Homepage/Undeniable Love/
Chapter 28
"So you mean, si Rowan 'yong palaging kachat mo at hindi si Levi?" Tanong ni Krisha kaya napatango ako. Dahil tapos na ang finals, pakalat kalat na halos lahat ng Grade 12 na gaya namin kaya nandito kami ngayon sa canteen at nagkukwentuhan.
Napailing-iling siya saka sumubo ng fishball na binili niya, "So? Naturn off ka kay Levi gano'n?"
"Hindi naman pero ang gulo kasi." Napasabunot na lang ako sa sariling buhok. Ang sakit ng utak ko kakaisip. Iniisip ko rin kasi kung paano kukomprontahin si Levi. Alam ko namang mabait siya, I mean kahit na may dual personality yata ang taong 'yon makikita namang mabuti siyang tao. Ang hindi ko lang magets, bakit nagsinungaling siya? Hindi naman pala siya 'yong Eren bakit sinabi niya sa 'king siya nga 'yon? At isa pa sa gumugulo sa isip ko, paano 'yong nakita kong mark sa dibdib niya? Ano 'yon? Coincidence lang na pareho silang may balat sa dibdib ni Rowan?
"Alam mo, Girl. Ganito lang 'yan e, gumaan lang ang loob mo kay Levi noong nalaman mong siya si Eren." Untag niya saka ako tinaasan ng kilay.
"Paano mo naman nasabi?"
"Basta. At isa pa, what if una pa lang alam mong si Rowan 'yong palagi mong kachat? Baka in a relationship na kayo agad. Sinasabi ko 'to sa 'yo as a friend ah? Pero ang bilis masway ng feelings mo. Minsan parang may gusto ka kay Levi pero minsan naman parang si Rowan ang gusto mo. Ano ba talaga? Sino ba talaga? Ano 'to? Sana dalawa ang puso mo?" Mahabang litanya niya. Hiningal pa siya sa sinabi niya kaya agad siyang napainom ng tubig.
"Hiningal ako ro'n." Komento niya habang tumatawa. Napabuntong hininga na lang din ako.
"So? Sino ba talagang trip mo? Si bff or si Levi?"
"Hindi ko alam." Sagot ko kaya nakatanggap ako sa kaniya ng isang malakas na batok. Nauntog pa ako sa mesa. "Aray! Ang sakit no'n ah!"
"Sorry," natawa siya saka hinimas hinimas ang ulo kong binatukan niya. "Ikaw kasi e."
"Ewan ko nga sa 'yo." Nakasimangot na untag ko kaya lalo siyang natawa.
"Ganito, may gusto ka ba kay Levi?"
"Hindi ko nga alam." Inirapan niya ako.
"Okay pagnilayan natin. Kinikilig ka ba kay Levi?" Sagot niya saka pa naglabas ng papel at ballpen. May kung ano siyang sinusulat doon.
"Oo naman. Sino namang hindi kikiligin. Siya 'yong tipo ng tao na handang magpakamais." Sagot ko habang inaalala lahat ng mga pick up lines niyang mais pero aaminin ko namang kinilig din ako kahit papaano.
"Kay Rowan ba kinikilig ka?"
Nagkibit-balikat ako, "Hindi naman kasi siya sweet. At isa pa, magbest friends kami 'no."
"Ayan na naman. Diyan ako nababadtrip e. P'wede bang sagutin mo nang maayos 'yong tanong ko? May gusto ka ba kay Rowan? Oo o hindi!"
"Galit ka ba?" Nakasimangot na tanong ko. Sino ba namang hindi matatakot, halos hampasin niya na ang mesa.
"Hindi. Ano ka ba," saka niya 'ko nginitian. "Sagutin mo na lang tanong ko. May gusto ka ba kay Rowan?"
Hindi ako umimik dahilan para balutin kaming dalawa ng matinding katahimikan. Nagsusukatan kaming dalawa ng tingin habang bahagya niya akong tinataasan ng kilay.
"Nag-gwapuhan ka ba kay Rowan? Tipong kahit anong gawin niya nagagwapuhan ka. Nadala ka ba sa mga mata niya? Minsan ka na bang napatitig sa mukha niya?" Sunod-sunod na tanong niya at hindi ko mapigilan ang sarili sa pag-imagine.
Habang binabanggit niya ang mga salitang 'yon, bumabalik sa isip ko lahat ng pagkakataong namamalayan ko ang sariling nakatitig kay Rowan.
Noon, hindi ko pansin lahat ng features niya pero ngayon, narealize kong magandang lalaki nga talaga siya.
"Titigan ka lang niya nacoconscious ka. Tapos 'yong heart mo ang bilis ng pintig. Naramdaman mo na ba'yon? Kinakabahan ka ba kapag nasa malapit siya?" Napatango ako nang wala sa oras. Si Krisha naman ay napangisi.
"How about kay Levi?"
"Okay lang. Masaya naman siyang kasama. Mabait tapos good boy ang datingan. Sabi niya magbabago siya and I think ginagawa niya naman." Sagot ko kaya napatango si Krisha.
"Sa tingin ko friend, nakikita mo lang si Levi as a friend. Nakikita ko ngang kumportable ka sa kaniya pero 'yong mga tingin mo kay Rowan iba. Para bang may something sa mga mata mo kapag siya ang kasama mo. Kulang na lang magtwinkle ang mga mata mo. So ano? May gusto ka ba kay Rowan?"
"Tingin ko nga." Nanlaki ang mga mata niya kaya tinakpan ko ang mukha gamit ang kamay. Siguradong aasarin niya lang ako.
"Akala ko hindi na tayo matatapos sa denial stage e." Komento niya saka inalis ang mga kamay kong nakatakip sa mukha. "Sa wakas!" Masayang sabi niya. Tinaas-baba niya rin ang kilay.
"So ano bang pumipigil sa 'yo?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.
"Si Levi. Tapos 'yong sinabi ni Rouie noong isang araw." Mahinang untag ko dahilan para mapairap siya.
"Ano ka ba? Edi tapatin mo 'yong tao! 'Wag mong paasahin dahil hindi niya deserve 'yon. Lalo na at ginagawa niya ang best niya para magbago at mapasaya ka." Inirapan niya ulit ako bago nagsalita, "At saka bakit ba break up agad ang iniisip mo? Bakit ang advance mo mag-isip? At wala namang rule ang nagsabing bawal magka-inlove-an ang mag best friend. Duh. Ano ba namang mindset 'yan."
"Krisha, iniisip lang siguro ni Rouie 'yong mga possibleng mangyari. Siguradong concern lang siya kapag may hindi magandang nangyari. At isa pa, mga bata pa kami."
"Anong bata pa? Sa bundok nga ganyang edad mo nakadalawang anak na." Pinandilatan ko siya ng mata. Tama ba namang ipasok ang gano'ng issue.
"So ano? Gusto mo naman pala si Rowan at gusto ka rin niya, bakit nagpapabebe pa kayo. Kawawa tuloy si Levi." Napailing-iling siya saka nagreklamong ubos na pala ang fishball na kinakain niya.
"Pero kasi..."
"Ano na naman? Si Levi? Aysus, edi kumprontahin mo kung ba't cinlaim niyang siya si Eren." Obvious na sagot niya bago nagpaalam na bibili lang ng maiinom. Naiwan naman akong lutang at tulala.
Hindi ko lubos maisip na magagawa kong aminin sa sarili 'yong nararamdaman ko kay Rowan. Ni hindi ko nga narealize na gusto ko na pala siya kung hindi lang siya nagloko at nangolekta ng girlfriend. Hindi ko man maamin pero epektibo naman 'yong pagpapaselos na ginawa niya.
Ngayon, mukhang kailangan ko na talagang kumprontahin si Levi.
----------
"Allison? Tara, uwi na tayo?" Napalingon ako kay Rowan saka umiling.
"Hindi muna. May pupuntahan muna ako." Sagot ko saka isinukbit ang bag sa balikat. Automatic na nangunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko.
"Saan? Samahan kita."
Napabuntong hininga ako, "Si Levi kasi..." Panimula ko habang inoobeserbahan ang reaction niya.
"Ah. Okay." Mabilis na sabi niya kahit na hindi pa ako tapos magsalita. Naiwan na lang akong nakatayo at tinitingnan siyang maglakad palabas ng room.
Gusto ko munang ayusin 'to. Tama naman si Krisha, hindi ko dapat pinapaasa si Levi. Noong isang araw pa namin napag-usapan ni Krisha ang tungkol dito pero ngayon lang nagkaroon ng time si Levi. Mukhang busy na rin kasi siya sa school nila.
Kinawayan ko si Krisha bago lumabas ng room. Hindi na ako nagulat nang makita si Levi sa gilid. Nakatayo siya roon at nakasandal sa pader. Nakasukbit din ang bag sa balikat niya. Napatayo lang siya ng maayos nang makita ako.
"Hi." Nakangiting bati niya saka ako sinalubong. Nginitian ko rin siya pabalik.
"Sorry. Busy ako nitong mga nakaraang araw." Untag niya kaya napatango ako.
"Ayos lang po 'yon. Mas gusto ko rin naman pong makita na nagfofocus ka sa studies mo." Nakangiting sabi ko kaya napangiti rin siya.
Naglakad kami ng ilang minuto bago nakarating sa labasan. Sa bandang unahan kasi ng school ay mayroong park. Although bihira akong magawi rito dahil ginagawa lang namang dating site ng mga estudyante, wala kaming ibang choice. Ayaw na naming lumayo. Nagpromise din ako kay Levi na konting oras lang ang hihiramin ko.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang mga food stall na nasa gilid.
Umiling ako, "Hindi na po."
"Sure ka ba? Okay lang naman kahit malate ako saglit." Sinulyapan niya rin ang wrist watch na suot.
"Baka next time na lang po tayo mag-usap? Ayoko naman pong abalahin kayo."
