Homepage/Blurring The Lines/
Chapter Fourteen - Boy Anesthesia
Ilang beses nang naudlot ang pizza date namin nila James dahil nga may sari-sarili kaming lakad noong mga nagdaan na araw. Iyong unang beses na nai-turn down namin siya ay iyong dinala nga ako ni Chianna sa studio ng Cross Symphonia kung saan kami nag-usap ni Yago nang masinsinan, which is nasundan pa ng ilang pagkikita.
Marami kasing katanungan itong si Yago patungkol sa pinsan niya gaya ng mga pasimpleng pangangamusta nito sa mga ganap sa buhay ni James. Kahit pa not in good terms sila, ramdam kong concern pa rin itong si Yago para sa kanyang pinsan.
Minsan tuloy hindi ko maiwasang makonsensya dahil feeling ko tinatraydor ko na si James. Hindi niya kasi alam na nakikipagkaibigan na ako sa ultimate rival niya dahil naging abala rin ito. Naghahanda kasi ang damuho na 'yon sa sinalihan niyang wall climbing competition at puspusan itong nag-eensayo kahit pa sa January pa naman iyon.
Wala, eh. Masyado siyang competitive. Bakit ba kasi ang active niya sa gano'ng klase ng extreme activities? Mamaya masaktan pa siya, pag-aalalahanin niya pa ako.
Inimbitahan niya nga akong manuod ng competition, pero pinag-iisipan ko pa. Baka himatayin lang ako sa nerbyos habang pinanunuod siya na umaakyat sa napakataas na bouldering wall tapos may nagtatago palang Titan sa likod no'n. Mapasigaw pa ako ng 'Tatakae! Tatakae!' Eh, 'di agaw eksena pa ako.
"Alin sa dalawang 'to ang bibilhin ko? Any opinion?" pukaw ni James sa atensyon naming dalawa ni Chianna.
Nakaupo kami sa wooden bench sa loob ng isang sports apparel shop at kapwa may kanya-kanyang ginagawa upang malibang. Si Chianna, as usual hawak niya ang cellphone niya at halos hindi na niya ito bitawan. Malamang ka-chat niya si Yago niya. Ako naman ay mahinang kumakanta-kanta lang, sinasabayan ang nakakaindak na tugtugin.
Why'd you have to go and make things so complicated?
"Hey, girls!" nagkakamot sa ulong tawag ni James.
Saglit na ibinaba ni Chianna ang cellphone na hawak upang tingalain ang kaibigan namin.
"Sorry, James. Wala talaga akong alam sa mga climbing shoes kaya hindi ko alam ang differences nila. Pero bet ko 'yang sapatos na 'yan. I love the color, black and gray tapos yellow green ang sintas," ani Chianna sabay turo sa sapatos na hawak ni James sa kaliwang kamay.
Bet ko rin ang kulay nung sapatos, pero parang ang hassle naman kung de-sintas ang gagamitin ni James sa contest.
"Ikaw pards, anong sa tingin mo?"
"Indoor climbing ang gagawin niyo, 'di ba?"
Tumango si James kaya taimtim akong nag-isip habang ang mga mata ay palipat-lipat ang tingin doon sa dalawang sapatos.
"Mas okay siguro na piliin mo iyong saan ka komportable suotin. And since it's indoor, the rubber on your shoes won't wear out naman agad kasi plastic ang tatapakan niyo. So, you don't need to worry about durability, right?"
Tumango-tango ulit si James, his eyes were shining with amusement as he listened to me.
"Hindi mo rin naman susuotin 'yan nang matagal-tagal so I will go for that one," turo ko sa sapatos na hawak niya sa kanang kamay; it's a type of shoes with two rip-tab straps. "Madali lang kasi 'yan hubarin at suotin, hindi ka na magsisintas nang magsisintas pa. Tapos maganda rin sa mata ang combination ng kulay niya, gray and blue," paliwanag ko pa.
Dahil sa tinuran ko, napapalakpak tuloy ang katabi ko. "Wow, Jazz! Bakit alam mo ang mga bagay na 'yan? Nagwa-wall climbing ka ba?"
"Hindi, 'no. Nagsabi lang naman ako ng opinion," simpleng sagot ko at lihim na napangiti dahil sa pagkamanghang nakapaskil sa mukha ni James.
Kung may langaw lang dito, napasukan na iyong bibig niyang malaki ang pagkakaawang.
Ang totoo niyan, lahat ng bagay na related kay James ay palihim kong pinag-aralan, lalo na itong favorite sports niya. Para naman kapag tinanong niya ako o hiningan ng opinion, may matino akong maisasagot sa kanya tapos dagdag ganda points na rin.
A for effort talaga sa akin. Isang palakpak pa nga diyan. Charot!
"And I thought you hate my hobby. It turns out, you know a lot about this sports," James commented in awe followed by a warm smile. "Thanks sa opinion, pards! Ito na ang bibilhin ko."
"Maliit na bagay," I replied with oozing confidence in my tone as I rubbed the tip of my nose using my finger.
Nahampas tuloy ako ni Chianna sa braso samantalang si James ay mahinang natawa na lang bago magtungo sa counter upang mabayaran na 'yong sapatos niya.
Tumayo na rin kami ni Chianna mula sa masarap naming pagkakaupo upang doon na hintayin si James sa labas nung shop. Bitbit ko ang malaking paper bag sa kaliwang kamay ko habang nakasukbit sa kanang balikat ko ang aking backpack. Pare-parehas kaming tatlo na mga naka-uniform pa.
"Nice one, Jasmine! Mukhang nakapuntos ka kay James, ah. Yieeeeeee!" kilig na wika nito.
Sinundot pa niya ako sa tagiliran kapagkuwa'y niyapos ako. Iyong baba niya, ipinatong niya sa kaliwang balikat ko.
"Alam mo, perfect match talaga kayo. I can't wait na mauntog na si James nang magising na siya sa katotohanan. My goodness! Nakaka-stress na kaya ang kamadhiran niya. Konti na lang, ako na ang mag-uuntog ng ulo niya sa pader, mga fifty times!"
"Gaga ka!" tipid na komento ko, labis na pinipigilan ang sarili na kiligin sa suportang ibinibigay sa akin ng matalik na kaibigan ko.
Kaso parang nababalewala ko rin 'yon dahil sa ginagawa kong pagtulak kay James sa kanya ng hindi niya alam.
Nakaka-torn na talaga itong sitwasyon ko. Jeskelerd!
I made a promise with James that I will help him win Chianna's heart, but at the same time I was also rooting for Chianna's happiness. And I couldn't deny the fact that it was Yago who was making her happy right now. Knowing what kind of life she has been through, hindi ko kayang ipagkait 'yong kaligayahang nahanap niya dahil deserve niya ang gano'ng klase ng pagmamahal at atensyon na ibinibigay ni Yago sa kanya.
They were really match made from heaven. I won't even argue with that.
Hay, ano ba itong pinasok ko? Bakit kasi kailangang magpinsan pa ang maging magkaribal sa kanya? May the best men win na nga lang sa best friend ko. Bahala na sila diyan!
"Let's go. Pizza time na tayo? Gutom na ako," yakag ni James nang makalabas na ito.
Inangat ko iyong paperbag na hawak ko. "Sa second floor muna tayo. Ipapa-dry clean ko lang itong gown ni Tita Hill. Baka masakal ako no'n kapag nakalimutan ko."
"Okay," sabay na tango nung dalawa.
Tumungo na kami sa escalator at pumasok sa dry-cleaning services sa bandang kaliwa, tapat na tapat lang nung escalator. Matapos kong maiwan 'yong gown do'n ay lumabas na agad kami tapos napadaan kami sa isang pet shop.
Sa sobrang tuwa ko sa cute na tuta na nasa loob ay tila nakalimutan kong may kasama ako. Nagtatakbo ako papasok doon sa pet shop at agad na nilapitan ko 'yong tuta sa loob ng malaking kulungan. Tuwid na nakaupo ito sa ibabaw ng kwadradong dog bed niya habang nakatitig sa akin. Pinapakiramdaman siguro ako.
"Ang cute! Ang liit-liit niya!" singhap ko. Napatakip ako sa bibig nang ma-realize kong napapalakas ang boses ko.
Napaigtad tuloy 'yong cute na tuta sa harap ko tapos ibinaba niya ang ulo sa bed niya. Iyong mga mata niya ay biglang naglikot at kumawala ang mahinang iyak sa bibig niya.
"Sorry, chuchu. Natakot ba kita?" I cooed in my most gentle voice, as if I was tending a toddler. Bahagya akong yumukod upang mapagmasdan ko ito nang mabuti.
"Bilhin mo na," udyok sa akin ni James mula sa likuran ko kasama si Chianna.
Nakasunod na pala silang dalawa sa akin.
"Kung pwede lang talaga, eh. Matagal ko nang gustong mag-alaga ng aso kaso allergic si daddy. Siguro kapag independent na ako at may sarili na akong bahay, mag-aalaga na ako ng aso. Sa ngayon, hanggang tingin na lamang muna ako sa mga cute na dogs, parang sa crush ko."
"Hugot ba 'yon?" natatawang tanong ni James.
"Oo, para kay boy anesthesia," wala sa loob na usal ko.
"Boy anesthesia?"
"Manhid kasi 'yong crush niya," Chianna supplied. "Nakaka-badtrip na nga minsan, eh."
"Kilala mo 'yong taong gusto ni Jazz? Sino nang masapak ko?" dagdag na tanong nito. Umahon yata mula sa kailaliman ng lupa ang curiosity ng lalaking ito.
"Huwag mo nang kilalanin. Masasayang lang ang oras mo," I answered to drop the topic.
Baka kung saan pa mapunta 'yang pagtatanong niya, mabuking pa ako ng wala sa oras.
"Gusto niyo po bang hawakan 'yong tuta, ma'am?" magalang na saad nung babaeng attendant na lumapit sa amin.
Nagliwanag ang mukha ko dahil sa narinig at sunod-sunod na napatango. Nakaawang lang ang mga labi ko nang maingat na kunin nung attendant 'yong tuta sa kulungan at iniabot ito sa akin.
Halos matunaw ang puso ko dahil hindi naman ito naging mailap sa akin. Parang naglambing pa ito dahil ikinuskos niya ang mukha sa dibdib ko habang karga ko ito sa bisig ko. Himas-himas naman ng malaya kong kamay ang puting balahibo nito na kasing lambot ng bulak.
"Uwaaaaah! Ang liit-liit niya talaga! Teacup Pomeranian po ito, 'di ba?"
"Yes, ma'am."
"Ilang months na po siya?"
"Three months palang po."
"Ang baby mo pa!" masuyong pagkausap ko sa tuta at iniangat ito ng kaunti sa tapat ng mukha ko.
Oh, it's a girl!
"Stay healthy, chuchu, ha? Huwag kang magkakasakit. Gusto man kitang iuwi, kaso hindi pwede. Dalaw-dalawin na lang kita rito habang wala ka pang amo, okay?"
Tila naunawaan naman ako nung tuta dahil dinila-dilaan ako nito sa pisngi. Napahagikgik na lang ako dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya.
"Gusto ka rin ata niya," aliw na wika ni James, ang mga mata ay nakamasid sa akin.
"Sana pati crush ko, gusto rin ako," hirit ko na sinundan ko na lang ulit ng mahinang paghagikgik at buong ingat na niyakap muli 'yong tuta.
James frowned at me. "Sino ba kasi 'yang crush mo na 'yan? Sabihin mo na."
Nagkatinginan kami ni Chianna at nagkibit-balikat. "Secret. Walang clue!"
"Ang daya niyo talagang mga babae," ungot na lang ng huli.
"Gano'n talaga. Right, chuchu?" baling ko sa tuta. Namilog pa ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtibok-tibok ng puso niya. Ang bilis-bilis! Nae-excite rin ba siya kagaya ko?
Gusto ko na talaga siyang bilhin kaso ibabalik lang siya ni Daddy dito kapag inuwi ko ito. Kawawa lang.
Nanlulumong ibinalik ko na sa attendant 'yong tuta dahil baka malamog ko na ito.
