Homepage/Blurring The Lines/
Chapter Sixteen - Figure Out
Alam kong kalaban namin sina Kuya Aga at hindi dapat ako nagdidiwang sa tuwing nakaka-strike siya kaso hindi ko talaga mapigilan ang sarili na mapanganga na lamang sa galing nito.
Para lang siyang professional bowler dahil ang swabe ng bawat galaw at bitaw niya ng bowling ball. He could even do whatever approach he wanted, as if he already calculated where the bowling ball was going. He could bowl a straight or in a curving pattern without breaking a sweat.
Ang amazing talaga!
Iyong ibang babae nga na narito sa bowling alley, imbes na maglaro ay nanunuod na lang din sa amin. Lakas makahakot ng audience nitong si Kuya Aga, eh samantalang kanina kakaunti palang ang mga tao rito.
"Oh, my God, Sir Aga! That is some turkey. Ang galing-galing niyo naman!" namamanghang bulalas ni Chianna nang maka-strike na naman ito.
Sunod-sunod na 'yon, aba! Spare sila sa fifth frame then strike na from sixth to eight frame which is turkey nga ang tawag. Halimaw!
Kaya naman itong si James, hindi na maipinta ang mukha dahil kulelat kami. Sa isang game kasi merong ten frames at kasalukuyang nasa eight frame na kami.
141 na ang score ng kalaban, samantalang kami ay 110 palang. Paano ba naman? Puro gutter kami from third to fifth frame.
Spell nganga? Ako at James.
"James, it's our turn! Kaya mo 'yan!" pagpapalakas ko sa loob niya at minasa-masahe pa ang balikat niya.
Sa sobrang pagkaaburido nito sa itinatakbo ng laban ay padabog siyang dumampot ng bowling ball sa pinsetter. Ayaw talagang magpatalo nito kaya todo focus siya sa mga pins sa harapan. Inayos niya rin ang form niya at humugot-buga ng mararahang paghinga nang pumwesto siya sa starting point.
His body was now lined up to the left part of the entire track, hips and shoulder staying close. I guess he would bowl a playing straight this time and he was trying his best to minimize any excessive wrist movements.
Instinctively, I clasped my hands in front of my chest, silently uttering a prayer when James made a five-step approach. His hand was behind the bowling bowl through the entire swing releasing it with a nice and relax arm swing that produced a much straighter shot.
"You nailed it, James!" I exclaimed in a bubbly voice, skipping towards him to give him a big hug.
Kahit paano ay nagliwanag na ang mukha nito dahil napakaganda ng tira niyang iyon.
"Sayang. Strike na sana," usal niya na may halo pa ring dismaya.
Nilingon ko 'yong nag-iisang pin na nakatayo sa pin deck saka mahinang tinapik-tapik ang likuran niya.
"Okay lang 'yan! Ang galing mo pa rin!"
Nangingiting pinisil niya ang ilong ko saka dahan-dahang kumalas na sa yakap ko. Kainis, hindi ko pa nga nalalasap, eh!
"Pinagtitinginan na tayo," bulong nito dahil lahat ng mata nung mga babaeng nanunod, sa amin na nakatuon.
Ah, pake ko sa kanila? Eh, 'di yakapin din nila ang crush nila.
"Nice throw, Cuevas!" sigaw ni Miss mula sa kabilang lane.
"Siyempre, James namin 'yan, eh!" puri din ni Chianna.
Si Kuya Aga naman ay pinalakpakan din siya at itinaas ang dalawang thumb. Namula tuloy ang mukha ni damuho habang napapakamot na lang sa batok niya.
Kahit talunan kami, nag-enjoy naman kami ng husto kasama sina Miss. Ang final score namin ay 149 at 186. Kami ni James ang manlilibre sa Cold Stone.
***
"Ingat kayo pag-uwi, ha?"
"Yes, ma'am! Ingat din kayo ni sir!" kinikilig na saad ni Chianna na tila may pinapahiwatig kaya nakatanggap tuloy siya ng mahinang kurot mula sa professor namin.
Kanina pa niya kasi shiniship 'yong dalawa kahit noong kumakain kami ng ice cream. Halatang malalim ang pinagsamahan nila kasi ang natural nila at ang komportable sa isa't isa. Kapag may dumi nga si Miss sa gilid ng kanyang labi, matik na pinupunasan iyon ni Kuya Aga ng tissue. O, baka gano'n lang talaga siya kaalaga kahit sa ibang tao?
"Are you sure ayaw niyong sumabay sa amin?"
"Hindi na po, sir. Magta-taxi na lang kami, baka makaabala lang kami sa moment niyo. Kaya niyo na 'yan, fighting!"
"Jimenez, tumigil ka na nga. Babawasan ko ang grades mo, sige ka!" pabirong banta ni Miss kaya itinikom na ni Chianna ang bibig.
Si Kuya Aga naman ay bumunghalit na lang ng tawa dahil sa walang paawat na kakulitan ng kaibigan ko kapagkuwa'y inilipat niya sa akin ang buong atensyon niya. Kunot-noo na napatingala na lang ako sa kanya dahil parang may gusto siyang sabihin kung ibabase ko sa maliit na pagkakabuka ng kanyang labi.
"Bakit?"
Ngumiti ito at masuyong umiling. Akmang guguluhin niya ang buhok ko pero nahawakan na ng dalawang kamay ko ang braso niya.
"Ah, parang timang naman, Kuya! Itinali ko na nga iyong buhok ko para hindi mo na magulo, kasi kanina mo pa pinag-iinteresan tapos guguluhin mo na naman. Bisyo na 'yan?"
Patawa-tawang itinaas na lang niya ang dalawang kamay sa ere tanda ng pagsuko niya. "Ayan, hindi na. Ingat ka pag-uwi, ha? Chat ka kapag nasa bahay ka na."
Tumango-tango naman ako sa mga bilin niya na parang isang masunurin na bata.
"Kayo rin, mag-ingat sa pag-uwi," paalala niya rin sa dalawang kasama ko.
"O, siya. Mauna na kami ni Aga. Uwi na kids, ha?"
"Yes, ma'am!" sabay na pagsaludo namin at sinundan siya ng tingin nang sumakay na ito sa kotse.
"Bye, Jazz!" paalam ulit ni Kuya Aga.
Naibaba ko ang depensa ko kaya nakakuha siya ng pagkakataon na guluhin ang buhok ko bago kumaripas ng takbo patungo sa driver's seat.
"Kuya Aga!" nagpapadyak na tili ko na lamang. Ramdam na ramdam ko ang pagkalat ng init sa mukha ko dahil sa inis.
Naisahan niya ako do'n!
At habang pinagmamasdan 'yong papalayong puting kotse ay bigla na lang akong tinapik ni James sa likod ko sabay malakas na napapitik pa ng daliri.
"Aha! Alam ko na kung sino ang crush mo!" he said out of the blue.
Chianna and I exchanged a quick glance with our mouth hanging open. Kabado bente ako at wala akong magawa kundi ang mapalunok na lang ng maraming beses dahil sa tinuran niya.
Oh, my gulay! Buking na ba ako? Wait, paano?!
"S-sino?" nate-tense na tanong ko.
Parang timang na nginisian ako ni James, himas-himas pa niya ang ilalim ng baba. "Kaya pala, ha!"
"Anong kaya pala?!" Mahinang inundayan ko siya ng suntok sa braso na siyang ikinatawa niya. "Gago, huwag ka ngang pa-suspense!"
"Oo nga! As in, knows mo na talaga kung sino ang crush ni Jazz? Na-figure out mo na? Ah, finally!" Chianna let out a sigh of relief while holding her chest.
"Girl, tahimik!" suway ko dahil nakakadagdag lang sa kaba ko ang mga pinagsasasabi niya.
"Oo, kilala ko na. Kaya pala nag-take ka ng flower arrangement class, ha! Siya pala ang dahilan."
"Ha?" sabay na usal namin ni Chianna, nagsalubong pa ang dalawang kilay. Maging ang pagkurap ng aming mga mata ay sabay na sabay rin habang nakatitig kay James.
"Si Sir Aga! Siya 'yong crush mo, 'di ba? Huwag mo nang i-deny pa, bistado na kita, pards!" anito sa nagmamalaking tono at inakbayan pa ako ng damuho. "Ang galing kong manghula, 'no? Pasikre-sikreto ka pa sa akin, malalaman ko rin naman. Sabi na, type mo 'yon, eh. Iba kasi mga tingin mo sa kanya nung first session niyo."
"Sandali, friend." Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng braso ni James sa balikat ko upang humawak sa kamay ni Chianna. Baka-sakaling masalinan niya ako ng lakas.
Agad naman akong inalalayan ng best friend ko upang bahagyang ilayo kay James na pinagkaitan na yata ng langit ng pakiramdam.
"Lalagnatin ata ako, mare. Ayoko na!" mangiyak-ngiyak na sumbong ko.
Chianna could only heave a frustrated sigh, as she offered me a tight hug. Just like me, she looked so done with James.
"I feel you, mare. Tara, iwan na natin siya."
"Mabuti pa nga."
"Hoy, saan kayo pupunta?!" tawag ng manhid na damuho nang layasan namin siya.
Saglit lang itong nilingon ni Chianna para bulyawan. "Maiwan daw ang manhid, kaya diyan ka na. Tse!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
good
09/03/2025
0Tingnan Lahat