Chapter 21

"Tay, papasok na po ako." mahinang sabi ko kay tatay na ngayon ay nagkakape sa kusina.
"Sige, mag ingat ka." sabi niya habang hindi ako tinitingnan.
Nasa kape lang ang atensyon niya.
Malalim akong bumuntong hininga bago ako umalis.
Hinatid kami ng kapatid ni Ryle kagabi. Pagkatapos kong sumigaw ay hindi na niya ko sinagot.
"We should leave now. Your parents are tired, I'm sure you know that." seryosong sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko bago tumango at pumasok sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Kahit isa ay walang nagbalak na magsalita.
Nang makarating kami ay hindi ko na nagawang magpasalamat dahil sa dami ng mga iniisip. Mabuti nalang at nagpasalamat si tatay bago siya bumaba.
Napatingin ako kay Riley nang bumaba din siya.
"I'm really sorry." sincere niya sabi na pinagtaka ko.
"P-para saan?" nanghihinang tanong ko.
Umaasa akong sasagutin niya ko pero yumuko lang siya at umiling. Tumango siya kila nanay at tatay bago siya pumasok muli sa sasakyan at umalis.
Isang katanungan na naman ang dumagdag sa mga iisipin ko.
Parang sasabog ang utak ko dahil sa mga nangyayari. Gustong gusto kong magtanong kila tatay pero alam kong pagod sila. Kahit si nanay ay tahimik lang na pumasok sa kwarto nila at hindi na siya lumabas pa.
"Magandang umaga po, kuya." mahina kong pagbati kay manong guard na nginitian niya.
Inayos ko muna ang bag ko bago ako nagsimulang maglakad. Pero naestatwa ako nang makita ang lahat na nakatingin sakin.
B-bakit?
Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa room.
Muli akong napahinto nang makita ang lahat ng kaklase ko na nakatingin din sakin.
"A-anong meron?" tanong ko.
Napalingon ako kay Riza nang makitang nag aalala siyang lumapit sakin.
"A-anong nangyari sa dinner niyo kahapon?" tanong niya.
Binasa ko muna ang labi ko bago ko siya binigyan ng pilit na ngiti.
"O-okay lang." mahinang sabi ko.
Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo doon. Kinuha ko ang librong palagi kong binabasa at binuklat iyon para mapunta doon ang atensyon ko.
Napasinghap ako at gulat na napatingin kay Riza nang marahas niyang kinuha ang libro ko.
"Riza!" iritado kong sigaw.
"Wag kang magmaang maangan, Rachel. May nangyari ba kagabi? Nag away ba kayo ni Ryle?" sunod sunod niyang tanong.
"Pwede ba? Diretsuhin mo ko. Anong nangyayari-"
"Ryle will leave now." madiing sabi niya na nagpatigil sakin. "They said that he will leave for good." dagdag niya.
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Wala sa sarili akong umiling.
"B-baka magbabakasyon lang?" tanong ko.
Nang makita ko ang awa sa mga mata ni Riza ay agad akong ngumiti.
"B-baka nagbakasyon lang. Oo, bakasyon lang." pilit kong pinapasaya ang tono ko sabay tingin sa mga kaklase ko para kumbinsihin sila.
"S-san daw siya pupunta?" tanong ko kay Riza.
Bumuntong hininga siya bago niya ko sinagot.
"South Korea, Rachel. Where his grandmother lives."
Ngumiti ako at tumango sakanya.
"See? Bibisitahin niya lang ang lola niya-"
"Rachel!"
Napalingon ako kay Dwayne na kakadating lang. Hinihingal niya kong tiningnan.
"Hmm?" pagtatanong ko kung bakit niya ko hinahanap.
Nang makita niya ko ng maayos ay agad nag iba ang ekspresyon niya.
"B-bakit ka umiiyak?" tanong niya.
"H-huh?" nanlalaking tanong ko sabay hawak sa pisngi ko.
Binigyan ko sila ng peke na tawa bago ko pinunasan ang mga luha ko.
Potangina mo, Ryle. Pinapaiyak mo na naman ako.
Napasinghap ako nang bigla akong yinakap ni Dwayne. Agad akong nanghina at sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Mahigpit ko siyang yinakap pabalik at humagulhol sa balikat niya.
"I-iiwan niya na naman ako." naiiyak kong sabi.
Ilang minuto ang lumipas bago niya hinawakan ang balikat ko at madiin akong tiningnan.
"Go after him. Diba sabi mo mahal mo siya? Then prove it to me, Rachel. L-let me see how much you truly love him." seryoso niyang sabi.
Mabilis na nabuhay ang puso ko dahil sa sinabi niya. Oo, may magagawa pako. Yes, I might wanna kill Ryle but I still live him and I don't think I can live without him.
Dahan dahan akong tumango na kinangiti niya. Ilang segundo niya kong tinitigan bago siya yumuko at tumalikod sakin.
Napalingon ako kay Riza nang hawakan niya ang kamay ko.
"Ano pang ginagawa mo? Go after him!" madiing sabi niya.
Nag aalala kong tiningnan si Dwayne bago ko yinakap si Riza.
"Thank you so much." bulong ko.
"He's in the airport right now. Be safe." bulong niya pabalik.
Nginitian ko siya bago ako tumakbo papalabas.
Potangina mo, Ryle. Talagang susuntukin kita pag nakita kita. Tanginamo, pagkatapos mo kong gamitin ay iiwan mo lang ako ng basta basta? Bakit ikaw ang aalis?! Ikaw ba yung nasasaktan?! Baklang bakla ka talaga kahit kailan.
Ang kapal ng mukha mong guluhin ang buhay ko tapos aalis ka lang ng hindi man lang nagpapaalam?
Napalingon ako sa kaliwa ko nang makarinig ako ng malakas na busina.
"Miss, dahan dahan!" malakas na sigaw ng driver sakin.
"Sorry po!" sigaw ko pabalik at nagpatuloy na sa pagtakbo.
Punyeta ka, Ryle! Muntik nakong masagasaan dahil sayo. Sisiguraduhin ko talaga na ikaw ang sasagot sa lunch ko sa loob ng limang buwan.
Oo, nasaktan ako sa sinabi niya sakin kahapon. Pero tangina, hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo ngayon papunta sakanya.
Tangina, sa lahat ng ginawa mo sakin. Sinong tanga ang hindi mahuhulog sayo?! Wala ka man lang sinabi saking paalala na hindi mo ko sasaluhin pag nahulog ako.
Ryle managed to put color into my lifeless world. He accepted my cold and rude personality. He showed me his bigger world. He made me realize that it's okay to be comfortable. He accepted my profanities like compliments.
And he's the only one who can make my heart beat faster.
"Saan po yung flight papuntang South Korea?" hinihingal kong tanong sa flight attendant.
"Po, passenger po ba kayo? Kanina pa po umalis." sabi niya na nagpatigil sakin.
Agad akong nanlumo at nanghina dahil sa sinabi niya. But I still managed to thank her. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Mariin akong pumikit at tinakpan ang bibig ko. Dahan dahan akong napaupo sa sahig.
"T-tangina mo, Ryle." mahinang bulong ko.
Bakit kailangan mong umalis? D-dahil ba sakin? Did I made you leave?
Pano niya ko naiwan ng ganun ganun lang?
Pano niya naatim na kalimutan ang lahat tungkol samin?
Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Ganun ba kahirap yun?
Lalo akong naiyak nang maalala ang malamig niyang pagtingin sakin kahapon.
His eyes were like knives stabbing me everytime I looked at him.
Hindi na yun yung mga mata na hindi ko pagsasawaang tignan.
"Rachel!"
Agad kong tiningala kung sino yun.
"R-rachel, yung tatay mo nasa ospital." naluluhang sabi ni Riza na nagpatigil sakin. "W-wala na siya, Rachel."
Gumuho ang mundo ko dahil sa huli niyang sinabi.
Mabilis akong tumayo at naiiyak na tiningnan siya.
"H-hindi magandang biro yan, Riza." nanghihinang sabi ko.
Umiling ako.
H-hindi. Hindi pwede. Maayos lang siya kaninang umaga. Baka nasa trabaho lang siya ngayon. Hindi. Ayaw ni tatay pag nalulungkot ako kaya hindi niya ko iiwan. Ibibili ko pa siya ng sasakyan at magandang bahay.