"Okay lang." Nginitian niya ako saka pinisil sa pisngi. Napabuntong hininga na lang ako. No'ng chinat ko kasi siya noong isng araw para itanong kung may free time siya um-oo agad siya. Ni hindi niya sinabing busy siya sa school kaya kahit humindi ako, wala na akong magagawa. Siya pa ang nagsabing susunduin ako sa labas ng room. Aniya'y mayroon siyang oras pagdating sa akin.
"Ano pala 'yong gusto mong itanong?" Napaiwas ako ng tingin saka bahagyang napakamot ng ulo.
"Pwede naman po kasing next time na lang. Promise. Hindi naman po gaanong importante..."
"Okay lang. Nandito na tayo o. Kaya sabihin mo na kung ano man 'yon." Napabuntong hininga na lang ako. May choice pa ba ako? Kaysa naman masayang sa wala 'tong oras niya.
"Ikaw po ba talaga si Eren?" Natigilan siya nang marinig 'yon. Mukhang hindi niya inaasahan kung anong sasabihin ko. "Gusto ko lang pong malaman 'yong totoo."
Nag-iwas siya ng tingin saka isinilid ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. Natawa siya ng mahina, "Mukhang alam mo na ang sagot, hindi ko na yata kailangang magsinungaling pa." Tugon niya dahilan para mapasingap ako.
"Levi..."
"Hindi ako 'yon. Sa tingin mo, anong dahilan kung bakit hindi ako umiimik kapag nagsasalita ka tungkol sa chat?" Natawa ulit siya, iniiwas niya ring matingnan ako. "Nahihiya akong tingnan ka." Dagdag niya.
"Bakit naman..."
"Pinakiusapan lang ako ni Rowan, pinatulan ko lang dahil nagbabakasali akong mapalapit sa 'yo kasi unang beses kitang nakita, nagustuhan agad kita. Suntok sa buwan ang mapalapit sa 'yo." Nagkibit balikat siya saka na naman natawa. "Ah. Nakakahiya." Pinagmasdan ko siyang mapatingala na para bang sising sisi siyang nagsinungaling sa akin.
"Maiintindihan ko naman kung galit ka." Tugon niya saka ako nilingon. Sa unang pagkakataon, nakitaan ko ng lungkot ang mga mata niya. Ramdam ko ring dismayado siya pero hindi ko alam kung saan.
"Hindi naman po ako galit." Sagot ko kaya napangiti siya. Taliwas 'yon sa sinasabi ng mga mata niya.
"Allison," nilapitan niya ako saka hinawakan sa magkabilang balikat. "Alam ko namang napalapit ka lang sa 'kin dahil sa pagpapanggap ko kaya ayoko sanang umamin pa. Baka magbago ang isip mo pero tama naman sila. Walang sikretong hindi nabubunyag." Natawa siya pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Hinila niya ako palapit sa kaniya bago niyakap. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakadikit ang ulo ko sa bandang dibdib niya.
Hindi ako makagalaw o makapagsalita. Hindi ko alam kung anong irereact.
"Sorry. Nahihiya lang ako." Rinig kong bulong niya. "Gustong gusto kita, Allison. Ayokong isipin dahil masakit pero alam kong nagustuhan mo lang ako dahil sa thought na ako 'yong Eren. At mas nakakalungkot dahil alam kong tapos na 'yon."
Bumitaw siya sa yakap saka walang pasabing tumalikod at naglakad palayo. Naiwan akong tulala at pinoproseso lahat ng mga sinabi niya. Speechless ako.
Naupo ako sa gilid habang ulit-ulit inaalala lahat ng sinabi ni Levi. Sa ganitong pagkakataon, gusto kong magkaroon ng power o kakayahan para basahin kung anong tumatakbo sa isip niya.
"Allison," napaigtad ako nang marinig ang boses ni Rowan. Naglalakad siya palapit sa akin. Mabilis akong napatayo saka sinubukang ayusin ang sarili.
"K-kanina ka pa ba nandiyan?" Tanong ko habang iginagala ang paningin sa paligid. Hindi ko na nakita pa si Levi, mukhang bumalik ulit siya sa school.
"Oo." Tipid na sagot ni Rowan kaya napayuko ako. Ngayong nandito siya, lalong nabibigyang linaw ang utak ko. Pakiramdam ko, tama si Krisha. Ang bilis kong madala.
"Nag-away ba kayo?" Tanong niya at sa tagpong 'yon, alam kong nakita niya kung anong nangyari.
"Rowan."
"Bakit?"
Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita, "Ikaw ang nakakita, may balat ba si Levi sa dibdib?" Halata ang pagtataka sa mukha niya dahil sa weird na tanong ko, mabuti na lang at sinagot niya pa rin naman.
"Wala. Kagat ng langgam lang ang nakita ko." I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
<3super gandaa
04/12/2024
0dhdjjjajjshdhd
20/10/2024
0it's so good
25/07/2024
0Tingnan Lahat