Chapter 17

Aviena’s POV
“What?” Sinamaan ko ng tingin si River nang buhatin niya ang mga bitbit ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa lahat ng ginagawa nito. Ang lakas pang mang-asar. Naiinis ako dahil pakiramdam ko’y mabait lang siya sa akin dahil magkaaway sila ni Marissa. Hindi ko maiwasan ang mapairap sa ideyang ‘yon.
“Why are you getting mad at me? Are you still thinking about us making a baby?” natatawa niyang tanong. Halatang nang-aasar. Tinulak ko naman siya palayo sa akin kaya natawa siyang umiwas ng daan ngunit ang tingin niya’y nasa akin pa rin habang patawa-tawa pa. I don’t really know what gotten into him right now. He’s just really annoying.
Nang makarating kami sa kwarto, wala pang ilang segundo ay tinatawag na kami palabas.
All of them are enjoying the day. Habang ako’y gusto nang matapos ang kasal na ‘to para makauwi na at makapaglipat na.
“You two won’t stay together. Baka hindi matuloy ang kasal.” Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon. Ang sabi kasi ng marami bawal magsama ang ikakasal dahil malas daw. Kahit naman magsama pa kami’y hindi rin naman kami magtatagal kaya hindi ko rin gets kung bakit kailangan pa. Isa pa, kasal na rin naman kami.
“No need, Tita. We’re already married. Hindi na po kailangan,” ani River kaya nilingon lang siya ng Tita niya. Aangal pa sana ngunit agad na ring napigilan ng lolo ni River.
“Hayaan mo na sila, Steff, mabuti nga’y pinagbigyan pa tayong magpakasal muli ng dalawa. Let them have their peace.” Wala silang nagawa dahil ito na ang nagsalita.
After naming mag-ayos ng gamit ay lumabas na rin kami. They are already having fun. Handa na ring magswimming ang mga pinsan ni River kasama si Marissa. Tashi’s only one who ask me to join them. Ni hindi nila ako pinansin pa. Ngumisi na lang ako bago naupo sa aking upuan.
Nahinto lang ako nang lapitan ako ng Mama ni River at naupo sa tabi ko. Kahit madalas ko silang kasama, madalang ko lang ‘tong makausap. Bukod sa takot ako, I just feel like she doesn’t like me.
Ang Papa naman ni River, pauwi pa lang dito mamaya. Hindi ko rin alam kung paano ko sila kauusapin.
“Why didn't you invite me in your wedding?” Natigilan ako sa biglang tanong niya.
“Po?”
“You didn’t invite me the first time you get married,” aniya na malamig akong tinignan. Napaawang ang labi ko at hindi alam kung anong sasabihin dahil biglaan lang naman talaga ‘yon. Ni hindi ko nga rin alam na ikakasal pala ako ng gabing ‘yon.
“Do you really love my son? Or you only love him because of his money?” Ni wala siyang pinalagpas na oras para tanungin ako. Ngumiti lang ako roon. Hindi rin kasi sigurado sa isasagot. I don’t want to lie to her either. Of course, no mother want to hear something like that from someone else. He’s precious to her.
“See? You can’t even answer that simple question. How can that guy choose someone like you?” mahinahon ang tanong nito at hindi ko alam kung may pang-iinsulto ba sa tinig. Ang elegante pa rin ngunit parang punyal ang mga katagang galing sa kaniya.
Napayuko na lang ako nang tuluyan na itong umalis sa tabi ko. Pinaglalaruan ko lang gamit ang aking mga paa ang buhangin. Maybe this should be right. I won’t be guilty for having the house he gave me because this is hard. Hindi madali ang lahat. Para bang araw-araw kailangan mong umiyak nang patago.
That’s just what happened for the past few days. Madalas na sila-sila lang ang nagkakatuwaan. Wala pa si Ate Rose, si Girlbert, ang boyfriend ni Ate at si Atasha na siyang nag-iisang kaibigang in-invite ko. And of course, Tom, that guy will probably get mad at me if I won’t tell him about this. I remember when I called him and said that I’ll be marrying River.
“Is that for real? So the news about the two of you is really a thing…” Hindi ko alam kung nababakasan ko ng disappointment ang tinig nito.
“I thought you don’t like him?” tanong nito sa akin.
“I like him, I won’t get married with him if I don’t.” Nasanay na ako na ganoon ang sagot sa mga nagtatanong sa akin.
Nasasanay na rin ako kapag sinasabi nilang gold digger lang naman talaga at paniguradong pera lang ni River ang dahilan kung bakit ko ‘to pinakasalan. Bakit pa ako magagalit gayong totoo naman?
At dahil gold digger ako, tiisin ko ang pagiging malamig ng pamilya nito.
Mag-isa kong naglalakad sa dalampasigan dahil lahat sila’y gustong kasama si Marissa. They’re even going to island hop later but they didn’t tried to invite me dahil nga raw hindi ako pupuwedeng magpa-stress for the past few days. Tatlong araw na lang ay ikakasal na kami.
“Do you want to island hop? Just the two of us?” tanong ni River sa akin nang mapansin ang pagkatahimik ko. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw akong kasama nina Tita kaya niya ako in-invite ngayon o dahil sa kung ano pero dahil wala rin naman akong gagawin, pinili ko na lang ding tumango.
Wala pa atang ilang oras ay nakita ko na lang ang sariling nasa yate kasama siya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang yate na ‘to. Mas malaki pa sa yate na gagamitin ng pamilya niya.
“Lolo gave it to us as a gift,” aniya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko.
“Huh?” Napaawang na lang ang labi. I know that they’re really rich but this is just too much. Akala mo barya lang na ipinamimigay nila ang mga ito.
Nagtungo kami sa deck area nitong yate. Mayroong wine at pagkain doon. Magkatabi kaming umupo habang nakatanaw sa dagat. Dahil dakilang social climber ako at awkward sapagkat walang nagsasalita sa aming dalawa ni River, I took a photo of my view with my feet.
“I’ll take a photo of you,” ani River na kinuha ang cellphone niya sa kaniyang tabi. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso bago tumango. Ramdam ko ang hiya habang nagpopost sa harap nito. I don’t know why I’m getting shy right now kahit na lagi naman talaga akong nasa harap ng camera. Isang malapad na ngiti lang ang pinakawalan ko hanggang sa matapos.
“Where should I send it?” tanong niya.
“Airdrop?” patanong na sagot ko. Mukhang hindi niya gusto but he ended up nodding his head.
“Kuhanan ko kayo ng litrato, Sir,” anang isang crew na nagdadala agad ng panibagong alak. Pareho na kaming nakaupo ngayon ni River. Isang ngiti lang ang pinakawalan ko sa camera.
“Kasama naman po dagat,” anito kaya tumayo kami ni River. Bahagyang napaawang ang labi ko nang hapitin niya ang baywang ko papalapit sa kaniya dahil kanina pa ‘closer’ nang ‘closer’ ang crew na kumukuha ng litrato sa amin.
Nakatingin lang ako sa camera habang ramdam ko ang titig ni River sa akin. Tila ba nanunuot ito sa aking katawan. Pinigilan ko lang ang sariling lingunin siya dahil siguradong lunod na naman ako kung sakali at hindi ko na alam kung paano ako aahon.
Nang matapos ‘yon, he doesn’t even have a plan to let go of me. Napanguso na lang ako roon bago kami nagtungo sa upuan.
“Gusto mo bang kuhanan din kita?” tanong ko habang nakangiti sa kaniya. Umiling lang naman siya roon. Napanguso ako. I use to search about him noon kapag katapos ko siyang makita sa mga social gathering na kasama ang kilalang tao.
We’re just enjoying the sun, wind and the water while drinking some wine. Wala ni isang nagsasalita sa aming dalawa.
Nagawa ko pang i-search ang pangalan niya sa ig. I use to stalk him but almost of his photo there are stolen I can’t find his account anymore.
“It’s RiverSavellano now.” Halos mapatalon ako sa gulat nang mapansin na nasa tabi ko na pala siya. Nagsasalin ng wine na siyang nasa tabi ko.
“It seems like you’re finding my account,” aniya kaya nanlaki ang mga mata ko na ibinalik 'yon sa aking cellphone.
“What?” Bahagya akong nataranta roon. Kita ko naman ang ngisi sa kaniyang mga labi kaya agad din akong nairita. Ewan ko ba kung bakit naiinis na naman ako rito.
“Stop being assuming!” ani ko na sinamaan siya ng tingin bago itanago ang aking phone. Humalakhak lang ito bago napakibit ng balikat. Hindi ko maiwasan ang mapanguso dahil do’n.
‘”Epal ka!” sigaw ko ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti mula sa kaniyang mga labi.
“What? I’m not even saying anything anymore,” aniya sa akin na nakangisi pa rin. He look so playful right now. Ibang-iba sa laging seryoso na si River.
Inirapan ko siya bago sinamaan ng tingin ngunit hindi man lang ito natakot.
“Do you want to try scuba diving?” tanong niya sa akin. Agad akong umiling. I’m adventurous person. Takot akong sumubok sa bagay-bagay. Mas madalas na gusto ko lang gawin ang bagay na komportable ako. Kumbaga kung saan ang comfort zone ko’y doon lang ako.
Tinignan niya lang ako bago napatango. Nang nasa gitna nga lang kami ng dagat, hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang buong paligid. This is what you called healing.
“Ang ganda…” ani ko na hindi maiwasan ang ngiti.
“Ang ganda mo,” aniya naman kaya agad ko siyang nilingon at sinamaan ulit ng tingin. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya pero kung oo super effective dahil naiinis ako sa ideyang nilalandi niya ako ngayon gayong may nobya siya. Hindi ko maiwasan ang tignan ito bago siya pinagtaasan ng kilay. Nag-away lang sila’y naghahanap na ito ng bago? Nanghaharot na ito ng ibang tao?
“Hindi mo ako madadala riyan sa ngiti at panlalandi mo!” Masamang tingin pa ang ibinigay ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay habang naroon ang ngisi sa kaniyang nga labi.
“I’m not even doing anything yet?” nakangisi niyang tanong kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Humalakhak ito at ngumisi.
Agad akong nagulat nang bigla-bigla na lang itong tumalon sa yate. Kitang-kita ang pagbagsak niya sa tubig. Nasa malalim kaming parte kaya ramdam ko ang dagundong ng puso.
“Kuya! Manong! Si River! Si River ho tumalon!” malakas kong sigaw na hindi alam ang gagawin. Nasa kabilang parte ng yate ang nga ito kaya hindi ako naririnig. Instinct ko na lang din siguro ang nagsabi na tumalon ako kaya ginawa ko. I was fucking scared to death and only knows the basic in swimming but I did. Pagkatalon na pagkatalon ko nga lang ay hinuli ako ng isang kamay bago ako ikinulong sa kaniyang bisig ng umahon kami. Hinihingal ako nang makaahon. Tinignan ko nang hindi makapaniwala si River. Awang na awang ang labi ko habang siya’y namamangha at kitang-kita pa ang ngisi sa kaniyang nga labi na ikinainis ko.
“What the fuck, River?” Tinulak ko siya bago umakyat sa yate. Tinulungan niya naman ako ngunit hindi ko gustong magpahawak sa kaniya. Naninikip ang dibdib ko. Ni hindi man lang siya nagsabi! Basta-basta na lang tumalon na wari’y kabisado niya ang dagat!
“Don’t you dare touch me! Tatampalin ko ‘yang kamay mo!” malakas kong sigaw kaya bahagya itong humalakhak bago tumabi sa akin. Mas lalo lang akong naiinis dahil he can’t take things seriously. Akala mo’y lahat biro para sa kaniya. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko bago siya inirapan. Dire-diretso na rin ako sa pagpasok sa loob habang nakasunod lang siya sa akin.
“Are you mad?” tanong niya na tila namamangha habang pinagmamasdan ako.
“You fucking scared the fuck out of me! Tapos ngayon magtatanong ka kung galit ako? Gago ka ba?” malakas kong sigaw sa kaniya. Bahagyang nadapuan ng gulat ang mukha nito ngunit mayamaya lang ay nangisi na siya.
“Hmm, I didn’t know that you care about me that much, huh?” Parang ‘yon lang ang narinig!

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Dith Lac

    super nice

    21/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Josh David

    maganda

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata