Chapter 31

Aviena’s POV
“Can we talk later? I’m really tired today,” ani ko dahil wala talaga ako sa mood para makipagtalo at sabayan ang kung ano mang kinagagalit niya. But this guy seems like he wanted to begin a fight.
“Who are you with?” tanong niya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang mapakunot ang noo. At ano naman sa kaniya iyon? We both knows our deal.
“It’s already 5. You said you’ll do home at 1,” aniya kaya napapikit na lang ako. I know… That’s the reason why I tried my best to go home as soon as I discharge.
“Let’s just talk later, please. I’m really not in the mood to talk with you,” ani ko kaya kita ko ang tingin nito. Madilim din ang kaniyang mukha na para bang hindi natutuwa sa akin. Quits lang kung ganoon, I’m not really happy to see him right now.
I was supposed to lock the door when I saw him going here inside too. Dumretso na lang ako sa kubeta para maglinis ng katawan.
Nang matapos ay lumabas na rin ako. I saw him in the sofa with his laptop. Matagal ko siyang tinitigan habang hindi naman siyang nag-abalang tignan ako. Kahit na hindi ko aminin, I really miss all of him.
Tahimik lang ako nang mahiga sa aming kama. I know that it’s still early but I choose to sleep na para hindi ko lang siya kausapin. Nagawa ko rin namang makatulog dahil na rin siguro sa pagod ko sa lahat.
Nagising lang ako na wala na si River sa aming kwarto at alas-nueve na ng gabi. Hindi ko mapigilan ang mapangisi. He’s probably with the Kylie Denise now, good for him because I won’t be acting as his good wife now. I’m going to distance myself from him for now.
Lumabas na ako ng kwarto, nahinto lang ako sa pagdiretso sa kusina nang makita ko siya sa veranda na may kausap mula sa telepono.
“I can’t go tonight, I’m busy.” Narinig kong saad niya. Napalingon din siya sa gawi ko nang mapansing lumabas na ako ng kwarto. I saw him look at me but I choose to ignore him.
Sana’y pumunta na lang din siya. Mas ayos pa para naman mapigilan ko rin ang nararamdaman ko.
Napansin kong mayroon nang pagkain sa lamesa. Hindi pa nagagalaw kaya sigurado kong hindi pa rin kumakain si River. Papalapit na siya kaya agad ko ring naramdaman ang pagwawala ng puso. I shouldn’t stay here. Ngayong kalmado na ako, mas lalo ko lang ding napatunayan ang epekto niya sa akin. Sa tingin ko rin hindi na lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kaniya. It’s more than that.
“Where are you going?” he asked when I passed by.
“I’ll eat outside,” ani ko kaya kita ko agad ang pagkunot ng noo niya. Para ring tigreng agad na napalitan ang ekspresiyon ng mukha.
“I already cook,” he said and look at the table. Napakagat ako sa aking labi at nagdalawang isip kung lalabas ba o hindi.
“I’m craving for a fastfood, I’ll head out for a while,” ani ko na tinalikuran na siya dahil pakiramdam ko’y agad din akong bibigay kung sakali. Ramdam ko ang kaniyang mga nata na nakasunod sa akin ngunit hindi na ako lumingon pa. I don’t want to talk with him or even see him right now. Kung pupuwede nga lang manatili ng ilang buwan sa Batanes ay gagawin ko.
“I’ll come with you, it will bring chaos when people see you,” aniya sa akin dahilan kung bakit ko siya nilingon.
“You already cooked for yourself. Sayang ‘yan,” ani ko.
“If that’s the case then just eat with me,” aniya kaya hindi ko mapigilang lingunin siya. Hindi ko mapigilan ang mapataas ng kilay dahil sa tinig nito para siyang nanghahamon.
“I don’t crave something that was related to you right now.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon pero ‘yon na lang ang lumabas sa aking bibig, the reason why I immediately go outside. Mahigpit naman ang security dito sa amin kaya hindi ko na rin kailangan pang kabahan sa mga tao dahil mga high maintenance ding tignan ang karamihan. They look like someone who won’t meddle with someone’s life.
Hindi ko mapigilan ang mapabuntonghininga nang nasa sasakyan na ako.
I don’t want to treat him like that but I can’t help it. I just feel really bad again. Damn him, he made me fall so fucking hard dahil lang sa pasimpleng panghaharot niya sa akin.
Matagal akong nanatili sa isang fastfood chain na walang gaanong tao. Hindi naman na ako nagtaka dahil medyo mahal ang food at hindi ganoon kapatok sa taste ng mga tao. Nanood lang ako roon. Hindi pa ako aalis kung hindi lang kinakain ng antok at kung hindi lang papasok sa trabaho bukas.
Napabuntonghininga ako nang pabalik na sa penthouse. I hope he’s already sleeping now.
Dahan-dahan pa ako sa pagpasok para lang hindi lumikha ng ingay subalit agad din akong nahinto nang makita siyang nagtatrabaho pa rin sa dilim. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa kaniya samantalang nilingon lang ako ng malalamig na mata nito.
“I enjoy eating,” ani ko na awkward pang tumawa bago naghalf bath at nagbihis na ng pantulog. Hindi ko na rin sana ito papansinin pa kung matutulog na ba siya o magiging abala pa sa kaniyang ginagawa nang patayin niya na rin ang kaniyang laptop tila ba hinihintay lang talaga akong dumating.
He didn’t say anything when he lie down by my side. Tinalikuran ko lang siya at umarteng tulog na kahit na kahihiga ko pa lang.
“Can you talk to me now?” tanong niya sa akin sa mahinahon na tinig. Agad naman akong napalunok dahil sa tanong nito.
“Can we talk another time? I’m really sleepy now,” ani ko kahit sigurado akong alam naming dalawa na hindi ako ang tipong nakakatulog agad. He didn’t say anything after that kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
Halos hindi na ako makahinga habang pinipilit ang sariling matulog. Naiinis na rin ako sa aking sarili dahil ayaw kumalma ng aking puso. I don’t know if it is because we’re sleeping again for a while o ano. He didn’t make any move too kaya naman laking pasasalamat ko na lang din doon.
Fortunately, matapos ang ilang oras na katahimikan, nagawa ko namang makatulog.
Nagising lang ako kinabukasan na nakayakap na kay River habang ganoon din siya sa akin.
I slowly look at him, he’s also sleeping. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang kamay sa akin ngunit dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata at mas lalo lang ding humigpit ang pagkakakulong niya sa akin sa kaniyang bisig. Nang makasalubong ko ang kaniyang nakakalunod na mga mata’y parang huminto na rin ang puso sa pagtibok hanggang sa bumilis na ito nang bumilis. Damn, this is getting out of the hand. Parang presong gustong kumawala sa kaniyang kulungan. Tila isang kabayong gustong manalo sa karera.
“Good morning.” I tried to smile at him kahit na ramdam ko ang panginginig ng aking labi.
“Can you let go of me? I still have some work to do,” ani ko sa kaniya.
“Let’s talk,” aniya kaya. I don’t know what will we talk about but this is not good for my heart. Us being this close and him looking at me seriously like that.
Will he end our contract? Or what will be the thing we will go to talk about? About his secret relationship with Kylie Denise? I don’t want to hear about that.
“Let’s go of me first and we’ll talk,” ani ko kaya tinitigan niya ako. Matagal ‘yon bago niya ako dahan-dahang pinakawalan.
Agad kong nakita ang phone ko sa gilid. Walang sabi-sabi ko ‘yong dinampot kahit na hindi naman talaga tumunog.
“Hello, Ate? Sa set? Need na ako? Opo. Mag-aayos lang ako at pupunta na ako riyan.” Nagkunwari pa akong abala sa pakikipag-usap kay Ate habang kinukuha ang ilang damit ko.
Nilingon ko so River na siyang masamang tingin ang ibinigay sa akin habang nakaupo na sa kama ngayon at pinapanood ako sa aking kinikilos.
“Can we just talk other time? Is it important? The one you want to talk about?” tanong ko na nagtaas pa ng kilay na akala mo talaga’y walang pakialam sa gusto nitong pag-usapan.
“I’m really busy right now. Direk has been asking me in the set. I’ll get ready na.” Dire-diretso lang ako pagpasok sa cr at halos hingalin pa dahil sa kabang nararamdaman. I don’t even know how did I survive that instense look he have. Napapikit na lang ako bago nagsimulang mag-ayos. Ni hindi ko alam kung paano ako lalabas na hindi siya makakausap nito.
Okay, I’m really stupid I know that but whenever someone’s saying that there’s something they wanted to talk about with me, it’s always bad news. I was just scared about what will he say to me.
“I’ll drop you off,” aniya sa akin pagkalabas ko.
“Hindi na. You’re busy, right? You also have some work to do,” ani ko na sinubukan siyang ngitian.
“I’m not. Let’s go,” aniya ngunit agad ko siyang nilingon.
“No need really. I have my car and baka gabihin kaming makauwi,” ani ko kaya kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Kita ko rin ang dumaan na iritasiyon sa kaniyang mukha ngunit agad din namang uminahon.
“Then I’ll fetch you too.” He’s already decided to do that ngunit nakita kong may biglang tumawag sa kaniya. Agad kong ginamit ‘yon para lang makatakas sa kaniya. He’s not good for my heart. Really. I don’t know if it’s because I miss him for the days I was gone or it’s because I realize that I really like him a lot. Baka nga higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kaniya.
He almost decline the call when I immediately speak.
“I’ll go. Don’t worry about me,” ani ko na agad kinuha ang susi ng sasakyan ko bago nagmadali sa paglabas ng aming penthouse.
Halos pindot-pindutin ko ang elevator para lang makaalis na agad.
The truth is tanghali pa naman talaga ang shoot namin. Napanguso tuloy ako nang makarating sa set at nag-aayos pa lang sila roon. Halos magulat din ang ilang staff dahil sa maaga kong pagdating.
“Ms. Vena?” Halos mataranta ang ilang lumapit sa akin.
“Sino ang nagsabi sa inyong umaga ang shoot?” galit na agad ang organizer na madalas nag-aayos ng shoot namin.
“No. Wala naman. I just decided to be here early. Masiyado pala talaga akong maaga,” ani ko na awkward pang tumawa. Nagkatinginan naman sila bago bumalik ang mga mata sa akin. Mukha pang nagtatanungan ang mga ito kaya ngumiti lang ako.
“It’s really fine. Don’t mind me. You can continue with the preparation,” ani ko na ngumiti pa sa mga ito kaya kita ko ang tingin nila sa akin tila ba nagtataka talaga na nandito ako ngayon.
Napagpasiyahan ko na lang ding magsimulang manood sa aking phone para hindi na nila ako pansinin pa. Wala pa ring mensahe si Ate at paniguradong balak lang talaga niyang sunduin ako sa penthouse mamaya but because I’m here now, I just chatted her not to drop in our house.
Nagkunwari na lang akong abala sa aking phone hanggang sa may lumapit na staff sa akin.
“Ms. Vena, breakfast po para sa inyo. Pinabibigay po ni Sir River,” anila. Halos mapaawang naman ang labi ko nang makita kung gaano karaming pagkain ‘yon. Hindi ko alam kung balak niya bang pakainin ang buong barangay o ano.
Damn him.
He knows how to get me.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Dith Lac

    super nice

    21/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Josh David

    maganda

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo