Homepage/Undeniable Love/
Chapter 8
Hindi ako mapakali habang panay ang lingon sa gawi ni Rowan. Kanina pa nagsimula ang klase kaya inip na inip ako. Ngayon lang yata ako nainip nang husto sa buong buhay ko. Samantalang focused sa pakikinig halos lahat, pa'no next week start na ng hell week then after that finals na sa first sem. Napabuntong hininga ako saka napatingin sa wall clock na nakasabit. Five minutes na lang bago mag lunch break, bakit ang tagal?
Tamad akong napatitig sa blackboard. Busy si Sir kakadiscuss pero heto at lumilipad ang utak ko.
Kasi naman, parehong-pareho 'yong hood na nakita kong suot ni Rowan kagabi at sa hood na suot ni Kuyang Eren sa display photo niya sa Facebook. Hindi tuloy ako natatahimik. What if si Rowan talaga siya? Hindi ko nga rin talaga alam kung bakit ganito ako kaaffected samantalang--hays.
Pagpatak ng alas onse y media. Nagbell na, senyales na lunch break. Hindi pa nga nakakalabas si Teacher nakatayo na ako agad at nagliligpit ng mga gamit. Nilingon ko si Rowan na nakikipagtawanan pa sa iba kong kaklase.
"Hoy Rowan!" Pagtawag ko sa kaniya sa takot na baka umuwi siya para maglunch sa bahay nila. Minsan kasi umuuwi pa siya, ako lang 'yong tamad.
"O?" Tamad na sagot niya sa 'kin matapos isukbit ang bag sa balikat. "Ba't ganiyan ka makatingin?"
"Ikaw ba si Eren?"
"Hindi nga. Akala ko ba tapos na tayo sa ganiyang phase." Nagtatakang tanong niya saka ako sinabayan sa paglalakad.
"Eh?" Mabagal at matagal na pagkakasabi ko saka siya hinawakan sa braso. "Bakit nasa labas ka kagabi ha? Galing din do'n si Eren e. Saktong nakita kita! Tapos 'yong hood na suot mo! Kapareho no'ng suot ni Eren sa dp niya!" Sigaw ko kaya napangiwi siya.
"H'wag mo nga akong sigawan. Ang sakit sa tainga." Nangungunot noong saad niya kaya napairap ako. Ano kayang problema neto? Ang sungit. Samantalang kanina pa siya nakikitawanan sa classmates namin.
"Bakit ikaw ang sumisigaw?" Nakasimangot na sabi ko saka siya binitawan. "Edi 'wag nga." Untag ko saka naunang maglakad.
Kung badtrip siya edi badtrip din ako. Kainis.
Halos padabog akong naglalakad papuntang canteen. Nakakahawa pa man din ang pagkabadtrip. Bakit kaya ano?
"Allison." Hindi ako lumingon dahil alam kong si Rowan 'yon. Nakasunod pala siya. Akala ko kasi hinayaan lang ako.
"Bakit ba galit ka na naman?" Tanong niya saka ako sinabayan. Hindi na ako nagtatakang ang bilis niya 'kong nahabol. Haba ba naman ng mga binti niyan e.
Hindi ko siya pinansin. Nakipila ako sa counter kahit na alam kong nakasunod siya sa akin.
"Hoy, kausapin mo naman ako."
"Allison Jane." Kinalabit niya 'ko pero tinabing ko 'yon.
"Allison Jane Ramirez--"
"Ano nga?" Hasik ko saka siya sinamaan ng tingin. "Akala ko ba badtrip ka? Sa 'kin ka pa nga nagagalit."
Nangungunot ang noo niyang nakatingin sa 'kin bago siya napangiti. "Binibiro lang naman. Tampururot ka agad. Sige na nga libre ko kakainin mo ngayon."
"Weh?"
"Oo nga." Sagot niya saka ako inakbayan. Wala na tuloy siya sa pila niya pero hinayaan ko na lang. "Kahit ano ituro mo libre ko."
"Okay! Sabi mo 'yan ah?" Nakangising tanong ko na tinanguan niya.
Mabilis na umusad ang pila kaya pagkatapos naming bumili ng kakainin, naghanap kami ng bakanteng mesa. Nakasimangot si Rowan habang bitbit ang tray at ako naman nakangiti lang. Sabi niya kasi libre niya lahat ng ituro ko kaya syempre dahil oppurtunista ako, nilubos ko na. Nakasimangot tuloy siya dahil aniya'y halos naubos baon niya.
"Sure ka talagang hindi ikaw si Eren?" Tanong ko habang kumakain. Ang dami ko tuloy ulam pero sure naman akong mauubos ko 'yon. Ewan ko ba pero kahit ang takaw ko hindi ako tumataba. Palagi akong maliit.
"Hindi nga. Ang kulit." Naiiling na saad niya kaya napatango-tango ako. Kinuha ko ang phone sa bulsa saka pinakita ang profile picture ni Eren na sinave ko noon.
"Bakit ganito 'yong hood na suot mo kagabi?" Inismiran niya 'ko bago napasimsim sa tubig.
"Baka nag-iisang hood 'yan sa buong mundo 'no, Allison?" Sarcastic na tanong niya kaya napasimangot ako.
Napabuntong hininga ako. Oo nga naman. Hindi ko naisip na baka same lang sila ng hood ni Rowan lalo na at maganda naman 'yong design, simple pero malakas ang dating. Maganda rin 'yon gamitin pag tag-ulan.
"Pero kasi..." Napaangat siya ng tingin sa 'kin. "Bakit nasa labas ka?"
Tinawanan niya ako, "Bawal ba 'kong lumabas? Saka may pinuntahan lang ako. Hindi ako 'yon. Saka para namang naghahanap ka ng kriminal."
"E kasi naman nakakacurious at saka, bored ako hehe."
"Sabi ko na nga ba." Naiiling na sagot niya bago kami nagpatuloy sa pag kain.
"Ano bang sabi ng Eren na 'yan?" Napalingon ako agad sa kaniya. Tapos na kaming kumain at didiretso na sa classroom. Wala rin naman kaming ibang pupuntahan e. Bukod pa ro'n, presko sa room kapag ganitong oras.
"Same school daw kami. Pero hindi ko sure kung totoo. At saka akala ko nga siya si Patricio e." Pagkarinig sa sinabi ko ay natawa siya nang mahina. Kaya nagtataka ko siyang tiningnan.
"Wala." Aniya saka pinigilan ang sarili sa pagtawa.
"Anyway, feeling ko si Rouie 'yon." Untag ko kaya napahalakhak si Rowan. Inismiran ko lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Tingnan mo ang taong 'to, wagas kung makatawa.
Kinurot ko siya sa braso, "Wagas ka kung makatawa. Peste ka." Inis na saad ko kaya lalo lang siyang natawa.
"Sigurado ka talagang naisip mong si Rouie 'yan? Ni hindi nga 'yon nagfefacebook e." Pagrarason niya kaya inirapan ko na lang.
E ano namang masamang mag-assume 'di ba? At saka malay mo talaga si Rouie 'yon. Nahihiya lang. O baka naman gusto niyang makabawi sa pagsusungit sa akin kaya naisip niyang ichat na lang ako sa facebook. Pwede naman 'no? May sense naman siguro ako kahit papano?
Inakbayan na naman ako ni Rowan bago nagsalita na animo'y nababasa kung anong nasa isip ko ngayon, "Walang sense 'yang naiisip mo."
"Epal ka." Untag ko kaya napailing siya. "Pustahan tayo? Si Rouie 'yon."
"O bakit at paano aber?" Nanghahamon na tanong niya kaya napatungo ako.
"Una, posibleng hiniram niya 'yang hood mo dahil lagi naman kayong naghihiraman. Pangalawa, kagabi wala siya sa bahay niyo so baka nandoon siya sa waiting shed. Pangatlo, school mate kami. O may sense na ba ha?"
"Hindi. Baliw ka." Giit niya. "Sige pustahan tayong hindi 'yan si Kuya."
"Sige, game ako! Kapag tama ako, pakokopyahin kita ng assignment palagi."
"Teka, ba't ganiyan? Paano naman 'pag mali?" Reklamo niya habang tinataasan ako ng kilay.
"Kapag mali ako, dapat tumaas mga grades mo." Pinangunutan niya ako ng noo. "Aayaw ka pa ba? Kahit ano ngang resulta sa 'yo ang benefits e." Untag ko saka siya inirapan.
"Teka naman ang hirap 'pag mali ka kahit na sigurado akong mali ka talaga--Aray!" Reklamo niya habang hawak ang brasong kinurot ko.
"Ang nega mo. Kaya nga pustahan 'di ba? Basta kapag tama ako libre mo ako hanggang next year." Confident na wika ko kaya natawa siya.
"Wow ah. Lakas mong mag-imagine."
"Blahblah whatever. Diyan ka na." Binelatan ko siya saka nagmartsa papasok sa kwarto.
Ah basta hindi ko aalisin sa isip ang possibility na si Rouie 'yong si Eren.
--------
"Allison," rinig kong tawag ni Rowan sa 'kin habang nagliligpit ako ng mga gamit. Alas tres na at uwian na kaya naman ang ingay na naman ng mga kaklase ko.
"O?" Tanong ko saka isinukbit ang bag sa balikat. Napadaing ako dahil sa bigat no'n. Ang dami kasing laman. Dala ko rin 'yong laptop para sa research.
"Punta ka sa bahay." Aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay bago napangisi.
"Game!" Sabay na kaming naglakad. "Bakit mo nga pala ko pinapapunta sa inyo? Akala ko ayaw mong makitang nagpapapansin ako sa Kuya mo?" Pagbibiro ko kaya napangiwi siya. Kinamot din ng hintuturo niyang nakatiklop ang dulo ng ilong. Mannerism niya 'yon e.
"Wala papatulong ako ng project?" Seryoso niyang sabi kaya natawa ako. Pinatawag kasi siya ng isang teacher namin kanina. Aniya'y magcocompute-an na naman ng grades.
'Di ba kasi parang may rule sa lahat ng school na kapag athlete, hindi pwedeng ibagsak kasi excuse nila 'yong pagpapractice palagi? Okay naman sa ibang teacher pero sa isang Sir namin hindi. Palagi niya pang pinagagalitan si Rowan. Aniya'y hindi rason ang basketball para magpabaya sa pag-aaral. Medyo ginagamit din kasi talaga ng mga athlete 'yon e.
"Ayan kasi, puro ka laro." Pangaral ko sa kaniya na hindi niya pinansin.
"Ro!" Napalingon kami pareho sa basketball court dahil may tumawag sa kaniya. Pawis na pawis 'yong lalaki at may hawak pang bola. Tumakbo siya palapit sa amin.
"Hindi ka magpapractice?" Tanong niya saka ako sinulyapan. "Uuwi ka na?"
"Oo. May project e. Ayokong bumagsak." Nagtawanan sila pareho bago ako muling sinulyapan no'ng lalaki.
Mukhang napansin 'yon ni Rowan kaya itinago niya ako sa likod bago nagsalita. "Bata pa 'yan." Aniya kaya napasimangot ako.
"Hindi ah. Grabe ka naman. Hello po." Untag ko saka bahagyang nagbow sa lalaki. Nginitian niya 'ko pabalik.
Magsasalita pa sana 'yong lalaki pero pumagitna na agad si Rowan. Ang tangkad niya pa naman.
"Mauuna na kami." Saad ni Rowan saka ako hinila paalis doon. Kinawayan ko na lang 'yong lalaki dahil napakabastos nitong kaibigan ko. Wala man lang good manners and right conduct, char.
Sumakay kami agad ng jeep. Hinarap ko siya, "Libre mo 'ko?" Nakangising tanong ko. Sinadya ko rin talagang hindi maglabas ng wallet dahil nandiyan si Rowan. Sige na, medyo makapal talaga ang mukha ko.
"Oo na. Saan mo ba ginagastos 'yang ipon mo? Ang kuripot mo." Tugon niya bago dumukot ng barya sa bulsa niya.
"Yey!" Nakangiting sabi ko. Napailing na lang siya bago inabot ang bayad.
Good mood ako habang sabay kaming naglalakad. Syempre bukod sa makikita ko na naman si Rouie, nakalibre rin ako ng baon sa buong maghapon. May pambili na naman ako ng merchandise. Napangiti tuloy ako lalo dahil sa naisip. Sinira niya rin naman e. Ginawa ba namang bampira si Sehun at Baekhyun.
"Hindi ka na ba dadaan sa inyo?" Tanong niya nang madaanan ang bahay namin.
"Hindi na. Hindi naman ako pagagalitan basta ikaw kasama e." Sagot ko. Gano'n kasi kalaki ang tiwala ni Mama kay Rowan. Gustong gusto niya rin pati kapag nalalamang magkasama kami ng kaibigan ko. Baliw yata si Mama. Ang weird niya.
"Wala ba si Tita Cams?" Mahinang tanong ko habang hinuhubad ang sapatos. Umiling lang siya saka basta tinapon ang bag niya sa gilid. Napailing na lang ako at pinulot 'yon. Nilagay ko na lang sa upuan.
"Si Rouie ba?" Bulong ko kaya napangiwi siya.
"Mamaya pa ang uwi no'n. Kung gusto mo hintayin mo na lang." Aniya habang palakad-lakad at kung ano-anong kinukuha. Inalis niya lahat ng kalat na naiwan sa sala, siguradong hindi nakapaglinis si Tita Camille bago umalis.
Kinuha ko ang walis saka nagsimulang walisan ang sahig. Nafifeel ko pa nga sa paa 'yong mga dumi kahit na nakamedyas ako. Napaangat ako ng tingin nang may inilapag na bag sa gilid. Saka ko nakita si Rouie na kararating lang.
"H-hello po." Kinakabahang bati ko saka napahigpit ang pagkakahawak sa walis. Si Rowan naman ay kasalukuyang nagbibihis.
"Si Rowan?" Tanong niya habang nakatingin sa 'kin kaya bitawan ko ang hawak na walis. Hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako!
"Ah e... Na-nasa taas po." Mautal-utal na sagot ko. Nakatulala nga lang yata ako sa gwapo niyang mukha.
Iginala niya ang tingin sa kabuuan ng sala saka napailing. Maya-maya pa'y nahigit ko ang paghinga dahil nilapitan niya ako. Akala ko kung anong gagawin niya, pupulutin lang pala 'yong walis na nabitawan ko!
"Ako na." Aniya kaya para akong natuod sa pwesto.
"Ha?"
"Upo ka na lang diyan. Ako na ang magwawalis." Pag-uulit niya saka nagsimulang ituloy ang nasimulan kong walisan.
Nakanganga ako habang pinagmamasdan siyang magwalis. Peste. Ang gwapo ni Rouie!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
<3super gandaa
04/12/2024
0dhdjjjajjshdhd
20/10/2024
0it's so good
25/07/2024
0Tingnan Lahat