"Thank you po, ate."
"Welcome, ma'am. Balik po kayo!"
Mabagal na tumango ako at tinapunan ng huling sulyap 'yong tuta na nasa loob na ng kulungan niya.
"Bye, chuchu!" kumakaway na paalam ko.
Hinila na rin ako ng mga kasama ko palabas dahil napapatagal na kami roon.
***
Happy tummy na naman kami ni Chianna dahil naparami ang kinain naming pizza. Libre dapat kami ni James kaso kinontra ko ito. Nakihati ako sa bayad niya dahil ayokong namang mamihasa kami kahit pa once in a blue moon lang ito manlibre. Last time kasi halos maubos na ang allowance niya noong gumala kaming dalawa kaya naman bumawi ako sa kanya.
Ngayong naisipan naming tatlo na maglaro ng bowling dito sa sports center ng mall ay ako na ang nagbayad ng entrance namin. Sulit naman iyong ibinayad ko kasi pwede kang mag-bowling dito ng one to sawa.
Nagpapababa lang muna kami ng kinain namin habang nakatayo at nakahalukipkip na pinanunuod iyong ibang taong naglalaro.
Malawak ang bowling alley na ito dahil meron itong twenty-two bowling lanes. Kahit iilan lang kaming narito ay maingay ang lugar dahil sa tawanan at hiyawan ng mga taong kasama namin dito. May pagtalon-talon pa nga sila kapag nakaka-strike sila. Bukod sa amin, may tig-dalawang tao doon sa tatlong lane sa aming harapan.
Dahil sa lakas din nung musikang pumapaimbulog sa loudspeakers ay daig pa namin ang nasa disco. Nilulunod na nung kanta iyong mga ingay na nililikha ng paggulong ng bola sa makinis na bowling lanes at ang pagtama nito sa mga pins.
Yay! Party-party!
"O! Si Miss Villarta ba 'yon?" sambit ni Chianna sa malakas na boses at tinabig pa ako sa braso.
Napalingon tuloy kami ni James sa itinuro ng daliri niya. May ibang tao pa pala rito. Hindi namin sila napansin dahil sa pinaka-dulong lane sila nakapwesto.
"Miss!" sigaw ni Chianna. Nag-echo pa ang boses niya sa bowling alley kaya natawag niya ang pansin nito.
Pinasingkit ko ang mga mata ko upang makita ko nang maayos kung professor nga namin iyong tinatawag ni Chianna. May kasama itong lalaki kaso hindi ko masyadong maaninag. Nakumpirma ko lang na tama ang kaibigan ko nang kumaway ito sa amin, kapagkuwa'y sinenyasan kami na lumapit.
"Tara, tawag tayo!" magiliw na yakag ni Chianna.
"Mukhang may ka-date ata si Miss. Baka makaistorbo lang tayo sa kanila," pigil ni James sa kanya.
Sinulyapan ulit ni Chianna si Miss Villarta pagkatapos ay nagpakawala siya ng pilyang ngiti sa labi.
"Hindi naman natin sila aabalahin. Kikilalanin lang natin kung sino ang ka-date niya. Dali na!"
"Ikaw, ikaw!" Tinuktukan ko siya sa noo. "Umiral na naman 'yang pagkatsismosa mo. Magpapa-blind item ka ba, teh?"
"Bakit kayo ba, hindi ba kayo curious kung sino 'yong lalaking kasama ni Miss?"
"Hindi. Hindi naman kami close ni Miss," bagot na saad ko.
"Ako rin," segunda ni James.
"Dali na kasi! Tawag na nga tayo ni Miss, o!" pangungulit nito.
Napabuntong-hininga na lang kami ni James nang damputin ni Chianna ang backpack na nakapatong lang sa plastic benches at nauna nang tumakbo patungo sa kinaroonan nina Miss Villarta. Kami naman ni James ay kinuha na rin ang mga bag namin upang sundan si Chianna, parehas na mabagal lang ang bawat paghakbang.
Palibhasa favorite professor ito ng kaibigan namin kaya galak na galak siyang makita ito outside school premises. Ito rin 'yong todo suporta sa kanya noong sumali sila ni James doon sa pageant.
