Homepage/Blurring The Lines/
Chapter Nine - The Florist
"Bakit ka ba nakasalampak diyan sa semento? Ang dumi-dumi riyan."
"Eh, bakit nandito ka naman, sir? Don't tell me, professor ka rito? Pero bakit ngayon lang kita nakita?"
"Florist po ako, hindi professor. At kaya ako nandito, kasi magde-deliver ako ng bulaklak," malumanay na paliwanag ni Sir Aga, iyong teacher namin sa flower arrangement class.
Opo. Siya ang nakakita ng pag-eemote ko rito sa parking lot at sana naman hindi niya ako na-videohan tapos i-upload niya sa social media para mag-viral ako. O, kaya naman gawin niyang panakot sa akin tapos huhuthutan niya ako ng pera hanggang sa mamulubi na ako.
Pero hindi naman siguro siya gano'ng klase ng tao, 'no? Mabait naman siya dahil nakapalagayan siya ng loob nina Mommy at Tita Lindsey.
"Hindi ka pa ba tatayo riyan?" pukaw ni Sir Aga sa atensyon ko saka muling in-offer niya ang kanyang kamay. Ngunit kagaya kanina ay tinitigan ko lang 'yon. "Or gusto mong umalis na ako para maipagpatuloy mo na ang pag-iyak mo? Do you want to be alone?"
Napangiwi na lang ako sa huling sinabi niya at tinanggap ko na ang pagmamagandang loob niya. "Sabi ko nga po, tatayo na."
Dahan-dahang itinayo naman ako ni Sir Aga. Inalalayan pa nga niya ako patungo sa kotse niya para doon na lang daw ako maupo pero tinanggihan ko 'yon.
"Babalik na po ako sa loob," sabi ko pa sa kanya. "Thanks po!"
Mabilis ko siyang tinalikuran pero bago pa man ako makahabang ay tinawag ako nito. At hindi naman ako bastos sa mas nakakatanda sa akin. I turned to him with a polite smile plastered on my face.
"Bakit po?"
"Pwede mo ba akong samahan? Hindi ko kasi kabisado 'tong university niyo. Ide-deliver ko lang sana 'yong mga flowers sa kaibigan ko."
"Ako talaga?" bulalas ko. Mabilis ko ring kinagat ang ibabang labi dahil parang ang rude ng tono ko.
Sorry po. Badtrip lang.
"Uhm, meron pa bang ibang tao rito?"
Lumingon ako sa kaliwa tapos sa kanan then ibinalik ko ulit ang mga mata kay Sir Aga. May masuyong ngiting nakapaskil sa labi niya at iyong mga mata naman niya ay tila nakikiusap sa akin. Itong hitsura niya iyong tipong hindi mo magagawang i-turn down kasi makokonsensya ka.
Pero kung alam ko lang na magpapasama itobdapat pala hindi ko na lang siya pinansin nang tawagin niya ako at kumaripas na lang sana ako ng takbo. Gustong-gusto ko nang umalis at magtago na sa banyo upang i-flush ang sarili sa toilet bowl. Hindi ko kasi kinakaya ang kahihiyang sinapit ko ngayong gabi. Panggap na matatag lang ako, pero ang totoo niyan, kabado bente ako. Baka mamaya, i-chika nito kay mommy ang mga nakita niya.
Dapat ay hinintay ko na lang muna na makauwi ako at doon na lang ako nag-emote sa kwarto ko. At least do'n pwede pa akong magpatugtog ng kantang Classmate by Hambog ng Sagpo Crew ft. Winhope (unang araw palang minahal na kita ha~) habang iniisa-isa ko ang mga kagagahan ko kay James at 'yong mga upcoming na kagagahang gagawin ko pa para sa kanya.
Speaking of James. Announcement na siguro ng winner. Sana maabutan ko pa.
"Saan po ba ang punta niyo, sir? Ituro ko na lang."
"Sa auditorium. Nando'n daw 'yong friend ko sa backstage, huling chat niya sa akin."
"Ah." Napakamot ako sa ulo ko. Wala akong takas. "Sunod na lang po kayo sa akin. Pabalik din po kasi ako ro'n."
"Thank you, Jasmine!" sambit nito.
Tahimik na sumunod nga ito sa akin nang maglakad na ako matapos niyang kunin 'yong dalawang bouquet ng pinaghalong pink roses at white lilies. Sakto naman, pagdating namin do'n sa backstage ay sinalubong kami ni Miss Villarta, iyong professor ko. Laking pagtataka ko nga nung si Sir Aga ang nilapitan nito.
"Aga! Sorry, hindi ko na nasagot ang tawag mo. Nawili kasi akong manuod sa mga estudyante ko."
"Ayos lang, Nes. Mabuti nakita ko itong si Jasmine do'n sa parking lot kaya sumama na ako sa kanya papunta rito."
Sige Sir, i-bring up mo pa 'yong parking lot. Pagsisisihan ko talaga na hindi kita niligaw.
Ibinaba ni Miss Villarta ang mga mata niya sa akin bago tingalain ulit si Sir Aga. "Magkakilala kayo ng student ko?"
"Yes," he answered, giving me a quick glance. "She's attending my flower arrangement class with her mom."
"Nice! Small world, ha?" manghang bulalas ng prof ko saka maaliwalas na ngumiti. "Tutal nandito ka na, manuod ka na rin. Malapit naman na itong matapos."
"Sure! Wala na rin naman akong gagawin."
"At ikaw na bata ka." Bumaling ulit sa akin ang prof ko. "Kung saan-saan ka nagsususuot, hindi pa tapos ang program. Kanina ka pa hinahanap ni Remi."
Binungisngisan ko ang prof ko. "Si Remi lang po ang naghahanap sa akin?"
She frowned at me. "Sino pa bang ibang mahahanap sa'yo? Eh, kayong dalawa lang naman ang magkatulong dito sa backstage."
Aray naman, Ma'am! Masyadong mapanakit.
"And now, this is the moment that we've been waiting for..." anunsyo ng host na umagaw sa buong atensyon ko. Kasama na nito 'yong nanalong Mister and Miss Campus last year.
Iniwan ko na sila Sir Aga at nagpunta na ako sa bandang gilid nung stage upang puntahan si Remi. Nang tabihan ko ito, agad niya akong pinukol ng matatalas na sulyap kaya napa-peace sign na lang ako.
"Saan ka galing?"
"Diyan lang sa tabi-tabi," simpleng sagot ko na lamang.
"And the winner is...ang tatanghaling Mister and Miss Campus ngayong gabi ay mula sa—"
"Saan?!"
"Ang tagal namang sabihin!" hiyawan ng mga tao nang bitinin na naman ng host ang anunsyo niya. Tumawa lang iyong maligalig na host sa mga komento nila.
"And the winner is..." pambibitin na naman nito.
"Isa pang pambibitin nito, babatuhin ko na 'to ng heels ko!" inis na usal ni Remi.
"Paki-announce na po! Uwing-uwi na ako, aba!" sigaw ko na sinundan na rin ng mga reklamo mula sa audience.
"And the winner is, heto na talaga. Ang Mister and Miss Campus for this year ay mula sa Tourism Department! Mr. James Cuevas and Ms. Chianna Jimenez, congratulations!"
"Oh my God! Nanalo tayo! Nanalo tayo!" sabay na tili namin ni Remi at mahigpit na nagyakapan kasabay ng pagdagundong ng mga galak na sigawan at palakpakan sa kabuuan ng auditorium. Hindi na nga rin magkamayaw sa pagtili ang mga taong kasama namin dito sa backstage na akala mo, sila 'yong nanalo.
"Again, congratulations to our Mister and Miss Campus for this year!" masayang bati nung host kina James at Chianna.
Panandaliang kumalas kami ni Remi sa isa't isa para video-han sina James nang isuot na sa kanila nung dating winner 'yong sash at korona. At lalong umingay sa loob ng auditorium dahil nagwawala na ang mga ka-department namin.
"Tourism! Tourism! Tourism!" sabay-sabay na chant nila.
"James, nanalo tayo!" naiiyak na sambit ni Chianna.
Sa sobrang tuwa niya, napayakap na lang siya sa partner niya. Kitang-kita ko naman kung paano lumawak ang ngiti ni James sa kanyang labi at mabilis na tinugon niya ang yakap nito.
"Ayan, ayan! Iiwas mo na kasi ang mga mata mo sa mga bagay na makakasakit sa'yo. Tinitingnan pa kasi," suway ni Remi sa akin. May pagharang pa ng kamay niya sa mga mata ko.
Tinabig ko lang 'yon. "Heh! Wala naman sa akin 'yan."
"Talaga lang, ha? Tapos pag-uwi mo, doon ka ngangawa, ano?"
Nakaiyak na ako, girl! Though, nabitin 'yong pag-eemote ko.
"Uy, anak ni Mrs. Cuevas 'yong nanalo, right?"
Nasapo ko ang dibdib nang bigla na lang tumabi sa akin si Sir Aga, kasama ang prof namin. I just gave him a curt nod as response to his inquiry.
"Estudyante ko 'yan!" nagmamalaking sigaw ni Miss Villarta. Walang pasabing umalis ito upang abangan ang pagbaba nila James at Chianna mula sa stage. Para sa kanila pala 'yong bouquet ng flowers na bitbit ni Sir Aga.
"Uuwi ka na, after nito?" tanong ni sir.
Kunot-noong tiningala ko ito. Para sa akin ba 'yong tanong? Hindi siguro.
"Sir, nando'n na po si Ma'am," turo ko sa prof namin na nilalamutak na ng yakap 'yong pambato namin.
"Ikaw 'yong tinatanong ko," he said, chuckling.
"Ah, ako pala." Sinulyapan ko si James at may ngiti sa labing pinagmasdan ko ito. "Baka mag-celebrate pa po kami after nito."
"Sino 'yan?" bulong ni Remi sa tainga ko.
Hindi ko ito sinagot dahil busy akong magpakalunod sa kagwapuhan ng sinisinta ko. Gusto ko na siyang lapitan kaso ayaw ko namang sirain ang moment nilang dalawa ni Chianna ngayon. Mukhang masayang-masaya talaga ito sa atensyon na binibigay sa kanya ng babaeng gusto niya.
Hindi pa sila makaalis sa kinaroroonan nila dahil pinapalibutan sila ng mga taong kasama namin sa backstage. Kanya-kanya sila sa pagbati ng congratulations sa mga ito. Mayamaya pa ay naubos din ang mga tao sa paligid nila kaya agad na niyaya ko si Remi na puntahan sila. Kaso ang gaga, nakikipagkamay pa kay Sir Aga at may pag-beautiful eyes pa ito habang nakikipag-chikahan dito. Game na game naman itong si sir na makipagkwentuhan sa kanya.
Ayan, mukhang may bago na namang crush ang bruhang 'to. Talaga naman! Bahala na nga siya diyan.
"Chianna!" eskandalosang tawag ko sa aking kaibigan.
"Jazz!" Nagtatakbo ito para salubungin ako at mahigpit na nagyakapan kami habang nagtatatalon pa.
"Congrats, girl! Ang galing-galing mo talaga!" bati ko nang saglit na bumitaw ako sa kanya. Kawawa naman 'yong flowers niya eh, naiipit na sa pagitan namin.
"Naku, kung alam mo lang. Para na akong mahihimatay sa tuwing nasa ibabaw ako ng stage. Mabuti na lang, hindi ako naihi sa gown ko habang rumarampa kanina," kwento nito. Sinundan niya iyon ng marahan na bumuntong-hininga habang nasa dibdib niya ang isang kamay. "Thanks, God! Natapos na rin!"
"But, girl! Pak na pak ka talaga tonight! Next time, sa Binibining Pilipinas ka na sumali."
"Ayoko, shocks! Last ko na 'to. Hindi na ako uulit!" she grimaced, wiping the sweat on her forehead with the back of her hand. "Grabe kaya 'yong pressure. My God! Hindi ko keri."
"Congrats ulit. I'm so proud of you."
"Aww, touch ako." Niyakap niya ako ulit. "Thank you sa support."
"Balatuhan mo ako, gaga. Anong thank you ka diyan?" ismid ko at sabay kaming napahagikgik na lang.
"Hey, group hug! Bakit kayo lang?" reklamo ni James nang lapitan kami. Ibinuka niya pa ng malaki 'yong mga braso niya.
Nagkatinginan naman kami ni Chianna. Biglang may nagtakbuhan na mga daga sa loob ng dibdib ko nang bigyan niya ako ng isang pilyang ngiti tapos malakas na itinulak niya ako papunta kay James. Buti na lang, nasalo ako nito. Sana figuratively, saluhin niya rin ako.
"Group hug daw," nangingiting tukso ng walang hiya kong kaibigan.
Pasimpleng tinaliman ko na lang siya ng tingin at umayos na ako ng tayo.
"C-congrats!"
Tae. Syet! Bakit may pag-buckle?
"Thanks!" James replied, grinning. "Hug ko? Nasaan?"
"Timang ka," usal ko.
"What?"
"Wala! Congrats kako ulit," sagot ko na lamang at binigyan siya ng maikling yakap. Hindi ko kayang magtagal sa bisig niya, baka mag-melt ako nang tuluyan.
"Saan na tayo magce-celebrate?" excited na baling ni James kay Chianna.
Bago pa man maibuka ng kaibigan namin ang kanyang bibig upang sumagot ay may tumawag sa kanya. Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran namin. Mabilis na sumama naman ang anyo ni James dahil sa pagsulpot ni Yago dito sa backstage upang sunduin si Chianna. Magce-celebrate raw sila kasama ang banda nito at sina Charmelle.
Siyempre, niyaya kami ni Chianna pero tinanggihan ito ni James. Naiwan tuloy kami dito sa backstage na kapwa walang imik. The air around us was getting heavy and I didn't know what to do anymore just to brighten up his mood. Alam ko naman na sa mga oras na ito, tanging si Chianna lang ang makakapagpasaya sa taong 'to.
Kung pwede ko lang hiramin 'yong powers ni Pirena para magaya ko ang itsura ni Chianna, ginawa ko na para good mood na ulit ang damuhong ito.
"Uhm, James. Saan na tayo?" lakas-loob na basag ko sa katahimikan.
Baka kasi maihip kami ng hangin sa kinatatayuan namin eh, tapos maging estatwa kami forever. Hindi kasi kami gumagalaw.
"Sorry, Jazz." Ibinigay niya sa akin 'yong bouquet na hawak niya tapos hinubad niya 'yong sash na suot maging ang korona niya. "Sa ibang araw na lang tayo mag-celebrate. Pagod na ko."
***
"Bakit pala umiiyak ka sa parking lot kanina? May problema ka ba?"
"Sorry, sir. Hindi pa tayo gano'n ka-close para mag-open up ako sa'yo, kaya next question, please."
Mahinang tumawa naman ang katabi ko sa naging sagot ko sa kanya bago ito sumubo ng ice cream—mango flavor 'yon. Nakikita ko ang bawat galaw niya dahil sa reflection naming dalawa sa glass wall nitong convenience store.
After ng pageant ay umuwi na si James at hindi ko na ito nakausap pang muli matapos niya akong layasan sa backstage. Ang ending, napasama ako dito kay Sir Aga dahil nagprisinta itong ihatid ako. Hindi ko na 'yon natanggihan pa dahil nahirapan na rin akong mag-book ng cab kanina.
Tutal, ihahatid niya rin naman si Miss Villarta dahil iisang direksyon lang naman ang inuuwian namin kaya naman wala nang patumpik-tumpik na sumakay na ako sa kotse niya. Nauna lang bumaba si ma'am dahil mas malapit ang bahay nito compare sa akin.
Pagdating naman namin dito sa tapat ng aming subdivision, nagpalibre ako ng ice cream dito kay Sir Aga. Kapalmuks ako, since I did him a favor earlier. Aba, kung hindi naman dahil sa akin, baka naligaw na siya sa malawak na university namin.
"Oo nga pala!" Napatayo ako nang may maalala. "Baka makalimutan kong isauli, eh."
Hinubad ko 'yong yellow-green long-sleeve polo ni Sir Aga na pinahiram niya sa akin kanina. Pinagtitinginan kasi ako ng mga estudyante noong naglalakad kami sa hallway ng auditorium dahil gusgusin na ang pantalon ko. Itinali ko na lang sa bewang ko 'yong polo ni sir upang matakpan ang pwetan kong madumi.
Lagot ako kay Mommy nito. Puting-puti pa naman ang pants ko.
"Thanks po, sir!"
"Your welcome," magiliw na tugon niya at inilapag sa hita 'yong long-sleeve polo niya.
Bumalik na ako sa pagkakaupo at nagpatuloy sa masayang pagkain ng ube ice cream—my comfort food. At kahit paano naman, nawawala na 'yong bigat na nararamdaman ko.
"Taga-saan po kayo?" casual na tanong ko.
"Diyan lang sa kabilang lungsod."
"Weeeh?" I gasped, eyes widened for a few seconds. "Akala ko tagarito lang din kayo sa Mariano kasi nandito ang flower shop niyo."
Umiling ito. "Hindi sa akin 'yon. Sa kapatid ko talaga 'yon, katuwang niya lang ako. She lives here, malapit lang dito sa subdivision niyo."
"I see. Doon ka po umuuwi?"
"Nope. May sarili akong bahay," he chuckled.
"Ngiii. Tapos inihatid niyo pa ako, hindi naman pala kayo dito nakatira."
"It's okay," he said reassuringly. "Kaysa naman hayaan lang kita na mag-commute. Gabing-gabi na."
Napatingala ako kay sir para tingnan ang mukha nito upang matukoy ko kung talagang ayos lang sa kanya na inihatid niya ako. Malay ko ba kung pakitang tao lang pala siya tapos sa loob-loob niya badtrip na siya kasi imbes na nakuwi na siya, napalayo pa ang biyahe niya.
But the way he smiled at me, mukhang genuine naman. Likas na gentleman siya, gano'n. Parang si James, gentleman 'yon kung hindi lang bugnutin.
Kumusta na kaya 'yon?
Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko. Bumagsak lang ang balikat ko nang makitang nag-seen lang ito sa mga chat ko.
"O, bakit parang pinagbagsakan ka na naman ng langit at lupa diyan?" puna ni Sir Aga nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ako.
Sumubo ako ng ice cream at sinipsip 'yong maliit na spoon. Ice cream really taste better with a wooden spoon, fight me!
"Sad lang po ang puso ko. Hindi kasi ako crush ng crush ko," sagot ko kay Sir Aga matapos namnamin ang lasa ng wooden spoon ko. "May mali ba sa akin? Pangit ba ako, Sir? Kapalit-palit ba ako?"
Bumunghalit naman ito ng tawa kaya napatingin sa amin 'yong ibang tao dito sa convenience store. Nakukulob ba naman dito sa loob 'yong mga tawa niya, agaw-atensyon tuloy. Luh, siya. I'm serious kaya.
"Parang line 'yan ni Liza, ah."
"Naks! Napanuod niyo 'yong movie na 'yon, sir? Favorite ko 'yon, eh. Ang ganda kasi, 'no?"
"Yeah," he mumbled. Biglang lumungkot ang boses.
Napatingin ako sa repleksyon niya sa glass wall upang pag-aralan ang reaction niya. Nakahawak ang kamay niya doon sa pendant nung kwintas na suot niya habang himas-himas iyon ng mga daliri niya. At dahil may pagka-tsismosa ako, I shifted my gaze on the pendant of his necklace. Dalawang singsing 'yong pendant ng kwintas niya, iyong isa mas malaki ng kaunti ang size.
"Kasal na po kayo?" usisa ko.
Tumawa na naman ito. Joker ba ako?
"Loko, hindi pa ako married. Wedding ring ito ng parents ko. May pagbibigyan dapat ako, kaso hindi niya tinanggap."
"Girlfriend?"
"Ex-girlfriend na," tipid na sagot nito.
"Bakit kayo nag-break?"
Ibinaba niya ang tingin sa akin tapos ginulo-gulo ang buhok ko. "Hindi pa tayo gano'n ka-close para mag-open up ako."
Pabirong umirap ako at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko. "Pangit mo sir, wala kang originality."
Napatakip naman si Sir Aga sa bibig niya dahil natatawa na naman siya sa mga pinagsasasabi ko. Pakababaw naman ng kaligahayan nito.
"Hay!" buntong-hininga na lang niya saka tumayo. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. "Tara na ngang bata ka, ihatid na kita sa inyo. Kakabagin na ako, kakatawa sa'yo."
"Okay!" I replied in a sing-song. Energetic na ako ulit ng dahil sa ice cream.
Salamat po sa libre.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
good
09/03/2025
0Tingnan Lahat