Homepage/Afraid to Fall in Love (Neurelia Series #1)/
Chapter 19
Mabilis kong iniwas ang mukha ko nang makarinig kami ng katok. Narinig ko ang buntong hininga niya bago niya ito pinagbuksan.
Patago kong sinampal ang sarili ko. Tangina, ang landi ko. Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga ng malalim. Hinawakan ko ang dibdib ko and I tapped it three times.
"Kaya pa ba?" natatawang tanong ko.
"Rachel!"
Lumingon ako kay Ryle nang tinawag niya ako. Lumapit ako sakanya at nakita ko si Mina. Kumunot ang noo ko nang tumingin siya sakin gamit ang mga nanlalakihang mata niya.
"M-magkasama kayo sa iisang k-kwarto?" utal utal na tanong niya.
Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Ano namang pakealam niya?
"Um yes. Wala naman sigurong problema yun and by the way....." sabi ni Ryle.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko bago siya nagpatuloy.
"She's my girlfriend." nakangiti niyang sabi.
Binasa ko ang labi ko bago ako ngumiti at tumingin kay Mina na ngayon ay parang binagsakan ng langit.
Narinig niya ba yun? Girlfriend niya ko! Girlfriend! Wala ka ng pag asa sakanya!
"Okay ka lang ba?" nakangiting tanong ko.
Gago, ang plastik ko.
Tumingin siya sakin. Matagal siyang napatitig sakin bago siya tumikhim at ngumiti ulit na parang walang nangyari.
"C-congrats po!" masayang sabi niya na kinatawa ni Ryle.
"Ang swerte niya nu?" nakangising sabi ni Ryle.
Iritado ko siyang tiningnan bago ko pabirong sinuntok ang braso niya.
"Talaga?" mataray kong tanong na mabilis niyang inilingan.
"Hindi. Mas swerte talaga ako." nakangiting sabi niya na kinangiti ko din.
Naglalakad kami ngayon papunta sa dagat. Yun ang sabi ni Ryle.
I'm starting to think about my feelings for him. Tangina, may pa rule rule pako na bawal ma inlove ako lang pala ang lalabag. Pero na realize ko na hindi ko nagawang pigilan ang nararamdaman ko kahit isang beses lang.
Kasi........hindi ko napansin ang pagkahulog ko sakanya. Lahat ng mga sinasabi niya noon, walang epekto yun sakin. Pero dahan dahan itong nagbago.
I started to look at his efforts. Yung mga paraan na kapag hindi ako masaya ay kinukulit niya ko. The way he protected me from everyone.
Gabi gabi ko to iniisip dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi totoo yung mga pinapakita niya. Baka kasali lang yun sa kontrata. Baka ganun talaga ang trato niya sa lahat.
But I want to tell him that I love him kasi pag hindi.........baka sumabog ako.
"We're here."
Napalingon ako kay Ryle nang bigla siyang nagsalita. Pinisil niya ang kamay ko at nginitian ako.
"Only think of me. That's an order." nakangiti niyang sabi.
Matagal akong napatitig sakanya bago ako ngumiti at tumango. Tiningnan ko ang paligid namin. Napasinghap ako at naestatwa nang makita ang hinanda niya.
There's a a table and two chairs beside the ocean. It's surrounded by beautiful flowers. May candlelight din sa lamesa and there are a lot of lanterns too.
Ngumiti ako at lumingon kay Ryle.
"Ang ganda-"
Muli akong nagulat nang makitang may hawak na siyang tatlong rosas. Lumapit siya at binigay yun sakin.
"Bakit tatlo? I love you ganun?" pagbibiro ko na mahina niyang kinatawa.
"No. It means......" dahan dahan niyang sabi.
Bahagya akong nadismaya dahil sa sinabi niya.
Kinagat niya ang labi niya bago siya yumuko at tumingin ulit sakin.
"It means.....always be happy." seryosong sabi niya.
Napatigil ako.
Mahina siyang natawa bago nagpatuloy.
"I think that's better than saying I love you. Your happiness is more important than my feelings, Daniella." seryosong sabi niya.
But your "I love you" will make me happy, Castañeda.
Bahagya akong tumawa at umiling para itago ang lungkot na nararamdaman ko.
"A-ang corny mo." natatawang sabi ko bago ako naglakad papunta sa baybayin.
Habang dala dala ang bulaklak ay nakangiti akong umupo sa hinanda niya at hinintay siya.
"Kailan mo to plinano?" tanong ko nang makaupo na siya sa harap ko.
He shrugged.
"Kanina lang." kibit balikat niyang sabi.
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. There's no way he planned all of this by only one day. Ang ganda kaya ng set up!
Well, maybe hindi to masyadong mahirap para sakanila.
"Close your mouth. Baka mahalata ng iba na patay na patay ka sakin." mayabang niyang sabi.
"Patayin kita, gusto mo?" tanong ko na nagpanguso sakanya.
Mahina akong natawa at umiling.
We ate and talked about a lot of things. Syempre hindi mawawala doon ang tuksuhan namin sa isa't isa.
I felt proud when he said that his teacher complimented him because of his great performance. Sabi din niya ay hindi na daw nastrestress si Lawrence sakanya.
"Bakit mo sinabi kay Lawrence na nagseselos ako pag magkasama kayo?" kunot noong tanong ko.
"Hindi ba? Totoo naman ha." nakangising sabi niya.
"Hindi ako selosa, Ryle. Atsaka lalake siya!" iritadong singhal ko na tinawanan niya.
"Nagselos ka nga kay Mina kahit nag uusap lang kami eh. Pano pa kaya kung may kasabay akong mag aral." natatawang sabi niya.
Napanganga ako dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. For pete's sake! The issue was about him telling Lawrence na nagseselos ako sakanila! Ba't biglang napunta kay Mina.
"Wag mo nga siyang banggitin." naiirita kong sabi.
"Opo." nakangusong sabi niya.
Palihim akong ngumiti at tumayo. Tumalikod ako at naglakad papalayo sakanya. Niyakap ko ang coat na binigay niya sakin bago ako huminto at tiningnan ang buwan.
Ilang minuto ang lumipas bago ako napasinghap nang maramdaman ang yakap ni Ryle sakin mula sa likod.
Ilang segundo akong napatigil bago ako bumuntong hininga at tiningnan ulit ang buwan.
"Let's dance, Daniella." pagbasag niya sa katahimikan.
Mahina akong napatawa.
"Walang music." natatawang sabi ko.
Tumingin ako sakanya nang lumayo siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sakanya. Ilang segundo niya kong tinitigan bago niya sinabit ang parehong kamay ko leeg niya. Hinila niya ko paplapit sakanya at mahigpit akong yinakap.
Dinig na dinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. The silence were making it worst but I still love it. He rested his chin in my shoulder before he start singing.
"I wanna make you smile whenever you're sad.....Carry you around when your arthritis is bad......All I wanna do is grow old with you."
Napapikit ako dahil sa ganda ng boses niya. Boses at pagtibok ng puso naming dalawa ang naging musika sa tenga ko.
"I'll get your medicine when your tummy aches......Build you a fire if the furnace breaks..........It could be so nice, growing old with you."
Mahal mo ba ko, Ryle? Kasi kung oo, handa akong sumugal. I want to feel your love. I want you to be mine. I want you to take care of me.
"I'll miss you.......Kiss you.....Give you my coat when you are cold......Need you.......Feed you.........Even let you hold the remote control."
"Swerte mo talaga." biglang sabi niya kaya hinampas ko ang braso niya.
Mahina siyang napatawa bago nagpatuloy sa pagkanta.
"So let me do the dishes in our kitchen sink.....Put you to bed when you've had too much to drink......I could be the man who grows old with you."
And I could be the woman who grows old with you.
"Ganda ng boses ko." problemadong sabi niya.
Umirap ako bago ngumiti.
"Oo, ang ganda ng boses mo" nakangiti kong sabi. "Pero mas maganda ako." dagdag ko na kinatawa niya.
"True, you're beautiful." biglang sabi niya na nagpawala sa ngiti ko.
Hindi ko inexpect na sabihin niya yun sakin. Akala ko ay tutuksuhin niya ko. Pumikit ako at lalo ko siyang yinakap ng mahigpit.
Ilang minuto ang lumipas bago niya tinaggal ang kamay ko. Taka ko siyang tiningnan.
"I need to get something. B-babalik din ako." nakayuko niyang sabi at agad niya kong tinalikuran.
Mabilis ko siyang sinundan at hinawakan ang kamay niya.
"Okay ka lang ba?" kunot noong tanong ko.
Bakit hindi siya makatingin sakin?
Nakayuko niyang tinanggal ang kamay ko.
"I'm okay." sambit niya bago siya naglakad papalayo.
Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko.
Babalik naman daw siya. Baka may nakalimutan lang.
Ngumiti ako para pagaanin ang dibdib ko bago ko yinakap ang coat niya.
"Babalik siya." sabi ko habang tumatango.
I know, he will. Hindi dapat ako kabahan.
"Maam, perhaps you want to sit inside in your room? It's getting cold." pilit ngiting sabi ng isang crew.
Limang oras na ang lumipas pero hindi pa din siya bumabalik.
Nginitian ko siya bago ako umiling. Ayaw kong umalis dito dahil baka mahirapan si Ryle sa paghahanap sakin.
"Ate pwede niyo po bang itanong uli sa kasamahan niyo kung nakita nila si Ryle? O baka nag cr lang. Baka kasi may nangyaring masama sakanya." nag aalalang sabi ko.
Malalim siyang bumuntong hininga bago niya ko malungkot na inilingan.
"Ma'am, sinearch na po namin ang buong resort. Hindi po talaga namin siya nakita. Pasok po muna kayo, ma'am. Baka magkasakit kayo."
Natulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi yun gagawin ni Ryle. Hindi niya ko iiwan ng basta basta. Baka nagkaemergency sa bahay nila. Baka kinailangan niyang umuwi.........pero sana sinabihan niya ko.
Pilit ngiti kong nilingon ulit ang empleyado ni Ryle.
"P-pagkatapos ng isang oras ay aalis na po ako." sabi ko na dahan dahan niyang tinanguan.
Nang tuluyan na silang umalis ay kusang nagsibagsakan ang mga luha ko. Tumingala ako para subukang patigilin ang mga ito pero lalo lang itong lumala.
Nagsimula akong humagulhol at tinakpan ko ang buong mukha ko.
How could he make me feel so special then leave me afterwards?
Sabi niya babalik siya. Sabi niya may kukunin lang daw siya. Tangina, nasan na siya?!
Yung saya na pinaramdam niya sakin kanina ay agad niyang napalitan ng lungkot.
Tangina, dapat sa mga magulang lang ako umiiyak ng ganito.
Tumayo ako at marahas na pinasadahan ng daliri ang buhok ko. Inalis ko ang mga luha sa mga mata ko bago ako pumasok sa loob ng resort para humingi ng tulong para makauwi ako.
Mabuti nalang at pinahatid nila ako sa driver nila.
Nandito lang ako sa likod ng kotse. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag isip ng kung ano ano dahil sa katahimikan.
Dapat ko muna siya pakinggan. Hindi dapat ako ng iisip ng kung ano ano.
Baka....n-nakalimutan niya lang ako.
Tangina, nakalimutan niya ako.
Muling tumulo ang mga luha ko.
Aamin na sana ako. Sasabihin ko na sana na gusto ko siya. I was about to take a risk!
Mariin akong pumikit at hinawakan ang dibdib ko. Ilang ulit ko itong hinampas hanggang sa humagulhol ako.
"Nandito na po tayo." biglang sabi ng driver.
Tumango ako at binigyan siya ng pilit na ngiti.
"Maraming salamat po, kuya." mahinang sabi ko bago ako bumaba.
Hinintay ko muna ang sasakyan na makalayo bago ako naglakad papunta sa bahay namin.
Nang makarating nako sa tapat ng bahay namin ay malalim akong bumuntong hininga. Ilang ulit kong pinunasan ang mga mata ko para masiguro na wala nakong luha. Kinagat ko ang labi ko bago ako kumatok ng tatlong beses.
Mabilis akong ngumiti nang binuksan iyon ni tatay.
"T-tay." sambit ko.
Matagal siyang napatitig sakin.
"Anong ginawa niya sayo?" tanong niya.
Mahina akong tumawa.
"P-po? Wala naman po tay-"
Napatigil ako nang magsimula siyang humakbang papunta sakin at yinakap ako.
"Anong ginawa niya sa nag iisang anak ko?" bulong niya na tuluyang nagpahulog sa mga luhang pilit kong kinikimkim.
"T-tay. H-hindi niya ko hinatid." naiiyak kong sumbong sakanya. "A-ang kapal niya para d-dalhin ako sa kung saan p-pero hindi niya pala ako i-ihahatid, tay." parang batang sumbong ko sakanya.
A-ang sakit, tay.
Nung gabi na yun ang dinamayan ako ni tatay buong gabi. Binilhan niya din ako ng ice cream para daw gumaan ang pakiramdam ko. Wala na kong ibang sinabi dahil ayaw kong madagdagan pa ang mga problema niya. Tanging iyak lang ang ginawa ko hanggang sa makatulog ako.
"Pasok na po ako, tay." nakangiti kong pagpapalam sakanya na para bang hindi ako umiyak kahapon.
"Ingat ka, nak. Pag may problema ay lapit ka lang kay tatay ha? Wag mo sarilihin lahat." malambing niyang sabi.
Tumango ako at yinakap siya ng mahigpit bago ako lumabas sa bahay.
Bahagya akong nagulat nang makita si Dwayne sa labas ng classroom namin. Inayos ko ang bag ko bago ako lumapit sakanya.
"Good morning-"
"Nakita mo ba si Ryle?" umaasang tanong ko.
Nahinto sa ere ang kamay niya na kakaway sana sakin. Ilang segundo siyang napatitig sakin bago siya tumawa.
"W-wala man lang bang good morning diyan?" natatawang tanong niya.
Binasa ko ang labi ko bago jo siya binigyan ng pilit na ngiti.
"Good morning. Nakita mo na si Ryle?" tanong ko.
Pareho silang nasa business department kaya umaasa ako na pumasok siya ngayon. Agad akong nanlumo nang umiling siya.
"Hindi. Narinig kong sabi ng kaklase niya na hindi daw papasok si Ryle." seryosong sabi niya.
Pumikit ako ng mariin bago ako tumango at tahimik na pumasok sa classroom. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya biglang umalis kahapon. Gusto kong pakalmahin ang mga iniisip ko. Ayokong pag isipan siya ng masama.
"Pupunta muna ako sa business department." sabi ko at aalis na sana ako pero hinawakan ni Dwayne ang kamay ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Pupuntahan ko si Ryle."
"Sinabi ko nang hindi siya pumasok diba? Wala ka nang tiwala sakin?" tanong niya.
Umiling ako sakanya. Gustong gusto ko lang talaga siyang tanungin. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko bago ko sila binalingan ni Riza.
"Tara sa cafeteria." sambit ko na nginitian ni Dwayne.
Plano ko sanang palihim na pupunta sa room ni Ryle ngayong lunch kaso kinailangan kong mag aral dahil may test kami mamaya.
Hindi gaanong malaki ang nakuha kong score dahil sa kakaisip kay Ryle.
Dumating ang hapon kaya talagang nawalan na ako ng pag asa na makausap ka.
"Okay ka lang ba, Rachel?" tanong ni Riza.
Naglalakad kami ngayon sa hallway. Uwian na pero kailangan ko pang pumunta sa coffee shop para magtrabaho.
"Syempre, okay lang siya! Nanlibre kaya ako kanina." natatawang sabi ni Dwayne habang ginugulo ang buhok ko.
Iritado ko siyang tiningnan at malakas siyang binatukan.
"Sabi ko ako ang magbabayad pero ang tigas ng ulo mo!" inis kong singhal na tinawanan niya lang.
"Oo na, sorry na." natatawang sambit niya na inilingan ko.
"Ms. Algabre."
Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si dean Gordon. Nakangiti siyang lumapit samin.
"Can we talk to my office?" nakangiting tanong niya.
Nilingon ko muna ang mga kaibigan ko bago ako tumango kay dean.
Sinamahan ako nila Riza at Dwayne papunta sa office ni dean pero hanggang sa labas lang sila. Nang makapasok ako sa loob ay tahimik akong umupo doon.
"Kumalma ka, wala ka namang ginawang masama." natatawang sabi niya.
Hindi ko parin nagawang kumalma pagkatapos niyang sabihin yun. Bakit si dean ang tumawag sakin at hindi si Mrs. Rosales na principal namin?
"A-ano po ang pag uusapan natin?" tanong ko.
Uminom muna siya ng tsaa bago niya ko nginitian at sinagot.
"Mr. Castañeda, father of Ryle is inviting you and your family for dinner tonight." nakangiti niyang sabi na kinagulat ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
dóne
08/08
0maravilhosooooooooooo
26/04/2024
0Bitin hihi
27/11/2023
0Tingnan Lahat