"Wait, hindi ba teacher niyo 'yan sa workshop?" bulong ni James sa tabi ko habang naglalakad kami.
Napaangat tuloy ako ng tingin upang malaman kung sino ang tinutukoy niya. Nang sandaling iyon ay napabilis ang paghakbang ko hanggang sa namalayan ko na lang, lakad-takbo na ang ginagawa ko makalapit lang agad kay Miss Villarta dahil si Sir—este si Kuya Aga pala iyong lalaking kasama ng professor namin.
"Kuya Aga!" I called out with my voice cracking a bit because of too much excitement.
Alertong dumako ang mga mata niya sa akin at mukhang nahawa siya sa ngiting nakaguhit sa labi ko kaya sinuklian niya rin ako ng isang matamis na ngiti.
Muntik pa akong masilaw dahil nagliliwanag ng bongga ang aura niya. Dahil yata sa suot niyang dilaw na t-shirt. Ang puti na nga niya eh, lalo pa tuloy siyang pumuti.
"Uy, Jazz! Ikaw pala 'yan. Katatapos niyo lang bang gumala? Half-day lang daw kayo eh, sabi ng prof niyo."
"Yes, Kuya!"
"Maglalaro rin kayo ng bowling?"
"Opo, kayo rin po ba?"
"Yep! Nagja-jack en poy na nga kami kung sino ang mauuna," he replied, chuckling.
"Magkakilala na kayo nitong date ni Miss?" takang tanong ni Chianna sa akin.
"Loka kang bata ka. Hindi nga kami nagde-date ni Aga. Magkaibigan lang kami."
"Ma'am, ang showbiz po ng sagot niyo. Hindi ako naniniwalang magkaibigan lang kayo. Hindi convincing. Hindi ba, sir?"
Umiling si Kuya Aga at nginitian ang kaibigan kong maligalig. "We're just friends."
"Ay, sayang. Bagay pa naman kayo," pagnguso niya nang mahaba saka ako binalingan. "Ikaw, bakit kilala mo na agad si sir na gwapo?"
"Teacher namin sa flower arrangement workshop 'yang si Kuya Aga kaya naman magkakilala na kaming dalawa," imporma ko.
"Kuya Aga?" singit ni James saka pumosisyon sa pagitan namin ni Chianna. "Bakit hindi sir ang tawag mo sa teacher niyo nina Mommy?"
"Bakit ba? Eh, kuya ko na siya, eh!" belat ko kay James dahilan para angatan niya ako ng isang kilay tapos mabilis na idinako niya ang mga mapanuring mata kay Kuya Aga.
"Gano'n na kayo ka-close? Kailan pa?" he asked sounding like a strict policeman. Kung makipag-usap siya akala mo naman kaedad lang niya ang kaharap.
Siniko ko na lang si James dahil sa tono ng pananalita nito. "Bakit ba? May problema ba tayo diyan?"
James quickly shifted his gaze to me, his chocolate brown eyes filled with emotions I couldn't comprehend as he gave me a shrug of his shoulders.
"Wala lang. Nakakagulat lang."
"Oo nga. Nakakagulat nga ang closeness niyong dalawa. Hindi ko rin ine-expect," komento rin ng professor namin saka hinampas si Kuya Aga sa braso. "Ikaw, ha. Meron kang hindi ikinukwento sa akin."
"Ha?"
Tumawa naman si Miss Villarta sa naguguluhang reaksyon ng katabi. Nakatakip pa ang isang kamay niya sa bibig tapos napailing-iling.
"Nothing. Laro na tayo. Isali natin ang mga batang 'to."
Biglang nagtaas ng kamay si Chianna at may kakaibang kislap sa mga mata habang isa-isa niya kaming pinapasadahan ng tingin.
"Game! Taga-score ako. James and Jazz versus Miss Villarta and Sir Aga. Ang matatalo, manlilibre sa Cold Stone!"
"What?" gulat na anas ng professor namin. But Chianna only sent her a goofy grin.
Natawa na lang ako. "Ganyan talaga 'yan, ma'am. Paladesisyon."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
09/03/2025
0Tingnan Lahat