Chapter 30

Aviena’s POV
Napataas lang ako ng kilay nang makita ko ang paglike ni River sa ilang post ko sa instagram. This is my last day here in Batanes at madalas ko ring makita ang pasimpleng pag-like niya sa ilang post ko.
We never really talk. I never texted him again while I was traveling here in Batanes. Kahit paano’y nakalimutan ko naman ang pag-iisip pa sa kaniya. Tama lang din ‘yon para naman hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano.
Nagsimula na rin akong maglakad bago ko dinala ang camera na hawak.
I’m here in lighthouse. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang kumukuha ng litrato. The place is pretty kaya naman nalilibang ako sa paglalakad-lakad.
“Ma’am, kuhanan ko po kayo ng litrato,” sabi sa akin ng isang babaeng mukhang care taker ng lugar.
“Sure po, thank you!” ani ko na malapad na ngumiti. For days, I just keep on thinking about River and what should I was supposed to do, and now this is what happened. But for weeks, I realize that I’m really falling to him na kahit hindi ko aminin sa aking sarili, nahuhulog na ako. That’s why I really want to distance myself for a while but it’s already fine with me if we became friends. So we can treat each other nicely.
Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ko kay Manang bago ko kinuha ang phone sa kaniya. Napangiti na lang ako dahil maganda ang pagkakakuha kahit blurred iyon.
I was just smiling from ear to ear when I uploaded the picture.
“I’m in love! <3” I caption my Instagram post as that before uploading it.
Nagawa kong magliwaliw mula sa dalampasigan hanggang sa lighthouse. Balak ko ring mamamasyal para kumain dahil ‘yon ang plano ko ngayong araw.
I enjoy eating food and buying pasalubong for my niece and nephews. My days ended up like that. Inihanda ko na rin ang mga gamit ko for my departure tomorrow.
Patungo na sana ako sa kubeta nang makita ang pangalan ni River na may mensahe mula sa aking phone. Nahinto ako roon. Wow? Buti nakaalala ito?
Napatikhim lang ako bago binuksan ang phone ko at tignan ang mensahe niya para sa akin.
Husband:
When are you coming home?
Mukhang kaninang tanghali pa ang message niyang ‘yon at ngayon ko lang nabasa dahil masiyado akong naging abala sa pamamasyal.
I know we were on good terms before I came here and he didn’t do anything wrong so I tried my best to reply to him nicely.
Me:
Hey, I’m going home tomorrow. Did something happen?
I wonder if something really happen. He didn’t text for weeks. Baka bumisita ang Lolo niya at hindi alam kung saan ako galing.
Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang may reply agad galing sa kaniya.
Husband:
You didn’t tell me that you’re going to extend your stay there.
I can’t help but to look at his reply. For the days I was here, ngayon lang ata humaba ang reply nito. Madalas na panay iisang salita lang.
Ako:
Right.
Ako:
I’m sorry. I was just enjoying the place. See you tomorrow, River :
I’m planning to stop texting him dahil nasabi ko na rin naman na uuwi na rin ako. We can just talk if he needed to say something at home. Bago ko pa maibaba ang phone ko’y nakita ko na ang reply mula sa kaniya.
Husband:
Enjoying, huh…
Napakunot naman ang noo ko roon. Bahagya rin ang pag-init ng aking ulo dahil sa paraan ng text niya. I don’t know if he’s trying to provoke me or I was just really annoyed with him. He was also enjoying that I’m not at home. Baka nga iba ang inuuwian niya ngayon or worst baka inuwi pa.
Napangiwi na lang ako sa sarili dahil I really like to conclude things which is not really nice.
Hindi ko na rin pinansin pa ang text niya. Baka wala rin namang ibang ibig sabihin.
Matapos kong maligo’y akala ko hindi na ulit ito magtetext dahil hindi ko na siya na-reply-an but I saw his text asking me what time I am going home.
Ako:
Maybe at 1:00 pm, I’m already there.
Ibaba ko pa lang ang phone ko’y may reply na agad dito.
Husband:
Fetch you tom.
Ako:
No need. You’re busy. Don’t worry I’ll be at home at the exact time I said.
Ako:
And I still have someplace to go too
Hindi na rin naman siya nag-reply after I said that kaya napakibit na lang din ako ng balikat. Desidido na rin ako sa gusto kong gawin kaya I tried my best not to conclude things because of his actions.
Hindi rin agad ako natulog at sinubukan na lang manood but I saw a notification with River liking some of my post again. I can’t help but pout. Yes, I’m pretty but if I was his girlfriend I won’t like to see him like other girls' pictures. Toxic it is but I want him to only like me.
But you’re not the girlfriend, Vena.
That’s my cue to sleep. If I won’t I just probably think about a lot of things again.
Kinabukasan, I just fix my things and eat for some place before going to my flight. Kahit na ang sabi ko sa sarili’y hindi ko na hahayaan pa na mahulog kay River. Hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan sa ideyang uuwi na ako at makikita na naman ito.
Nakarating ako sa Baguio ng alas-otso ng umaga. My family’s already waiting for my arrival kaya naman hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa aking mga labi ng salubungin nila ako.
“How’s your flight, Hija?” Lola asks me.
“Okay naman po, La! I enjoy Batanes! Super ganda ng place. Next time ay isasama ko naman kayo. Let’s celebrate your birthdya there,” ani ko na ngumiti sa kaniya.
“Mabuti naman at naisip mo rin kami. Nagliliwaliw ka roon habang nasa bahay kami,” ani Tita Puschia sa akin nang makapasok ako kaya agad akong nahinto bago napatingin sa kaniya. I can’t help but furrowed my forehead. Bakit ba laging ganito ang mindset ni Tita.
Bago pa ako makapagsalita’y nahinto ako nang makita ko si Tito, ang asawa ni Tita Puschia. Agad akong namutla nang dumako ang mga mata niya sa akin.
“Hindi na rin po ako magtatagal, Lola. I’ll be going. Ibinigay ko lang po ang ilang pasalubong ng mga bata,” ani ko kaya agad na napabaling ang tingin nila sa akin.
“Tita? Bakit naman po? Kararating mo pa lang po, ah?” tanong nila sa akin.
“Kailangan ko na rin kasing umuwi. Hinihintay na ako panigurado ng asawa ko,” nakangiti kong saad sa kanila. Rason kung bakit malungkot nila akong tinignan. Ngumiti lang ako bago ginulo ang mga buhok ng mga ito.
“Huwag kayong mag-aalala, babalik din ako. Bibisita ulit ako rito.” Halos magmadali pa ako sa pag-alis at hindi sinasalubong ang mga mata ng Tito ko nang harangin ako ni Tita sa labas.
“Hanggang ngayon ba’y hindi mo pa rin pinapatawad ang Tito mo? Bata ka noon, natural lang na disiplinahin ka,” ani Tita Puschia kaya hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Ramdam ko ang ngisi sa aking mga labi.
“Kung halos basagin ang bungo ko ang paraan ng pagdidisiplina niyo, salamat na lang ho, Tita. Hindi ko ho kailangan ng ganoong disiplina.” I can always take whatever she says to me but this time I can’t. Lalo na kung kapag dating sa ganito ang usapang gusto niyang balikan.
“Wala ka pa rin pala talagang galang katulad ng sinabi ng Tita mo.” Narinig ko ang yabag ni Tito palapit sa akin. Agad na nanginig ang kalamnan ko at tila nabato balani sa aking kinatatayuan.
“Why? Hanggang ngayon po pala’y mataas pa rin ang tingin niyo sa inyong sarili,” ani ko na ngumisi nang harapin niya ako. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya na tila ba pinipigilan ang sariling saktan ako ngunit hindi niya rin nagawa. Isang malutong na sampal ang ibinigay niya sa akin dahilan kung bakit napaupo ako. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at naalala ang bawat pagkulong nila sa akin sa iisang kwarto pagkatapos akong hampasin ng kahit anong makitang gamit sa bahay.
Hindi ko mapigilan ang mapapikit nang maalala kung paano niya ako takuting sunugin ang aking balat.
“Vena? Vena? Anong ginawa niyo kay Vena?!” malakas na sigaw ni Lola kina Tita na kunot lang ang noo habang nakatingin sa akin ngayon.
“Anong ginawa namin diyan, Ma? Wala! Artista ‘yan! Natural ay umaarte na naman!” ani Tita. Hindi ko alam kung nababakasan ba ng panginginig ang tinig niya o dahil lang sa aking sarili ‘yon.
Tumayo ako at sinubukang ngumiti kay Lola.
“Nadapa lang po. Aalis na po ako,” ani ko na nagmamadalinh umalis na hindi na nilingon pa ni isa sa kanila. Ramdam ko ang luha mula sa mga mata habang naglalakad, para akong bumalik sa pagkabata. Parang bumalik ang Vena’ng mahina.
I tried to wipe my tears when I got to the bus station. Tahimik lang ako nang dumeretso sa loob. That face… I can’t ever forget his face when I was in their house. When I was in Auntie’s house. They always throw things. They don’t really care kung masaktan nila ako, basta ang kanila’y madisiplina lang ako’y tama na.
Habang nasa bus ako’y hindi ko maiwasan ang maduwal, hindi ko alam kung dahil ba sa byahe o dahil sa ideyang nakita ko si Tito.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Para lang akong nagbabalik sa mga panahong ‘yon. The time when I was abused by him. I don’t even want to call him Tito when he was the reason why I wanted to kill myself.
I… I feel terrible… I feel like he was going to do what he have done to me when I was young. The time when he always tries to use me as his punching bag. And Tita? She didn’t do anything about it. Mas mabuti na raw na sa akin ibuntong ang galit ng asawa kaysa sa kanilang mag-ina.
Napangisi na lang ako sa sarili bago pinalis ang luha mula sa aking mga mata.
I was just looking at the window hanggang sa makarating sa Manila. Hinintay ko silang makababa lahat bago ako bababa na sana ngunit nahinto lang nang may nakakilala na sa akin.
“Ms. Vena, can we take pictures?” tanong ng isang babae.
“I’m sorry but I refuse,” ani ko bago nagpatuloy sa paglalakad ngunit hindi ito huminto at hinawakan pa ako sa palapulsuhan which is the reason why it trigger my memory. Napaawang ang labi ko habang ramdam na ang panginginig ng aking katawan.
“Ms. Vena, isang picture lang po!” aniya pa sa akin.
“I’m sorry but I need to go,” ani ko na napahawak na rin sa akinh ulo.
“Isang picture lang naman, Miss! Anong mahirap sa magpakuha ng litrato?” galit pa nitong tanong kaya sinubukan kong kalagin ang pagkakahawak niya.
“I’m sorry but I just can’t really take a picture with you today,” ani ko na hindi na napigilan ang iritasiyon dito. Sa sobrang sama na rin ng pakiramdam ko’y naramdaman ko na lang ang pagkahilo at pagsalubong sa akin ng dilim.
Nagising lang ako na nasa ibang lugar na ako. Agad akong nataranta ngunit agad ding kumalma nang makitang masa hospital ako.
Agad akong tumayo roon. Some nurse immediately attended me.
“Miss, you should stay here for a while,” aniya nang makitang inaalis ko na ang ilang apparatus sa aking katawan.
“What happened to me?” tanong ko sa kaniya.
“Someone brought you here po. Nahimatay raw po kayo,” aniya sa akin. Tumango lang ako.
“Thank you but I need to go now,” ani ko.
“You didn’t eat, Miss, that’s the reason why you got fatigue. Stress is one of the problem too why you ended up being here in the hospital,” she said, explaining things that happened.
“Kumain po muna kayo bago kayo umalis,” anito bago ibinigay sa akin ang pagkain.
“Thank you but where’s the cashier? I needed to pay my bills,” ani ko.
“The girl who brought you here already pay po but she seem like she’s in rush,” aniya. The girl probably guilty. Nagkibit na lang ako ng balikat bago tumayo. I need to go home.
I don’t really like to stay in some public place. Hinayaan na rin naman ako ng nurse nang makita niyang tapos na akong kumain.
I just wore my cap and hoodie bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik lang ako nang mag-commute pabalik sa penthouse. Ang dami kong naiisip. Lahat ng pangyayari nitong mga nakaraang araw at ang nangyari kanina. I still shiver with the thought of my uncle.
Dire-diretso lang ako sa pagpasok sa penthouse at balak na sanang dumeretso sa aking kwarto nag makapagpahinga na ngunit nahinto lang nang makita si River na nakaupo sa sofa na mukhang hinihintay talaga ang pagbukas ng pinto.
“What did you do with your playtoy?”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Dith Lac

    super nice

    21/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Josh David

    maganda

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata