Chapter 15

Aviena’s POV
Base sa mga tingin nito, para bang kasalanan ang tumanggi.
“It’s fine with me.” Kita ko ang tingin nila sa akin bago ngumisi. Para bang sa ngisi pa lang ng mga ito’y alam na alam nang magkakasala ako. Nawawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa mapanghusga nilang mga mata ngunit pinigilan ko na lang din ang sariling magsalita.
“We can all party together. No need for what you’re planning,” malamig na saad ni River sa kanila kaya agad nila itong nilingon.
“You’re so kill joy talaga, Kuya. What’s the problem with that? Minsan lang kami lumabas. We would like to hang out with your wife too.” Tumawa pa si Gwen na tinitignan pa ng mga Tita ni River na mukhang hindi rin natutuwa sa gusto nito. Mukhang ayaw rin akong mapalapit sa mga pinsan ni River.
“So we’ll plan it out then?” Ngumiti pa sila sa akin. Tumango lang ako dahil para bang ‘yon lang naman ang choice ko.
Nanahimik na lang din ako at hindi na nagsalita pa.
“We’re going to stay here until we go to the resort where your wedding will take place so I think we can plan the party together,” anila sa akin. Nanatili lang naman ang mga mata ko rito. This house is already uncomfortable, mukhang mas madadagdagan pa ang proproblemahin ko.
“What? I thought you’ll stay in Lolo’s house?” inis na tanong ni River sa kanila.
“Why would we? Narito rin ang Lolo, Kuya. He’ll also stay here. Sinong pupuntahan namin doon kung ganoon?” reklamo ni Ocean na inirapan pa ang kaniyang kapatid.
“And it seems like it’s fine to Aviena, so why are you even trying to make us leave?” tanong ni Ocean. Pinagtaasan niya pa ang kaniyang kapatid na hindi naman nagsalita bagkus ay hinarap niya pa ako para lang tanungin.
“Is it okay with you?” tanong niya sa akin. Of course it’s fine, hindi naman ako pupuwedeng tumanggi.
After a while ay kaniya-kaniya na silang hanap ng guestroom. Kasama lang din nila ako dahil gusto raw akong makilala nang husto subalit duda ako roon. Alam ko na kung bakit nila ako gusto. They want to make me feel guilty on marrying River.
“Sobrang daming ari-arian ni Kuya, is that the reason why you marry him?” tanong ni Gwen sa akin.
“Gwen, that’s not nice to ask,” ani Tashi na may pagbabanta sa tono. Agad naman siyang pinagtaasan ng kilay ni Tashi.
“And why is that? I’m just asking. Hindi niya ba pupuwedeng sagutin? Huwag mong sabihing… Guilty?” Ngumisi pa siya habang nakatingin sa akin. Nanatili naman ang ngiti sa aking mga labi bago ko sila nilingon.
“Hmm, bukod sa gwapo siya maybe that’s also the reason,” ani ko na tumango pa. Kunwari’y nag-isip pa. Hindi naman nila ako makapaniwalang tinignan. Nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Marissa.
“What?” galit na tanong ni Ocean.
“Why? Do you expect me to marry your brother because I love him? In that short period of time?” tanong ko sa kanila. Hindi ko naman kailangang umarte sa harap ng mga ito dahil ang Lolo nila ang target namin dito.
“So everything about you is real. You’re really a fucking playgirl. A social climber and a gold digger,” ani Ocean na masama ang tingin sa akin. Maybe she’s right. I was really a gold digger, magtitiyaga ba ako rito kung hindi?
She’s fuming mad when she go to his brother’s study room. Tila isusumbong ako. Mukhang kakailanganin ko nang ihanda ang sarili ko dahil paniguradong galit na River na naman ang sasalubong sa akin.
Nailing na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad, nahinto nga lang ako nang makitang pumasok si Marissa sa kwarto katabi ng study room ni River. Napangisi ako roon. Nice. Para mabilis, huh?
“Excuse me, I’ll just change my clothes,” sambit ko kay Tashi nang maiwan kaming dalawa dahil maski si Gwen ay sumunod kay Marissa.
“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Tashi. Ngumiti naman ako roon.
“I’m fine.” No one knows in her family that we’re just doing this act kaya kailangan kong panindigan ang pag-arte ko.
“I’m sorry how they act. Ganiyan talaga sila kapag hindi ka pa ganoon kakilala. They also did that to when we’re not that close with each other pero kapag nakuha mo naman na ang kiliti nila, it won’t be that hard,” aniya sa akin kaya ngumiti lang ako at nagkibit ng balikat. When kaya? When I was already gone in River’s life.
Sakto rin naman na dumating ang boyfriend niyang si Spring kaya nakatungo na ako sa kwarto namin ni River. Hindi ko na inayos ang mga damit na dinala ko sa bahay. We’re going in the resort one of these days. Doon na namin hihintayin ang araw ng kasal. Ang balak ko’y doon na ako magpapakita but now that they here, wala na rin akong magagawa kung hindi ang umarte nang umarte.
Nahiga lang ako at nagsimula sa ilang trabaho. Posting products in my instagram account. Abala lang ako roon na hindi ko na namalayan ang pagpasok ni River sa loob.
Nilingon ko siya, pansin ko ang pagiging malamyos ng ekspresiyon ng mukha nito. Hindi ko alam kung na-guilty ba sa mga pinaggagawa nitong mga nakaraang araw o sadyang natuwa lang na wala ako nitong nakaraan.
Akala ko’y pagagalitan ako ngunit tahimik lang niya akong tinulungan sa pag-aayos ng mga product na kukuhanan ko ng litrato.
Pinagkunutan ko siya ng noo.
“You’re not going to scold me?” tanong ko sa kaniya.
“Why?” nagtatakang tanong niya bago ako nilingon. I guess her sister doesn’t said anything.
“I told your sister that I only marry you because you’re handsome and of course rich,” ani ko. Kita ko ang dahan-dahang pagngisi ng kaniyang labi. Napaawang naman ang labi ko bago siya pinagkunutan siya ng noo.
“You find me handsome?” tanong niya. Hindi ko alam kung bakit nababakasan ko nang paglalaro ang kaniyang tinig. Impossible namang hindi siya aware doon gayong madalas siyang purihin ng lahat.
“Hindi ka ba tumitingin sa salamin?” tanong ko naman na pinagtaasan siya ng kilay. Pinagkunutan ko siya ng noo nang makita ang ngiti mula sa kaniyang labi. Hindi ko mapigilan ang mapairap doon. Everything just he do just really keep on annoying me.
“I guess I needed to work hard, huh?” pabulong na tanong niya kaya nilingon ko ulit siya. Bakit ba nandito ang isang ‘to?
Hindi ko maiwasan ang mapailing doon. Inirapan ko lang siya bago nagpalit ng damit at sinubukang kumuha ng litrato. Hindi ko mapigilan ang mainis dahil nakatitig lang siya sa akin.
“Ano ba?” Masamang tingin ang ibinigay ko kaya nakangisi siyang umalis.
For days ay madalas na ganoon lang, madalas na nakadikit siya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba nandito ang kaniyang Lolo at pamilya o nag-away sila ni Marissa dahil mukhang malungkot si Marissa. Habang siya’y tila hindi napapansin ‘yon. I don’t have time to think about their problem dahil I really my own. Lalo na’t araw-araw na akong nababara ng mga Tita niya na hindi ko alam kung pinaglihi ba sa sama ng loob o ano. Nangisi na lang ako sa sarili bago napailing.
“Let’s go,” ani Gwen sa akin nang katukin ako sa kwarto.
Lumabas na rin naman ako. Napatingin sa akin si River nang lumabas kami. Kita ko ang kunot sa kaniyang noo kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. He was wearing his casual clothes. Putting longsleeve habang hindi nakabutones ang unang tatlo.
Well, tindig pa lang ng isang ‘yan, makakahanap na rin agad ng babae. Hindi ko maiwasan ang mangisi roon.
“Enjoy your night too, Kuya River!” nakangising saad ni Gwen kay River na siyang nakatingin lang sa akin or should I say in my clothes. I’m wearing my dress na hapit na hapit din sa katawan ko.
“Bye, Husband,” ani ko na hahalikan siya sa gilid ng labi dahil madalas na ganoon ang gawin namin sa mga araw na ‘to. Lagi kasing nakasubaybay ang kaniyang mga Tita sa ganap namin sa buhay. Bago ko pa magawa, nanlaki na ang mga mata ko nang sa labi niya dumampi ang halik ko at nagawa niya pang higpitan ang pagkakahawak sa aking baywang.
Sisigawan ko na sana siya ngunit napansin na nakatingin ang mga pinsan at kapatid niya na halos masamid sa kani-kanilang laway habang nakatingin sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa at awkward na ngumiti na lang sa kanila. Masamang tingin nga lang ang ibinigay ko kay River na siyang may ngisi na sa labi ngayon. Tila natutuwa na naaasar niya ako.
Tashi’s with me nang umalis kami. Isinasama ko rin sana si Veron ngunit madalas na abala ang isang ‘yon sa kung ano mang bagay nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya pero madalas na problemado ang kaniyang mukha.
“Aren’t you going to think about your husband. Base on Gwen’s smirk parang may itinatago. Parang may gagawing hindi maganda,” ani Tashi habang patungo na kami sa sasakyan. Hindi ko naman maiwasan ang mapakibit ng balikat doon. Hindi ko na iniisip pa ‘yon, basta huwag lang sirain ni River ang pangalan ko but I know deep down what I really feel. Nakakainis dahil apektado pa rin ako. Kahit hindi naman siya sa akin, pakiramdam ko’y hindi ko ito gugustuhing makita na may kasamang ibang babae.
Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa pupuntahan. Kami-kami lang naman ang magpa-party, mga pinsan ni River at ilang imbitado kong artista na hindi ko naman ganoon ka-close pero dahil sa pagpilit nina Gwen ay wala akong nagawa kung hindi ang imbitahin na lang. Hindi ko tuloy sigurado kung para sa akin ba talaga ang party na ito o para sa kanila. Magtutungo rin dito si Atasha at Ate Rose dahil ‘yon ang plano namin.
“Hi, how are you?” tanong ni Atasha na siyang niyakap akong agad nang makita. Hindi ko maiwasan ang ngiti mula sa aking mga labi bago ko siya niyakap pabalik.
“I’m good.” Kita ko ang tingin niya sa akin bago ako pinaningkitan ng mata.
“Really? Bakit mukhang natatae ka na sa ngiti mo kanina?” tanong niya kaya natawa rin ako bago siya pasimpleng kinurot sa tagiliran. Natatawa naman din siyang lumayo sa akin.
Nagtuloy-tuloy na kami sa pagpasok sa loob habang ang tingin ng ilan sa amin ay hindi na mawari.
“Hey,” nakangiti akong binati ni Riane. One of those artista friends na hindi ko talaga close. Ngumiti maman ako sa kaniya bago nakipagbeso na akala mo’y bestfriend ko na ito since birth. Sanay naman na ako. Sa likod naman talaga ng camera, kailangan mong magmukhang mabait pa rin at makipagplastikan sa ilang artistang nakakasalamuha mo. Pero of course, hindi naman kami magkakaibigan. Trabaho lang ganoon.
“I never heard you being married with River, huh? Paano mo nilandi?” tanong niya sa akin na nakangisi ngayon. Pinigilan ko naman ang sarili dahil sa gustong maging ekspresiyon ng mukha.
“Pahimas-himas lang ganern,” ani ko para lang asarin ito. Kita ko ang pag-awang ng kaniyang mga labi at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang ngisi ko bago hinarap ang ilang artista friends. Isang puntos para sa akin.
Mukhang naiinis din si Atasha kapag nagpaparinig tungkol sa akin ang ilang kaibigan na artista at pati na rin sina Ocean na hindi ko alam kung bakit kinakampihan pa ni Ate. Hindi ko alam kung gusto niya lang bang kunin ang loob ng mga ito o ganoon talaga ang tingin niya sa akin. Samantalang she’s always the reason why I was link with guys. She’s always pushing me to get a project. Kulang na nga lang ay mapunta kami sa dirty side of this work.
Nang magsimula ang party, nakikisali naman ako dahil parang kasalanan ang tumanggi. Ilang shot pa ang nainom ko dahil madalas ako ang napag-iinitan nila.
“Truth or dare,” ani Ocean sa akin. I can’t say truth, I don’t trust my mouth.
“Dare.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Dith Lac

    super nice

    21/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Josh David

    maganda

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata