Chapter 20

Ilang buwan na ang lumipas nang sinabihan niya ko na iimbitahan niya ko sa bahay nila. Sa totoo lang ay nakalimutan ko na yun.
"Alam kong masyado nang matagal mula nung sinaktan ni Mrs. Castañeda ang nanay mo but Mr. Castañeda still want to apologize. He is such a busy man kaya ngayon niya lang kayo naimbitahan, I hope you understand." sabi niya.
Mabilis akong umiling dahil sa sinabi niya.
"O-okay lang po dean." nahihiya kong sabi na tinanguan niya.
"That would be all. Kailangan mo nang umuwi para mag prepare." natatawang sabi niya sabay tayo kaya tumayo din ako.
Bahagya akong nag bow sakanya bago ako tumalikod.
"Oh I almost forgot..." biglang sabi ni dean kaya napalingon ako sakaya. "There would be a car that'll take your family to their mansion. I think it will arrive around 7 or 8 pm." sabi niya na tinanguan ko.
"S-sige po. Maraming salamat." nakangiti kong sabi na tinanguan niya.
Nang tuluyan nakong makalabas ay wala sa sarili akong napangiti.
Makikita ko na siya.
"Nababaliw ka ba?"
Napalingon ako kay Riza nang bigla siyang nagsalita. Nakangiti akong umiling at hinawakan ang braso niya.
"Tara na." nakangiti kong sabi.
Gusto kong matawa dahil sa tingin na binibigay nila Dwayne sakin.
"Bakit?" natatawa kong tanong.
"Anong sinabi ni dean sayo?" tanong ni Dwayne.
"Ah wala, sinabi lang niya na may dinner daw mamaya sa bahay nila Ryle." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni Riza dahil sa sinabi ko.
"And you're invited?!" excited niyang tanong.
Tumawa ako at nakangiting tumango.
Sumigaw si Riza at tumalon ng dalawang beses bago niya ko yinakap ng mahigpit.
"Alam kong kating kati ka nang makita siya, gaga ka." bulong niya na malakas kong tinawanan.
"Sige na at uuwi nako para magready." sabi ko.
"Hindi ka magtratrabaho?" kunot noong tanong ni Dwayne na tinanguan ko.
"Syempre aabsent ka muna ngayon para magpaganda!" excited na sambit ni Riza.
"Sige na, bye!" masaya kong sigaw bago ko sila tinalikuran.
Parang biglang nabuhay yung puso ko dahil sa sinabi ni dean. Sa wakas ay makikita ko na siya at malalaman ko na ang rason kung bakit niya ko iniwan.
Sigurado akong maiintindihan ko siya.
I hope so.
"Rachel!"
Napatigil ako at nilingon kung sino ang tumawag sakin.
"Dwayne." nakangiti kong sabi nang makalapit siya sakin.
"Don't go." sabi niya na nagpawala sa ngiti ko.
"A-ano?" gulat kong tanong.
Tumingala siya at sinabunutan ang sarili bago siya tumingin ulit sakin.
"Let's go out tonight. Let's buy something you want, how about that? It'll be fun, I promise." hinihingal niyang sabi.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit ayaw mo kong papuntahin sa bahay nila Ryle?" diretso kong tanong.
Pumikit siya ng mariin bago niya ginulo ang buhok niya. Yumuko siya ng ilang segundo bago niya ko ulit tiningnan.
"I don't think it's a good idea-"
"Bakit nga?" madiin kong tanong.
Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi mo Dwayne.
Natahimik siya dahil sa tanong ko.
Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta ako kay Ryle.
"Gusto mo pa din ba ako?" diretso kong tanong.
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis siyang tumingin sakin. Ilang segundo siyang napatitig bago siya yumuko.
Doon ko nakuha ang sagot sa tanong niya.
"Dwayne may boyfriend ako-"
"Hindi ako naniniwala. Ryle surely blackmailed you. Kilala kita, Rachel. You would not fall in love with someone like him-"
"At isang katulad mo ang magugustuhan ko?" natatawang tanong ko.
Ayokong saktan siya sa mga salita ko pero mali na tong mga sinasabi niya.
"Mahal ko siya at sa tingin ko ay hindi ko na kailangang magpaliwanag pa sayo." madiing sabi ko bago ko siya tinalikuran.
Akala ko magkaibigan nalang din ang tingin niya sakin. Akala ko okay na kami.
But I didn't lie though. Mahal ko na siya.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, tinitingnan ko ang sarili ko mula sa salamin.
Nakasuot ako ngayon ng dark green dress, sleeveless ito at fitting sa katawan ko. Maluwag ito banda sa dibdib ko kaya hindi ako gaanong komportable. Ang haba nito ay hanggang sa paa ko, nakasuot ako ng heels na kulay silver, plain lang iyon pero napakaganda. Bumagay sa suot kong dress.
Naka high ponytail ang buhok ko. Mas humaba iyon dahil nilagyan ni Tita Leah ng extensions. Kay Tita Leah galing tong suot ko ngayon. Siya din ang nagmake up sakin.
"Nak, nandito na daw ang kotse!" sigaw ni tatay.
Kinuha ko agad ang maliit na purse na binigay ni Tita Leah sakin kanina. Lipstick at pulbo lang ang laman nito, ayaw ko sanang dalhin kaso pinilit ako ni Tita Leah.
Nang bumaba ako ay nakita ko si kuya Frank.
"Magandang gabi po." pagbati ko na tinanguan niya.
Nakasuot ng tux si tatay, bigay din ni Tita Leah. Ewan ko nga ba kung saan niya kinuha ang lahat ng to pero malaki ang pasasalamat ko sakanya. Siguro kung wala siya ay nakasuot lang kami ni tatay ng tshirt at pantalon.
Napatingin kami kay nanay nang bigla siyang pumasok mula sa labas. Nakasuot siya ng off shoulder dress, natatakip nito ang paa niya at kulay itim ito.
"Tara na." taas kilay niyang sabi bago siya umalis.
Nahihiya kong nilingon si kuya Frank at binigyan siya ng pilit na ngiti.
"Tara na po." pag aaya ko sakanila.
Kumapit ako sa braso ni tatay bago kami lumabas. Habang naglalakad kami ay nararamdaman ko ang tingin ng mga kapitbahay samin. Bumuntong hininga ako at hindi ko nalang sila pinansin.
Ilang minuto pa kami naglakad dahil hindi makakapasok ang sasakyan sa barangay namin.
Napanganga ako nang makita ang sasakyan na gagamitin namin. Binuksan iyon ni kuya Frank. Naunang pumasok si nanay bago ako at sumunod naman si tatay.
"Limousine ang tawag sa sasakyan na to, nak." bulong ni tatay sakin.
Nakangangang tumango ako.
Gago ang haba ng sasakyan pero hindi marami ang mauupuan sa loob.
Ilang oras din ang lumipas bago huminto ang sasakyan. Sumilip ako sa bintana at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mansion. Mas malaki nga lang ang private resort nila.
Binuksan ni kuya Frank ang pinto at tinulungan akong makababa. Sumunod na bumaba si tatay tapos si nanay.
Naunang naglakad si nanay papunta sa loob ng mansion. Mabilis kong hinawakan ulit ang braso ni tatay at sumunod kay nanay.
Kinakabahan ako. Ewan ko pero parang may hindi magandang mangyayari ngayon.
Huminto si nanay sa tapat ng malaking pintuan nila. Huminto din kami ni tatay doon at hinintay na buksan iyon ni kuya Frank.
Naglakad na papasok si kuya Frank kaya sinundan namin siya. Napanganga ako nang makita ang mahaba nilang mesa na puno ng iba't ibang pagkain.
Nakuha din ng isang malaking chandelier ang atensyon ko. Para akong nasa loob ng palasyo. Mas maganda ang interior ng bahay na to kaysa sa resort. Kaso nga lang ay wala kang makikitang kahit isang halaman.
