Chapter 29

Nagpagulong-gulong ako sa kamang hinihigaan. Feeling ko sobrang daming nangyari! Hindi pa nga ako nakakamove-on doon sa mga sinabi ni Levi. Nakokonsensya talaga ako. Pakiramdam ko pinaasa ko nga talaga siya.
Napabuntong hininga na lang ako saka napatihaya sa kama.
Akala ko talaga balat 'yong nakita ko sa dibdib ni Levi, kagat lang pala ng langgam. Hindi ko maiwasang mapahagikhik. Masyadong over naman ang tadhana. I mean, kailangan ba talagang on the same date na nahubaran siya saka pa siya kinagat ng langgam sa dibdib at magmistulang balat?
"Allison." Napatihaya ako nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Mama.
"Bakit po?"
"Nandiyan si Levi sa baba." Tugon niya dahilan para mapabalikwas ako ng bangon.
"Pababa ba po!" Sigaw ko saka mabilis na nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili. Baka ang dugyot ko na naman. Ewan ko ba pero simula no'ng isang araw na narealize kong ang mature na tingnan ni Rowan nahiya ako. Ang nene ko pa masyado tingnan at ang gaslaw ko gumalaw, parang hindi babae. Kaya ayon sinubukan kong magpakahinhin kahit konti.
Pagkatapos magsuklay ay bumaba rin ako agad. Nakita ko si Levi na nakaupo sa sofa at kinakausap ni Mama, si Papa naman ay nasa gilid lang at nanonood ng cartoons sa TV.
Napatayo agad si Levi nang makita akong papalapit sa kanila. "Ihatid ko na lang po ulit siya, Tita." Nakangiting sabi niya kay Mama.
"Sige. Ingat kayo ha?" Kahit medyo nagtataka ako kung saan pupunta, nagpaalam na lang din ako kina Mama at Papa saka sumunod sa labas.
"Tara?" Tanong ni Levi kaya nag-aalangan akong napatango.
"Saan po?"
"Diyan lang." Nginitian niya ako ulit kaya napangiti na rin ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto nang makarating sa waiting shed. Kung saan sa tingin ko nag-umpisa ang lahat. Napailing ako nang naalala 'yon. Kahit na matagal niya nang kaibigan si Rouie, dito lang kami nagkaroon ng unang interaction.
"Gusto mo ba ng pagkain?"
"Hindi na po," umiling ako. "Kumain na po ako sa bahay e." Naupo na lang kami sa upuan doon habang pinagmamasdan ang mga taong nasa kabilang parte ng kalsada.
"Kumusta na po pala?" Tanong ko saka siya nilingon. Hindi ko kasi siya nakausap buong araw kahapon kaya medyo bothered ako, lalo na dahil sa mga nalaman ko no'ng isang araw.
"Okay lang." Sagot niya saka napabuntong hininga.
Saglit kaming binalot ng katahimikan bago siya muling nagsalita.
"Naghihintay pa rin ako ng sagot mo, kahit alam kong impossibleng oo 'yon." Aniya kaya napabuntong hininga ako.
"Levi..." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Lalo tuloy akong nakokonsensya.
"Allison," hinarap niya ako saka tinitigan. Seryoso ang mga mata nito at mababakas ang sinseridad. "Gusto talaga kita."
Napakagat labi ako saka napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong isasagot kaya hindi na lang ako umimik.
"Bukas, hintayin kita dito. Ganitong oras din."
"Bakit po?" Takang tanong ko kaya napangiti siya. Minsan talaga ang weird niya.
"Hihintayin ko sagot mo. Kahit oo pa 'yon o hindi." Sagot niya saka ako pinisil sa pisngi.
"Sige na, gabi na. Hatid na kita sa inyo." Tugon niya saka tumayo. Napatayo na lang din ako saka tumayo at sumunod sa kaniya. Hinatid niya nga ako sa mismong tapat ng pinto namin at nagpakita rin siya kay Mama.
"Good night." Untag niya bago ako muling nginitian saka tinalikuran. Hinintay ko muna siyang makalayo bago humarap sa bahay.
Hindi pa nga ako nakakapasok sa pinto nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita si Rowan. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nandoon o ano.
"Anong ginagawa mo riyan?" Takang tanong ko lalo na at gabi na.
"Pwede ba kitang makausap?"
"Ha?" Napakamot ako sa ulo. Ano bang meron at ang dami yatang gustong makipag-usap sa akin. Alangan akong napalingon kina Mama, mukha namang naririnig niya pinag-uusapan namin ni Rowan kaya tumango-tango siya.
"Sige." Untag ko saka hinarap si Rowan. Napangiti siya nang marinig ang sinabi ko. Nagulat pa nga ako nang hinawakan niya ako sa kamay.
Ang lamig ng kamay niya kahit mainit naman ngayon.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang magsimula siyang maglakad habang hila-hila ako. Iniisip ko ngang sa waiting shed na naman, mabuti na lang at mukhang nabasa niya ang nasa isip ko at lumagpas kami ro'n. Dumiretso kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elementary school kung saan kami nag-aral noon.
Napangiti ako nang makita ang pamilyar na mini park kung saan kami madalas tumambay noong mga bata pa.
"Sandali! Sarado na rito at saka baka may multo." Tinawanan niya lang ako.
"Matanda ka na natatakot ka pa sa multo. Mas matakot ka sa buhay. Tara." Pagpapatuloy niya pero this time binitawan niya na ang kamay ko. Sa gilid kami pumunta sa may bakod.
Naexcite ako nang makita ang bakod na aabot lang sa leeg ko. Bumalik sa isip ko lahat ng mga pinaggagawa naming dalawa noon lalo na siya. Palagi 'yang nag-oover the bakod kapag late na para lang hindi masita ng guard. Pinagpupulot kasi ng basura kapag late aa flag ceremony e.
"Sandali! Hindi ako marunong umakyat!" Sigaw ko nang sasampa na sana siya. Sinimangutan ko siya. Kainis 'to, ang hilig mag adventure, idadamay pa ako.
"Madali lang 'yan, sampa ka sa 'kin." Saka siya yumuko sa lupa. Medyo naawkward tuloy ako. Nakashort lang pati ako. Maloloka na yata ako sa kabaliwan ni Rowan, jusme.
"Bilis na. Nilalamok na 'ko rito." Reklamo niya kaya napilitan akong tumuntong sa likod niya. "Ang bigat mo tae." Dagdag niya hanggang sa tuluyan akong makasampa.
"Hoy, hindi ako mabigat!" Sigaw ko nang makaakyat kami kaya agad niya akong sinenyasan na manahimik. Inirapan ko na lang siya bago tumalon sa kabilang side.
"Ang dilim." Napakapit ako kay Rowan matapos niyang makababa rito nang walang kahirap-hirap. Palibhasa matangkad siya at sanay sa mga ganitong gawain.
"Bakit ba nandito tayo?" Tanong ko habang naglalakad kaming dalawa. Ang higpit nga yata ng pagkakakapit ko sa braso niya dahil madilim. May mga ilaw naman pero feeling ko hindi pa rin enough 'yon.
"Para kang bata." Komento niya saka inalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Bakit nga kasi tayo nandito?" Pagala-gala ang mata ko sa buong paligid. Bali-balita pa man din na dating sementeryo ang mga elementary schools.
"Alas otso pa lang naman." Saad niya saka ako hinarap. Tumigil kami sa tapat ng Mathematics garden at naupo sa nag-iisang bench doon.
"Kahit na! Madilim." Tinawanan niya lang ako kaya mas umusog ako sa tabi niya.
"Naalala mo ba na palagi tayong naglalaro rito?" Napakunot noo ako dahil sa biglaang pagrereminisce niya.
"Wow ha? Kailangan bang dito tayo magkwentuhan? Ang creepy kaya rito!"
"Pero dito sa school na 'to tayo naging magkaibigan." Natigil ako sa pagrereklamo at tahimik na sumang-ayon. Dito kasi kami nagdaycare. Hindi ko masyadong naaalala mga nangyari bago magdaycare dahil bata pa ako pero naaalala ko naman 'yong mga kalokohan namin dito sa school.
"Naaalala mo ba no'ng Grade 8? Si Liam?"
"Liam? 'Yong nagpapadala sa akin ng love letter tapos biglang tumigil?" Tanong ko kaya natawa siya.
"Inupakan ko pa 'yon para tigilan ka." Gulat akong napalingon sa kaniya.
"Ang sama mo! Crush ko pa naman 'yon!" Tawa lang ang sinagot niya.
"Naiinis ako noon kapag 'yong mga kalaro ko sa basketball palaging tinatanong pangalan mo. Kaya minsan ayokong pumupunta ka 'pag nagpapractice kami." Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang magkukwento siya tungkol doon.
"Tinatakot ko rin ang mga nagtatangkang manligaw sa 'yo." Dugtong niya saka ako nilingon. Nakangiti siya at mababakas sa mga mata niyang masaya siya.
"At natutuwa ako kapag napagkakamalan nilang boyfriend mo ako." Ramdam ko ang pag-init ng mukha dahil doon. Geez, bakit ba biglang ganito siya? Hindi niya ba alam na kinakabahan ako?
"Sabi ni Kuya, itigil ko raw. Higit na mas nagtatagal daw kasi ang friendship kaysa sa relationship," nilingon niya ulit ako saka ko natitigan ang mga mata niya. "Pero sabi ko sa kaniya, kaya kong patagalin 'to."
"Ha? A-ano bang pinagsasabi mo?"
"Ang ganda mo." Sagot niya habang diretsong nakatitig sa akin ang mga mata niya. Lalo kong naramdaman ang pamumula ng mukha at ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Daig ko pa ang hinahabol ng kung ano kahit na nakaupo lang naman ako.
"R-rowan..."
"Wala namang point kung habang buhay kong pipigilan 'tong nararamdaman ko, Allison." Lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
Nginitian niya ako bago siya tumayo, "Tara na."
"Eh?" Nagsimula na siyang maglakad kaya nag-aalangan pa ako kung susunod ba o hindi. I mean, gano'n gano'n lang 'yon? 'Yon na 'yon? Hindi naman sa nag-eexpect ako ng something more pero ang weird niya.
"Hindi ka ba uuwi?" Tanong niya saka ako nilingon. Napakamot na lang ako sa ulo saka mabilis na naglakad. Dahil medyo nahihiya ako, nauuna na akong maglakad.
Nagulat lang ako nang maramdaman ang bigla niyang paghila sa akin dahilan para tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Saka lang nagsink-in sa akin ang nangyayari.
Yakap ako ni Rowan.
"Naririnig mo ba?" Mahinang tanong niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya.
"H-ha?" Hinawakan niya ang ulo ko saka lalong idinikit sa dibdib niya.
"Ito." Doon ko lang nagets kung anong ibig niyang sabihin. Saka ko lang napansing ang bilis nga ng tibok ng puso niya. Tulad ng sa akin.
"Ganiyan 'yan kapag kasama kita."
Geez. Masyado yata akong nawiwindang sa mga sinasabi at pinapakita sa 'kin ni Rowan ngayon. Hindi siya 'yong tipo ng tao na sweet kaya nakakagulat na ganito siya ngayon. Pakiramdam ko rin, sasabog na ang puso ko. Ramdam ko rin ang malilikot na paru-paro sa tiyan ko.
"Nabasa ko 'to noon. Ang sabi, A line indicates a limit." Rinig ko ang panginginig ng boses niya habang nagsasalita at yakap ako. Nagulat pa ako dahil nag-english siya pero hindi na lang ako umimik, ayokong masira ang moment.
"To maintain that boundary means to maintain the same familiarity. Ibig sabihin lang no'n na kapag gusto ng isa na humigit pa sa kung anong meron sila. One must cross the line."
Binitawan niya ako dahilan para matitigan ko ang seryoso niyang mga mata. Tipid niya 'kong nginitian, "Kung walang tatawid sa guhit na 'yon, walang mangyayari. Hanggang do'n na lang 'yon."
"R-rowan..." Untag ko kaya sinenyasan niya akong 'wag magsalita. Napakurap-kurap ako at sinunod siya. Hindi ako umimik at hinayaan na lang ang sariling nakatitig sa kaniya.
"At ayokong hanggang doon lang tayo, Allison. Kaya tatawid na ako sa linyang 'yon." Saad niya.
Naging mabilis ang pangyayari. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Dahil sa mga oras na 'to ay..
Nakalapat ang labi niya sa labi ko.
----------
Hindi ako pinatulog ng nangyari kanina. Lokong Rowan 'to. Hanggang ngayon nagwawala pa rin ang sistema ko.
"May sakit na yata talaga ako sa puso." Bulong ko sa sarili bago nagpagulong-gulong sa kama. Sabi niya pa, hihintayin niya raw ako bukas ng gabi sa bahay nila. Hindi ko alam exactly kung anong gimik niya kaya gulong-gulo ako.
Same time ba naman 'yong pagkikita namin ni Levi at 'yong pagpapapunta sa 'kin ni Rowan sa bahay nila.
Tinawagan ko si Krisha pero ang loka walang nasabing matino sa akin. Puro lang siya tili. Mas kinilig pa siya sa mga nangyari. Ako naman windang na windang pa rin.
Jusko. Baka tama si Krisha, ang haba ng buhok ko!
Ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung sino pupuntahan ko. Bakit ba kasi same time at same day? Balak ba talaga nila akong gipitin?
"Maloloka na yata ako." Muling saad ko saka napahawak sa labi ko. Hanggang ngayon, hindi ko lubos akalaing masasabi at magagawa 'yon ni Rowan.
Ngayon, siguradong mamomroblema ako kinabukasan kung anong gagawin.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    PascualAngel

    <3super gandaa

    04/12/2024

      0
  • avatar
    De GuzmanJenrel

    dhdjjjajjshdhd

    20/10/2024

      0
  • avatar
    MariaMonina De Jesus

    it's so good

    25/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata