Chapter 14

Aviena’s POV
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa na siyang agad niya ring binasag dahil hindi ako nagsasalita. Nagulat sa biglaang tawag at pinagsasabi nito.
“My family will go here. My grandfather will probably go to ask about you,” aniya kaya napangisi na lang ako sa sarili. Right. What do I even expect? Ine-expect ko ba talaga na hihintayin niya ako? Na tatawagan niya ako dahil miss niya ako gayong naroon ang pinakamamahal niyang si Marissa.
“Alright… I’ll go…” ani ko at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin, pinatay ko na rin agad ang tawag. I don’t want to expect from him anymore.
What did they even do? They probably spend their luxury time together. Wala naman akong nababalitaan sa television na iba na ang nobya nito o ano kaya sa tingin ko naman ay wala siyang ginawa para masira ang pangalan ko. Sigurado nga lang ako na may ginawa itong kung ano. Napangisi na lang ako sa iniisip bago napailing sa sarili.
Wala na dapat akong pakialam pa roon.
“Who’s that, Ate?” tanong sa akin ni Marieta nang bumalik ako sa hapag.
“Hmm, I think I needed to go back in Manila. Kailangan na ako sa trabaho,” ani ko at ngumiti sa kanila. No one really knows that I’m married with someone. Ate Rose and I decided to keep it to ourselves. Mas gusto ko rin naman ‘yon dahil takot ako na mang-usisa ang mga ito. Takot din akong mag-aalala pa ang mga ito para sa akin. Mas lalo lang maguguilty ang mga ito. Ang alam kasi nila’y ipon ko ang pinagpagawa ng bahay.
Kaya nga ang tingin sa akin ni Tita ay tila isang bilyonarya na akala mo’y sa isang project lang kaya ko na silang pagawan ng tig-iisang malaking bahay.
“Uuwi ka na? Magbigay ka naman ng pera rito,” ani Tita Puschia kaya agad siyang pinagsabihan ni Tita Madeth.
“Mabuti pa ang Ate Rose mo’y nagagawang magbigay kahit mas malaki ang sahod mo sa kaniya. Dapat ay tumutulad ka sa kaniya na nagjojowa ng mayayaman,” ani Tita Puschia. Pagdating sa akin ay galit na galit ito lalo na kapag wala akong schedule at hindi magawang makabisita rito ngunit kapag si Ate naman ang gumagawa niyon, hinahayaan niya lang nang hinahayaan. Ni hindi siya nagagalit doon. Ate Rose have a out of the country trip right now habang wala pa akong gaanong schedule dahil nga abala sa pag-aayos ng wedding.
Ngumiti na lang ako bago nag-abot ng pera. Magbibigay naman ako kahit hindi niya ako pwersahin. Mas nakakainis lang talaga kapag ganitong para bang kasalanan mo pang ikaw ang may trabaho at kasalanan na magkapera.
Nilabas ko muna sila bago ako gumayak pabalik sa Manila. Hindi nag-uupdate si Veron na siyang nasa bahay ngayon. Madalas ay nagtetext ako sa kaniya ngunit hindi siya nagrereply.
Nasa sasakyan na ako nang magtext siya.
Veronica:
Kababalik ko lang ulit sa trabaho ma’am
Veronica:
Hindi ka maniniwala rito
Hindi ko naman na nakita pa ang mga chat niya dahil nagsimula na akong magmaneho. Nalibang din ako sa pagsabay sa mga kanta sa aking sasakyan.
Nang makarating sa mansiyon, bahagyang napaawang ang labi ko nang makitang narito na ang ilang sasakyan mula sa labas. Mukhang napaaga ang pagpunta ng pamilya ni River.
“Hoy, gaga ka!” Halos mapatalon naman ako ng gulat kay Veron.
“Nabasa mo ba ang chat ko? Sure akong matetegi ka riyan sa pamilya ng asawa mo,” bulong niya sa akin.
“Bakit?” nagtataka kong tanong.
“Wala ka, eh! Ang nadatnan lang nila rito’y si Boss, wala si kabit. Mukhang nakatunog.” Humalakhak pa si Veron.
“Saan ka ba galing?” tanong ko dahil ang sabi niya’y kapapasok niya lang ulit.
“Nag-leave ako, Ma’am,” aniya na nag-iwas pa ng tingin. Hindi ko mapigilan ang mapakunot sa kaniya ng noo.
“Why?” nagtataka kong tanong.
“Basta, Ma’am!” Naningkit lang ang mga mata ko at hindi na rin nang-usisa pa. Hindi naman din kasi siya mahilig mang-usisa pagdating sa akin. Nakakahiya naman kung gagawi ko, ‘di ba?
Pagkapasok ko’y natahimik ang paligid, napatingin sa akin ang pamilya ni River at nilingon pa ang maleta ko. Pinigilan ko naman ang sariling yumuko dahil sa mapanghusgang tingin ng mga ito. Nanatili lang akong tahimik bago humakbang patungo sa mga ito para magmano.
“Ganiyan ba ang matinong asawa? Naglalakwatsa nang naglalakwatsa habang ang asawa’y narito lang sa bahay at nagtatrabaho?” Parinig sa akin ng Tita niya nang makalapit ako. Ni hindi ko pa nga nagagawang magmano. Hindi ko naman mapigilan ang ngisi mula sa aking mga labi roon.
I was about to say something when I heard River’s voice na siyang nagpapaalam sa Mama niya.
“My, I’ll be fetching my wife. Maiwan ko po muna kayo,” ani River na siyang nagmamadali na ngunit nahinto sa paglalakad nang makita ako. Mayamaya lang ay isang malamyos na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
“Hmm, you’re here…” aniya na nilapitan ako. Suddenly his cold aura is now gone. Hindi ko alam na marunong din pala talaga siyang umarte.
“I miss you, Wife,” aniya na nagawa pa akong halikan sa noo. Noong una’y naestatwa lang ako sa kinatatayuan dahil sa biglaang paghalik niya but because I was born being an artist, dahan-dahan akong yumapos dito bago siya hinalikan sa gilid ng labi. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko at napatingin sa akin. Isang malapad na ngiti naman ang ibinigay ko sa kaniya. Nakabawi na rin naman siya roon at hinapit na ako sa aking baywang.
“Saan ba galing ‘yang asawa mo at sa tingin niya ata’y para pa rin siyang dalagang pupuwedeng lumabas kung kailan niya man gusto,” puna ng Tita niya sa akin.
“She also have a work and she didn’t marry me to become a housewife.” Hindi ko alam kung masiyado lang akong nag-iisip o malamig nga talaga ang tinig ni River nang sambitin ‘yon. Nanatili lang ang pagkakahawak niya sa akin sa baywang nang humalakhak ang Lolo niya na siyang kadarating lang.
“Hindi mo na kailangan pang makialam sa kanila, Steff. Sila ang nagsasama, naiintindihan na nila ang isa’t isa,” ani Don Crisostomo na nangisi pa. Nagmano naman ako sa kaniya.
“Huwag mo nang intindihan ang mga ‘yan. Masiyadong pinaglihi sa sama ng loob ng Lola mo,” aniya sa akin. Don Crisostomo is really treating me like one of his granddaughter kaya hindi ko maiwasang ang ma-guilty dahil niloloko namin siya ni River.
Ewan ko rin kasi kay Don Crisostomo, he wanted his grandchild to be married para lang ibigay ang mamanahin nito. Hindi naman siguro tatanda nang mag-isa ‘yang si River gayong ang dami niyang babae sa paligid.
I was really stuck with them the whole time at madalas na nagpaparinig lang ang Tita Steff ni River na siyang kaibigan ni Mrs. Del Monte. Hindi ko alam kung sinisiraan ba ako nito o sadyang hindi niya lang ako gusto.
Napagtanto ko rin naman na hindi lang talaga ako nito gusto nang dumating si Marissa na hindi ko alam kung saan nanggaling. Tahimik lang akong nakamasid sa kanilang lahat.
“Omg! I miss you so much, Marissa!” Paimpit na tili ni Ocean nang yakapin si Marissa na siyang tuwang-tuwa rin na makita ang mga ito. All of River’s family welcome her with a warm hug.
I was just smiling at them, with the smile I always wear in front of everyone. Nanatili lang na ganoon ang itsura ko.
Kita ko ang pasimple nilang tingin sa akin at ang palihim na ngisi. Hindi naman nagbago ang itsura ng mukha ko. I won’t never let anyone see my pain.
“How long will you stay here? Until River’s wedding?” tanong nila na kuryosong-kuryoso kay Marissa.
“Opo, Tita. River and I actually plan to see the beach together pa. We’re going there po, ‘di ba? I can’t wait to hang out with you po. Super na-miss ko talaga kayo!” ani Marissa na sumubok pang yumakap sa mga ito.
“Na-miss ka rin naman! Nakakapanghinayang nga at ngayon ka lang dumating edi sana—” Hindi tinuloy ng Tita Steff ni River ang sasabihin ngunit pansin ko ang ngisi mula sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin. Tahimik ko na lang ding iniwas ang aking mga mata. Bakit nga ba ako napapalibutan ng mga matatandang babae na hindi alam kung paano makitungo nang maayos?
Aalisin ko na sana ang pagkakahawak ni River sa aking baywang nang mas lalo lang humigpit ‘yon. Nilingon ko naman siya, kita kong nasa akin lang ang mga mata nito.
“Stay here with me for a while.” Hindi rin naman ako aalis. Ano bang gagawin ko? Kailangan kong magtiis sa mga ito.
River is really clingy dahil na rin nandito ang pamilya at lalong-lalo na ang Lolo niya. Tuwang-tuwa naman ang Lolo niya habang nakatingin sa aming dalawa.
Sinasagot ko naman ang kani-kanilang tanong. Kahit na mukhang gusto lang akong insultuhin ng mga ito.
“Nakapagtapos ka ba?” tanong ni Tita Steff sa akin. Dahan-dahan akong umiling.
“Grade 12 lang po ang natapos ko,” ani ko. Simula nang makapagtapos doon ay hindi na ako tumuloy sa college at nagsimula na rin agad magtrabaho dahil hindi ko gustong huminto si Marieta para lang makapag-college ako. Sisisihin ko talaga ang sarili kung sakaling mangyari ‘yon. Napakatalino pa naman ng kapatid ko.
“Oh…” Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto sa akin. Ngumiti lang naman ako, hindi pa rin ipinakikita ang tunay na emosiyon.
“Itong si Marissa ay patapos na sa law school. Ang talino talaga ng batang ‘to,” sambit nila. Kita kong napatingin sa akin si Marissa. Bakas ang pagkakonsensiya sa kaniyang mukha ngunit nanatili lang ang ngiti sa labi ko na para bang maskara ko na ‘yon.
“Oh? Congrats kung ganoon,” ani ko na nakangisi pa ngayon. Kita ko ang pagtaas ng kilay sa akin ng Tita Steff ni River. Ano ba dapat ang maging reaksiyon ko roon? Dapat ba akong mainggit sa kaniya? Para na lang akong kumuha ng malaking bato para ipukpok sa aking ulo kung susubok ako sa law school. Noong senior high pa nga lang hindi ko na alam kung paano ako makakapasa, hindi ko kaya roon, ‘yon ang sigurado ko.
I don’t really feel insecure about it noon. Noon. When Marissa isn’t there. Noong mga wala pang River at Marissa sa buhay ko. But now I feel bad na ganito lang ako, na ito lang ako. I feel bad dahil kailan man hindi ako magiging katulad niya na maganda, matalino at higit sa kahat gusto ng pamilya ni River. But why do I care about that? I was just attracted with River, hindi ko pa ito gusto.
Mabuti na lang din ay nilayo na nila ang usapan pagdating sa diplomang ‘yan dahil wala akong maiaambag pagdating diyan.
Ni halos ayaw akong palayuin ni River sa tabi niya kaya panay tuloy ang sulyap sa amin ng pamilya niya pabalik kay Marissa na siyang abala sa pakikipagkwentuhan sa mga ito. Hindi ko alam kung aware ba siyang nakatingin sa kaniya si River pero bakit ko nga ba pinupuna pa ‘yon? Ano naman sa akin.
“Malapit na ang wedding niyo. We should enjoy ourselves. Wala ka bang bridal shower?” tanong sa akin ni Gwen, isa sa pinsan ni River.
“Ah, wala.” They all know na we’re married na ni River but base on their smile, pakiramdam ko’y pinaplanong hindi maganda.
“Hindi man lang tayo nakapag-bridal shower! Let’s have one! Ocean and I will be the one who will facilitate. Ganoon din sa bachelors party,” aniya. But both River and me is not bachelor and bachelorette anymore.
“Stop it, Gwen. No one will have a party.” Masamang tingin ang ibinigay ni River kay Gwen na agad na napataas ang kilay at kita pa rin ang ngisi sa mga labi ngayon.
“What about you, Vena? What do you think?” Lahat ng atensiyon nila ay nabaling sa akin ngayon.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Dith Lac

    super nice

    21/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    kailan po kaya ang series 2..ang tagal naman po ma update

    08/10/2024

      0
  • avatar
    Josh David

    maganda

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata