Chapter 19

Chapter 19
Aviena’s POV
“Are you excited?” tanong ni Ocean sa akin matapos akong ayusan. It’s time for River and I wedding. Mga kilalang tao ang narito. May mga photographer naman at syempre ilang reporter. Hindi ko maipagkakaila na kinakabahan ako. Hindi ko inimbita ang mga kamag-anak ko dahil ayaw ko silang biglain subalit mukhang lalo atang mabibigla ang mga ito kung makikita man sa news ang ilang tungkol dito. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Sapat na ba ang na-love at first sight ako? Hindi ko alam..
“Maybe I am,” ani ko. Alam kong hindi ako gusto ni Ocean but she doesn’t have a choice but to like me. Dalawang taon kaming mairita sa isa’t isa. But seems like it’s different today. Mukha siyang makungkot para sa akin.
“I’m sorry,” bigla niyang saad kaya napalingon ako sa kaniya. Naramdaman ko rin ang dagundong ng puso sa biglaan nitong paghingi ng tawad. May ginawa ba itong kung ano? Hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman sa ideyang masisira ang pangalan ko.
“I’m sorry for not treating you well. I was just shocked that he got married without informing me…” aniya na napakagat sa kaniyang labi. She look sincere kaya nagulo na lang lalo ang utak ko.
“I’m sorry about Kuya…” ani Ocean sa akin.
“I didn’t know that he really did his plan on marrying someone because he wanted to protect Marissa… from himself. He said that Marissa deserves better. Hindi tamang pakasalan niya lang ito dahil sa pansariling dahilan. And Marissa’s not yet ready to get married. Kailangan muna niyang makapagtapos, ‘yon ang sabi ng kaniyang magulang,” aniya sa akin kaya nahinto ako bago napatingin sa kaniya. Napansin niya ang pagtatanong sa aking mga mata kaya agad niya rin namang sinabi.
“He doesn’t want to hurt Marissa. Marrying her for convenient. That’s not what he wants for her, that’s why he’s doing this.” Napaawang na lang ang labi ko roon at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.
Hmm, so that’s the reason he married me… Kahit paano’y naibsan ang iritasiyon ko sa kaniya. Prinoprotektahan niya rin naman pala si Marissa. Pero nakakainis pa rin dahil ang hilig niyang manlandi at magbigay ng mix signal.
Ngumiti lang ako sa kaniya. If I was excited earlier with the thought of marrying him, unti-unti nang nawala ngayon. I felt bad to my self. Napaka-assuming ko. Naging mabait lang sa akin ng ilang araw feeling ko gusto na ako. Tinrato lang ako na parang ako lang ang mundo niya, nagpauto na naman ako.
While I was walking in the aisle, hindi ko maiwasan ang maluha dahil ang tanga-tanga ko na naman.
I anxious while walking my way to him, hindi ko rin maiwasan ang mapasulyap kay Marissa. Napangiti na lang ako nang mapait sa sarili. If I feel bad for myself, I feel more bad to Marissa. Watching someone you love marrying someone else will never feel right. It doesn’t sit well to me. Just like in our first wedding, it was just the same. Both of us are not that happy. Pareho lang napilitan. Pareho lang nagkukunwari.
“You may kiss the bride,” anang pari kaya naman wala pang ilang segundo’y siniil niya na ako ng halik. Agad din akong kumawala matapos ‘yon. Marami akong narinig na congrats mula sa mga tao sa paligid namin ngunit hindi ko pa rin sigurado kung sino nga ba ang totoo.
Ilang minuto pa nga lang matapos ang kasal, tumatawag na ang ilang kamag-anak ko. Nakikihingi ng balato na akala mo’y nanalo ako sa lotto dahil sa ginawa.
“Ate,” tawag ni Marieta nang sagutin ko ang telepono.
“Why did you marry, River Savellano? Is that because of us?” tanong niya sa akin kaya nahinto ako. Pinaglaruan ko lang ang daliri ko.
“Kaya ba biglang lilipat na kami ng bahay?”
“Hmm, it’s not like that…”
“You’re sacrificing your happiness for us again…” aniya na hindi na mapigilan ang gustong isatinig. I will always sacrifice everything for them. For her. Kung hindi nagawang isakripisiyo ni Mama ang sarili para sa amin, ako ang gagawa. I will always do anything for Marieta. Hindi ko gustong maranasan niya ang naranasan namin ni Ate noon.
“Ano ka ba? Masaya si Ate. Masaya ako.” Hindi ko alam kung sa kaniya ko ba talaga sinasabi ‘yon o sa aking sarili.
“I’m sorry I didn’t tell you more earlier. Babawi si Ate. The party is starting. Tatawagan ulit kita mamaya,” ani ko sa kaniya kaya sumang-ayon na rin siya.
Nang bumalik ako sa gawi nina River, pangiti-ngiti lang ako sa lahat. As usual kailangan ko ulit umarte na para bang sobrang saya ko rito.
“So where do you plan to spend your honeymoon?” tanong ng Lolo ni River kaya hindi ko na napigilan pa ang masamid sa sarili. What the heck? Anong honeymoon? Kailangan pa ba niyon?
“River and I are both busy with our works po. Both of us need to go back lalo na marami pong naiwanan na trabaho. Araw-araw naman pong honeymoon sa amin,” ani ko sa malambing na tinig kaya halos masamid ang nakakarinig habang napaawang din ang labi ng katabi ko. Napahalakhak naman ang Lolo ni River dahil sa sinabi ko.
“If that’s the case maybe I’ll be expecting things grandchild this month?” patanong na saad niya kaya ako naman ang nasamid sa iniinom.
“Careful, Wife.” Kita ko ang pagkamangha at bakas ng tawa mula sa mukha ni River bago niya ako inabutan ng pamunas.
“My wife is not ready yet, Lolo. Time will come and we’ll give you one,” ani River na ngumisi sa Lolo niya.
“Aasahan ko ‘yan kung ganoon,” ani Lolo na ngumiti sa aming dalawa. Ngumiti lang naman ako dahil wala ‘yon sa usapan namin ni River at sa ngayon I’m not really ready to a have child. May pinag-aaral pa ako at hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko para kay River, isa pa hindi niya ako gusto. After this wala na kaming ugnayan ni River sa isa’t isa, pagkatapos ng dalawang taon, tapos na rin kami. Gusto kong bigyan ng masaya at kompletong pamilya ang magiging anak ko kaya hindi ko kayang ibigay ang gusto nito.
“But still, have your honeymoon. Huwag puro trabaho. Bigyan niyo rin ng oras ang isa’t isa. I already called your private pilot. Pinahanda ko na rin ang chopper. Anytime na gusto niyong umalis, puwedeng-puwede,” anito bago kami nginitian. Hindi ko naman maiwasan ang mapanguso roon. Tila bawal tumanggi sa gusto nitong mangyari kaya naman awkward lang akong ngumiti sa kaniya.
Matapos ng usapan namin kasama ang Lolo ni River. Binati rin namin ang ilang kaibigan nito. Ang ilan ay talaga namang tahimik lang sa isang tabi. Some of them are with their partners. Atasha was one of them. Kilala ko naman na si Black Montello kaya kaswal ko ring nakakabatian. Dalawang mukha nga lang ang hindi pamilyar. Demon Fontalejo at Poison Montello. I don’t really know some information about the two of them. Mukha pang parehong tahimik. Magsama-sama sila ni River at Black.
“Vena! Nandiyan ka lang pala!” nakangiting saad ni Ate sa akin na akala mo’y ngayon lang ako nakita samantalang kanina niya pa ako dinadaan-daanan para lang makipag-socialize sa ibang tao.
Lumapit pa siya sa akin bago ako siniko kaya ngumiti ulit ako sa mga bisita ni River.
“This is my sister Rose. She’s also my manager,” ani ko na ngumiti sa mga ito. Naniningkit naman ang mga mata ni Atasha kay Ate.
“Where’s your boyfriend, Rose? I thought you’ll come with him?” tanong nito.
“Break na kami. Alam mo na, hindi ko rin kasi gusto ang ugali nito,” aniya kaya napatangin ako agad kay Ate. Anong break? Kakakita ko lang ang post ni Kuya Girlbert kanina na kasama siya bago siya nagtungo rito? Kaka-break lang nila?
Hindi na rin naman ako nakapagtanong dahil naging abala na sila sa pag-uusap tungkol sa ilang business.
“Excuse me. I’ll just talk to my friends for a while,” ani ko. Nilingon ako ni River.
“I’ll come with you,” aniya sa akin ngunit umiling na ako.
“No. Talk with your friends for a while too,” ani ko na nginitian pa siya. Magpupumilit pa sana ito kung hindi lang kinausap ng mga kaibigan niya.
“Hayaan mo naman ‘yang asawa mo, River. Magsasawa ‘yan sa ‘yo. Ikaw rin.” Humalakhak pa sila kaya napakunot ako ng noo. Nailing na lang din ako. Sinamaan lang ng tingin ni River ang mga ito bago niya ako hinayaang umalis.
Lumapit naman ako sa ilang artista friends at nakipagplastikan panandalian.
“Hey, are you enjoying the party?” nakangiti kong tanong kay Tom na nilingon ako bago tinanguan. Mag-isa niya lang sa kaniyang table kaya nilapitan ko na.
“Yup. Thank you for inviting me. Got you my gift,” ani Tom. Hindi ko alam kung may problema ba ito dahil parang malungkot ang kaniyang mga mata.
“You can always talk to me if there’s a problem, okay?” tanong ko bago siya nginitian. Tumango naman siya sa akin kaya napangiti na lang ako.
“Congrats in your wedding,” aniya na nakangiti ngunit hindi ko rin makitaan ng saya ang kaniyang mukha. I know he doesn’t want to share something right now so I didn’t really push him to say anything.
“You should go back to your fiance, maraming reporter dito sa ngayon. Baka mamaya’y masira na naman ang pangalan mo,” ani Tom sa akin.
“Matagal naman ng sira ‘yon,” ani ko bago humalakhak sa kaniya.
“But still. Ingatan mo pa rin.” Ngumiti naman ako sa kaniya bago ginulo ang kaniyang buhok. He’s right din naman. Alam kong bawat galaw ko ngayon ay pinagmamasdan ng media kaya naman I was all over the place with River lang para kausapin ang mga ito.
Halos paumaga na nang matapos ang party. Ni ayaw pang magsipasok sa kani-kanilang villa ang mga bisita.
“I’m going to rest too,” bulong ko kay River.
“Yeah, we should rest,” aniya subalit agad siyang naharang ng mga kaibigan.
“Hindi pa tapos ang inuman papasok ka na agad?” natatawang tanong ng mga ito sa kaniya. Nginiwian niya lang ang mga ito.
“Diyan na nga muna. You should stay with your friends for a while. Sunod ka na lang sa kwarto,” ani ko sa kaniya at malambing na ngumiti. Aba’t ayaw ko namang isipin ng mga kaibigan nito na inuunder ko na ang kaibigan nila. Mahina ko siyang tinulak. Nangunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin. Gusto pa sanang makipagtalo ngunit iniwan ko siya roon.
Agad ko ring pinagsisihan ‘yon nang hindi na ako makatulog sa dami ng iniisip. Hindi ko na rin namalayan na alas-otso na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Wala pa rin si River at mukhang nakikipagsayahan pa sa mga kaibigan. I was just scrolling on my phone nang makitang may chat galing kay Atasha.
Atasha: Gising ka na agad? Congrats, Bebs!
Ako: Hindi pa kayo natutulog? It’s already 8? Hindi pa tapos ‘yang inuman?
Atasha: Girl… 5 pa lang natapos na sila. Atat na atat na ang iba na magsibalik sa kani-kanilang villa.
Nahinto naman ako roon. Nasaan si River kung ganoon? Baka mamaya’y nalunod na ang isang ‘yon sa kalasingan. Agad naman akong napaahon sa pagkakahiga nang maisip ‘yon. Dali-dali pa akong lumabas sa villa para lang hanapin siya ngunit agad ding nahinto nang makitang nakatayo siya malapit dito sa villa habang kausap si Marissa.
Right. Why do I even expect anything from him? Napatalikod na lang ako. Why the heck am I even worried for him?

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Dith Lac

    super nice

    21/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Josh David

    maganda

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata