwentuhan sa boss niya.
Malala na talaga ang tama ni James sa kaibigan ko, pero mas malala ata ang tama ko sa kanya.
Wala siguro itong lunasI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
09/03/2025
0Tingnan Lahat