Hindi. B-baka ibang tao lang ang nakita niya. Baka hindi yun si tatay. Hindi, hindi pwede.
Humagulhol ako at napaluhod dahil sa paghihina.
"R-rachel, please kumalma ka." bulong ni Riza na inilingan ko.
Marahas kong sinabunutan ang sarili ko habang patuloy lang ang pabagsak ng mga luha ko.
"Rachel! Tumigil ka!" malakas na sigaw ni Riza habang sinusubukan na patigilin ako.
H-hindi pwede. Hindi ako iiwan ni tatay. Malakas pa siya. Binilhan ko siya ng maraming gamot. Sabi ng doktor magiging okay lang daw siya. Potangina, malakas ang tatay ko.
Napatigil ako ng maramdaman ang malakas na sampal ni Riza sakin. Hinawakan ko ang pisngi ko bago ko nilingon si Riza. Basang basa na din ang buong mukha niya dahil sa sunod sunod na pagpatak ng mga luha niya.
"S-si tatay." mahinang sambit ko bago ako napahiga at napapikit.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang malakas na sinag ng liwanag kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay.
Nang nakaadjust na ang paningin ko at dahan dahan akong bumangon.
Nananaginip lang ako-
Napatigil ako nang makitang nasa ospital ako.
P-pano ako napadpad dito. Si tatay ba ang naghatid sakin? Mataas ba yung lagnat ko? Siguradong magagalit yun sakin.
Tinanggal ko ang lahat na nakakabit sa braso ko bago ako tumayo.
Nasan na ba si tatay? Baka bumibili yun ng pagkain ngayon. Pinapagod niya na naman ang sarili niya. Sana ibang tao nalang ang inutusan niya. Nakainom na kaya siya ng gamot? Pag hindi pa ay siguradong pagagalitan ko din siya.
Mahina akong napatawa dahil sa naisip.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Ngumuso ako nang makita si Dwayne.
"O-oh bakit? Ayaw mo sakin?" parang batang tanong niya na inirapan ko.
Napatingin ako sa dala niyang paper bag.
"Pagkain ba yan?" tanong ko na tinanguan niya. "Sana hindi ka nalang bumili. Mukhang umalis kasi si tatay para bilhan ako ng pagkain. Pero okay lang, kakainin ko parin yang dala mo." nakangiti kong sabi sakanya.
Kumunot ang noo ko nang napatigil siya dahil sa sinabi ko. Seryoso niya kong nilingon.
"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.
Matagal siyang napatitig sakin bago siya yumuko at bumuntong hininga. Lumapit siya sa lamesa at nilagay niya doon ang paper bag na dala niya.
"Bakit nga?" iritadong tanong ko.
Para kasing may gusto siyang sabihin sakin.
Muli niya kong tiningnan bago siya lumapit sakin. Umayos ako sa pag upo at hinarap siya.
"W-wala ka bang natatandaan?" tanong niya.
Matagal akong nag isip bago ko siya inilingan.
"W-wala pero alam mo, ang sakit ng panaginip ko. Nasa airport daw ako tapos biglang dumating si Riza at sinabi sakin na wala na daw si tatay. Todo iyak ako sa panaginip ko. Gago, sinaktan ko pa nga yung sarili ko eh. Mabuti nalang talaga at panaginip lang yun." pagkwekwento ko sakanya.
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumahimik. Pabiro ko siyang tinulak.
"Ang weird mo." natatawang sabi ko.
Bumaba ako sa kama at nilapitan ang dala ni Dwayne para malaman ang laman nun.
Napangiti ako nang may makita ako menudo, tortang talong, at-
"H-hindi ka nanaginip, Rachel."
Biglang sabi ni Dwayne na nagpatigil sakin. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko bago ko siya nilingon. Agad nagtagpo ang mga tingin namin.
"Hindi magandang biro yan, Dwayne." madiing sambit ko na inilingan niya.
"Walang nagbibiro, Rachel. You were brought here because you fainted due to so much stress nung nalaman mo na wala na ang tatay mo." seryosong sabi niya na inilingan ko.
"Sigurado akong dinala ako ni tatay dito-"
"Then where is he?!" sigaw niya.
H-hindi ko alam. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko at taas noong tiningnan si Dwayne.
"Hindi ako iiwan ni tatay. Naiintindihan mo ba ako? Mahal na mahal ako ni tatay kaya sigurado ako na hindi niya ko iiwan." seryosong sabi ko.
"Rachel, even though people loves. They can still die. Hindi dahil mahal ka ng tatay mo ay hindi na siya mamamatay-"
"Potangina, tumigil ka!" malakas kong sigaw.
Hinihingal ko siyang tiningnan bago ako padabog na lumabas ng kwarto.
Nananaginip lang ako kanina. Baka nandito lang si tatay sa kung saan saan. Baka inalam niya lang kung ako ang mga kakailanganin kong gamot. Baka humahanap lang siya ng pera para pambayad sa ospital. Tutulungan ko siyang makabayad, tutulungan ko siya.
Napatingin ako sa gilid ko nang makarinig ako ng hagulhol. Naririnig ko yun mula sa isang kwarto. Sumilip ako mula sa maliit na bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Riza. Umiiyak siya habang nakatingin kay.............nanay.
Mabilis kong binuksan ang pinto at hinihingal na tiningnan si nanay.
"R-rachel." mahinang pagtawag ni Riza sakin.
Hindi ko siya pinansin at lumapit ako kay nanay. Agad akong naestatwa nang mapatingin ako sa lalakeng nakahiga sa tabi niya. Kasabay ng pagguho ng mundo ko ay ang pagtulo ng mga luha ko.
"T-tay?" mahinang tanong ko.
Lalong lumakas ang pag iyak ni nanay. Malalim akong bumuntong hininga bago ako dahan dahang lumapit kay tatay. Nanginginig kong hinawakan ang kamay niya at lalo akong napaiyak nang maramdaman ang lamig ng kamay niya.
Tumikhim ako at tiningnan ang mga mata ni tatay.
"G-gising na tay." mahinang sabi ko.
Ilang minuto kong hinintay ang pagmulat ng mga mata niya bago ko niyugyug ang kamay niya.
"T-tay, gising na po. I-iinumin niyo pa po yung mga gamot niyo." naiiyak kong sabi sabay punas sa mukha ko na parang bata. "T-tay, hindi mo ko iiwan diba? Tay pano nako nito?" tanong ko.
Halos hindi ko na siya makita ng maayos ang mukha niya dahil sa sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko.
Wala ng kulay ang buong mukha niya.
Mahigpit kong hinawakan ang malamig niyang kamay bago ako humagulhol at napaluhod dahil sa panghihina.
"Walang masakit, wag kang mag aalala. Ang mga hero hindi natatablan ng sakit, mahirap akong talunin."
Lalo akong napaiyak nang maalala ang sinabi niya.
"S-sabi mo walang masakit, tay?" tanong ko.
Narinig ko ang pagsinghap ni Riza at lalong lumakas ang iyak ni nanay.
"S-sinungaling ka, tay. S-sinabihan na kita na ipaalam mo sakin pag may masakit. P-pag may problema ka. P-pag nahihirapan ka.
T-tay, sabi mo nandito ka lang sa tabi ko..........pero bakit hindi mo ko mayakap ngayon?" nanghihinang tanong ko.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Riza sakin. Paulit ulit din niyang binubulong sakin na nandiyan lang siya pagkailangan ko siya. Hindi ko na kayang maniwala dahil merong isang tao na nagsabi din sakin ng ganyan pero ngayon, wala na siya. Tuluyan na niya akong iniwan.
Ilang oras ang lumipas bago ako tumigil sa pag iyak. Sinubukan kong tumayo at agad naman akong tinulungan ni Riza. Halos ang pagtayo ay hindi ko na magawa dahil sa sobrang panghihina.
Tiningnan ko ang kamay ni tatay. Hinawakan ko ito ng mahigpit bago ko tiningnan ang mukha niya.
"S-salamat." mahinang sambit ko.
Salamat dahil pinalaki mo ko ng maayos. Salamat dahil palagi kang nandiyan pag kailangan kita. Salamat sa pagpapatawa sakin. Salamat sa pagyakap sakin. Salamat, salamat sa lahat tay.
Kahit saan pako dalhin ng mundo, hinding hindi kita makakalimutan.
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga salita mo.
Hinding hindi ko makakalimutan ang ngiti mo.
Salamat dahil minahal mo ko.
Salamat dahil naging ama kita.
May 13. The day where the two men I trusted the most left me.
Tinulungan ako nila Riza at Dwayne para asikasuhin ang libing ni tatay. Naging malaki ang epekto ng pagkawala niya kaya nagkaroon ako ng iba't ibang sakit. Mabuti nalang at hindi ito gaanong kritikal.
Ilang araw ko nang hindi nakikita si nanay. Sinasamahan ako ni tita Leah sa bahay para daw hindi ako mag isa. Kapatid ni tatay si tita Leah kaya malaki din ang epekto nito kay tita.
"Condolence, Rachel." mahinang sambit ng kapitbahay namin.
Tumango lang ako at hindi inalis ang paningin sa kabaong.
Kabaong lang ang nakayanan kong bayaran gamit ang sarili kong pera. The rest was paid by Riza and Dwayne. Ang laki laki na ng utang na loob ko sakanila.
Gusto ko sanang bayaran lahat gamit ang sarili kong pera dahil tatay ko siya pero wala akong pera. Hindi sapat ang naipon kong pera para sa lahat ng to.
"N-nak, sabi ko naman sayo na hanapin mo yung kasiyahan mo diba?" malungkot na tanong ni tatay.
"Nahanap ko na, tay. Pero bigla siyang nawala. Sabi niya babalik siya." nakayukong sabi ko.
Tumingin ako kay tatay nang hawakan niya ang kamay ko.
"Nak, pinapahanap ko ang kasiyahan mo dahil gusto kong mahanap mo yung sarili mo." seryosong sabi niya na nagpatigil sakin. "Puro kami nalang ng nanay mo ang palagi mong iniisip. Gusto kong gumawa ka ng isang bagay na para sayo."
"P-pero hindi naman pwede na pabayaan ko kayo, tay." mahinang sambit ko.
"Lumabas ka dito sa mundo hindi para alagaan kami, Rachel. Gusto kong mamuhay ka para sa sarili mo. Oo, nabubuhay kami para sa sarili namin at para sayo. Pero dahil yun sa rason na anak kita at responsibilidad kita. Sa ngayon, ang sarili mo lang ang dapat mong isipin at pagnagkaanak ka na. Sila naman ang aalagaan mo." seryoso niyang sabi.
Magiging masaya ako, tay. Pangako.
"R-rachel."
Mabilis akong napalingon sa nagtawag sakin nun dahil pamilyar sakin ang boses niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babae na tinawag ako "anak".
"Condolence." dagdag niya.
Matagal akong napatitig sakanya bago ako tumango at tumingin ulit sa kabaong ni tatay.
Umupo siya sa tabi ko. Tiningnan niya ang litrato ni tatay bago siya tumingin sakin.
"Kumusta? May maitutulong ba ako-"
"Anong koneksyon niyo ni tatay?" pagputol ko sa sasabihin niya.
Dahan dahan akong lumingon sakanya at tiningnan siya ng walang emosyon.
"N-nakita na kita" sambit ko na nagpagulat sakanya. "May litrato kayo ni tatay ng magkasama." dagdag ko.
Matagal siyang napatitig sakin bago niya ko binigyan ng maliit na ngiti.
"Naging kami ng tatay mo noon." sabi niya.
Nagulat ako dahil sa sinabi niya pero hindi ko yun pinakita.
"At anak kita, Rachel." dagdag niya.
Doon nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang pagtibok ng puso konat hindi makapaniwalang tiningnan siya.
"H-hindi ngayon ang tamang panahon para sabihin sayo lahat but I promise, I'll explain everything to you soon." seryosong sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Dahan dahan akong napatingin sa mga kamay niyang nakahawak sakin.
"Pwede po bang wag na kayong magpakita sakin?" walang emosyong sambit ko sabay tingin sakanya.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    dóne

    08/08

      0
  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    26/04/2024

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata