Homepage/The Billionaire's Wife (Bachelor Series #2)/
Chapter 26
Chapter 26
Aviena’s POV
“I want to come with you,” ani River kaya pinitik ko lang ang kaniyang noo.
“Stupid. You can’t. You said that Lolo wants to discuss something, right? And you have a lot of important business meeting.” Ngumiti pa ako sa kaniya bago sinubukang kumawala sa kaniyang bisig.
I have a lock in shoot in Cebu. 3 days kami roon kaya naman nagpupumilit itong sumama kaya lang this past few days, marami rin talaga siyang business meetings and he actually have a lot of things to do on his office lalo na ngayon dahil na rin nagsara ang kalabang entertainment company niya.
“Where’s my goodbye kiss then?” tanong niya kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago sinubukan siyang halikan but that kiss became longer. Ni hindi na ako nito pinakawalan pa. Pinitik ko pa ulit ang noo niya.
“Gago ka? Iisa ka na naman! Hindi puwede! I need to go. Bahala ka riyan!” ani ko na sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya dahil alam ding nabuking sa kaniyang pinaplano. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang pakawalan ako at hayaan nang lumabas para makapag-ayos na.
“I’ll come by tomorrow,” aniya sa akin kaya nagkibit ako ng balikat bago tumango.
Madali lang sa kaniya ‘yon dahil may chopper naman sila. Akala mo’y mamasahe lang ang isang ‘to.
“See you then,” ani ko bago hinalikan siya sa pisngi.
“I already pack your lunch. Ingat sa work!” Ngumiti pa ako sa kaniya.
“You too. Text me when you get there,” aniya kaya tumango lang ako sa kaniya.
Pagkarating ko’y umalis na rin naman kami agad dahil dalawa na lang pala kaming hinihintay. Ang kulit kasi masiyado ni River. Akala mo naman, hindi ako uuwi sa susunod na mga araw.
“Seems like you and River get closer with each other, huh?” tanong ni Ate sa akin habang katabi ko siya. Napatingin din sa amin si Tessy na siyang sinusubukang umidlip.
“Remember that what you have will just end in 2 years,” mahinang bulong niya sa akin. Pinapaalalahanan ulit ako. Tumango lang ako. I know about that. But if we’re going to live together for a while, ayos lang din naman na hayaan ang sariling sumaya kahit paano.
“You should know to limit yourself. Baka akala mo’y ganoon-ganoon na lang ang lahat?” tanong niya sa akin.
“I know, Ate.” Tumango na lang din ako dahil ayaw ko rin namang makipagtalo pa. Sa ngayon, ayaw ko munang isipin ang lahat ng ‘yon. I’m happy right now. I don’t really want to ruin it.
Nang makarating kami sa hotel dito sa Batanes. Agad ko ring kinawayan si Tom na siyang kasama namin dito sa lock in taping.
“Hi, how are you? It’s been so long since I last saw you!” ani ko na malapad na ngumiti sa kaniya.
“I’m fine, Vena. How about you?” tanong niya na tipid na ngumiti sa akin.
“I’m good! Hindi kita nakita sa birthday ni Tash? And these past few months, hindi kita ma-kontak! Grabe, super enjoy ka ba talaga sa switzerland?” tanong ko sa kaniya dahil doon siya nanatili nitong mga nakaraang araw. Humalakhak lang naman siya at nagkibit ng balikat sa akin.
“Mom just really miss me,” aniya kaya napanguso na lang ako at napatango.
“Well, we have a lot of time to catch up,” ani ko na nginitian pa siya. He just shrugged bago siya ngumiti sa akin at tumango. Ngumiti na lang din ako pabalik sa kaniya.
Inayos ko lang ang ilang gamit ko before texting River. I already inform him that I’m already here.
Ako:
Yup. I’m done with my things. I’ll hang out later with some of the cast after I rest.
Wala pang ilang minuto’y may reply na rin galing sa kaniya.
Husband:
Can I call then?
Hindi ko pa rin talaga maiwasan ang matawa kapag nakikita ko ang pangalan niya sa aking phone. He was the one who change his name in my phone. Nakipag-agawan pa siya sa akin nang palitan ang name niya roon.
Ako:
Alright. Ano ba ‘yan? Miss mo agad me, ah
Napatingin ako sa aking phone nang makitang may tawag na galing sa kaniya.
“Yup. I miss you. Come back home.” Napahalakhak na lang ako dahil ang landi talaga.
“Don’t you have meetings or work? Ang daming time, huh?” Napangisi pa ako kaya naman natawa lang siya sa akin.
“Of course, I always have time for you,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“Sabi ko naman sa ‘yo, huwag kang sumasama kay Lake,” natatawa kong saad sa kaniya. Sa kanilang sampu sa bachelor, si Lake ang pinaka-approachable at siya rin ang pinakakorni. Napahalakhak din siya sa aking sinabi.
“Have you eaten?” tanong ko sa kaniya.
“Yup. I’m on my way on my meeting now,” aniya.
“Then focus on that meeting now, Mister. We’ll catch up later. I’ll call you,” ani ko sa kaniya.
“I still have time before the meeting, let’s talk for a while,” aniya.
We just talk about some random things kaya naman good mood din talaga ako nang lumabas.
“Iba talaga nadadala kapag inlove ka, ‘no?” ani Julie, one of my co-actress.
“True lang! Super blooming mo talaga, Girl!” saad naman ni Juliana, ang kambal niya. Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ko dahil hindi ko rin naman alam kung paano mag-rereact.
“Grabe. Ano kayang feeling ng may River Savellano sa life?” tanong ni Julie. Siniko naman siya ni Juliana nang dumating si Tom na tumabi sa kanila. I know some have a crush with Tom kaya nga madalas they seems like they walking on the thin ice kapag narito ito.
“It’s already set. Start na raw po shoot,” anang isang production assistant na nagpatawag sa amin. We’re actually going to have some shoot dahil na rin ayaw nilang palagpasin ang araw na narito kami.
Nagtungo na rin naman ako room wearing my shades and my crop sleeveless top and my mom’s jean. Some locals are also here taking picture with us. Doon lang din kukuha ng ilang extra si Direk.
May ilang nagpakuha ng litrato sa aming mga artista na pinagbigyan din namin.
Inabot na rin kami ng gabi sa aming shoot. Nagkaayaan pa magdinner kaya naman hindi ko agad na-reply-an si River na mukha sobrang abala rin sa kaniyang araw.
River:
Our meeting is not over yet. I want to see you.
Ako:
We’ll call each other later. Rest ka na later. Dami mo meetings!
“Si Boss River ba ‘yang ka-text mo, Ms. Vena?” tanong ng ilang usisera rito sa shoot. Awkward lang akong ngumiti at hindi rin naman sinagot ang kanilang tanong.
“Oo, si River nga. Nagpadala pa nga ng bulaklak si River dito,” ani Ate Rose.
“Kahit ako’y hindi rin hihiwalay kay Boss River kung sakali. Swerte mo talaga, Ms. Vena!”
Hindi ko naman mapigilan ang palihim na pagsimangot nang magsimula na silang magkwentuhan about River na akala mo’y isa itong tropiya na may karangalan kapag nakuha mo.
“Lingunin ka lang niyon, malalaglag na panty mo!” Siya pa taga-alis ng panty ko, beh. Hindi ko naman maiwasan ang matawa sa naiisip at mapailing na lang din sa aking sarili.
“True! Kahit maging jowa mo nga lang parang ikaw ma ang pinakamagandang babae sa lahat!” anang isa pa sa kanila. I wonder what will happen when they realize that we aren’t really together?
“Swerte mo talaga, Ms. Vena.” Ngumiti lang ako roon. I know that. I’m really lucky to have him even for just two years. Ang dami na agad niyang naitulong sa ilang buwan naming pagsasama.
After ng dinner at pang-uusisa lang nila sa buhay ng isa’t isa. Agad na rin akong nagpaalam na papasok na.
River:
Katatapos lang ng meeting. Can I call now?
Isang malapad na ngumiti ang kumurba sa aking mga labi nang sagutin ko ang tawag niya. Hindi ko mapigilan ang mapanguso nang makita siyang nakadantay sa kaniyang sofa habang maluwag ang kaniyang necktie at bukas pa ang ilang butones ng kaniyang longsleeve. Ano ba naman ang isang ‘to? Required ba na ganiyan kagwapo kahit na kagagaling lang sa trabaho.
He seems like he was really tired. Sobrang dami ba namang meetings. Ayaw na ata siyang pauwiin ng Lolo niya. Kapag ganitong may mga lock in taping ako saka talaga sinisingit ng Lolo niya ang mga meeting na ‘yan. Hindi ko maiwasan ang matawa roon.
“How’s your day?” tanong niya sa akin.
“It’s kind of relaxing. The place is nice. Eventhough I’m here for the shoot, the place is really healing,” ani ko na ngumiti sa kaniya bago ko inalis ang ilang braid sa buhok. He’s not saying anything kaya nilingon ko siya. Pinanonood niya lang ako sa ginagawa. Natawa lang naman ako roon.
“Let’s visit Batanes together next time. Just the two of us,” aniya kaya napangiti ako bago tumango.
“What about you?” tanong ko sa kaniya.
“How’s your day?” tanong ko pa kaya nagkibit lang siya.
“I had a long tiring day today. Lolo’s has been saying things nonstop,” reklamo niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago ko siya hinarap. He always seem like he doesn’t really say things, kapag may pinagawa sa kaniya. Laging seryoso niyang ginagawa ang mga ‘yon. That’s why akala ko hindi na siya marunong magreklamo.
“Sana humingi ka ng break,” natatawa kong saad.
“If I ask for a break, he’ll just keep on pestering me on how he wanted to have a gandchild from me,” aniya kaya hindi ko rin maiwasan ang matawa roon. Nailing na lang ako bago nangingisi dahil sa sinabi nito.
“So? Will we give him?” tanong niya sa akin kaya inirapan ko siya.
“I’ll take a bath first. I’ll call you again later,” ani ko sa kaniya.
“Or do you even want to come with me?” pang-aasar ko sa kaniya kaya agad niya akong sinimangutan.
“Shut up,” aniya kaya napahalakhak lang ako.
“Take your bath too. Bye!” ani ko dahil talagang nakasimangot na siya ngayon. Natatawa ko na lang ding binaba ang tawag.
I just took a bath before calling him again. I was already putting my skin care when he answer. Mukhang katatapos lang nitong maligo at kalalabas lang ng cr. Topless pa ang mokong. Ni walang pangundangan na nagpalit sa harapan ko kaya halos manlaki ang mga mata ko sa kaniya.
“What the heck are you doing, River Savellano?” Siya naman ang humalakhak ngayon.
“What? Para namang hindi mo pa nakita,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kulang na lang ay umikot buong eyeballs ko dahil sa kaniya. Tumawa lang siya bago tumapat na sa akin matapos niyang magbihis. Tumatawa pa rin siya nang nagshare screen.
“I know you already want to watch,” aniya kaya napanguso ako. Hindi ko maiwasan ang matuwa rito. He really knows me now…
“Sus, matutulog ka rin lang naman. I can watch on my own po.” Napatawa pa ako kaya napanguso siya.
“Just watch. I’ll watch you too,” aniya kaya nailing na lang ako.
Napanguso ako nang mapansing hindi nga siya natulog, nakatingin lang ang mga mata sa screen. Hindi ko alam kung kumukurap pa ba siya.
Nang matapos kami sa isang episode ay nilingon ko siya.
“You should sleep now, I know you’re tired. I’m going to rest now too,” ani ko.
“I know you’re just going to watch. Call me when you’re done. I’ll say my good night.” Tumango na lang ako dahil hindi rin ako tatantanan ng isang ‘to hanggang hindi ako pumapayag.
I thought he’ll end the call but he didn’t. Ipinuwesto lang din sa tapat niya ang phone. Natawa na lang ako roon. He was really waiting for me to wake him up but I won’t I know how tired he is. Matapos kong manood ay pinagmasdan ko lang siya sandali.
“Good night, Mister. Sleep well tonight…”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super nice
21/07/2025
0kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update
08/10/2024
0maganda
01/10/2024
0Tingnan Lahat