Homepage/The Billionaire's Wife (Bachelor Series #2)/
Chapter 28
Chapter 28
Aviena’s POV
“River’s not replying, Vena?” tanong ni Tessy sa akin. Para bang may gustong sabihin ngunit pinili na lang ding itikom ang kaniyang bibig. Ngumiti lang ako ng tipid bago nilingon ang phone ko. I don’t know what’s wrong with River but he rarely reply for the past few days. Dahil nga sa nagkaaberya rito sa set, naging 7 days tuloy ang aming shoot dito sa Batanes.
Nagtipa lang ako ng mensahe para i-update siya sa ginagawa ko.
Ako:
We’re going to our last stop here in Batanes. See you in Sunday!
Ako:
Have you eaten your lunch?
Husband:
Yup.
Matapos ‘yon ay wala na siyang reply. Hindi ko alam kung masiyado lang ba siyang abala sa kaniyang trabaho o sadyang he was really cold to me right now. Napakibit na lang din ako ng balikat. He was just probably have a lot of things to do like me.
“Vena, nakita pala ng boyfriend ko si River sa ilang bar sa Manila. I don’t know if you know this but they said that he was with a girl,” ani Julie nang madaan ako sa gawi niya. Pinagkunutan ko lang siya ng noo. This past few days ay lagi nilang sinasabi ‘yon sa akin but I don’t really believe them.
Hindi naman si River ang tipong hindi susundin ang pinag-usapan. We can’t date someone in public. Nahinto rin ako sa iniisip dahil do’n. Public. Right. We can’t date someone in public but we can date in private.
Hindi ko rin maiwasan maalala ang ilang usapan namin ni Ate. Right. River and I just have a contract marriage. I don’t know why I’m getting serious with what we have right now. Dahil ba masaya ako sa kung anong mayroon kami? Hindi ko rin sigurado.
Napakagat na lang ako sa aking labi at wala rin sa sariling sumalang sa shoot na malalim ang iniisip. Ilang beses tuloy na naulit ang shoot. Humingi lang ako ng tawad. Wala namang nagawa si Direk kung hindi ang pagbigyan ako. Takot din ang halos lahat na punahin ako dahil pakiramdam nila’y kayang-kaya ko silang sirain sapagkat may back up ako which is River.
Ilang days pa lang akong wala sa Manila pero kung ano-ano na ang mga nababalitaan ko tungkol sa kaniya. He always say he was in meeting na pinaniniwalaan ko rin naman dahil sa palagay ko’y hindi naman niya gawain ang magsinungaling. Hindi ko nga lang maiwasan ang malungkot sa pagiging malamig niya sa akin.
“Thanks for your time. We can visit different places here tomorrow! Late na tayo natapos, pasensiya na kayo. Let’s have a dinner together!” ani Direk kaya naman agad sumang-ayon ang ilang staff. Wala rin akong nagawa kung hindi ang sumunod sa mga ito.
Ako:
Hey, we have dinner together with all the staff tonight. We won’t call each other na naman :((
Nakita ko naman ang reply ni River doon. Hindi na rin kasi kami halos magkausap ni River dahil sa pagiging abala niya sa trabaho while we were so serious with the shoot too.
Husband:
Enjoy.
Napanguso ako roon. Why was he so cold? Tinatamad na naman ba siya magtipa? Then he can call me naman?
Ako:
Have you eaten? Don’t forget to eat po
Husband:
Not yet. I’ll eat later.
Ako:
Okieee. Can I call later? Don’t you miss mee??? Medyo miss kita.
Husband:
Alright. I’ll call you later.
Ako:
What are you doing now? Still busy?
Husband:
Meeting.
Napanguso na lang ako roon bago ko binaba ang aking phone. Pinigilan ko na lang din ang mapangiti. I don’t know what’s wrong with him but I know kaunting lambing lang sa isang ‘yon ay balik na ulit sa dati. Alam ko na rin talaga ang kiliti niya.
“Vena!” tawag ni Julie sa akin nang palabas na kami ng resto matapos kumain kasama sina Direk. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo dahil do’n.
“Look, para maniwala ka. Kakatapos lang ng live ni Greta,” anito bago pinakita ang replay ng live ni Greta. Pumasok sa bar si River kasama ang isang babae. Nilingon ko si Julie at ngumiti na lang. Masaya na rin siguro ako na concern ito sa akin ngayon but seems like hindi lang siya ang nakakaalam dahil sumisilip din ang ilang staff sa gawi namin. Ang ilan ay nangingisi pa kaya hindi ko rin maiwasan ang mapabalik ang tingin sa live.
“He’s in his meeting. He said that to me,” ani ko kaya agad niya akong tinignan.
“Are you sure, Vena? But I heard that this past few days, panay ang balik niya roon. Huwag mo sanang masamain. Ex girlfriend niya rin kasi ang babae. Sikat na model mula sa ibang bansa,” sambit ni Julie sa akin. She looks like she’s really worried about me.
Napatango na lang ako bago ngumiti.
“Thank you for your concern, Vena, but it’s really fine. River told me his whereabouts, don’t worry,” ani ko na umarte pa na parang wala lang ‘yon. Nilingon naman ako ni Julie bago unti-unting napatango.
“You’re really lucky to have him, Vena. I hope for the two of you to last for so long!” aniya pa sa akin kaya tipid lang akong ngumiti muli.
Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko na babalik na ako sa hotel.
Nagawa ko pang i-search muli ang pangalan ni Greta, isa pang staff na malapit sa amin. I tried to look at her live. It’s really River and the girl she was with is really pretty. I know her. Kylie Denise. Iba rin talaga ang kalibre ng mga gusto ni River. He can really get anyone to marry him. Ang gaganda pa.
Napalingon ako sa sarili sa salamin. I never really feel insecure about myself but I can’t help but be annoyed because I was the same as those girls he like. Ibig lang sabihin ay hindi ako naiiba, pare-pareho nga lang talaga kami. He has that certain type of woman. Big boobs, seducing face, and sexy one. Those you’ll think mature when you see them in the photo. I also like that but just a little bit different in person.
But of course, ano naman sa akin kung naroon nga siya? And he said that he has meeting. Baka naman nakipag-meet lang talaga siya. Talaga, Vena? Meeting sa bar? Wow.
Nagtatalo na ang aking isipan ngunit pinili ko na lang na kausapin si River.
Ako:
Hi, are you home now?
It was just minutes from now when he entered the bar. Wala pang ilang minuto ay nag-reply na siya.
River:
I’m already home.
Sinungaling.
Hindi ko maiwasan ang iritasiyon sa akin nang ihagis ko ang phone ko after I ask Julie to ask Greta if River’s still in the bar with his ex.
Or is it even his ex? Baka naman hindi na ex ngayon? Ano naman sa akin kung ganoon? We don’t have any relationship with each other except for the fact that we are married for convenience. I can’t help but be annoyed by the thought that I was getting jealous and mad when I don’t have any right to do so.
Iritado na rin akong natulog ng gabing ‘yon ngunit hindi rin naging madali dahil sa inis ko para sa sarili.
Masiyado na naman kasi akong umasang kami ni River. Umasa ako na ayos kami. Ayos naman talaga kayo, Aviena. It’s you who are thinking that you’re not. Ikaw ‘to nag-assume na naman ng mga bagay-bagay when you only know the glimpse of truth.
Nagising lang ako kinabukasan na wala ng text mula kay River maliban sa text nitong nakauwi na raw siya. Napangisi na lang ako roon. Bakit? Masiyado bang naging abala sa ex niya na nakalimutan na rin na tatawag ako sa kaniya?
You’re so stupid, Aviena. Why are you even thinking things like that?
Imbes na lumabas na at maglibot dito sa Batanes, nakita ko na lang ang sariling nakatutok sa aking phone habang hinahanap ang account ni Kylie Denise. Hindi ko mapigilan ang mapanguso nang sa kagustuhan kong hanapin ang account niya’y napadpad ako sa mga article tungkol sa kanila ni River noon. Napanguso ako nang mabasa na pareho silang mahilig sa adventure. Ang dami nilang litrato roon na magkasama sa ilang adventurous place.
“Wow, bagay sila,” hindi ko mapigilan ang bumulong sa sarili. They really look good together. I wonder why they broke up?
She probably likes the sea. Snorkeling and other adventurous sports that River love. Napangiti na lang ako nang mapait sa sarili.
Inaamin ko, I was really jealous. Gusto ko na ring tigilan ang paghahanap ng impormasiyon tungkol sa kanilang dalawa pero hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili. Sa kagustuhan na lang din siguro na malaman kung dapat bang ilayo ang sarili sa sakit.
She have a public instagram. Ang sexy din talaga. Ang kinis at ang ganda ng hulma ng katawan. Aalis na sana ako sa profile nito nang makita ang isang pangalan doon. It was like a dummy private account. Nakita ko ring naka-request to follow ito sa private account ko at ganoon din sa public account ni River. I don’t know what’s wrong with me but I accepted it and follow her back.
Wala pang ilang minuto’y in-accept na nito ang follow request ko. My mouth widen when I saw many pictures of River ang Kylie Denise. Some are just recent. It seems like this was Kylie Denise private account. Mukhang mga kaibigan niya rin ang nag-cocomment doon.
I scrolled from the start of her Instagram account. It’s Kylie Denise’s Instagram. May mga caption pa when she’s posting River. Some photos are from the past but as I scroll up, recently lang ang post but seems like those photos are already from the past.
‘I miss you, Rivs, see you soon!’
‘I hope you’re doing fine, Rivs. I love you!’
Some are with those captions. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa lahat ng ‘yon hanggang sa makita ko na nga ang post niya this past few days. Panay kasama si River. Ang ilan ay stolen pa ni River. Hindi ko maiwasan ang mapangisi sa aking sarili. So ito pala ang pinagkakaabalahan niya? Meeting, huh?
Liar.
I can’t believe he’s really lying all this time. Kunwari pang ma-mimiss ako, may pagkakaabalahan naman pala sa mga susunod na raw. May bahay na palang uuwian.
Alam kong this past few days lang ang mga litrato. Mayroon pa ang litratong halos kapopost lang ilang minuto. It’s the clothes he was wearing last night from Greta’s live.
Wow. Nice, huh?
Napangisi na lang din ako sa sarili dahil ito rin naman talaga ang usapan namin. He can date anyone he likes but privately. That’s what the girl doing. She’s not even posting any related post with River in her public ig account but crazy inlove in private. Nice. Mala-novela pala ang istorya nila.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super nice
21/07/2025
0kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update
08/10/2024
0maganda
01/10/2024
0Tingnan Lahat