Homepage/Afraid to Fall in Love (Neurelia Series #1)/
Chapter 23
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya bago siya yumuko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. Hindi ko kayang maniwala sakanya dahil hindi ko siya kilala. Hindi ko din kayang magpapasok ng panibagong problema ngayong wala na si tatay.
Narinig ko ang pagsinghot niya bago niya pinunasan ang mga mata niya. Sinalubong niya ako ng ngiti. Dahan dahan siyang tumango at tumayo.
"P-please take care of yourself, Rachel." sabi niya.
Tumango ako at tiningnan ulit ang kabaong ni tatay.
"But I'm sorry, hindi ko magagawa ang gusto mo." sambit niya.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya.
"I can't let you slip away from me again." taas noo niyang sabi.
Matagal akong napatitig sakanya.
"Sabi ng nanay ko ay hindi mo daw ako kayang buhayin kaya binigay mo ko kay tatay." seryosong sabi ko na nagpalunok sakanya.
Dahan dahan akong umiling at tiningnan siya ng mariin.
"I didn't slip away. You.......gave me away." walang emosyong sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi ni nanay noong dinner sa bahay nila Castañeda.
Kung totoo man ang sinabi ni nanay.....then I hate her.
Hindi ko maatim na isipin na binigay niya ko sa iba dahil hindi niya ko kayang buhayin.
"R-rachel-"
"You said it yourself. Hindi ngayon ang tamang oras para malaman ang katotohanan so please leave. I might say something terrible, I'm not in my right mind." seryosong sabi ko.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago ko ulit tiningnan ang kabaong ni tatay. Laking pasasalamat ko at umalis na siya. Tiningnan ko ang likod niya na ngayon ay naglalakad papalayo sakin.
Yumuko ako at inalis ang luha sa gilid ng mga mata ko. Malalim akong bumuntong hininga bago ko tiningnan ulit ang kabaong ni tatay.
Anong gagawin ko ngayon, tay?
Ilang oras na ang lumipas at ilan nalang kaming nandirito. Si Riza at ang mga magulang niya, si Dwayne, tita Leah at ako.
Lahat ng mga kaklase ko ay umalis na.
Napatingin ako kila Riza nang naglakad sila papunta sakin. Agad akong tumayo at nginitian sila.
"Mauuna na kami, Rachel. Don't give up, okay?" nakangiting sabi ng nanay ni Riza na tinanguan ko.
"Una na kami, Rachel. Ingat ka ha at please kumain ka na." nag aalalang sabi ni Riza.
Nginitian ko lang siya. Hindi ko kayang kumain, Riza. Hindi maalis sa isip ko si tatay. Pagod na pagod nako.
Tinanguan ako ng tatay niya bago sila umalis. Nang makitang wala na sila ay malalim akong bumuntong hininga at umupo ulit.
Napalingon ako sa taong biglang tumabi sakin.
"Kumain ka na?" tanong niya habang nakatingin lang sa harapan.
Ngumiti lang ako at piniling hindi sagutin siya.
"H-hindi na natin matitikman ang menudo ni tatay." natatawang sambit ko.
Hindi ko na din siya maipagluluto. Mamimiss ko ang masarap niyang menudo. Mamimiss ko yung mga halik niya sa noo ko. Mamimiss ko ang mga tawa niya. Namimiss ko na siya.
"Rachel, your mom is here." biglang sabi ni Dwayne kaya lumingon ako sa likod ko.
Pagkatapos ng apat na araw ay nagpakita na siya. Napansin ko ang kaonting pamamayat niya. Kitang kita din ang pamumula ng mga mata niya. Parang kakaiyak niya lang.
Bahagya akong napangiti.
Tama nga si tatay. Mahal siya ni nanay. Kung ganito na kasakit ang nararamdaman ko.......pano pa kaya siya? Pano pa kaya si nanay na unang nagmahal kay tatay?
Dire diretso ang paglalakad niya hanggang sa makita niya si tatay. Nagkatinginan kami ni tita Leah bago ko ulit tiningnan si nanay. Napayuko ako nang marinig ang pag iyak niya.
Lahat kami ay miserable ngayon. Eto ang epekto mo samin tatay.
Alam kong mas nasasaktan si nanay ngayon. Wala siyang ibang ginawa kundi saktan si tatay pero ang totoo ay mahal niya pala ito. Sigurado akong labis ang pagsisisi niya ngayon.
Tahimik lang naming tiningnan si nanay hanggang sa dahan dahan siyang lumapit sakin. Mabilis na tumayo si Dwayne at naglakad papalayo para bigyan kami ng oras makipag usap.
"N-nay." mahinang pagtawag ko sakanya.
Binigyan niya ko ng maliit na ngiti bago siya umupo at humarap sakin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tiningnan ako ng diretso.
"T-totoong nanay mo siya, Rachel." naiiyak niyang sabi.
Naestatwa ako nang marinig ko ang sinabi niya.
Ano? Bakit? Papaano?
Mabilis na dumami ang mga katanungan sa isip ko. Hindi ba pwedeng magpahinga na muna ako?
"Unang nagkarelasyon sila Vanessa at Luis. Nung naghiwalay sila ay naging kami. Pero isang araw ay iniwan niya ko.......at nalaman ko na dahil yun kay Vanessa. Tinanggap ko yun, Rachel pero nagsunod sunod na yun. Hindi maalis sa puso at utak niya si Vanessa pero mahal ko ang tatay mo kaya hindi ko siya iniwan." pagkwekwento niya.
FLASHBACK
Almalina's POV
"Babe, anong sayo?" nakangiting tanong ko kay Luis.
Ilang minuto kong hinintay ang sagot niya hanggang sa marealize ko na hindi pala siya nakikinig sakin.
Nandito kami sa coffee shop para mag date, Feb 14 kasi ngayon, valentines day.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at doon ko nakita si Vanessa, ang ex niya. Nakikipagtawanan ito sa mga kaibigan niya.
Muli kong tiningnan si Luis, agad kong nakita ang lungkot sa mga mata niya. Ito ang pinaka ayaw ko, ayaw kong nakikita siyang malungkot.
Malalim akong bumuntong hininga at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Pumapayat ka na, kumain ka nga ng maayos." nakangusong sabi ko na tinawanan niya.
"Oo na, ma." pagbibiro niya na para bang wala lang yung kanina.
Nang makita ko siyang masaya ay parang nakalimutan ko na ang pagtingin niya kanina sa ex niya. Malaking bagay para sakin ang kasiyahan niya.
"Anong mama, ha?" natatawang tanong ko sabay gulo sa buhok niya. "Cheer kita bukas." nakangiting sabi ko.
May laro sila bukas ng basketball. Nabalitaan ko na makakalaban daw nila ang mga seniors.
"Edi sure win na kami bukas." mayabang niyang sabi na inirapan ko.
Kung hindi mo siya lubusan na kilala, hindi mo malalaman na meron siyang pinagdadaanan. Oo, marami akong alam sakanya pero alam ko ding merong mas higit na nakakaalam sakanya.
Nilingon ko ang labas at nakita ko si Vanessa na nakatingin samin. Nang makita niyang nakatingin ako ay mabilis siyang ngumiti at kinawayan ako. Ayokong maging masama sakanya dahil wala siyang maling ginawa sakin kaya nginitian ko siya pabalik.
"GO LUIS!!! KAYA MO YAN!!!" malakas kong sigaw kay Luis na ngayon ay hawak ang bola.
Mabilis siyang tumakbo habang dinidribble ang bola. I shushoot na niya sana ito pero bigla siyang binangga ng kalaban na nagpatahimik saming lahat.
Gusto kong suntukin yung lalake na bumangga sakanya.
Napahiga si Luis at kitang kita sa mukha niya ang sakit. Hawak hawak niya ang braso niya na mukhang napuruhan.
Inanouce ng referee na foul iyon at humingi ng time out ang coach ni Luis. Mabilis akong bumaba at pumunta sa locker room nila dahil nakita kong doong direksyon nila dinala si Luis.
"Magpahinga ka na muna, Luis. Hindi na kakayanin ng braso mo." seryosong sabi ng coach nila at agad nag reklamo si Luis.
"Pero coach-"
"Mr. Algabre. Gusto mo bang dumating yung panahon na hindi ka na makakalaro ng basketball sa buong buhay mo?" tanong ng coach niya kaya hindi na nakaimik si Luis.
Nandito lang ako sa labas, nakikinig sakanila. Nang lumabas na ang coach nila ay pumasok nako.
"Van?" mabilis na tanong ni Luis na nagbigay ng sakit sa puso ko.
Agad akong napahinto dahil sa sinabi niya. Luis, hindi ako si Van. Agad siyang namutla at binigyan ako ng pilit na ngiti.
"Ahh Lina, ikaw pala." pilit ngiting sabi niya.
Luis, ako yung nandito pero bakit siya yung hinahanap mo?
"Okay ka lang?" malamig kong tanong na nagpamutla lalo sakanya.
"Lina-"
"Mukhang okay ka lang naman, aalis nako." seryoso kong sabi at umalis na.
Kaya pala hindi niya ko magawang ipakilala sa mga magulang niya. Kailangan ko pang masaktan ng ganito para magising sa malaking katangahan ko.
"Isang araw inatake ang tatay ko. Iyak ako ng iyak nun mabuti nalang at nandoon si Luis para tulungan ako. Dinala namin si tatay sa ospital pero nang nakarating kami doon ay bigla siyang nagpaalam sakin. Meron daw siyang kailangan puntahan at si V-vanessa yun." sabi ni nanay habang nakatingin lang sa litrato ni tatay.
Habang sinasabi niya ang mga iyon ay patuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya.
"N-nak, mas pinili niyang puntahan yung ex niya kaysa sakin at yun ang pinakamasakit." naiiyak niyang sabi.
Pinili kong hindi nalang magsalita at yinakap ko siya ng mahigpit. Hindi ako komportable sa ganito dahil ngayon ko lang siya nakita sa ganitong estado.
"P-pasensya sa lahat ng nagawa ko, Rachel. Sa tuwing nakikita kita ay relasyon nila Luis at Vanessa ang naalala ko kaya galit na galit ako sayo." bulong niya.
Tumango ako at dahan dahan siyang inintindi. Hindi ko kayang magalit sakanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumayo at lumuhod sa harapan ko.
"P-please, sumama ka sakanya." pagmamakaawa niya na lalong nagpabuhos sa mga luha ko.
"T-tumayo po kayo, nay." naiiyak kong sabi habang hinahawakan ang magkabilang braso niya.
"N-nak, gusto ng tatay mo na makasama mo ang tunay mong mga magulang-"
"Gusto niyang magsama tayo!" malakas kong pagputol sa sasabihin niya.
Marahas akong umiling.
"G-gusto ko kasama kita, nay." nanghihinang sambit ko.
Matagal siyang napatitig sakin bago siya napatakip sa bibig niya. Ilang minuto siyang humagulhol kaya akala ko ay ayos na pero gumuho ang mundo ko dahil sa sunod niyang sinabi.
"A-ayokong makasama ka, nak."
Lalong nadurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Natulala ako at naestatwa. Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko.
"Sumama ka sakanya, Rachel. Sila ang tunay na mga magulang mo." madiin niyang sabi.
Ilang segundo niya kong tinitigan bago siya tumayo at hinalikan ang noo ko.
"P-pasensya na." mahinang bulong niya bago siya nawala sa paningin ko.
Nanghihinang sumandal ako sa upuan at dahan dahang nilingon ang litrato ni tatay na nasa ibabaw ng kabaong niya. Matagal akong napatitig sa nakangiti niyang litrato bago ko tinakpan ang bibig ko at malakas na humagulhol.
"T-tay, ako nalang mag isa." nanghihinang sambit ko.
Malalim akong bumuntong hininga.
"Rachel!"
Bakit nandito siya?
Tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko ngayon. Buong gabi akong ganito. Ewan ko pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Kahapon nilibing si tatay at ngayon ako nalang mag isa dito sa bahay. Hindi na umuuwi si nanay dito at wala na din ang mga gamit niya. Tanging si tita Leah nalang ang nakakasama ko pero hindi sa lahat ng oras.
Isang oras na siyang kumakatok sa pintuan. Akala ko ay aalis na siya pero hindi pala. Gusto ko sanang mapag isa ngayon pero naawa ako sakanya. Siguradong napakainit sa labas.
Muli akong bumuntong hininga bago ako bumangon at tumayo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto.
Napatitig ako sa pintuan ng kwarto nila nanay at tatay. Nang mapansin kong maiiyak nako ay mabilis akong ngumiti.
"G-good morning, nay at t-tay." mahinang sambit ko.
Nang makababa ako ay narinig ko na naman ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Rachel! Nandiyan ka ba?!" sigaw niya.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan at binuksan iyon. Agad nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
T-talaga bang ikaw ang totoo kong nanay?
Ilang minuto kaming nagkatitigan bago siya tumikhim at nagsalita.
"K-kumain ka na ba?" nakangiting tanong niya.
Bakit parang nakikita ko ang sarili ko sakanya? B-bakit parehong pareho kami ng mga mata?
Yumuko ako bago ko siya tiningnan ng diretso.
"Bakit po kayo nandito?" walang emosyong tanong ko.
Marahan siyang lumunok at pinakita sakin ang paper bag na dala dala niya.
"G-gusto ko sanang makasama kang
k-kumain, kung a-ayos lang naman." pilit ngiting sambit niya.
Napatitig ako sakanya.
"P-please, sumama ka sakanya."
Wala sa sarili akong napatango nang maalala ko ang sinabi ni nanay sakin. Siguro siya nga talaga ang totoong nanay ko.
Siguro ang iba ay sasaya pag nakita na nila ang totoo nilang mga magulang pero bakit ako hindi? Siguro dahil to sa mga katanungan sa isip ko.
Bakit niya ko binigay kay tatay? Bakit hindi niya ko magawang palakihin? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Talaga bang hinanap nila ako? Gusto ba nila akong maging anak? Pasaway bako nung sanggol pako kaya nila ako binigay?
Sa totoo lang ay galit ako sakanya.
"A-are you sure, Rachel? Pwede naman kung hindi-"
"Tuloy po kayo." pagputol ko sa sasabihin niya.
Galit ako pero gusto ko ng mga kasagutan sa mga tanong ko.
Binuksan ko ng malaki ang pintuan at sinensyahan siya na pumasok. Nakangiti siyang tumango at agad niyang tiningnan ang buong bahay.
"Pasensya na kung maliit lang ang bahay namin." sambit ko at naglakad na papunta sa kusina.
"N-no! I actually like it." mabilis niyang sabi na tinanguan ko.
Nilapag niya sa lamesa ang dala niyang paper bag at nilabas ang mga laman nito. Napataas ang kilay ko nang makitang may dala siyang menudo.
"U-um, Riza mentioned that you like menudo so I learned how to cook it. I'm not sure if it taste good for you." maingat niyang sabi.
Tumango lang ulit ako. Naglabas ako ng dalawang plato, kutsara, tinidor, at baso para saming dalawa.
Nang umupo na siya ay umupo na din ako. Kukuha na sana ako ng kanin pero naunahan niya ko. Nakangiti siyang sumandok doon at naglagay siya ng maraming menudo sa plato ko.
"Salamat." sambit ko nang matapos siya.
Sabay kaming nagsimulang kumain. Napansin ko ang pananahimik niya, siguro dahil napansin niya na ayaw kong magsalita.
Nang matapos kaming kumain ay sinalinan ko siyq ng tubig. Hinintay ko siyang matapos bago ako tumikhim.
"Ba't niyo po ako binigay kay tatay?" diretsong tanong ko.
Binigyan niya ko ng maliit na ngiti at dahan dahan niyang inabot ang kamay ko pero nilayo ko ito sakanya. Tumingin siya sakin at binigyan niya ko ng ngiti.
"B-bata pako, Rachel. Gusto kong buhayin ka pero alam kong maghihirap tayong tatlo-"
"At si tatay hindi maghihirap?" pagputol ko sa sasabihin niya. "Hindi magkalayo ang edad niyo ni tatay. What makes you think na hindi maghihirap si tatay sa pagpapalaki sakin?" dagdag ko.
Maluhaluha siyang napatitig sakin.
"My father suggested to abort you." mahinang sambit niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Nakayuko siya ngayon habang nilalaro ang kamay niya. Nakita ko ang paglaglag ng mga luha sa kamay niya kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
Kahit papaano ay may puso parin ako at naawa ako sakanya.
"I-i don't want to lose you, Rachel. So I asked Luis a favor to raise you. M-my dad was so powerful that he can do anything. P-patago kitang pinanganak because I knew that he would do something to get you a-away from me." nakayuko niyang sambit.
My grandfather wants to abort me.
Ayaw na nga sakin ni nanay, pati ba naman ang lolo ko?
Napatingin ako sakanya nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko.
"God knows how I fought for you, Rachel. Your father witnessed all of it. P-please forgive me. P-please be with me." naiiyak niyang sabi.
Palakas ng palakas ang pagbuhos ng mga luha niya. Pulang pula na ang buong mukha niya. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako.
Mariin akong pumikit at yumuko.
"I'm now 19 years old. Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sabay tingin sa mga mata niya.
Matagal siyang napatitig sakin bago niya ko binitawan at umupo ng maayos.
"L-luis doesn't want to give you back to me." sabi niya na nagpatigil sakin.
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
B-bakit yun gagawin ni tatay?
"He told me that he wants to keep you forever. Na napamahal ka na raw sakanya kaya hindi ka niya kayang ibigay sakin. I begged so many times pero matindi ang paninindigan niya na wag kang ibigay sakin.
I-i even tried to scare him about getting him to prison pero wala parin." mahabang pagkwekwento niya.
Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko. Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata ko kaya tumingala ako para patigil ang pagbagsak ng mga luha ko.
T-tay, bakit?
"B-but please don't misinterpret him. He just loves you very much. Alam kong naging selfish siya but that's because for him, you are his daughter." dagdag niya dabay hawak ulit sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Nang makita ko ang galit sa mga mata niya nang sinubukan kitang kunin, that's the day I knew that he raised you full of love. That he would do everything to keep you." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Dahan dahan akong tumango at ngumiti.
"M-mahal na mahal ako ni tatay." naiiyak kong sabi.
Ngumiti siya at tumango.
T-tay. Hindi mo talaga hahayaan na maiwan ako mag isa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
dóne
08/08
0maravilhosooooooooooo
26/04/2024
0Bitin hihi
27/11/2023
0Tingnan Lahat