Homepage/Afraid to Fall in Love (Neurelia Series #1)/
Chapter 12
Nang umalis na si sir Canyo ay agad namang pumasok si Ryle. Kanina pa siya naghihintay sa labas at tinitingnan kami ni Mikmik.
"How's Mikmik?" nakangiting tanong niya habang kinakarga si Mikmik.
"Pasaway." nakangusong sabi ko habang nilalagay ang mga gamit sa bag.
"Pasaway? You should behave next time Mikmik." parang batang sabi niya habang nilalaro ang tenga ni Mikmik. "C'mon let's eat." dagdag niya.
"Isasama natin si Mikmik?"
"Ofcourse. You wouldn't leave your son, right?"
"Hindi mo ba susuotin ang baby carrier?" panunukso ko sakanya.
"Funny." busangot niyang sabi.
Hawak kamay kaming naglalakad ni Ryle habang karga naman niya sa kabilang kamay si Mikmik na ngayon ay nakatingin sa mga taong dumadaan. Dala ko naman ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Mikmik.
Ramdam ko parin ang mga tingin ng ibang estudyante samin, ang nag iba lang ay naging tahimik na sila. Wala nakong naririnig na bulong bulongan.
"What do you want?" tanong ni Ryle.
Nasa cafeteria kami ngayon. Nakaupo ako, katabi ko si Mikmik habang si Ryle ay nakatayo sa harap ko.
"Kahit ano." nakangiting sabi ko.
"Alright." sabi niya at tinalikuran na kami.
Napalingon ako kay Mikmik nang tumahol ito.
"Gutom ka na?" nakangiting tanong ko sakanya.
Natawa ako nang tumahol uli ito na para bang sinasagot ang tanong ko.
Nang makita ko si Ryle na paparating sa table namin ay agad ko siyang tinulungan. Nilapag ko sa lamesa ang mga pagkain na nasa tray na hawak niya. Bahagya pa kong nagulat nang may makita akong menudo doon.
Kumakain ba siya ng menudo?
Nang tumingin ako sa gilid ko ay kumakain na doon si Mikmik. Wala sa sarili akong napatingin sa paligid at tama nga ako, pinakain siya ni kuya Frank. Nasa di masyadong kalayuan siya nakatayo habang nakatingin samin.
Pagkatapos kong ilagay ang mga pagkain ay umupo na si Ryle sa harap ko at nagsimula nang kumain. Nang makita ko na steak ang kukunin niyang ulam ay mabilis ko siyang pinigilan.
"Why?" takang tanong ko.
Nginitian ko lang siya at tinulak ko ang plato menudo papunta sakanya.
"Tikman mo." nakangiting sabi ko.
"T-this is menudo right? Your favorite?" tanong niya na masaya kong tinanguan.
Mahina siyang napatawa dahil sa reaksiyon ko bago siya kumuha ng marami doon at nilagay sa ibabaw ng kanin niya.
Tiningnan ko ang bawat galaw niya hanggang sa natikman niya na ito.
"Well, depende naman yan sa nagluto dahil kung ako ang magluluto, siguradong masarap." mayabang kong sabi na nagpangisi sakanya.
"Let me be the judge of it." nakangising sabi niya.
Tumingin ako sa gilid ko para kumustahin si Mikmik. Agad kumunot ang noo ko nang makitang wala siya doon. Umayos ako ng upo at tiningnan ang ilalim ng lamesa namin. Wala din siya doon. Tumingin ako kay kuya Frank dahil magtatanong na sana ako pero may kausap siyang teacher ngayon.
Namumutla kong tiningnan si Ryle na kanina pa pala ako tinitingnan.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya.
Umiling ako.
"Si Mikmik, nasan?" tanong ko.
Agad siyang tumingin sa gilid ko kung saan nakapwesto si Mikmik kanina pero wala ito doon. Tumayo siya at tiningnan ang buong pwesto namin.
"Take that away from me!"
Mabilis akong lumingon sa kung sana nanggaling ang boses. Halos mahimatay ako nang makita si Mikmik na nilalaro si Candy.
Mabilis na naglakad si Ryle doon kaya agad akong sumunod sakanya.
"Ryle! Please help me!" sigaw ni Candy nang makita niya si Ryle.
Agad kinarga ni Ryle si Mikmik at binigay niya ito kay kuya Frank na ngayon ay nasa likod niya. Pinili kong lumayo ng kaonti sakanila dahil baka mabuntungan ako ng galit ni Candy.
"That's your dog?" nandidiring tanong ni Candy.
"Yes, it's my dog. Kumain ka na ba?"
Kumunot ang noo ko nang bigla niyang tanungin yun.
"You should train your dog, Ryle. I haven't eat yet-"
Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang dumapo ang paningin niya sakin. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. Agad akong kinabahan nang nagsimula siyang humakbang papunta sakin.
"It's you, right? You ate with Tita Melissa the other day. Correct me if I am wrong." taas kilay niyang sabi habang humahakbang parin papunta sakin.
Hindi ko magawang sumagot dahil sa kaba.
"Are you mute?" kunot noong tanong niya na nagpayuko sakin.
"Candy stop it." madiing sabi ni Ryle.
"Girl, talk!" malakas niyang sigaw dahilan ng pag atras ko.
"Let's not talk here." seryosong sabi ni Ryle kaya napatingin ako sakanya.
Dahan dahang dumapo ang paningin ko sa kamay niya na nakahawak sa braso ni Candy.
"Follow us." biglang baling sakin ni Ryle at hinila na nila papalabas si Candy.
Malalim akong bumuntong hininga at sumunod sakanila.
"What the fuck is wrong with you, Ryle! I fucking heard Tita complimenting the two of you as a couple. What the fuck?!" malakas niyang sigaw.
Bumuntong hininga ako at yumuko nalang. Laking pasasalamat ko at lumch time ngayon. Lahat ng estudyante ay nasa canteen kaya walang makakakita samin ngayon.
Napunta kami sa likod ng Senior High building, walang ka tao tao doon. Medyo malayo layo ako sakanila.
Nakita ko si Candy na iritadong binawi ang kamay niya mula kay Ryle. Nag uusap silang dalawa, actually mukhang nagsisigawan sila. Lumingon sakin si Ryle pero saglit lang iyon.
Malalim akong bumuntong hininga at unti unti akong humakbang papunta sakanila. Nang makalapit na ako ay agad akong tiningnan ni Candy.
"So you're his friend?" tanong niya na nagpakunot sa noo ko.
Kaibigan? Taka kong nilingon si Ryle pero agad akong nabigo nang makita siyang nakayuko lang.
"I can't believe it, I heard she's poor Ryle! What has gotten into you in these past few weeks? Nagbakasyon lang ako, ganito ka na?" iritadong sigaw ni Candy na nagpayuko sakin.
Tangina. Hindi ko naman ginusto to.
"Candy please can we have this conversation later, at the house?" kalmadong tanong ni Ryle kay Candy.
"Bakit hindi ngayon?" galit na tanong ni Candy. "You know, I bet Gio will laugh at your face once he know about this." sabi ni Candy sabay kalkal sa bag niya.
Mabilis na hinawakan ni Ryle ang braso ni Candy para patigilin siya.
"And I bet he'll laugh his ass out knowing you're bullying the new transferee. Don't ever tell anyone about this, please." pagmamakaawa ni Ryle.
Ilang segundo siyang tiningnan ni Candy bago niya marahas na inalis ang hawak ni Ryle sa braso niya. Inayos ni Candy ang buhok niya at mariin na tiningnan si Ryle.
"What is going on?" kalmadong tanong ni Candy. "Are you playing?" dagdag niya.
Wala sa sarili kong hinintay ang sagot ni Ryle. Nalaglag ang puso ko nang makita siyang tumango.
Tangina?
"Really? Then have some class Ryle! I can give you a lot of girls if you want." sabi ni Candy sabay tingin sakin gamit ang mga nandidiring mga mata.
Pinasok ko sa bulsa ko ang kanang kamay ko at madiing hinawakan ang wallet na nasa loob para kahit papaano ay maibsan yung galit ko.
Potangina, bakit kailangan ko tong maranasan dahil lang sa rason nila na hindi ako mayaman?
"Candy let's just go." sabi ni Ryle.
"Fine!" iritadong sabi ni Candy. Akala ko lalagpasan niya lang ako pero huminto siya sa gilid ko. "Don't cry, it's your fault." bulong niya at umalis na.
Ilang segundong tumayo doon si Ryle bago niya ko nilagpasan at sumunod kay Candy.
Hindi man lang nagsorry ang gago.
Kung hindi niya lang binayaran ang bayarin ni tatay sa ospital ay sana kanina ko pa tinapos tong deal na to. Potangina, ang sarap niyang suntukin.
"Rachel?"
Agad kong nabitawan ang wallet ko nang may biglang tumawag sakin. Nilabas ko na ang kamay ko mula sa bulsa ko at nakangiting nilingon kung sino yun.
"D-dwayne." gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Bahagya siyang napakamot sa batok niya at nahihiyang tinuro ang puno sa di kalayuan.
"Nakatulog ako." nahihiyang sabi niya.
Pinagkrus ko ang braso ko at inilingan siya.
"Palagi ka nalang natutulog. Uso din ang pumasok sa klase, Dwayne." naiiling kong sabi na nagpanganga sakanya.
"Wow, Rachel. Coming from you, eh ikaw lang naman tong nawala sa mall. Ang lakas pumunta doon hindi naman pala kabisado-"
"Oo na, panalo ka na." tamad kong sabi na kinatawa niya.
"Ikaw, bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.
Ilang segundo akong napatigil bago ko siya binigyan ng pilit na ngiti.
"Wala, naligaw ako." pilit ngiting sabi ko na tinanguan niya. "Alam mo, namiss ka na ni Riza. Magparamdam ka naman kahit minsan." nakangiting sabi ko at pabirong sinuntok ang braso niya.
"Nananakit na naman si joker." natatawang sabi niya na nagpabusangot sa mukha ko.
Tangina.
Inirapan ko siya at naglakad na pabalik sa room ko.
"Uy, di na mabiro!" sigaw niya at pagkatapos ng ilang segundo ay nasa tabi ko na siya. "Hatid kita mamaya, gusto mo?" tanong niya na hindi ko pinansin. "Gago, marami akong pera ngayon. Ililibre kita." sabi niya na nagpatigil sakin.
Huminto ako sa paglalakad at ganun din siya.
"Anong ililibre mo?" taas kilay kong tanong.
"Kahit ano. Kikiam, kwekwek, tempura, fishball. Pili ka lang ng kahit ano." nakangiting sabi niya.
Matagal ko siyang tinitigan bago ako tumango.
"Yes!" sigaw niya.
Umiling nalang ako at pumasok na sa room.
"Aral ng mabuti, Rachel!" masayang sigaw niya na hindi ko na pinansin.
Uupo na sana ako sa pwesto ko nang biglang hawakan ni Riza ang braso ko.
"Bakit kayo magkasama ni Dwayne?" kunot noong tanong niya na nagpatigil sakin.
Hindi ba dapat masaya siya dahil makakasama na namin si Dwayne ulit? Bakit galit ang tono ng panalita niya?
"N-nagkausap kami kanina." kunot noong sabi ko habang tinatanggal ang paghawak niya sa braso ko. "Anong problema?" takang tanong ko.
Ilang minuto niya kong tinitigan bago niya ko pilit na nginitian.
"Wala lang, diba kasi kayo ni Ryle tapos magkasama kayo Dwayne. Baka kasi may masabi yung iba, alam mo naman na halos lahat ay may galit sayo. Ako lang yata ang kaibigan mo." mahinang sabi niya.
Matagal akong napatitig sakanya. Saan nanggaling yun? Hindi niya dapat yun sabihin dahil alam niyang kaibigan ko lang si Dwayne.
Malalim akong bumuntong hininga at inisip ang sinabi niya.
Baka tama siya.
"Pasensya na." sambit ko at umupo na sa pwesto ko.
Ilang minuto ang lumipas bago dumating si sir Canyo. Habang nagsusulat si sir ay may biglang binulong si Riza sakin.
"Pumunta nga pala si Ryle dito para kunin yung mga gamit ng aso niyo. Hinanap ka niya din sakin." bulong niya na nagpatigil sakin.
Hindi ba siya tuluyan na sumama kay Candy? Umiling nalang ako at nakinig kay sir Canyo.
Habang nagklaklase kami ay napalingon kaming lahat sa pinto nang may kumatok doon.
Merong dalawang babae at isang lalaki ang nakatayo doon. Patago akong napangiti nang nagtago ang isang babae sa likod ng lalake.
Cute. Siguradong kinakabahan siya.
Nakasuot na sila ng uniform katulad ng samin.
"We're the transferees from New York City, sir." nakangiting sabi ng lalake.
Tumango si sir Canyo at sinensyahan sila na pumasok sa loob.
"Please introduce yourselves to them. Alam na naman nila na dadating kayo." nakangiting sabi ni sir Canyo.
Gagi, bigla siyang bumait.
"Hi! I'm Leanne Ellaine Melendez. I'm 18 years old. Please be nice to me." nakangiting sabi niya.
Pagkatapos ay nagpalakpakan kami.
Sumunod ang babae na nakasuot ng eye glasses.
"Hi!" nahihiyang sabi niya sabay ayos sa eye glasses niya. "My name is Almira Zen Fael. I'm 18 years old, same as her. My favorite subject is Math." sabi niya sabay tago sa likod ng kasama niyang babae na kinatawa ng lahat.
Ang cute.
Pabirong sumigaw ang lahat ng naglakad ang lalake sa harap namin na parang modelo. Inayos niya pa ang buhok niya bago siya nagsalita.
"Good afternoon, I'm Jason Red Ramuñoz, 19." nakangiting sabi niya.
Agad na lumitaw ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi niya. Pabiro siyang kumaway samin na para bang artista. Agad kaming sumigaw para sakyan ang trip niya.
"Class, quiet! I hope you'll welcome these new students." sabi ni sir Canyo sa amin.
Agad naman kaming sumagot lahat.
"Yes, sir!"
"Very good." sabi niya at pagkatapos ay lumingon siya sa tatlo. "Nasa likod ang mga upuan ninyo." nakangiting sabi niya.
Ang bait naman ni sir Canyo ngayon. Mukhang ilang beses na siyang ngumiti ngayong araw na to.
Pumunta na silang tatlo sa likod para kunin ang mga upuan nila na palaging ginagamit ni Ryle sa tuwing pumupunta siya dito.
Tanginang, lalake yun.
Napalingon ako sa likod ko nang may biglang kumalabit sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalakeng transferee.
"Your notebook fell." nakangiting sabi niya sabay lahad ng notebook sakin.
"Ah, thank you." nahihiyang sabi ko na tinanguan niya. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
dóne
08/08
0maravilhosooooooooooo
26/04/2024
0Bitin hihi
27/11/2023
0Tingnan Lahat