Napansin ko din ang dami ng katulong nila. Lahat sila ay nasa gilid at nakalinya. Para silang mga sundalo.
"Rachel and her family has arrived." pag aanunsyo ni kuya Frank.
Napatingin samin sila Mr. at Mrs. Castañeda na kanina ay nakaupo sa tapat ng mahaba nilang lamesa. Tumayo si Mr. Castañeda at inayos ang suot niyang tux. Ngumiti siya at lumapit samin.
"Good evening." bati niya sabay lahad ng kamay kay tatay.
Agad yung tinaggap ni tatay. Sunod naman ay si nanay.
"Magandang gabi. Salamat sa pagpapapunta samin dito." nakangiting sabi ni tatay.
"Good evening po, Mr. Castañeda." bati ko na nginitian niya.
"Please take a seat."
Lumapit si tatay sa isa sa mga upuan hindi masyadong malayo sa pwesto nila Mr. Castañeda. Sumunod ako kay tatay at tumabi ako sa tabi niya habang si nanay naman ay tumabi sakin.
"You wouldn't greet them, Melissa?" seryosong tanong ni Mr. Castañeda sa asawa niya.
Kumunot ang noo ko nang makitang patagong ngumisi si ma'am Melissa bago niya ko tiningnan. Tumaas ang kilay niya.
"Good evening." madiing sabi niya.
Ilang minuto niya kong tinitigan bago siya uminom ng wine.
"Please eat." nakangiting sabi ni Mr. Castañeda na nginitian ko.
Nasan si Ryle? Wala ba siya dito? Hindi ba siya dadating?
Nakaupo si Mr. Castañeda sa dulo kaya kitang kita niya ang mga galaw namin. Para siyang isang hari sa palasyong to.
"How's school Rachel?" tanong ni Mr. Castañeda.
"O-okay lang naman po." nahihiya kong sabi.
Napatingin ako kay tatay nang pinalit niya ang plato namin. Ang steak niya ay nakahiwa na kaya pala niya binigay sakin.
"Salamat, tay." bulong ko na nginitian niya.
"Your father is so sweet." aliw na sabi ni ma'am Melissa kaya napatingin ako sakanya. "What a good father you have there. Kaya siguro hindi ka niya kayang ibigay." nakangising sabi niya na nagpawala sa ngiti ko.
Napansin ko ang pagkatigil ni tatay sa ginagawa niya kaya napatingin si ma'am Melissa sakanya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni tatay.
"Kinakabahan ka na ba?" masayang tanong niya kay tatay.
"Melissa." madiing pagtawag ni Mr. Castañeda. "Eat." dagdag niya.
Umirap si ma'am Melissa bago siya nagpatuloy sa pagkain.
"Are you mute, freak?" biglang tanong ni ma'am Melissa kay nanay.
"Akala ko ba ay inimbita niyo kami para humingi ng tawad?" tanong ko.
Napatingin silang lahat sakin dahil sa pagtaas ng boses ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ni ma'am Melissa.
"Stop it, mom."
Naestatwa ko nang marinig ko ang boses ni Ryle. Mabilis ko siyang nilingon. Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko siya. Magulo ang buhok niya at nakasuot siya ng isang tuxedo na kulay itim.
Tahimik lang siyang tumabi sa nanay niya at nagsimula nang kumain.
Bakit hindi niya magawang tignan ako?
"O-okay ka lang ba?" hindi mapigilan kong tanong.
Agad siyang napahinto dahil sa sinabi ko. Malalim siyang bumuntong hininga bago niya pinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Are you talking to me?" tanong niya sabay tingin sakin.
Para akong nabubusan ng malamig na tubig nang makita ko ang malamig niyang mga mata. Hindi katulad noon na puno ng init. Iba na din ang pagtingin niya sakin.
Lumunok ako bago tumango.
"Yes, I'm fine." tipid niyang sabi bago niya itinuon ang atensyon sa pagkain.
"Pathetic." dinig kong sambit ni ma'am Melissa.
Gulat akong napatingin kay tatay nang padabog siyang tumayo at galit na tiningnan si ma'am Melissa.
"Mukhang hindi na dapat kami pumunta dito" seryoso niyang sabi. "Pinalagpas ko noon ang mga pagiinsulto mo, Mrs. Castañeda. Pero siguro alam mo naman na may hangganan ang lahat?" madiing tanong ni tatay. "Aalis na kami." sabi niya sabay tingin kay Mr. Castañeda.
Tumayo ako at napatingin kami sa pinto nang bigla itong bumukas. Dire diretso ang pagpasok nilang tatlo. Ang babaeng nasa gitna ay nakasuot ng isang long black dress na may mahabang slit na gilid. Ang lalake naman na nasa tabi niya ay nakasuot ng dark blue na tuxedo. Sunod kong tiningnan ang nasa tabi niya na babae at nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino yun.
"Candy?" gulat kong tanong.
Tamad siyang lumingon sakin at nanlaki din ang mga mata niya nang makita ako.
"What are you doing here?" gulat niyang tanong.
"Good evening, Candy. My daughter-in-law."
Gulat akong lumingon kay ma'am Melissa dahil sa sinabi niya.
A-ano?
Hindi makapaniwala akong tumingin kay Ryle pero nasa pagkain parin ang atensyon niya.
Potangina? Anong nangyayari?
"Good evening too, Mr. and Mrs. Cruz." nakangiting bati ni ma'am Melissa sakanila.
"Bakit kayo nandirito?!" malakas na sigaw ni tatay.
Ang lahat ay gulat na napatingin sakanya. Hinihingal niyang tiningnan ang babae na kakadating lang. Mukhang siya ang nanay ni Candy habang ang lalake naman ay tatay niya.
"Tay" mahinang sambit ko sabay hawak sa braso niya. "Kumalma po kayo, baka atakehin ka na naman." mahinang pagsaway ko sakanya.
Umiling siya at hinila ako papunta sa likod niya.
"T-tay, anong nangyayari?" kinakabahan kong tanong.
"I'm going to take my daughter, Luis." madiing sabi ng babae na pinagtaka ko.
Nasa tabi lang niya si Candy! Sino ang kukunin niya?!
"Wala sakin ang anak mo, Vanessa. Nasa tabi mo lang." sabi ni tatay.
Kita din sa mukha ni Candy ang pagtataka.
"W-what the hell is going on?" tanong ni Candy sa nanay niya.
Walang niisang sumagot sakanya. Napatingin kami kay nanay nang bigla siyang tumayo at nakangising tumingin sa nanay ni Candy.
"Ang kapal din naman ng mukha mo, Vanessa." nakangising sabi ni nanay na nagpatahimik saming lahat. "Gagawa ka ng bata pero hindi mo kayang palakihin? Tapos nang may nag alaga na at pinalaki na ng maayos ay bigla bigla kang susulpot na para bang isang bagay lang ang kukunin mo." galit niyang sabi.
Vanessa? Kilala siya ni nanay?
Muli akong napatingin sa babaeng tinatawag niyang Vanessa. Tinitigan ko siya ng maayos hanggang sa napasinghap ako.
S-siya ang babae sa litrato. Siya yung kasama ni tatay sa litrato! Siya yung babaeng nakasuot ng salamin.
"Sino po siya, tay?" madiin kong tanong kay tatay.
Lalo akong kinabahan nang makita ang pamumutla niya.
"Siya-"
Sasabihin na sana ni tatay kung sino ang babaeng yun nang biglang nagsalita si nanay.
"Uuwi na tayo." madiing sabi niya habang nakatingin sakin.
Dahan dahan akong tumango. Mabilis siyang lumapit sakin at hinila ako papunta sa labas. Lalagpasan na sana namin sila Candy pero hinawakan ng babae ang kabila kong kamay.
"Anak." mahinang pagtawag niya sakin.
Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kunot noo ko siyang tinitigan bago ko binawi ang kamay ko.
"H-hindi niyo po ako anak." naiiling kong sabi.
Napanganga siya dahil sa sinabi ko. Masakit niya kong tinignan.
B-bakit ka nasasaktan? Hindi mo ko kilala at hindi din kita kilala.
Tangina, ano bang nangyayari?!
Nakuha ni Ryle ang atensyon ko. Walang emosyon siyang naglakad papunta sakin.
"Everybody should rest. Someone will take all of you home, Mrs. Algabre." seryoso niyang sabi kay nanay bago niya ko hinila papalabas.
Dahil sa gulat ay nagpatangay ako sakanya. Hindi mawala sa isip ko ang reaksiyon ng nanay ni Candy. Bakit niya ko tinawag na anak? Hindi niya ba anak si Candy?
Anong ibig sabihin ni nanay kanina? Na nagpabuntis ang nanay ni Candy pero hindi niya magawang alagaan?
Tangina.
"You need to go home now." biglang sabi ni Ryle kaya dahan dahan akong tumingin sakanya. "Stop overthinking and do what I said, okay? You'll might see them soon so just listen-"
"B-bakit mo ko iniwan?" tanong ko na nagpatigil sakanya.
Nag init ang sulok sa mga mata ko nang makitang hindi man lang nagbago ang malamig niyang pagtingin sakin.
"May emergency kahapon, diba? Kaya mo ko naiwan dahil kailangan ka ng pamilya mo? Ng kaibigan mo?" sunod sunod kong tanong.
Ilang minuto siyang natahimik habang tinitingnan ako. Nagsimula akong makaramdam ng kaba dahil sa pagngisi niya.
"Ganyan ka ba ka tanga, Rachel?" tanong niya na tuluyang nagpabagsak sa mga luha ko.
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Para akong binagsakan ng langit. Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.
"I purposely left you and do you know why?" tanong niya.
Hindi ko gustong tumingin sa mga mata niyang walang buhay kaya yumuko ako. Kahit masakit ay gusto ko padin marinig ang rason niya kaya pikit mata akong tumango.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Because you're nothing to me." sambit niya bago niya ko nilagpasan at pumasok ulit sa mansion.
Natulala ako dahil sa sinabi niya. Binasa ko ang labi ko at nilingon siya. Masakit kong tiningnan ang likod niya na ngayon ay unti unting nawawala sa paningin ko.
"I-i will never forgive you." mahina kong sambit.
Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko nang makita ang kapatid niya papunta sa isang sasakyan. Mabilis akong tumakbo papunta sakanya.
"Teka!" sigaw ko na nagpatigil sakanya.
Hinihingal ko siyang tiningnan.
"Your parents are already in the car. We should get going. Ako ang maghahatid sainyo." seryoso niyang sabi.
"Ikaw yung kumuha ng litrato samin ni Ryle diba?" tanong ko na nagpakunot sa noo niya.
Gusto kong klaruhin. Tanga na kung tanga pero hindi ako naniniwala kay Ryle. Hindi niya yun kayang sabihin sakin. Takot siya na baka magalit ako. Kilala ko si Ryle.
Ilang segundo akong napatigil dahil sa reaksiyon niya.
"Hindi talaga kami close ni Ryle pero isang araw sabi niya kailangan niya kong maging girlfriend dahil nakuhaan mo kami ng litrato na para bang naghahalikan pero hindi talaga." pagpapaliwanag ko. 
Tangina.
Tumulo ulit ang mga luha ko nang makita ang pagtataka sa mukha niya. Bakit hindi niya alam?
"Nalaman yun ng nanay mo kaya wala akong choice kundi ang magpanggap. Ano? Naalala mo na ba?" desperada kong tanong.
Ilang minuto niya kong tiningnan bago siya mapait na ngumiti.
"So that's the plan." mahina niyang sabi na hindi nakalagpas sa tenga ko.
"Potangina, anong plano?!" malakas kong sigaw.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    dóne

    08/08

      0
  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    26/04/2024

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata