Homepage/Blurring The Lines/
Chapter Twelve - Lies
"Magkaaway na naman kayo ni James? Napapadalas na 'yang LQ niyo, ha? Hindi na healthy sa relasyon 'yan."
"LQ ka diyan? Hindi naman kami lovers!" ismid ko kay Remi at nangalumbaba na lang habang nagdo-doodle ako sa cattleya notebook ko.
Doon ko nilalabas ang lahat ng inis ko na hindi ko pa nailalabas kagabi dahil sa inakto ni James kay Yago. Sa sobrang diin nga ng pagguhit ko ay nabubutas ko na 'yong pahina at tumatagos na 'yong tinta ng red ballpen ko sa kabilang page. Gigil much!
"Ewan ko ba sa mga 'yan, parang mga aso at pusa. Ni hindi ko nga alam kung ano na naman ba ang pinagtalunan ng dalawang 'yan kagabi. Naabutan ko na lang, nagsisigawan sila," sabat naman ni Chianna sa usapan at pahapyaw na nagkwento pa.
"Hindi na ako magtataka, kung magka-developan kayo. Ang lakas ng chemistry niyo, infairness," komento pa ni Tootsie. "Para nga kayong divorce couple na may feelings pa rin sa isa't isa, kaso in denial lang."
"Bagay nga kayo, Ate Jazz! Kilig ako," segunda ni Karla sa mahinhin na boses saka bumungisngis. Siya ang bunso sa klase namin dahil tatlong taon ang tanda namin sa kanya. Genius na bata, eh. Accelerated.
Katatapos lang ng subject namin na Flight Operations Management at may flight demonstration kami sa next meeting namin. Kaya naman pinag-usapan na agad namin kanina ang mga role ng bawat isa habang two hours vacant pa kami bago ang next subject.
Anim na member sa bawat grupo and thankfully, napahiwalay sa amin si James. Baka maging chaotic lang ang presentation namin kapag nagsama na naman kami dahil siguradong puro bangayan lang ang mamamagitan sa aming dalawa. Grades pati ang nakasalalay dito sa demo namin. Pagandahan kami ng pag-deliver sa presentation kaya kailangan namin ng matinding concentration to the nth power.
Ayoko ng distraction, hangga't maaari.
"Sorry na raw, o." Siniko ako ng katabi kong si Jeric at itinuro si James na nasa kabilang dako lang ng classroom kasama 'yong mga kaklase naming lalaki na kalaro niya sa COD.
Feeling siguro nitong si James siya 'yong lalaki sa MV ni Taylor Swift dahil masyado siyang pa-cute. May pagsulat pa ito sa notebook niya ng malaking word na SORRY tapos naka-pout ang lips. Parang timang.
Inagaw ko ang pentel pen ng katabi ko at mabilis na nagsulat ako sa notebook ko at hinarap 'yon sa kanya upang ipakita ang sagot ko doon sa sorry niya.
'Huwag ka sa akin mag-sorry! Alam mo kung kanino ka may kasalanan!'
'Nope, sa'yo lang ako magso-sorry,' reply nito sa akin at inilipat ang kabilang pahina ng notebook niya. 'Please? Huwag ka nang magalit sa akin? Pards. :('
Pinaikutan ko na lamang siya ng mga mata dahil sa katigasan ng ulo niya. At bilang tugon sa kanya, nag-drawing ako sa likod ng aking notebook ng dalawang kamay na naka-middle finger. Nagtawanan tuloy ang mga kaklase naming nakakita sa palitan namin ng message.
'Sumbong kita sa mommy mo,' James mouthed at me. Inangat niya pa ang cellphone niya at kinuhanan ako ng picture. Napaka-damuho talaga!
Pumunit na lang ako ng tatlong pahina ng papel sa notebook ko. Nilakumos ko iyon at ibinato iyon sa kanya pero napakagaling talagang umilag nito. Patawa-tawa pa siya sa akin dahil nagmintis akong patamaan siya sa pangalawang attempt ko.
Feeling ko tuloy, noong pinana ito ni Kupido para sa akin siya ma-in love ay nakaiwas ito. Kaya ang ending, kay Chianna siya tinamaan at na-in love ng bonggang-bongga.
Hanep ka, Jazz. Naipasok mo pa 'yon.
Padabog na inilapag ko na lang ang ballpen ko at isinara na ang notebook ko. Sumandal ako sa upuan at kinagat-kagat ang dulo ng french braid ko. Hinampas tuloy ni Remi ang kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag mong ibunton diyan sa buhok mo ang pagkaaburido mo. Sayang naman ang effort ko na i-braid 'yan, tapos sisirain mo lang."
"Kasi naman! Nakakainis na siya, napaka-insensitive niya!"
"Alam na namin 'yan, wala na bang bago?"
"Nai-stress na ako, mars! What should I do?" pagmamaktol ko sa mga kasama ko.
"Ikain mo na lang 'yan ng chocolates, para tanggal ang stress mo," wika ni Tootsie.
"Speaking of chocolates, I'm craving bigla sa chocolate chips frapuccino. Tara SB?" aya ni Karla.
Umiling kaming lahat sa imbitasyon niya maliban lamang kay Tootsie. Mga tinatamad na kaming tumayo kaya silang dalawa na lang ang umalis para magpunta sa coffe shop diyan lang sa labas ng university. Mahaba-haba pa naman ang vacant time namin. Iyong iba nga sa mga kaklase namin, gumagala pa sa mall sa mga sandaling ito.
"I told you, sumuko ka na lang kung hindi mo kayang umamin tapos mag-move on ka na. Hanap ka na lang ng ibang crush, tapos ang problema!" pagbabalik ni Remi sa naiwan sa ereng topic namin.
I could only heave a deep sigh as I shrank onto my chair, hearing her nonchalant remarks.
"Huwag naman sumuko agad," kontra naman ni Chianna. "Sa tingin ko naman, meron 'yang patutunguhan. Konting push na lang 'yan, friend. Malay mo, isang araw magising ka na nagbunga na ang lahat ng efforts na ginagawa mo para sa kanya. Tingnan mo ako, successful ang pagsinta ko kay Yago kahit noong una, akala ko imposibleng ma-notice ako ng isang 'yon."
"Eh, paano nga mapapansin? Ang manhid-manhid nga nung crush niya," Jeric pointed out with emphasis. "Kahit nga kumain ng buhay na manok 'yang si Jazz sa harapan no'n, hindi pa rin siya tatapunan ng tingin. Iba lagi ang tinitingnan, eh."
"Mismo!"
"Ah, gano'n? Real talk kung real talk tayo?" apela ko saka pinamewangan sina Remi at Jeric nang mag-high five pa sila. "At ano namang akala mo sa akin, taga-circus? Bakit pakakainin mo ako ng buhay na manok?"
"Hindi nga naman kasi siya taga-circus, Jeric. Pero isa't kalahating clown naman siya. Suko na raw, pero hindi naman niya matiis. Ni hindi nga makuhang magalit nang matagal. Hay, naku. Pag-ibig nga naman..."
"Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang," dugtong ni Jeric sa huling tinuran ni Remi. Nagtunog makata pa ang bwisit.
Si Chianna naman ay mahinang tumawa sa pang-aalaska nung dalawa sa akin kaya pinaningkitan ko ito ng mga mata. Walang hiyang kaibigan 'to, kanina lang nakasuporta sa puchu-puchung pag-ibig ko tapos ngayon pinagtatawanan ako.
"Sorry! Love you!" pag-peace sign na lamang nito saka dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang palda nang tumunog ito.
Para itong nag-transform bigla mula sa human form to bulateng inasinan dahil naglilikot siya sa upuan niya. Panay sukbit pa niya ng kanyang buhok sa likod ng tainga at mahinang humahagikgik.
Pabebe ang gaga! Paano ba naman, si Yago ang kausap.
"Huh? Isasama ko si Jazz?" takang usal nito at nakakunot ang noong binalingan ako. "Okay, tanong ko muna kung free siya after class."
Itinuro ko ang sarili saka lumabi kay Chianna. Anong meron?
Nagkibit-balikat lang ito at malawak na ngumiti kahit hindi naman siya nakikita ng kausap niya. "See you later! Ingat ka!"
***
"Pards, pizza tayo! Libre ko kayo ni Chianna. Tapos after that, punta tayo doon sa favorite mong ice cream parlor. Treat ko rin," panlalambing ni James sa akin habang minamasa-masahe pa ang balikat ko.
Kung umakto ito, akala mo naman ay wala siyang ginawang eksena kagabi. Nakakaasar lang.
Nang tanggihan ko ito sa alok niya ay agad naman itong sumimangot. "Galit ka pa rin?"
"Gago, hindi. May pupuntahan lang kami ni Chianna ngayon."
"Oo nga. Bukas na lang tayo mag-pizza."
"Saan naman kayo pupunta? Bakit hindi ako kasama?" may himig ng pagtatampo na usisa nito.
Nagkatinginan na lang kami ng kaibigan ko at sabay na nagpakawala ng tensyonadong ngiti.
"Kasama kasi sina Rena at Charmelle! Girls bonding, alam mo na," pagdadahilan ni Chianna.
"Pupunta kami ng sauna!" I added, trying my best not to cringe hearing those lies that were escaping from my mouth.
"Oh, I see!" James smiled as he gave me a light tap. "Ingat na lang kayo sa lakad niyo. Pero bukas, tayo naman ang magbo-bonding, okay?"
"Sure! Karaoke pa tayo!" sambit ko. Nag-thumbs up naman ito.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi nang mauna nang lumabas si James ng classroom namin. Kami naman ni Chianna ay nagpalipas muna ng ilan pang sandali bago tuluyang lumayas. Nandiyan lang kasi sa tapat ng school si Yago, naghihintay sa amin. Mahirap na baka makita kami ni James na sinundo pala kami nito, magkagulo na naman.
Pupunta kasi kami doon sa studio nila Yago at hindi ko alam kung bakit kailangan na kasama pa ako. Ang bilin lang ni Yago nung tumawag ito kay Chianna kanina ay bitbitin daw ako nito.
Weird. May atraso ba ako sa kanya? Sa pagkakatanda ko, wala naman.
Paglabas nga namin ni Chianna sa main gate ng university ay natagpuan namin ang kotse ni Yago na nakaparada sa hindi kalayuan. Panay naman ang linga ko sa kaliwa at kanan upang makasigurong walang makakita na schoolmates namin nang sumakay kami sa kotse ng gitarista ng Cross Symphonia. Ayokong matsismis ako, tapos makarating kay James. Yari talaga ako ro'n.
***
"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Anong kailangan mo sa akin? Bakit pinapunta mo ako rito? May gusto ka bang sabihin?" I asked in my most intimidating deamenor with my arms folded across my chest.
Ayokong ipahalata na kabado ako dahil naiwan ako dito sa may kalakihang studio kasama ang banda ng Cross Symphonia. Magkatapat na nakaupo pa kami ni Yago sa pabilog na mesa at hindi ko mabasa ang emosyong nasa mukha nito.
Umalis sandali si Chianna ilang minuto palang nang makarating kami rito dahil niyaya siya nung magandang babae na nagngangalang Elena upang bumili sa labas ng meryenda. Lalo tuloy lumakas ang kutob ko na may pakay ang lalaking ito sa akin. Ano bang binabalak niyang gawin?
Napayakap na lang ako sa sarili ko nang sumandal si Yago sa inuupuan at mataman akong pinagkatitigan. Nagsalubong pa ang dalawang kilay niya habang pinapasadahan ako ng tingin, kapagkuwa'y sinuklay niya palikod ang kulay abo at hanggang balikat niyang buhok.
"Gusto mo ba ng drinks? Parang tense ka kasi. Wala naman akong gagawin," he said in a friendly manner.
Napalunok na lang ako ng dalawang beses at umayos ng upo. Bahagyang inurong ko pa 'yong plastic chair na inuupuan ko palapit sa mesa at ipinatong iyong kanang braso ko sa ibabaw.
"S-sinong tense? Ako? Hindi, no!" mariing tanggi ko habang nagta-tap ang mga daliri ko sa mesa at muling lumunok. "Pero, ano nga ang kailangan mo sa akin? Bakit pinasama mo ako rito?"
Bago ako sagutin ay umalis muna ito at may kinuha mula sa maliit na ref sa sulok ng studio nila. Habang pabalik si Yago sa pwesto niya ay mabilis na pinalipad ko ang mga mata sa dalawang kabanda niya. Nasa maliit na platform sila, nakaupo sa harapan ng drum set at tahimik lang na nakamasid sa amin.
"Iyong nangyari pala kagabi, pwedeng huwag mo nang ipaalam kay Chianna 'yon?" panimula ni Yago saka inilapag sa harapan ko 'yong bote ng Mogu Mogu. "Maging iyong mga sinabi ni James, pwede bang atin-atin na lang?"
Ilang segundong hindi ako umimik at tiningnan ko lang 'yong inumin na nasa harap ko, bago iangat ang mga mata patungo sa lalaking kaharap ko. Papresko pa akong sumandal sa inuupuan ko at dumikwatro.
"Ah, kaya ba pinapunta mo ako rito para lang sa bagay na 'yan? Nakaguhit ba sa mukha ko na napakadaldal kong tao?"
"No! Hindi naman gano'n ang gusto kong sabihin—"
"I know, i know. Chill. Pero medyo nakaka-offend lang na ma-judge," hayag ko saka binuksan 'yong bote ng Mogu Mogu. "But I can't blame you. Hindi pa naman tayo magkakilala," patuloy ko at uminom muna dahil nanunuyo na ang lalamunan ko.
"Don't worry, wala kang magiging problema sa akin. Matibay ang zipper ng bibig ko. Alam ko kung saan ako dapat makialam at alam ko kung alin ang hindi ko dapat pakialamanan. Seriously, we don't even need this kind of talk. Pwede mo naman akong i-add sa facebook at doon mo na lang sana sinabi sa akin 'to. Kainis, may pizza date pa naman sana kami ni James ngayon."
Yago let out a small chortle, staring at me like I'm some kind of entertainment for him.
"You know what? I like you already," bulalas nito kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hey, easy! Not that kind of like!" maagap na dugtong nito. "What I mean is, I like you for my cousin. Mukhang kaya mo siyang i-tame."
"Jusko ka, Koya! Pakiayos mga words mo, please! Akala ko tuloy balak mo akong gawin na side chick. Kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako!" tarantang sermon ko saka muling lumagok ng Mogu Mogu.
Habang nginangata ko pa 'yong nata de coco sa bibig ko ay biglang may gumulo sa utak ko.
"Wait! You said you like me for your cousin. But who's your cousin, anyway?" I asked with a furrowed eyebrows.
"Sino sa tingin mo?" balik na tanong nito.
Walanjo. Ano ba 'to? Pinoy Henyo?
"Malay ko!" iritadong singhal ko. "Galing ako ng school kaya pagod na ang utak ko mag-isip. Tapos hanggang dito ba naman pag-iisipin mo pa ako? Gusto mong kotongan kita? Pumapatol ako kahit sa hindi ko ka-close."
And ladies and gentlemen, tinawanan lang po ako ng kumag na manliligaw na Chianna.
"Ibang klase pala 'yang kaklase ng pinsan mo. May pagka-maton pala, ano?" napapantastikuhang sabat ni Cairo.
Napatayo naman ako at hinubad ang sapatos ko. Iniumang ko ito sa ere na parang ibabato ko ito sa kanya kaya napatago ito sa likod ni Ariz.
"Don't call me maton, ha! We are not that close. Si James lang ang pwedeng tumawag sa akin niyan," pagtataray ko.
"Naks, special pala sa'yo ang pinsan ko?" aliw na wika ni Yago kaya dali-dali kong ibinaling sa kanya ang buong atensyon ko.
"Wait, what? Anong sinabi mo?"
"Pinsan ko kako si James," ulit niya saka tipid na ngumiti.
"Seryoso ba?!" singhap ko, kumurap-kurap pa ng maraming beses ang mga mata ko.
Tumango-tango naman si Yago at ipinatong ang siko sa ibabaw ng mesa upang alalayan ang baba niya. "Secret lang natin, ha?"
"You mean, hindi rin 'to alam ni Chianna?"
"Hindi pa."
"Pero may balak ka naman sabihin sa kanya iyong totoo, right? Kasi ayoko talaga ng may nililihim ako. I won't even ask you why James is being hostile towards you, but promise me, you won't keep my friend in the dark for so long. Masasaktan 'yon."
"Promise, I won't."
"Magagalit ako kapag hindi ka tumupad sa pangako mong 'yan. At iba ako magalit, Yago. Bumubuga ako ng apoy."
"Dragon ka pala? Hindi ako na-inform," biro nito pero hindi ako natawa.
"Mahilig ka ba sa Moo, iyong chocolate drink?" I curiously asked when I suddenly remembered the conversation I had with James at the Northwall Rock.
And the way Yago flinched at my inquiry, I could feel that I stirred something in his memory as well.
"B-bakit mo naitanong?" tanong niya na halos bulong na lang. Mukhang kabado.
Umiling ako saka bumuntong-hininga. Dahil sa mga nalaman ay unti-unting luminaw sa akin kung bakit gano'n na lamang ang trato ni James kay Yago. Siya marahil ang pinsan na tinutukoy niya no'n na ayaw na niyang pag-usapan pa dahil sa mga bad memories niya rito.
Ang sakit naman sa ulo nito, Looooord?! Bakit ba binigyan pa nila ako ng isang palaisipan? Wala naman sa plano ko ang maging detective, utang na inside!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
09/03/2025
0Tingnan Lahat